logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 30- Date

"Good morning!" Bungad ni Jharvis nang makarating ako sa parking lot.
"What are you doing here?" medyo inis na tanong ko.
"Waiting for you." sagot niya.
Ito na naman 'tong lalaking ito. Gusto lagi na ihatid ako.
"I told you. I have my own car." wika ko.
"Hindi naman iyon ang dahilan bakit kita hinihintay dito." tugon niya.
"Kung hindi, ano?" tanong ko ngunit sa halip na sagutin ako ay binuhat niya ako na parang sako.
What the hell?!
"Jharvis! What the fuck are you doing?!" inis na sigaw.
"Let's have a date." tipid na wika niya.
"What the hell?! May trabaho pa ako! Let me go!" utos ko.
"No." sagot niya.
What?! Kailan pa ito nagkalas ng loob na hindi ako sundin?!
"Jharvis!" inis na sigaw ko at kinurit siya sa likod.
"Aw!" daing niya pero hindi ako binitawan.
Nang makarating sa kotse niya ay agad niya akong ipinasok doon. Tsaka niya ito nilock muli at nagmadaling pumunta sa driver's seat. Tsaka niya pa Inunlock muli ang kotse at pumasok. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon na lumabas ngunit nahawakan niya ako agad sa kamay.
"Ano ba?!" inis na reklamo ko at pinipilit kunin ang kamay ko ngunit malakas siya.
"Let's go out, please." pakiusap niya.
"After what you did sa tingin mo papayag ako?" naiinis na tanong ko.
"I'm sorry. Alam ko kasing di ka papayag." wika niya at nagpout pa.
"You can ask me appropriately sasama naman ako." reklamo ko pa.
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Uh--- well depende sa mood ko." naiilang na wika ko at umiwas ng tingin.
Yassie, ano ba? Nagmumukha kang easy to get!
"Sinasabi ko na nga ba. Gusto mo na talaga ako e ano?" pang aasar niya na ikinairap ko lang.
Tumawa siya at nagmaneho na. Ako naman itong kinuha ang cell phone para tawagan si Angelika.
"Hello. Good morning, ma'am?" rinig kong bungad ni Angelika sa kabilang linya.
"Good morning. Hindi ako makakapasok ngayong araw. I have something to do. Ikaw na muna ang bahala diyan." Wika ko.
"Yes, ma'am. Ingat po." sagot niya.
"Thanks." wika ko at pinatay na ang tawag.
"Thank you." biglang wika ni Jharvis na ikinatingin ko sa kaniya.
"For what?" tanong ko at tumingin sa kaniya.
"For coming with me." sagot niya.
"Wala naman na rin akong magagawa." wika ko at ang tingin ay inilipat na sa bintana.
Hindi na siya nagsalita at nagmaneho na lamang. Ilang minuto rin ang binyahe namin bago kami nakarating sa Mall.
"Where do you wanna go?" tanong niya matapos akong pagbuksan ng pinto.
"Ikaw ang bahala. Wala akong maisip." sagot ko at bumaba na ng kotse.
"Okay. Let's go." wika niya at inilahad sa akin ang siko niya.
"Clingy." wika ko at ikinapit ang kamay ko sa may siko niya.
"Nag-iingat lang. Mahirap na. Masyado ka pa man ding maganda." wika niya at nagsimula nang maglakad.
"Bolero." komento ko at nagpatianod na lang sa kaniya. Maya-maya pa ay tumigil kami sa Arcade.
Seriously?
Tiningnan ko siya para kumpirmahin kung seryoso ba siya.
Tiningnan niya lang din ako ng may ngiti sa labi bago muling naglakad papasok at nagpatianod na naman ako.
Lumapit siya sa counter at nag avail ng card doon. Nang matapos ay agad siyang tumigil sa Basketball Arcade game at hinarap ako.
"Paramihan ng score." aya niya.
"Seriously? I don't know basketball." wika ko.
"I'll teach you then." wika niya at iniswipe ang card niya doon sa machine tsaka pinindot ang isang button kaya nagsimulang magsilabasan ang bolang nakakulong sa may dulo kanina. Kumuha siya ng isang bola tsaka lumapit sa akin.
"Here hold it." wika niya at iniabot ang bola sa akin.
Kinuha ko iyon at ihahagis na sana nang pigilan niya iyon.
"No. Hindi ganiyan ang paghawak ng bola." wika niya at pumwesto sa likod ko. Mula doon ay hinawakan niya ang kamay ko kaya nagmumukhang niyayakap niya ako.
Nailang ako dahil ramdam ko ang dibdib niya sa likod ko. Idagdag pa na napakabango niya.
Lumapit siya sa tainga ko tsaka ibinulong sa akin ang tamang paraan ng paghawak sa bola. Kasabay noon ay ang paggalaw ng kamay niya upang ayusin ang kamay kong nakahawak sa bola.
Natigilan ako dahil sa pagbulong niya. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon pero masyadong nakakaakit ang pagbulong niya. Masyado siyang magaling magpaikot ng babae.
"Yassie, nakikinig ka ba?" wika ni Jharvis na ikinabalik ko sa ulirat.
"Uh what? Ano nga ulit iyon?" tanong ko at pumikit ng saglit.
Yassie, umayos ka.
"Sabi ko, i-shoot mo na. Ano bang iniisip mo?" wika niya. Itinaas niya ang kamay ko at itinapat iyon sa ring bago ako binitawan.
"Go. I-shoot mo." wika niya. Sinunod ko ang sinabi niya at nagulat ako dahil nagshoot nga iyon.
"Ang bilis mong matuto." wika niya.
"Subukan mo ulit. Mag shoot ka dali! Malapit na matapos yung time." utos niya at nagshoot ng bola.
Ako naman itong nagshoot na din nang makitang 15 seconds na lang ang oras na natitira.
Nang matapos ang time ay nagswipe siya ng panibago at iniswipe niya din ang sa kabilang machine na katabi ng nilaruam namin.
"Laban na tayo. Game?" tanong niya.
"Game." sagot ko.
"Pataasan ha." wika niya at pinindot ng sabay ang button ng machines na lalaruan namin. Nang magsimula ay mabilis kaming gumalaw para magshoot.
"Do we have a bet?" tanong ko nang makitang lamang ako sa kaniya ng 12 points. This is interesting.
"Kung gusto mo bakit hindi?" sagot niya habang ang mata ay nasa ring kung saan siya nags-shoot.
"Treat me in Chanel if I won." wika ko.
"Okay. But if I won, we will have a date again next week." wika niya.
"Okay, then." wika ko at kampanteng naglalaro.
10 seconds na lang ang natitira nang muli kong lingunin ang score niya at nakitang lamang na siya sa akin ng sampu.
What the hell?!
Napressure ako at dalas dalas na nagshoot nang hindi na iyon ini-aim ng ayos kaya sumasala na.
"Time's up!" wika ni Jharvis.
"45-31. Not bad." mayabang na wika niya at hinarap ako.
"I'm a beginner." wika ko at tinalikuran na siya at naglakad papunta sa machine na car race.
"We'll date again next week. That's my prize!" wika niya at hinabol ako.
"Nye nye. So what?" wika ko at naupo na sa upuan sa harap ng machine.
"Let's race." utos ko kay Jharvis nang makarating siya sa gilid ko.
"Okay!" Naupo siya sa gilid ko at iniswipe na ang card niya sa machine ko at sa machine niya. Ilang minuto pa ay nagsimula na.
Prente akong nakaupo at nagd-drive dahil ako ang nauuna nang magsalita si Jharvis sa gilid ko.
"Panoorin mo akong lampasan ka." wika nito at umabante.
"Ah talaga?" wika ko at iniliko ang kotse ko kung nasaan ang direksyon na tinatahak niya para maharangan siya.
"Hoy! masyado kang competitive ha! Gusto ko yan." wika niya.
Ilang laro pa ang nilaro namin bago kami mapagod at magutom.
"That was fun!" wika ko nang makalabas kami sa arcade.
"I'm glad that you enjoyed it. So, what do you want to eat?" tanong niya.
"I want King crab." sagot ko.
"Okay, let's go. Wika niya at hinila ako. Tumigil kami sa isang restaurant at pumasok doon.
"Dito tayo para komportable." wika niya at inalalayan akong umupo sa table na may upuan na parang couch.
Ilang sandali lamang ay may lumapit na sa amin na waiter. Sinabi ni Jharvis ang order namin tsaka ito nagpasalamat.
"2 pm na agad. Uuwi na ba tayo pagkatapos nito?" tanong niya.
"Yup. Nakakapagod palang maglaro doon. But it's fun." sagot ko.
"Hindi mo pa ba nasusubukang maglaro sa ganoon?" tanong niya.
"I don't know." sagot ko.
"Oo nga pala. You lost your memories. How long have you been like this? I mean kailan ka pa hindi nakakaalala?" tanong niya.
"Actually mag iisang taon na." sagot ko.
"At wala ka pa ring naaalala?" tanong niya ulit.
"Yeah." sagot ko.
"Why? Masyado nang matagal bakit hindi pa rin?" tanong niya, ang noo ay nakakunot. Tinitigan ko muna siya.
Should I tell him? Wala naman sigurong masama hindi ba?
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"They're not helping me." sagot ko.
"What do you mean?" naguguluhang tanong niya.
"Here's your order ma'am, sir." wika ng waiter at inilapag na ang nga order namin. Nang makaalis ang waiter ay tsaka lamang ako nagpatuloy sa pagkukwento sa kaniya.
"Sinasabi lamang nila ang mga paborito ko pero ang mga pangyayari sa buhay ko ay hindi nila ikinukwento. Pakiramdam ko tuloy ay may hindi sila sinasabi sa akin." malungkot na wika ko at sumubo ng pagkain.
"That's really suspicious." saad niya.
"Yeah and very frustrating." sagot ko.
"Kahit ba si Justin hindi nagbabanggit sa iyo?" tanong niya pa.
"Hindi rin. He said he can't." paliwanag ko.
"That's weird." saad niya.
"Yeah. Ikaw? Care to tell me something about you?" tanong ko.
"Well wala akong maisip sabihin e. Ano nga ba?" wika niya at nag-isip.
Nagtagal ang pagkain namin dahil sa pagkukwentuhan. Nag-uumpisa na akong mahing komportable sa kaniya kaya naman hindi ko na naman namalayan ang oras.
"Thank you." wika ko nang ipagbukas ako ni Jharvis ng pinto ng kotse niya. Pumasok ako sa loob at naupo sa passenger seat. Siya naman itong umikot at naupo sa driver's seat.
Nang makaupo ay binuhay niya muna ang component ng sasakyan niya at ikinonekta ang cell phone niya doon upang magpatugtog bago niya binuhay ang makina ng sasakyan at nagsimula nang magdrive.
Umiral ang katahimikan sa aming dalawa at tanging kanta lamang ng BTS na Boy with luv ang maririnig ng ilang sandali tsaka ito binasag ng pag ring ng cell phone ni Jharvis. Sinagot niya ito tsaka ko narinig ang boses ng isang babae. Dahil konektado ang cell phone niya sa component ay rinig na rinig iyon sa loob ng sasakyan.
"Hello, Jharvis? Can we meet?" wika ni Narie sa kabilang linya.
May number siya ni Jharvis. Hindi nakakapagtaka dahil may relasyon sila noon. At ngayon ko lamang narealize na wala akong number ni Jharvis kahit ako ay wala rin sa kaniya. Huminga ako ng malalim at nalungkot ng bahagya sa napagtanto.
"I am with, Yassie. Sorry I can't." He said casually.
"Is that so? How about tomorrow?" tanong nito.
"I have an art to finish tomorrow." tipid na sagot ni Jharvis.
Iniwas ko ang tingin kay Jharvis at tumingin sa bintana.
Right. Narie told me that he'll try to win Jharvis back. Nakalimutan ko na siya agad. I haven't talk to her since that day na nagkita sila ni Jharvis sa bahay. Wala rin naman akong lakas ng loob. Nahihiya at naiilang ako dahil sa sitwasyon namin.
"Okay. I'm sorry." wika ni Narie sa kabilang linya na nakapagpahabag ng loob ko.
"I'm driving. I'll hang up now." wika ni Jharvis at pinatay na ang tawag.
I feel sorry for her. Umalis siya para mabuhay ng mas mahaba pa pero pagbalik niya ay sakit lamang ang napala niya. I want to help her pero wala naman akong magagawa dahil wala sa akin ang desisyon. It's up to Jharvis.
Pero Yassie..
Wala ka ba talagang magagawa o ayaw mo lang may gawin?

Book Comment (43)

  • avatar
    Dump Ruinata

    hehehe

    26/07

      0
  • avatar
    Nam Si

    nó rất hay và cuốn

    18/07

      0
  • avatar
    Ursal P Jude Arcel

    is so 👍 good

    15/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters