logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 2: My BAD DAY

(ASHLEY'S POV):
Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong nagsipilyo at isinuot ang maganda kong uniform, matapos nun ay inayos ko na ang aking buhok, at chineck ko na rin ang mga gamit ko kung may nalimutan ba ako.
YES! wala akong nalimutan.
Nagpaalam na ako kayla Mama at sa kapatid kong papasok na rin sa eskwelahan pero hindi kami magkasabay dahil magkaiba ang School namin.
Nakapasa kasi ako sa scholarship program na inaalok ng isang tanyag na paaralan dito sa Philippines kaya naman agad akong nagtransfer doon. Ngayon palang ang una kong araw sa magandang school kaya naman grabe ang nadarama kong excitement at the same time ay ang nakakayamot kong kaba.
Dahil malapit lang ang eskwelahan dito sa bahay namin ay naglakad nalang ako at naglagay ng earphone sa magkabilaan kong tenga.
♪'Cause you had a bad day, you're taking one down
You sing a sad song just to turn it around
You say you don't know, you tell me, "Don't lie"
You work at a smile, and you go for a ride
You had a bad day, the camera don't lie
You're coming back down, and you really don't mind
You had a bad day
You had a bad day♪
Pinapatugtog ko lang naman ang BAD DAY na kanta ni Daniel Powter na talaga namang kahawig ng buhay ko araw-araw.
Paborito ko talaga ang kantang ito kaya naman sa sobrang sarap pakinggan ay hindi ko na namalayan na papatawid na pala ako sa gitna ng kalsada na dahilan ng pagkatumba't pakikipaghalikan ko sa napakaduming sahig ng kalasada.
Beep-Beeeeppp-Beeeep!
Aba't bweset 'tong Driver na 'to ha! S'ya na nga ang nakabangga s'ya pa ang may ganang bumusina ng malakas imbes na bumaba at magsorry sa akin.
Napikon na ako kaya sinugod ko ang napakagarang kotse na sumalpok sa'kin para komprontahin ang mokong na sakay nito.
"Mga lintik kayo, bumaba nga kayo d'yan!..Bweset sisirain ko 'tong kotse na 'to paghindi pa kayo bumaba!...Letse, ayaw n'yo talagang bumaba ah!!!.." sa sobrang inis at galit ko ay pinagpupok-pok ko ang bintana ng kanilang Luxury Car para lang may bumaba at harapin ako.
Letseng Araw 'to!
Sa wakas ay bumaba na si Manong Driver. Hayystt!..
"Miss ito na po ang..." napatigil si Manong Driver sa pagsasalita habang inaabot sa'kin ang malulutong na isang libo ng makita ang earphones ko. Naku Patay!
"Tssskkk...Pero Miss kayo po pala talaga ang may kasalanan eh, tingnan mo nag-e-earphone po kayo habang tumatawid kaya po kayo nabangga." abang lokong 'to ah ako pa ang sinisisi.
"Eh kong hindi po kayo tangang magmaneho, eh di sana nakapagpreno kayo nang sa ganun hindi na ako nagkagalos ng ganito at hindi na rin ako nakipaghalikan pa sa simento!" galit na tugon ko sa pisteng driver.
Grabe ang dami ng nakatinging tao sa amin, piste kasing Driver to eh, pero aaminin ko may kaunti rin naman talaga akong kasalanan rito.
"Atsaka, Ano 'yan?! susubukan n'yo akong bayaran? 'Lang hiya naman talaga oh, ganyan nalang ba ang tingin n'yo saming mahihirap, madadala na lang kami sa mga suhol n'yo?!" galit na dagdag ko pa nang biglang may bumaba na maputi't gwapong binata sa likuran nito na nakasuot ng katulad ng uniform ko kasabay din nun ang pagkulay itim ng paningin ko at pagbagsak ko sa sahig.
***
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at natanaw ko ang isang maputing lugar.
Nasa Heaven na ba ako? Hindi pwede! Hindi ako tatanggapin doon, lalo naman sa Hell eh baka mahiya pa sa'kin si Satanas, asan na ba ako?. Mga pumapasok sa makulit kong utak habang nililibot ang aking paningin sa paligid at natanaw ko ang aking Mama na tumatangis.
"Anak mabuti at gising kana." pambungad sa akin ni mama at binigyan n'ya ako ng mahigpit na yakap.
Napagtanto ko na lang na nasa Ospital pala ako. Ang mga huli ko nalang na naalala bago ako mawalan ng malay ay ang pakikipagtalo ko sa Driver at ang pag-baba ng lalaki na nasa passenger seat ng kotse nila pero hindi ko na matandaan ang mukha nun, at mukhang 'yun din ang amo ng manong Driver na tanga.
Suot-suot ko pa rin ang maganda kong uniform,
Wait!
Baka naman kulang na ang katawan ko?! Hala kompleto pa ba ang kamay at paa ko?, ganun din ba ang mga daliri ko?!
Agad akong kumawala sa pagkakayakap ni Mama at tiningnan kung kompleto pa ba ang bawat isang parte ng katawan ko.
Salamat Lord at kompleto pa ang body ko, super thank you God and Jesus!
"Anak bakit ba naman kasi tumatawid ka sa Highway ng naka-earphone?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Mama.
Agad namang nanlaki ang mata ko sa tinanong n'ya. Ano daw? Kasalanan ko pa kung bakit ako nagkaganito?
Sira-ulong driver'yun ah, sa'kin n'ya pa isisisi ang katangahan n'ya?Lintik 'yun! nanggigil na ang utak ko.
"Eh, Ma, s'ya naman may kasalanan nun eh, ang tanga n'yang magmaneho tuloy hindi pa tuloy ako nakapasok sa unang araw ko sa School." nanlulumo kong tugon kay Mama ng maisip kong unang araw ko nga pala dapat ngayon.
Umiling-iling na lang sa'kin si Mama bilang tugon n'ya at biglang dumating na ang isang Doctor.
"Doc, kumusta na po ang anak ko? Malala po ba ang pagkakadisgrasya sa kanya?" namumutla na si Mama sa pag-aalala sa akin.
"Good news po Misis, wala po kaming nakitang iba pang injuries or internal bleeding sa anak n'yo maliban sa iba n'yang mga pasa at galos na natamo n'ya dahil sa aksidente, kaya pwede na pong ma-discharge ang anak n'yo ngayon, reresetahan ko na lang po s'ya para sa paggaling ng mga sugat n'ya." nakangiting tugon sa amin ni Doc. Buti na lang at hindi malala ang mga natamo ko dahil kung hindi malalagot sa'kin 'yung hinayupak na Driver na 'yun pati na ang amo n'ya, isusumpa ko sila!.
Bahagyang nabalot ng katahimikan ang pag-uusap nila Mama at Doc ng magtanong si Mama.
"Doc, paano po makakalabas ang anak ko eh wala po kaming pambayad dito lalo't mamahalin 'tong Ospital?" tanong ni Mama na ikinabigla ko, oo nga pala hindi pa nagpapadala si Papa ng pera kaya paano kami makakabayad dito sa Ospital. PATAY!
"Don't Worry po Misis, binayaran na po ito kanina ng nakaaksidente sa anak ninyo kaya maiuuwi n'yo na po s'ya at mapagpapahinga." nakangiting sabi ni Doc.
WHAT! Binayaran na ni Pisteng Driver at ng amo n'ya ang Hospital Bill ko? S'yempre dapat lang 'yun s'ya yung nakadisgrasya sa akin eh, wala naman dapat ako sa Ospital na 'to kung maingat lang sana s'yang magmaneho noh.

Book Comment (424)

  • avatar
    Fe Canuday Ardena

    nakakabitin naman.ano baya.saan na .

    1d

      0
  • avatar
    JENJEN

    parang di kona magawa pag ligo dahil dito😫

    1d

      0
  • avatar
    Jonamie Fano Gardose

    nice

    5d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters