logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2 Fateful Encounter

Ang malumanay na tugtog ng plauta ko ay nagpatianog kasabay ng ihip ng hangin. Tila nakikinig ang gubat sa bawat nota at yabag ng mga paa ko. Sabay sa saliw ng musika ang banayad na pagsayaw ng mga sanga at dahon pagtapos ay ang pagkalagas nito.
Nakapikit man ang mga mata ko ngunit alam ko naman kung saan ako tutungo.
Paika-ika kong iginiya ang sarili ko sa puso ng kagubatan.
Ito ang mundo ko, dito ako sinilang at malamang ay dito rin ako mamamatay.
"Lumapit ka, pakiusap," bulong ko sa sarili, at hindi pa nagtatagal ay narinig ko ang pagpagaspas ng mga pakpak niya.
Idinilat ko ang mga mata ko at tumingala.
"Dumating ka nga!" Tawag ko sa kaniya na may halong pagkasabik.
Isang peal call ang pinakawalan niya bilang tugon sa akin - iyon ang tawag sa eagle cry.
Pinagmasdan ko kung paano siya dahan-dahan at maingat na dumapo sa sanga ng punong nasa tapat ko lamang.
"Akala ko ay hindi ka na babalik pa-" napahinto ako nang sa paghakbang ko ay nadurog ng mga paa ko ang malulutong na dahon.
He fidgeted due to the sudden noise.
Huminga ako ng malalim atsaka umupo sa lupang nakukumutan ng tuyong dahon.
Malapit na matapos ang taglagas. Balot ng matingkad na kulay pula ang kagubatan at natatakpan ang lupa ng makapal na tambak ng namumulang dahon.
Tila kahapon lang noong namumukadkad ang mga bulaklak, mayabong ang mga punong kahoy at halaman - noong kulay berde pa ang bihis ng kagubatan.
Tila nagising naman ako sa katotohanan ng bigla niyang ihilig ang ulo na tila nagtataka.
Natigilan ako atsaka napangiti.
Tila mas lalong nagtaka ang agila sa ginawa ko.
"Masaya akong bumalik ka dito, akala ko talaga ay umalis ka na. Nag-aalala ako dahil hindi pa magaling ang sugat mo," sabi ko at akmang itinaas ang kamay ko para kunyaring abutin siya. Ngunit, napaatras siya sa maliit na galaw na iyun.
Napahinto ako at ikinuyom ang kamao ko atsaka napayuko.
"Naiintindihan ko..." Bulong ko habang tinitigan ang mga pulang dahon.
Tila isa itong salamin na pinapakita sa akin ang repleksyon ng mga mata ko. I have the same color for my eyes and hair. They are the shade of blood.
Sabi nila ang pula daw ang simbolo ng buhay. It represents life for it is associated with blood. Pero, ito rin ang kulay ng taglagas, ang kulay ng mga mata ko, at ng mga mata ng agilang ito ilang araw lang ang nakakaraan.
They are all in the verge of dying.
Pinagmasdan ko ang pigura ng agilang nasa harap ko. Nagawa ko mang isalba ang kanang pakpak niya mula sa tuluyang pagkabali ay hindi ko nagawang pagalingin ang kaliwang mata niya.
Ngayon, ang kanan niyang mata ay pula ngunit ang isa ay naging kulay abo.
Grey ashes will be the only thing left after you extinguished a fire.
Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko.
"Siguro kung naisalba ko ang lahat sa iyo ay hindi ka magiging ganito kailap sa akin," pagkausap ko sa kaniya.
Naniniwala ako na ang mga hayop, gayundin ang mga halaman at elemento sa mundo ay may buhay. They can hear us, and understand humans.
"Ako si Senichi, sabi ng inay ko ang ibig sabihin ng pangalan ko ay imortal at walang hanggan," pagpapakilala ko sa sarili ko.
"Nakakatawa hindi ba? Pinangalanan niya ako ng ganito para daw pakiusapan ang mga dyos na isalba ako. Nakikita mo naman, tulad mo, hindi na ako magiging katulad ng iba. Pinanganak akong pilay ang isang paa at hindi ko mailakad ng tuwid. Bukod pa doon, sabi ni inay mahina raw ang puso ko. Hindi magtatagal ay hihinto din ito sa pagtibok. Sa loob ng gubat na ito at sa tuktok ng bundok, imposibleng magtagal ang tulad ko," paliwanag ko sa kaniya.
Tila naman nakikinig siya sa kwento ko at sinusukat ang katotohanan niyun.
"Kaya naman pangarap ni inay na makababa sa bundok na ito. Balang araw daw bibigyan niya ako ng maayos na buhay, iyung hindi na ako mangangamba na isang araw ay mawawala na ako. Balang-araw daw mahahanap namin ang ama ko. Pero sa tutoo lang? Dapat pala hindi na kami bumaba sa bundok na ito," sambit ko atsaka naramdaman ang pamumoo ng luha sa mga mata ko.
"Ikaw? Gusto mo pa bang bumalik sa -" naputol ako ng bigla siyang tumalon pababa at tumayo sa harapan ko.
Napapikit ako dahil sa takot at sa pag-alimbukay ng mga dahon.
Tila tinawag niya ako gamit ang tunog ng iyak niya.
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at binati ako ng sa kaniya.
We have the same shade of red eyes.
And in that mystical moment I felt something.
"Hisa..." Narinig ko na lamang ang tinig ko na sinambit ang pangalang iyun.
Napangiti ako.
"Hisa...iyun siguro ang pangalan mo. Katulad ko, ang ibig sabihin niyun ay imortal," bulong ko sa kaniya.
Ibinuka niya ang mga pakpak niya atsaka lumipad paitas at umikot sa tuktok ng mga punong kahoy.
Akmang inabot ko siya.
"Sana makita kita sa walang hanggan ko, Hisa."

"Senichi!" Napatigil naman ako sa paglalakad ng marinig ko ang tawag sa akin ni inay mula sa bahay namin.
"Hisa! Magtago ka bilis!" Sabi ko sa kaniya na nakasunod sa akin.
Sumunod naman siya at agad na lumipad palayo - papasok sa gubat.
Siguro ay may pugad siya doon. Ang mahalaga naman ay ligtas siya dito kasama namin.
"Senichi! Sino ang kausap mo diyan?" Narinig ko na naman ang pagtawag ni inay sa akin.
Nagmamadali akong pumasok sa bahay at sinalubong ako ng nag-aabang na inay ko.
"Ah! Inay, bakit nakabangon ka? Baka mapwersa ka niyan," sabi ko sa kaniya at agad na tumabi sa kaniya.
"Iniiba mo ba ang usapan, Senichi?" Sagot niya atsaka ginulo ang buhok ko.
"Inay! Hahahaha! Huwag niyo nga po ako kilitiin!" Sabi ko sa kaniya na ngayon ay yakap-yakap na ako.
"Mukhang ginagabi ka sa paglilibot sa gubat. Ano ang pinupintahan mo doon?" tanong niya sa akin.
Lumingon naman ako sa ibang direksyon para hindi niya ako mahalatang may itinatago.
"Wala inay, kumukuha lang ako ng mga halamang gamot," sagot ko.
"Hay naku, hindi mo na kailangan magsinungaling sa akin, Senichi. Kilalang-kilala kita. May inaalagaan ka na namang hayop hindi ba?" Sambit niya na nabisto ang sikreto ko.
"Paano mo nalaman inay?!" Gulat na tanong ko.
"Hahahahaha! Nagmana ka kasi ng ama mo - parehas kayong hindi magaling magsinungaling. Atsaka alam ko na hindi ka makatiis kapag may nakikita kang sugatang hayop," sabi niya atsaka niyakap ako ng mahigpit.
"Amoy araw na naman ang buhok mo anak. Siguro nagpunta ka na naman sa tuktok ng bundok?" Bulong niya sa akin.
"Tama ka nga inay - kilalang-kilala mo nga ako. Pero kung ganun dapat alam mo na sa iyo ako nagmana. Ikaw lang ang magulang ko," sagot ko atsaka niyakap pabalik si inay.
Napabuntong hininga siya pero hindi na nakipagtalo pa, imbes ay hinaplos niya ang buhok ko ng dahan-dahan.
"Ikuwento mo naman sa akin kung anong nakita mo doon sa tuktok," Paki-usap niya na tila hindi nagsasawa sa paulit-ulit kong kwento.
"Sa tuktok ng bundok, makikita mo ang lahat inay. Nandoon ang malawak na kapatagan at matatanaw mo pati ang kanayunan. Tapos nakita ko ang mataas na pader at sa kabila niyun siguro ang bayan at ang palasyo. Ang daming matatanaw mula dito inay," sabi ko sa kaniya atsaka kumalas sa yakap niya.
"Tama ka anak, malawak ang mundo, at balang araw gusto kong makita mo ng malapitan iyun," sambit niya.
Naglaho ang ngiti ko atsaka tinignan si inay ng diretsyo sa mga mata.
"Inay, patawarin mo ako. Dahil pinanganak akong ganito...dahil sa akin. Dapat hindi na tayo bumaba sa nayon, sana...sana hindi ka-" pero pinutol niya ako sa pagsasalita.
"Anak, hindi ako papayag na mawala ka sa akin ng ganoon lang. Kakayanin nating dalawa. Huwag mo na intindihin si inay," bulong niya sa akin.
"Pero inay, ang sakit sa puso. Sana dito na lang tayo. Pero ngayon...ngayon kailangan ulit natin bumalik doon. Natatakot ako inay. Sa malayo...sa malayo mas maganda ang itsura ng mundo...pero kapag lumapit tayo doon..." Naramdaman ko na lamang ang paghaplos ni inay sa pisngi ko na dinadaluyan na pala ng mga luha ko.
"Hindi mo na ba naaalala iyung lagi kong sinasabi sa iyo?" Tanong niya sa akin na may ngiti sa labi.
"Ang pusong mapaghiganti..."
"...ay hindi na magagawang humakbang pa muli."

"Hisa! Hisa!" Tawag ko sa pangalan ng agila habang naglalakad sa gubat.
Isang linggo na rin ang nakalilipas simula noong mahanap ko siya dito. Siguro ay papagaling na rin ang mga sugat niya.
Napatingala ako nang marinig ang peal call niya.
Paikot-ikot siyang limilipad sa ere na tila sinasabihan ako na sumunod sa kaniya.
Parang kahapon lang noong halos hindi na siya humihinga. Bali ang pakpak niya at puno ng sugat. At sa kaliwa niyang mata ay may nakatusok na palaso.
"Hintayin mo ako Hisa! Hindi mo pa dapat pwersahin ang katawan mo!" Sigaw ko sa kaniya. Ngunit tila wala siyang pakielam at dire-diretsyong lumipad palayo.
"Hisa!" Tawag ko sa kaniya habang hinahabol siya gamit ang iika-ika kong paa.
Ang malamig na simoy ng hangin ang humahaplos sa balat ko habang tumatakbo.
Hindi ako mabilis o malakas. Pero kilala ko ang gubat na ito kahit pa nakapikit pa ako. Dahil ito ang mundo ko sa loob ng labing anim na taon.
"Hisa!" Sigaw ko ng matanaw ang pigura niya. Ngunit agad akong napapikit dahil sa liwanag na sumilaw sa akin.
Dahan-dahan akong dumilat at tinanaw ang lawak ng lupain sa ibaba.
"Ang...mundo," bulong ko at nakaramdam ng kirot sa puso ko.
Tama, hindi ang bundok na ito o ang gubat na ito ang mundo...kumpara sa lawak ng katotohanang nasa harapan ko na pilit kong tinatakwil ay wala itong halaga.
Lumingon ako kay Hisa at nakita kung paano nasalamin ng mata niya ang mundo sa ibaba.
Tila pinagmamasdan ko ang sarili kong mga mata.
Oo nga pala, hindi ko katulad si Hisa. Nakita na niya ang mundo. Naranasan na niya maging malaya. Ako? Bakit ko nga ba itinatanggi ang lugar na iyun? Bakit nagpapalamon ako sa takot at pagsisisi?
Iba na ngayon ang dahilan ko para bumaba doon. Hindi na lang para sa akin, kung hindi para kay inay.
"...Kailangan kong iligtas si inay," bulong ko atsaka napapikit ng mariin.
Hisa...gugustuhin mo pa rin ba na bumalik sa mundong iyan, kung ang tanging binigay nila sa iyo ay sakit at hirap?
Malamang ay oo ang isasagot niya sa akin, dahil may pangarap kaming dalawa...ang maging malaya balang araw.
"Hisa, kapag magaling ka na, pwede ka na ulit-" naputol ako sa sinasabi ko nang makarinig ng kaluskos hindi kalayuan kung nasaan kami.
"Hisa! Magtago ka, bilis!" Utos ko sa kaniya. Naramdaman siguro niya ang pagkabalisa ko kaya agad siyang sumunod.
Kumakabog ang dibdib ko.
Hindi iyun isang uri ng hayop, dahil maingat ang hayop sa mga kilos nila, pero ang isang ito...
Kahit na umi-ika ay nagmamadali akong tumakbo para tignan kung sino iyun.
Hindi maaaring may maka-abot sa lugar na ito.
Wala pa kahit na sino ang naka-akyat sa Tori mountain dahil sa mga mapanganib na hayop dito. May mga ruta na kung saan maiiwasan sila pero imposibleng malaman nila iyun dahil hindi sila sanay sa bundok na ito. Bukod pa doon, balot ng misteryo at nakatatakot na kwento ang lugar na ito.
Kung ganoon, sinong nagtangkang umakyat dito? Hunters? Pero ang kaluskos na narinig ko ay hindi mula sa malaking grupo ng tao.
Agad kong nahanap ang puno kung saan ako dati nagtatago noong bata ako. Butas ang loob niyun at may espasyo para magtago. Mula sa maliit na butas ay sinilip ko kung saan nanggagaling ang kaluskos.
"Ha...Ha...Ka-kailangan ko..." Nanlaki ang mata ko at napanganga ng makita ang isang batang babae na biglang bumulagta.
Lumabas ako mula sa tinataguan ko at agad na tumakbo papalapit sa kaniya.
Tinanaw ko ang paligid ko para makasigurado na walang nakasunod.
"AAAAH!" Napasigaw ako ng biglang may tumalon mula sa likod ng puno.
Napahawak ako sa dibdib ko at napabuntong hininga.
"Cane toad...akala ko kung ano," sabi ko sa sarili ko atsaka tuluyang nilapitan ang babaeng puno ng sugat at pasa sa katawan.
Hinawi ko ang buhok na nakatabing sa mukha niya.
"Dumudugo ang ilong niya!" Natatarantang sambit ko at agad na binuhat siya.
Dahan-dahan. Hanggang sa maka-abot kami sa bahay.
Mukhang wala namang nakasunod sa amin. Pero iyun mismo ang hindi ko maintindihan. Halos ka-edad ko lang siya base sa itsura niya. Paanong ang batang babae na ito ay nakarating sa tuktok ng bundok Tori ng mag-isa?
Sino ba ang babaeng ito?

"Huwag kang mag-alala anak, ligtas na ang buhay niya. Pero, kailangan niya magpahinga nang gumaling ang mga sugat niya," sabi ni inay sa akin na dahil kanina pa ako hindi mapakali.
Napahinto ako at tumingin sa babaeng ngayon ay balot na ng benda at nakahiga sa kama.
"Alam ko inay. Hindi lang ako mapakali sa kakaisip kung paano siya naka-akyat dito mag-isa," Sabi ko na napapa-isip.
"Nagulat nga din ako ng dalhin mo siya dito. Akala ko ay isa na namang hayop na sugatan pero isang tao pala," pagsang-ayon ni inay.
Hindi siya mukhang naligaw lang. Bugbog man ang laman niya at maraming mga galos at sugat pero halatang lumaban siya. Pero paano? Wala kaming nahanap na kahit anong armas sa kaniya. Nilabanan niya ba ang mga mababangis na hayop sa gubat ng walang sandata?
Kung iyun nga ang nangyare...may tyansa akong-
"Anak, maraming salamat," napatigil ako sa pag-iisip ng marinig si inay na tinawag ako.
"Para saan inay?" Tanong ko.
"Dahil ginawa mo ang tama," sabi niya.
Nakaramdam ako ng kurot sa puso ko.
"Alam ko kasi na kung ikaw man inay ang nandoon, iyun din ang gagawin mo," sagot ko sa kaniya.
Nagpapasalamat ako sa inay, hindi ako lalaki ng ganito kung hindi dahil sa kaniya.
"Tama lang ang ginawa mo anak, at pinagmamalaki kita," sabi niya at ngumiti sa akin
Ngumiti din ako pabalik kay inay atsaka siya niyakap.
"Pero, alam mo, maganda siya. Siguro kaya mo siya dinala dito," pang-aasar niya.
"Inay!" Namumula kong saway sa kaniya na sinagot niya ng halakhak.

"Senichi! Senichi!"
Narinig ko mula sa bahay ang sigaw ni inay.
Nailaglag ko ang mga halamang gamot na kinuha ko.
Kumabog ng mabilis ang dibdib ko.
"Inay! Anong nangyari?!" Sigaw ko nang buksan ang pintuan.
"Anak! Gising na siya!" Nanginginig pa ang mga tuhod ko ng makita ang inay na nakangiti sa akin at sa tabi niya ang babaeng isang linggo lang ang nakakaraan ay nakaratay sa kama.
"Ikinagagalak ko na makilala kayo," sinundan ito ng pag-ubo niya.
"Ako si Arima Fumiko (coughing) Ikinuwento sa akin ni Miss Hayami ang ginawa mong pagtulong sa akin. Utang ko sa iyo ang buhay ko, sir..." Sabi niya at inihilig ang ulo niya na tila tinatanong ang pangalan ko.
Nakanganga pa rin ako sa pintuan dahil sa pagkabigla.
"Ehem! Anak, tinatanung ka nung binibini, sumagot ka ng maayos," pang-aasar na naman ni mama, dahilan para mamula ang pisngi ko.
"Fujinaga Senichi. Huwag mo na intindihin iyun, ginawa ko lang ang dapat gawin," sagot ko at inabot ang kamay niya na nakalahad para makipagkamay.
Tinignan ko ang mukha niya pero tila walang ekspresyon. Walang bahid ng emosyon sa kaniya.
"Fumiko, siguro gutom ka na dahil ilang araw ka rin walang malay. Buti na lang magaling magluto ang anak kong si Senichi kaya sigurado akong mabubusog ka!" Pagmamalaki sa akin ni mama.
"K-kung ganoon, lalabas na muna ako para kumuha ng panggatong," sabi ko atsaka lumabas ng bahay.
Kailangan ko makabalik agad dahil papalubog na ang araw.
Sa pagpasok ko sa gubat ay nakita ko na nag-iintay sa akin si Hisa. Pero wala siya sa sanga kung hindi nasa lupa.
Nakatitig siya ng maigi sa isang palaka.
"Hisa! Huwag mong kainin iyan!" Sigaw ko sa kaniya at sinipa ang cane toad palayo.
"Nakakalason iyun, kapag nakakain ka ng laway niyan magsisimula ka mag hallucinate," saway ko sa kaniya.
Tinignan lang naman niya ako ng diretsyo sa mga mata ko.
"Hisa, pasensya ka na kung iniwan kita bigla. Nagulat lang ako kanina dahil sa-"
"Iyan ba ang spirit animal mo? Parang nakita ko na siya dati."
"AAAAH!" sigaw ko at napalingon sa nagsalita sa likuran ko.
Agad namang lumipad papalayo si Hisa.
"(Coughing) Nagulat ko ba kayo?" Tanong ni Fumiko.
Napabuntong hininga ako dahil muntik na tumalon ang puso ko akala ko ay kung sino iyun.
"Pasensya ka na, ganun lang talaga si Hisa. Mukhang mayroon pa rin siyang trauma mula sa nangyare sa kaniya," sagot ko.
"(Coughing) Nangyare sa kaniya? Parang pamilyar nga ang agila na iyun," sagot niya.
Napatigil naman ako sa sinabi niyang iyun.
"Ah...oo nga pala, ayos ka na ba talaga Fumiko? Napansin kong umuubo ka pa rin. Dapat siguro bumalik ka sa bahay para makapagpahinga pa-" pero hindi na niya pinatapos pa at tumingin sa akin ng seryoso.
"Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa (coughing) sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit mo ako niligtas," diretsyang tanong niya sa akin.
Napalunok ako.
"Dahil iyun ang tamang gawin," bulong ko atsaka yumuko.
"(Coughing) sabi ko sayo huwag ka na magpaligoy-ligoy. Sabihin mo sa akin ang (coughing) tutoo. Ano ang habol mo noong iniligtas mo ako?" Tanong niya ulit.
Napakuyom ang kamao ko.
Tama siya, hindi na ako dapat magpaligoy-ligoy.
Tinignan ko siya diretsyo sa mga mata at may seryosong ekspresyon.
"Sabihin mo sa akin Fumiko, saan ka nagmula?"

"Tikman mo na Fumiko. Sigurado ako magugustuhan mo iyan," sabi ni inay at pinanood ang unang pagtikim ki Fumiko sa niluto ko.
Sa ilang segundo ay tila nakita ko na nag-iba ang ekspresyon niya mula sa walang emosyon papunta sa pagkagulat, pero agad din itong nawala.
"Masarap nga po ito," sagot niya kay inay na ngayon ay nakangiti sa akin ng malaki.
Ngumiti ako ng kaunti atsaka tinignan ulit si Fumiko.
Ngayon, panigurado ako na wala na akong dapat ikatakot. Magiging posible na ang pangarap ni inay.

Book Comment (30)

  • avatar
    Chariz Pantinople

    I like it 😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😊😊😊😊😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄

    18/06

      0
  • avatar
    PintangAeron juls

    eieueuevfvjhygtrrttsfmtitttyufdugdfitjreuehrhrhhrjrjriri4i4ieirirjrrjrjrheu2iro2shsb29 736bzuu3t8wyeieteieeieroeyiedhisoeyerrreruwiwrwieyieteiwyeueyeuehfjrrfeiirurueyro3hrteururieurririrruei3ieieueueieu3eeeeee3kehgriegrieheoehiehrieueuejejuejejeueeeuhehegeoegejeheh gdiftrdyxyfyfbb j4vrj3hrurhru4u3638ef38 yzvei3ye83y2ihr 7272yieuruevr92y38e48ehriri3u39eyeugeieryieye84ye0eyeueuuehe8ueueurheiegeuehrururururhrururfrurhrheiehrheugeheiegehieuehegeigeieyeueieueyioougiugufuguuyufututugyfutytyii33rrrerer

    05/06

      0
  • avatar
    sosoOussama

    good 🏅🥇

    05/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters