logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3: The Strange Guy

Dahan-dahan kong ibinaba ang lalaki sa kama ko na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Inusog ko siya ng kaunti para makahiga siya ng maayos. Ramdam ko pa rin ang aura niya kahit subrang hina na nito.
Pinagmasdan ko ang lalaki na ngayon ay maayos ng nakahiga sa kama ko. Bakit ko nga ba ito dinala dito? Lumapit ako sa kanya ng bahagya upang hawiin ang buhok na tumatabon sa nakapikit niyang mata. Nagulat ako nang makita ko ang kabuohan ng mukha nito, napakaamo niya tingnan, siguro mabait 'to.
Makapal ang pilik mata niya, matangos ang ilong, at bahagyang mapula ang labi. Walang kahit na anong sugat na makikita sa mukha niya, samantalang nang tingnan ko ang katawan nito ay punong-puno ng sugat.
Tinanggal ko ang punit-punit niyang cloak  at bumungad sa harap ko ang kulay itim nitong suot na nakakapagtakang walang kahit na isang sira at butas. Saan naman kaya nanggaling ang mga sugat nito at ganito karami? Tsaka paanong hindi man lang nasira ang damit niya, may nakalagay kayang spell dito?
Napahinto ang mata ko sa markang nakatatak sa damit sa bandang braso ng lalaki, isang dragon. Itim na damit at may markang dragon? Ang cool!
Bago pa man ako ma-amaze sa mga simpleng bagay mabuti pang gamutin ko na muna ang mga sugat ng lalaking 'to. Kinuha ko ang ilang halamang gamot na nasa lalagyan, mga gamit 'to ni tanda na naiwan niya nang umalis siya. Mukha namang hindi na niya 'to gagamitin.
Sinimulan kong gamitin ang kaunting kaalaman na natutunan ko kay tanda pagdating sa paggagamot. Hindi ko alam kung tama nga ba ang ginawa ko pero kahit papaano naman ay unti-unting naghilom ang mga sugat nito nang lagyan ko.
Naupo ako nang malagyan ko ng gamot ang lahat ng sugat niya. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nagising siya? Tatakbuhan din kaya niya ako tulad ng mga taga dito? Matatakot din kaya siya sakin?
Napabuntong hininga na lang ako sa naisip, kasabay ng biglaang pagtunog ng tiyan ng lalaki. "Mukhang kailangan kong magluto."
Tumayo ako para maghanda ng makakain, pero natigilan ako nang bigla na lang lumakas ang aura ng lalaki, palakas ng palakas ng palakas hanggang sa unti-unting humina at bumalik sa normal. Nang lumipas ang halos isang minuto na wala ng ibang nangyari ay nilapitan ko ito para matingnan kung ayos lang ang kalagayan nito.
Wala namang bago bukod sa itim na bagay na gumapang patungo sa braso nito galing sa mga palad niya. Tama ba talagang dinala ko ang lalaking 'to dito? Paano kung mapanganib pala siyang tao? Mabuti pa siguro kung ibalik ko na lang siya sa Deisn Wood tutal maayos na din naman ang kalagayan niya— Oh no! It's too late.
"Nasaan ako?" Tanong nito sa sarili nang magkaroon ng malay, inilibot nito ang paningin hanggang sa bumaling ito sa direksyon ko. My eyes widened the exact moment his eyes met mine. Anong gagawin ko? Anong gagawin niya?
Sa pangalawang pagkakataon sa araw na 'to ay hindi na naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit ba napakapanganib ng mga nakakasalamuha ko ngayon?
"Yo!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, bigla siyang umupo at tumingin ng maayos sa 'kin saka ngumiti, 'yong ngiting para bang walang nangyari sa kanyang masama samantalang halos mamatay na siya kanina dahil sa dami ng sugat. "Hindi ko alam kung sino ka, pero may pagkain ka ba? Nagugutom na kasi ako eh."
"H-Huh?" Teka lang sandali ah, hindi niya ako aatakehin? Hindi siya sisigaw or what? Pagkain talaga unang pumasok sa isip niya without mentioning the life he almost lost? What's with this guy?
"Ang sabi ko kung may pagkain ka dahil guto—"
"Narinig ko!" Putol ko sa sinabi niya, halos napasigaw na ako dahil sa subrang pagkainis.
"Eh bakit tinanong mo pa?" Woah, woah! Put some manner here please. Una akala ko mabait 'to dahil sa amo ng mukha niya kanina tapos akala ko naman mapanganib siya dahil biglaang paglakas ng aura niya at doon sa itim na bagay na nakita ko sa palad niya. Pero ngayon, mukhang mali ako at walang ni isang tumama sa mga akala ko.
"Tinanong ko ba?" I asked sarcastically, well, I don't remember that I did.
"Hindi ba?" Tanong nito sa sarili niya saka nag-isip at napatingala pa sa kisame, "hindi nga, pero may pagkain ka?" Argh! Okay, I give up! Mukhang hindi ko kakayaning kausap ang isang 'to.
"Dumeretsyo ka do'n," turo ko sa daan patungong kusina, "teka baka hindi pa magaling 'yon—" kusa akong huminto sa pagsasalita nang tumakbo ito patungo sa kusina, wala akong nagawa kung hindi ang sundan ito. Ang bilis niya naman atang gumaling?
"Ah ngwa pla slmla—"
"LUNUKIN MO MUNA 'YANG KINAKAIN MO, BAGO KA MAGSALITA!" Sigaw ko dito na kinagulat ko, now I did it!
Napalingon ako sa lalaking walang tigil sa pagkuha, subo, nguya, at lunok ng pagkain na para bang isang taon siyang hindi nakakain. Wala siyang pakialam kung umaabot na sa pwesto ko ang
"Aaah, that was good! Salamat sa pagkain!" Uminom ito ng tubig bago lumingon sa'kin. Naglakad ako patungo sa harapan niya at naupo sa isang upuan.
Nabalot ng katahimikan ang buong paligid na para bang walang may balak na magsalita sa'min, mag-uumpisa na sana akong magsalita nang bigla na lang siyang tumawa ng malakas habang nakatingin sa'kin. Anong nakakatawa? Baliw ba 'to?
"Anong nakakatawa?" Taas kilay kong tanong kaya huminto siya. Hindi naman siguro masamang magsungit kahit minsan 'di ba? Because to be honest, I can't take this guy anymore.
"Mukha ka kasing estatwa, hindi ka sanay makipag-usap sa tao 'no?" So pinagtawanan niya ako dahil lang do'n?
"Eh ano naman kung hindi?" Malamig kong tanong pero napangiti pa rin siya. Bigla siyang tumayo at naglakad paalis, sinundan ko siya para makasiguradong wala siyang gagawing kahit na anong masama lalo na sa bahay na 'to. Wala talagang modo, kinakausap ko pa tapos tatalikuran ako bigla?
"T-Teka, saan ka pupunta?" Tanong ko nang makitang papunta na siya sa labas ng bahay. 'Wag niyang sabihing balak niyang mamasyal? Argh! Hindi ko maintindihan ang daloy ng utak nito, bahala na nga siya!
"Hoy!" Tawag nito nang balak ko ng bumalik sa loob.
"Oh?" Kunot noong tanong ko.
"H'wag mong sabihing hindi mo ako sasamahan?" Patanong na sabi nito. Talaga namang hindi 'no, hindi ko siya obligas'yon, ako na nga 'yong tumulong eh.
"Bakit naman kita sasamahan?" Pwede bang umalis na lang siya sa harap ko at 'wag ng muli pang magpakita? Sumasakit lang ang ulo ko sa kanya eh, dami pang sinasabi.
"Kasi hindi ako pamilyar sa lugar na 'to, kaya ipapasyal mo ako," magrereklamo pa sana ako nang bigla ko na lang naramdaman ang palad niyang humawak sa wrist ko at sinimulan niya akong hilahin.
Hindi ko na nagawa pang lumaban dahil sa subrang gulat. Kanila lang ay nakita ko siya na malayo sa'kin tapos bigla na lang siyang lumitaw sa harap ko, sinong hindi magugulat no'n?
Binitawan niya lang ang kamay ko nang kusa na akong sumusunod sa kanya sa paglalakad. Ngayon, pinagsisisihan ko na talagang hindi ko siya agad binalik sa Deisn Wood.
"Ayan na naman siya oh," dinig kong sabi ng isang babae mula sa 'di kalayuan kaya napayuko na lang ako.
"Pero sino 'yong kasama? Parang pamilyar kasi sa'kin ang suot ng lalaki." Tugon ng kasama nito, nagpatuloy lang kami sa paglalakad at wala na akong pakialam kung naiiwan na ba ako ng kasama ko o bumibilis ang paglakad ko. Napansin kong bigla siyang huminto kaya maging ako ay napahinto din.
"Bakit ka nakayuko?" Biglang tanong nito. Oo nga 'no, bakit nga ba? "I-angat mo paningin mo, kung hindi mo kayang tumingin sa mga tao eh di likod ko na lang tingnan mo. Hindi tama na lagi kang nakayuko." Natigilan ako sa sinabi nito, kahit pa hindi niya ako nililingon pakiramdam ko ay kaharap ko siya. Ewan ko ba kung bakit pero bigla na lang akong napangiti. Now I know why I acted strange earlier, it's because I'm comfortable being with this guy.
"You are really a strange one," mahinang sabi ko pero alam kong narinig niya 'yon. I thought bukod kay tanda wala ng ibang kakausap sa'kin, but here he is, talking to me like we knows each other for a long time, "tell me, hindi ka taga-rito tama ba?"
"Hindi nga," maaari kaya na tulad niya at ni tanda ay hindi din ako ituturing na iba ng tao sa labas ng islang 'to?
"Nga pala, 'yong mga sugat mo, saan nanggaling 'yon?" Bigla siyang natawa sa tanong ko na kinakunot ng noo ko. Bakit ba ang hilig niyang tumawa sa bagay na hindi naman nakakatawa?
"Natamo ko 'yon galing sa isang misyon," bigla siyang huminto sa paglalakad kaya napahinto din ako, yumuko siya na para bang may pinupulot mula sa daan.
"Anong mayro'n?" Tumabi ako sa kanya para tingnan ang pinulot niya, at bumungad ang isang flyer na halatang ilang beses nang naapakan ng mga dumadaan. "Lost... Village..." Basa ko sa nakasulat gamit ang malalaking letra.
Lost Village?

Book Comment (32)

  • avatar
    BalluangSheena Khate

    I had read the first chapter and it's quite interesting but gonna read this after it is completed para hindi ako mabitin, for now I'm giving a rate and a tip. Kudos to you Author-nim 🥳❤️✨

    22/01/2022

      0
  • avatar
    Ariel L Henugin

    w0w

    15d

      0
  • avatar
    BaluyutErica

    maganda

    25/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters