logo
logo-text

Download this book within the app

STFW 2

“Pwede po bang saka ko na po iisipin iyon. Mas importante sa akin ang pag-papakilala ng bagong binhi ng palay sa mga katribo natin para mas lumaki ang ani. Sa palagay po ba ninyo, pwede ninyo iyong sabihin sa pulong ng intugtukon mamaya?”
Konserbatibo ang kanyang katribo niya at ilang beses nang binalewala ang mga proyekto ng gobyerno sa makabagong teknolohiya at mga binhi na mas marami ang ani. Subalit naniniwala siya na pwede pa rin nilang I-akma ang ilang makabagong ideya sa kanilang tribo nang hindi kailangang sirain ang nakagawiang tradisyon.
“Huwag kang mag-alala. Sasabihin ko sa pulong mamaya.”
“Babalik ba si Salinga dito bago ang ap-pey?” tukoy niya sa nakababatang kapatid na babae. Nasa kabisera ito at sabay na nag-aaral. Karamihan sa mga kabataan sa kanila ay nag-aaral sa Baguio o sa Manila. Subalit lahat ay bumabalik sa kanilang tribo upang maglingkod at ipagpatuloy ang mga tradisyon.
“Sa tingin ko naman makakarating siya,” kwento ni Negay.
“Wala akong nababalitaang dumadalaw sa kanya sa olog,” komento niya. “May nobyo na ba siya?”
“Subsob sa pag-aaral. Pero ang alam ko may nanliligaw sa kanya.”
Bumuntong-hininga si Kabuguias. “Sinabihan ko na siyang huwag magkipag-mabutihan sa hindi natin katribo.” Istrikto sila sa pag-aasawa. Kung hindi katribo ang pakakasalan dapat ay mga taga-ibang tribo kung saan wala silang kasaysayan ng sigalot. Magiging outcast lang ang sinumang tagalabas na makakapag-asawa ng isang miyembro ng tribo nila. Mas mahalaga sa kanila ang kinabukasan ng kanilang tribo kung saan maipapasa sa susunod na salinlahi ang kultura at kaalaman ng kanilang lahi.
“Gawis ay agew nyo!” bati ni Langkawan pagkatapos kumatok.
“Sumkhep ka, Langkawan.” Pinapasok ito ni Inang Negay. “Gusto mo ng kape?”
“Salamat po, Inang Negay,” sabi nito at umupo sa bangkito sa tabi niya. Anak na rin ang turing ng mga magulang niya dito dahil mula pagkabata ay magkaibigan na sila.
“Sabihan mo nga itong kaibigan mo na humanap na ng nobya,” anang si Kabuguias kay Langkawan. “Wala nang inatupag kundi pag-aralan ang mga palay.”
“Huwag po kayong mag-alala, Lakay. Isasama ko siya mamaya kapag dumalaw kami sa olog,” sabi nito at kinindatan siya.
MAY bahagya nang liwanag nang makarating sina Silang at Langkawan sa tubuhan. Ilang mga kadalagahan ang naabutan nilang nag-aani din. Magiliw niyang nginitian ang mga ito bilang sagot sa bati sa kanya. Ilan sa mga ito ay sumusulyap nang may kiming ngiti sa kanya at pagkatapos ay magbubulungan.
Tinapik siya ni Langkawan sa balikat. “Matagal na silang nagtatanong-tanong kung kailan ang balik mo dito. Sino ba sa kanila ang dadalawin mo sa olog mamaya?”
Nagbigay siya ng isang sulyap sa mga kadalagahan na wala pang nobyo. Pawang magaganda ang mga ito. Ngunit walang nakakuha ng atensiyon niya kahit isa. Muli niyang ibinalik sa pagtatabas ng tubo ang atensiyon.
“Saka mo na isipin ang panliligaw kapag tapos na natin ang trabaho. Baka sa halip na tubo ang matagpas mo, kamay mo pa ang madali,” paalala niya.
“Gawis ay agew yo,” magalang na bati ng kababata niyang si Inana.
“Mas maganda ka pa sa umaga, Inana,” sagot naman ni Langkawan na hanggang tainga ang ngiti. Si Inana ang babaeng niligawan nito. Mula pagkabata pa ay mahal na nito ang dalaga. Hindi kataka-taka dahil masasabing si Inana ang isa sa pinakamaganda sa mga kadalagahan sa kanilang tribo.
Malamlam ang mga mata nito na may malalantik na pilik-mata. Matangos ang ilong at mamula-mula ang kutis dahil na rin sa malamig na klima sa kanilang lugar at paminsan-minsang pagtatrabaho sa bukid. Katulad ng kanyang kapatid na si Sakinga ay nag-aaral din ito sa kabisera. Umuuwi lang sa tribo nila kapag may mahalagang okasyon tulad ng pagtatanim at pag-aani ng mga pananim.
Hindi nito pinansin si Langkawan. Sa halip ay matamis siyang nginitian. “Silang, nabalitaan kong dumating ka kagabi. Akala ko hindi ka na babalik. Baka kasi may nobya ka na sa Maynila,” anito at bahagyang pinatulis ang nguso.
Tumawa lang siya. “Wala pa iyon sa isip ko.”
Saglit na nabakas ang lungkot sa mga mata nito. Maya maya’y ngumiti rin. “Kailan ka nga pala dadalaw sa olog?”
Inakbayan siya ni Langkawan. “Huwag kang mag-alala. Isasama ko si Silang pagdalaw ko sa iyo mamaya.”
Ngumiti ulit ito. “Aasahan kita mamaya, Silang,” malambing nitong sabi at bumalik sa kasamahang mga kadalagahan. Hindi man niya naririnig ang usapan, alam niyang siya ang paksa ng mga ito.
“Akala ko ba magpapakasal na kayo pagbalik ko?” pabiro niyang tanong.
Napakamot ito sa ulo. “Hindi pa kasi ako sinasagot. Pero matiyaga naman ako. Handa akong maghintay sa kanya,” anito at nagsimulang kumanta habang paminsan-minsang sinusulyapan si Inana sa pagitan ng pagtatabas ng tubo.
Nakadama siya ng lungkot para dito. Mula pagkabata, alam niyang siya ang totoong gusto ni Inana. Subalit dahil alam niyang gusto ito ni Langkawan kaya hindi niya pinansin. Bukod pa sa hindi naman niya gusto si Inana kahit gaano pa ito kaganda.
“Badagam kad sak-en! Badagam kad sak-en!” sigaw ng isang katribo nilang humihingi ng tulong.
“Anong problema, Gusaran?” tanong niya kung ano ang problema nito.
“Halika, tingnan mo!” humihingal nitong sabi at hinila ang kamay niya
“Ano ba ang nangyari?” hindi rin mapigil na usisa ni Langkawan at sumunod sa kanila dala ang gamit sa pagtagpas ng tubo.
“Sinugod tayo ng peste!” nahihintatakutang bulalas ni Gusaran nang makarating sila sa bukid nito. Itinuro nito ang lupa na may naglalabasang malalaking bulate.
“Ngam na?” tanong ni Langkawan kung ano iyon.
“Hindi ko rin alam kung ano iyan,” usal niya at pinag-aralan ang mga iyon. Hindi iyon karaniwang bulate lang. Sa tagal niya ng pag-aaral tungkol sa mga peste ng palay, ngayon lang siya nakakita ng ganoon. Tiningala niya si Gusaran. “Kailan mo pa natuklasan ang tungkol dito?”
“Kanina lang dahil ihahanda ko nga ang bukid ko para sa chinacon. Ngayon lang naman nangyari sa bukid ko ang ganito.” Napaluhod si Gusaran sa lupa na mangiyak-ngiyak. Importante sa tribo nila ang bukid dahil naroon ang kanilang kabuhayan at kinabukasan ng kanilang magiging mga anak. “Hindi kaya nagalit ang mga anito sa akin? Bakit kailangan nila akong parusahan nang ganito samantalang hindi naman ako nagkukulang sa pag-aalay at pagdadasal sa kanila?”
“Masisira ba ang bukid? Maaapektuhan ba ang ibang taniman?” tanong ni Langkawan na naalarma na rin. “Kailangang gumawa agad tayo ng paraan.”
Tumayo siya at pinagpag ang kamay. Hindi rin niya kayang sagutin ang mga tanong nito. “Ipaalam natin ito sa mga intugtukon.”

Book Comment (25)

  • avatar
    Neisteven Jacob

    khhjjjj you want it to be done 👍 I will be home tomorrow morning and get back with the day dady I didn't get a chance you po pahinging diamond 💍 I can help in that area of the kids are in that everything

    28/06

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Nice story 🫰🫰

    14/05

      0
  • avatar
    Ezekiel Abon

    love it

    09/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters