logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6 12 GOC- KTCK 6

“Hindi ka nainis sa kaartehan niya nang pagsilbihan mo ng pagkain? Ayaw mo pa mandin sa mga babaeng maaarte.”
Tipid siyang ngumiti. “Hindi na. Normal lang na magtanong siya.”
Nahimasmasan na siya ngayon. Di lang siya sanay sa mga babaeng masusungit at matataray pero may punto naman ang babae kanina. Di naman kasi siya mukhang malinis tingnan kanina lalo na’t may bahid ng pintura ang kama niya. Kalusugan naman nito ang pinag-uusapan. Wala siyang pampagamot dito kapag nagkasakit ito.
Pero kung kukuwestiyunin siya nito lagi kapag matagal-tagal silang magkakasama, di niya magagarantiyahan ang tolerance niya sa kaselanan nito.
“Rex, mas makakabuti kung makakasaa niya si Sir Ron. Sabihin ko na lang kung nasaan kayo. Pasunurin ko na lang siya sa Boracay.”
“Huwag mong sasabihin kung nasaan kami. Masisira ang lahat ng kaligayahan namin ni Ronald,” puno ng pangambang sabi ng kaibigan.
“Paghihintayin ninyo sa wala ‘yung tao. Kawawa naman. Alalahanin mo na anak pa rin siya ni Sir Ronald. Hindi naman tama na di sila magkasama nang magpa-Pasko. Ayoko ng ganyan, Rex. Alam mo na mali ang ginagawa mo. Di tayo magkakasundo kapag ganyan,” aniyang may halo nang pagbabanta sa kaibigan.
“Pero paghihiwalayin niya kami. Hindi pa ako nababaliw para hayaan siyang sirain ang bakasyon namin ni Ron. Ngayon pa lang kami nagkakasama ulit,” angal ni Rex.
“Kahit pa. Mas lalo ka niyang di magugustuhan kung ipagkakait mo sa kanya ang ama niya. Lahat ay nadadaan sa mabuting usapan.”
“Akala ko ba magkakampi tayo? Kaibigan mo ako. Lagi mo naman akong sinusuportahan sa mga plano ko.”
“Oo nga. Kaibigan mo ako. Kailan ba naman kita binigyan ng maling payo? Gusto ko lang mapaayos ka. Kung seryoso kayo sa relasyon ninyo, dapat harapin mo ang anak niya. Ipakita mo na nirerespeto mo siya. Na hindi ka masamang tao.”
“Oo na. Oo na,” anitong parang naiirita pa sa kanya.
“Babalik ka na dito sa Maynila?” tanong ni Robinson.
“Susubukan naming bumalik diyan ni Ronald bukas o makalawa. Sasabihin ko ang tungkol kay Ashley paggising niya.”
Bukas-makalawa pa nito paghihintayin si Ashley? “Ang tagal pa no’n. Hindi ba pwedeng bumalik na lang kayo ng Maynila ngayon. May makukuha naman siguro kayong biyahe. Maaga pa naman.”
“Kadarating lang namin dito. Gusto ko lang makasama si Ronald kahit konting panahon. Hindi mo ba kami pwedeng pagbigyan kahit sandali? Isang araw lang.”
“At anong gagawin ko sa anak ni Sir Ronald habang wala ka pa?” tanong ni Robinson.
“Aliwin mo muna.”
“A-Aliwin? Aba’y ginawa mo pa akong entertainer,” angal niya. Galing Amerika ang babae. Malay ba niya kung anong klaseng pag-eestima ang kailangan nito.
“Kayang-kaya mo iyon. Ikaw pa. Artistic ka nga at talented. Tiyak na makakagawa ka ng paraan. Ikaw na ang bahala kay Ashley, ha? Bye! Off ko muna itong cellphone dahil low batt na.”
At tinapos na ng kaibigan niya ang tawag.
Siya ang bahala? Hindi niya alam kung makakatagal siya na nandoon si Ashley. Kaya niya tinanggap ang pagbabantay sa condo dahil makakapag-concentrate siya sa pagpipinta niya. Mag-isa lang siya sa unit at walang gagambala sa kanya. Di naman siya pwedeng mag-alsa balutan na lang at umuwi sa probinsiya saka iiwan ang babae. Ibinilin ni Rex sa kanya ang condo at ang anak ni Sir Ron.
“Bahala na!” usal niya at lumabas ng Family Mart dala ang ilang pinamiling tinapay at de lata para makain nila ni Ashley kung sakaling gutom pa ito pagbalik niya.
Nang pumasok siya ng condo ay bukas pa rin ang TV. Pero napansin niya na nakatulog na si Ashely habang nakahilig sa sofa. Ni hindi man lang nito nahubad ang suot na sapatos at nasa tabi nito ang bag. Pagod na pagod marahil ito dahil sa biyahe. Di biro ang ibiniyahe nito para makarating ng Pilipinas at tiyak na sakit sa ulo pa paglabas nito ng airport.
Inangat niya ang paa nito at tinanggalan ng sapatos. She had shapely legs. He was not a leg man. Ni hindi nga siya tumitingin sa pisikal na anyo ng isang babae dahil mas mahalaga sa kanya ang magandang ugali. But her legs are nice. At kahit na pormal ang suot nitong dress na animo’y dadalo ito ng pulong ay bagay naman dito. Maganda at makinis ito kahit na walang make up. Maganda sana ito kundi lang parang laging seryoso. Kahit kapag tulog ito ay nakakunot pa rin ang noo nito na parang laging may dalang problema.
Bumuntong-hininga siya. Maganda ito pero di siya attracted dito. Ikinuha niya ang dalaga ng kumot at unan sa guestroom. Inayos niya ang pagkakahiga ng dalaga at kinumutan. Komportable naman sa sofa.
“Mas maganda ka pala kapag tulog at tahimik,” nausal niya at hinaplos ang nakakunot nitong noo.
Hindi niya alam kung gaano katagal siyang magsasama ng babae sa condo. Pero wala siyang ibang pagpipilian kundi pagtiyagaan ito hanggang makabalik sina Rex at Ronald o hanggang umuwi siya ng probinsiya.
Excited na siyang makita ang pamilya niya at si Kristine - ang babaeng nililigawan niya. Baka sakaling sagutin na siya nito ngayong Pasko.

Book Comment (25)

  • avatar
    TeanoDaisy

    Ang Ganda Ng story 💚

    05/07

      0
  • avatar
    Ken Ken

    Good

    23/06

      0
  • avatar
    HernandezJoshwell

    😘😘😘😘😘

    15/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters