logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

Patuloy akong nagsusumigaw hanggang sa dumating sina Mama at Papa.
Lumluha kong sinabi na may nakita akong babaeng nakabitin sa kisame. Inalalayan ako ni Mama at si Papa naman ay muling sinilip ang kuwarto pero wala siyang nakita.
Takot na takot ako na nakayakap kay Mama.
Dumating ang gabi at oras na naman nang pahinga ko. Alam ko sa sarili ko na iba ako at nasabi na iyon sa akin ng mga magulang ko pero may kulang pa rin. Patuloy pa rin ako naghahanap ng sagot o paliwanag sa nangyayari.
Nakahiga ako nang maisip kong muli ang nakita ko. Napabalikwas ako sa higaan nang makarinig ng sitsit na naman.
"Hindi ako natatakot, lumabas ka!" Pagsasabi ko habang nakakumot at naka kagat labi.
Biglang may nahulog na ulo sa kisame na siyang dahilan upang magulat at mapatili na naman ako ng wagas.
Halos ikamatay ko biglaang pagkahulog nito sabay dampot ng kamay at ikinabit ito sa katawan.
Dumating sina Mama at Papa.
"What happen dear?" Pagtatanong ni Mama.
"Wala, Mama may nahulog kasing butiki sa ulo ko. Eh... alam niyo namang may phobia ako diyan..." pagsagot ko kay Mama na halatang nakuntento sa rason ko.
Pinalalahanan ako ni Mama na mag-iingat sa susunod. Umalis sina Mama at Papa.
Nagulat na naman ako sa ginawa ng multong sundalo.
"Hoy, akala ko ba di ka natatakot?" Pagsasabi nito sa tabi ng tainga ko.
"G*** ka! Sinong hindi matatakot sa ginawa mo? Biglaan mo bang ihulog yung ulo mo sa kisame tapos nakangiti pa. G*** hindi nakakatuwa ikakamatay ko pa!" Pagsagot ko sa kanya na sobra ang galit.
Tumawa ito na parang hindi manlang alam ang salitang makiramdam. Babatukan ko sana pero baka bigla na namang matanggal kaya sinuntok ko nalang sa dibdib.
"Ang sakit ah..." pagsasabi nito na hawak-hawak ang dibdib niya.
"Edi ngayon alam mo na kung gaano kasakit na halos atakihin sa puso?" Pagsagot ko sa kanya nang nakangiti.
Hindi ko naisip na kaya ko palang makapanakit ng multo. Sinuntok ko ulit siya at mas lalong ininda niya.
"Anong problema mo?" Pagsagot nito na hawak-hawak niya ang kanyang tiyan.
Pinaupo ko siya ng maayos at kinausap.
"Hoy, umayos ka patay ka na kaya imposibleng uminda ka pa ng sakit!" Pagsasabi ko sa kanya.
Umayos ito sa pag-upo at naging seryoso.
"Ikaw babae, bakit may lakas kang masaktan ang kagaya kong patay na at kaluluwa nalang?"
Tumayo ako at tumitig sa kanya.
"Hindi ko rin alam."
Pumunta ako sa bintana at napaisip ako sa mga kamay ko.
"Anong iniisip mo? Lubhang napakalalim." Pagsasabi nito na may pagtataka.
Tumabi siya sa akin at sabay kaming tumingala sa buwan.
"Napakasarap pagmasdan ng buwan hindi ba?" Pagtatanong nito na ramdam ko ang sayang may halong lungkot.
"Tama ka! Ang buwan ang siyang nagbibigay liwanag sa mundong kay dilim kasama ng kanyang mga bituin."
Pagsagot ko na parang kay lalim nang pinagmulan.
"Tatanungin kita, ano ang mas gusto mo maging isang araw o buwan?" Napatingin ako sa kanya.
Tinignan niya ako at ngumiti.
Sa totoo lang, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya pero kusang bumuka ang bibig ko at nagsambit ng mga katagang hindi ko akalain masasambit ko.
"Sa tingin ko, hindi ko naman kailangang mamili sa dalawa dahil parehas silang nagbibigay liwanag. Liwanag kung saan pwedeng maging ako."
"Hmm..."
Inilapat niya ang kanyang kamay upang mas lalong masinagan ng buwan. Muli itong nagwika ng mga salita na mas lalong nagpaisip sa akin.
"Gaya ng buwang may angking ganda at liwanag. Ang isang taong nakukulong sa kadiliman ay hindi naman talagang masama bagkus nadadala lamang sila ng kaguluhan. At ang mga taong nasa liwanag ay hindi naman talagang lubos na mabait o tama bagkus may dinadala rin silang problema."
Hahawakan ko sana ang kanyang kamay nang bumalik ito sa pagkakaupo.
"Ang bawat desisyon ay nasa tao kung kaya't ang bawat resulta o hinatnan ay siya ring dahilan."
Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang mga bagay na iyon pero sa sarili ko alam kong natatamaan ako. At di ko malaman ang kadahilanan.
Umupo akong muli at sa pagkakataong iyon ay tinanong ko ang kanyang pangalan. Nagpakilala ito bilang isang anino ng isang tao dahil lagi siyang nasa likuran ng tao na umaalalay.
Hindi niya binanggit ang kanyang tunay na ngalan ngunit alam ko na ang pangalan niya ay hango sa salitang "Shadow."
Tumayo siya at pumunta sa dilim. Nakita kong naglaho siya rito.
"Alam ko ang nasa isip mo, hindi ako naglaho nanatili ako sa dilim bilang kaisa nito. Kung kaya't ang bawat galaw at kilos ay nakikita ko."
Napansin ko ngang hindi naglaho bagkus naroroon lamang siya at tila isang mata na nagmamasid.
Nagpaalam siya sa akin na kailangan na niyang mamahinga. Samantalang ako ay pinag-iisipan ko ang mga sinabi niya. Naguluhan ako lalo sa mga sinambit niya pero sinusubukan kong maging isang malawak na tao.
Kumuha ako ng notebook at ballpen upang isalaysay ang mga kaganapan sa aking buhay. Natutuwa ako sa tuwing ginagawa ko ito.
Lumabas ako ng kuwarto ko at alam kong payapa nang natutulog ang mga magulang ko. Napatitig ako sa pintuan ng kuwartong katapat ko lamang at nakakarinig ako ng sigaw na humihingi ng tulong.
Tila bumubulong ang hangin na puntahan at buksan ko ang kuwartong iyon. Sa pagkakataong iyon malakas na ang kutob ko na hindi maganda ang tatambad sa akin kaya bumaba ako. At kinuha ko ang tatlonh libro sa Library ng Mansion.
"The Book Of Shadow and Light, Death and Life, and The Mystery of Beneath and Underworld."
Ang tatlong librong kinuha ko ay may kinalaman sa mga sinambit ni Pugot ulo.
Mas lalo akong nakaramdam ng paghihinala at pagdududa sa mga libro. Dahil ang mga libro ay hindi tulad ng iba na ibubuklat mo na lamang bagkus ito ay may susihan.
Hawak-hawak ko ang mga libro at sa tuwing yayapak ako sa hagdan tila may malaking kadena akong pasan at may mga nakasunod sa akin.
Binuksan ko ang aparador ko sa kuwarto at may nakita akong isang sulat na nakatago sa isa sa mga gamit ko. Isang sulat na maaaring magturo sa akin kung ano ba talaga ang nangyayari at sa pagbuklat ko pa ng gamit ko ay may nahulog na isang litrato ng babae.
Napatanong ako kung sino siya at tila siya ang babaeng nakita ko sa labas ng bintana at siya rin ang nakita kong nakalambitin sa kisame.
"Anong kaugnayan mo sa'kin?"

Book Comment (182)

  • avatar
    c******0@gmail.com

    nice story and may napupulot na lessons sa story na eto ❤️.

    23/07/2024

      0
  • avatar
    BernosBenjie

    nice g lods

    29/12/2023

      1
  • avatar
    Miriam Pallanan

    ang ganda ng story at naka pag reedem nako ng 25k dahil sa story na ito

    09/12/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters