logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

May nakita akong mga katagang nakasulat sa likuran ng litrato na siyang nagpatindig balahibo sa'kin.
Buhay na mahirap ay aking iiwan,
Sa dilim ay may liwanag ngunit sa liwanag ay laging may kadiliman,
Sa panahong ito ako'y lilisan, at
Babalik sa tamang oras at sa panibagong katawan.
Buhay o patay ay mananatiling buhay.
"Gulong-gulo na ako sa mga nakikita ko sa pamamahay na 'to!"
Sa salamin na nakatapat sa akin nakita kong may babaeng nakatayo sa likuran ko at ito ay nakangiti.
Umihip ang hanging malamig at tila niyayakap ako nito.
Napalingon ako sa pinto dahil sa biglaan nitong pagbukas. Ang hangin na nanggaling sa kuwarto ko ay parang nakayakap sa akin at ito'y bumubulong na ituloy ko lamang ang ginagawa kong paglakad patungo sa kuwarto.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na di maglakad patungo rito ngunit ang mga paa ko mismo ang humakbang. Napapatanong ako sa sarili ko kung kinokontrol ba ako ng kung sino.
Nasa kalagitnaan na ako nang pagbubukas ng pinto nang tinawag naman ako ni Mama. Hinila niya ako at inilayo sa kuwarto.
"Anak, huwag na huwag kang makikinig sa mga naririnig mo." Pagsasabi ni Mama na halatang may kinakatakutan.
Ibinababa niya ako at sinabihan si Papa na mag-uusap raw sila ng masinsinan.
Nasa lugar ako kung saan nag-aayos kami ng gamit. At sina Mama at Papa ay nasa kabilang kuwarto lamang. Lumapit ako sa pinto at nakinig.
"Unti-unti nang nangyayari sa anak natin!" Pasigaw na sabi ni Mama.
"Alam ko naman 'yun pero kapag hinadlanagan natin tayo naman mapapahamak." Sagot ni Papa na ramdam ko sa boses ang takot at pag-aalala.
Lumabas ako ng bahay at nakita ko ang kapaligirang madilim na. Umupo ako sa harapan ng bahay.
Nakatalungko at hindi maipinta ang aking mukha dahil sa mga kaganapan. Sa gitna nang pag-iisip ko biglang bumagsak ang langit.
Pagkapasok ko sa loob ay tila nag-iba ito ng ayos.
"Nasaan ako? Ito ba ang Mansion?" Pagsasambit ko na manghang-mangha.
Ang Mansion ay hindi makalat at organisado. Ang bawat sulok ay sobrang linis, naglakad ako patungo sa gitna at sa isang malakas na pagtama ng matalim na liwanag sa kalupaan, ang siyang dahilan upang mapasigaw ako at mapa-upo sa sahig.
Sa muling pagmulat ng mga mata ko ay nasa harapan ko na sina Mama at Papa. Napalakas ang sigaw ko nang makita ko na duguan silang parehas. Parehas silang nakatingin lang sa akin.
"Mama at Papa.., anong nangyari sa inyo?" Pagtatanong ko na nanginginig ang buong katawan ko.
Pahakbang palang ako para hawakan sila nang maglabas sila ng kutsilyo kaya napaatras ako.
"Anong ibig sabibin nito? Ba–bakit kayo may patalim at nakatutok sa akin?" Pagtatanong ko.
Sa pagkaka-akala kong ako ang sasaksakin nila mas nagimbal ako sa natunghayan ko. Parehas silang nakangiti at parehas nilang sinasaksak ang bawat isa. Sa sobrang takot ko na makita ko na ang sarili kong mga magulang ay nagpapatayan at nakikita ko ang dugong umaagos. Alam ko sa sarili ko na namutla ako.
Pagmulat ng mga mata ko nasa kuwarto ako at nasa tabi ko sina Mama at Papa.
"Mama, ano pong nangyari?" Pagtatanong ko na guguluhan.
"Anak, we saw you at the middle of the house (sigh and to my Dad's eyes) nahimatay ka."
Nakita ko ang pagbaling nang lingon ni Papa kay Mama. Alam ko na may tinatago silang dalawa at may kaugnayan iyon sa akin.
"Ma?" Mahinang pagtawag kay Mama.
Hinawakan ako ni Mama sa mga kamay at hinayaan niya akong ilahad ang nangyari.
"Mom, I saw the both of you killing each other using a knife." Naluluha kong sabi sa kanilang dalawa.
Takot na takot at gulong-gulo ako sa mga nangyayari kaya tinanong ko silang parehas kung mayroon pa ba akong di nalalaman. Nakikita ko sa mga tinginan nila na may tinatago sila.
"Anak, for the meantime magpahinga ka muna at huwag ka muna magkikilos-kilos." Sabi ni Mama habang tinatapik ang aking likuran.
Maya-maya ay naramdaman ko ang sarili ko na hinihila na ng kama para matulog.
Sa paggising ko ay nakita ko si Pugot ulo na nakatingin lang sa akin at pinagmamasdan ako habang nakangiti. Sa paraan ng pag ngiti niya nakita ko pilit at taliwas na reaksyon ng kanyang mga mata.
"Nagising ba kita?" Pagtatanong nito.
"Hindi naman." Pagsagot ko na may kasamang ngiti.
Ibabangon ko sana ang sarili ko nang mamilipit ako sa sakit dahil sa tagiliran ko. Ilang minuto rin tumagal hanggang sa mawala ito. Isang marka ang nakita ko rito.
"Anong nakalagay?" Sambit ni Pugot ulo.
"Pa-paano mo nalaman na may marka ako sa tagiliran?" Pagtatanong ko sa kanya.
Hindi ko alam kung mababaliw ako sa ikinuwento niya o titibayan ko pa ang loob ko sa lahat. Nanglumo ako sa mga narinig kong kuwento mula sa kanya.
Binigyan niya ako ng isang ngiti na lalong nagpalakas ng loob ko. Hindi ko alam pero ang ngiting nasilayan ko ay hindi pangkaraniwan. Hindi ito ang ngiting nagpapahiwatig ng saya pero nagpapahiwatig ng lubos na kagalakan.
Pakiramdam ko sa ngiting ibinigay niya dapat akong ganahan at mas maging matapang.
Imbis na manglumo ako ng tuluyan at matakot hindi ko magawa dahil sa ngiting iyon.
Sa pagpikit kong muli ay umaga nang magising ako. Sa umagang iyon rinig na rinig ko masasayang huni ng mga ibon.
Bumaba ako at hinanap sina Mama at Papa. Masaya nila akong binati sa mesa ng kainan. Hindi ko na maalala ang huling beses na ganito kami kasaya. Alam kong masaya kami pero hindi mo maaalis sa aking isipan ang mga nangyari.
Ikinagulat ko ang sinabi ni Mama.
"Arstein, we have a surprise for you..,"
Masayang sabi ni Mama at ganoon din si Papa sa ngiti niya.
"Ano po 'yun Ma?"
"Mag-aaral ka na muli."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mama dahil sa pagkakaalala ko siya pa ang may ayaw na mag-aral ako.
Nanibago ako sa totoo lang talaga, para kasing biglaan ang mga desisyon na ginagawa nila para sa'kin.
Sa susunod na linggo ang umpisa ng klase ko pero nababahala pa rin ako sa mga posibleng mangyari sa akin.
Inaalala ko pa rin ang sulat at ang sinabi ni Pugot ulo na halos magkaparehas. At iyon ang dapat kong malaman sa mga susunod na araw. Dahil alam kong hindi rin ako papatahimikin ng kalooban ko.
Dumating ang araw ng lunes nang papaalis na ako sa bahay biglang lumitaw si Pugot ulo na duguan ang itsura.
Nagulat at napainda ako sa sakit nang kinagat niya ang tainga ko.
"Bakit mo 'ko kinagat?" Pagtatanong ko sa kanya.
Bigla rin itong naglaho. Hindi ko malaman kung kaibigan ko ba ang sundalong ito o kaaway ko pailalim.
"Para saan kaya ang kagat na ginawa niya?"

Book Comment (182)

  • avatar
    c******0@gmail.com

    nice story and may napupulot na lessons sa story na eto ❤️.

    23/07/2024

      0
  • avatar
    BernosBenjie

    nice g lods

    29/12/2023

      1
  • avatar
    Miriam Pallanan

    ang ganda ng story at naka pag reedem nako ng 25k dahil sa story na ito

    09/12/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters