Lumapit ito sa akin at nagwika muling na huwag akong matakot sa kanya. Imbis na sumigaw ako sa takot mas pinili kong magtakip ng bibig para di makabulabog sa mga natutulog na. Tumalungko ako na yakap-yakap ang buong katawan ko. Naluluha na rin ako dahil hindi ko masikmura ang nakikita ko. Sa kabilang banda ang ulo ng may-ari ng katawan ay kanyang ikinabit at nagbakasaling hindi na siya matakot. "Dont worry, I wont hurt you." Unti-unti kong itinaas ang ulo ko at mas namangha sa nakita ko. Isang gwapong lalaki ang tumambad sa aking harapan. Isang lalaking wari mo ay may dugong espansyol at ang kakisigan na makikita sa kanyang katawan ay pang sundalo. Iniabot niya ang kamay niya sa akin. Ang mga luhang namuo sa aking mata ay kanyang pinunasan gamit ang kanyang malamig na kamay. Alam ko naman na ang mga multo ay tumatagos sa mga buhay ngunit iba ang sa akin. Maaaring patay na sila ngunit nararamdaman ko ang presensiya at ang kanilang galawa. In short, para akong isang pintuan na kung saan ang mga buhay ay kayang hawakan ang kaluluwa at ang kaluluwa ay kayang hawakan ang buhay. Vice versa. Itinayo niya ako mula sa pagkakasalampak ko sa gilid. Hindi ako nakaramdam ng takot nang makita ko siya bagkus mas nakaramdam ako ng kilig at saya. Sa buong buhay ko hindi pa ako nakakita na kasing gwapo niya. Inilibot ko ang paningin ko at tinanong ko sa kanya kung nasaan na ang kaluluwang pugot ulo. Tumawa ito at tinitigan ako. "Ang kaluluwang nakita mo ay ako rin..." Isang boses na kay lamig ng hanging amihan ang aking narinig. "Pa-paano?" Pagtatanong ko na nakataas kilay. "Gusto mo bang tanggalin ko ang ulo ko? Para maniwala ka... (sighed) na ako rin 'yun?" Pagsasambit nito na nasa malamig ngunit napakaseryosong mukha. Akmang tatanggalin na niya ang ulo niya nang hawakan ko siyang huwag na niyang gawin. Sa kadahilanang baka di ko na kayanin kung tatambad ito sa mismong harapan ko. Unti-unti niyang binaba ang kanyang mga kamay at ngumiti ito sa akin. Animo'y nagsasabing salamat. Sa sobrang pagka-curious ko sa nangyari tinanong ko siya na walang bakas ng takot sa mukha. "Can you explain to me, what happened to you?" Pagtatanong ko na nakangiti sa kanya para malaman niyang di na ako natatakot. "You really want to know?" Pagtatanong niya na halata ang pagdadalawang isip sa pagsagot sa katanungan ko. Minabuti kong hawakan ang kamay niya. Kahit kasing lamig ito ng nagbabagang yelo tiniis ko. Tumango ako bilang pagsagot sa kanyang katanungan. "Namatay ako nang lumalaban para sa bayan ko. Naging bihag ako ng mga mananakop at nakita ko kung pa-paano nila pinatay ang kapwa ko. Dahil sa katungkulang mayroon ako pinahirapan ako na parang isang alipin. Hanggang sa napagtanto ko na dapat akong mamatay nang lumalaban at hindi nagtataksil sa sarili kong pinagmulan. Pinutulan nila ako ng ulo bilang di pagsunod sa kanilang mga kagustuhan." Tumayo ito at naglakad papunta sa bintanang nasisinagan ng liwanag ng buwan. "Hindi ba naging importante ang buhay mo sa mga panahong iyon?" Pagtatanong ko ng buong loob. Tumingala ito sa buwan na tila isang batang may pinapangarap na maabot. "Importante ang buhay ko pero mas importanteng mamatay ka nang lumalaban. Lalo na sa mga oras na walang-wala na, mas uunahin ko ang dignidad at karunungang maibabaon at madadala ko sa mga huling sandali ko." Muli itong tumingin sa akin at ngumiti. Napansin ko na kahit sobrang pait ng tadhana para sa kanya ay natili pa rin siyang matatag kahit sa kabilang buhay. Na-realiaze ko na hindi lang talaga siya isang lalaki kung hindi isang tunay na lalaki. "Mamatay ka man sa mundong ibabaw pero mabubuhay ka sa mundong ilalim." Winika niya sa akin na lalong nagpabilib sa akin. Ngumiti ako sa kanya bilang sagot sa mga katanungang nasa isipan niya. "Bakit ka ngumingiti?" Pagtatanong nito na halatang naguluhan. "Ngumiti ako bilang sagot sa mga katanungan mo sa sarili mo." Sinambit ako ang katagang "Tiwala lang patuloy kang mabubuhay." Ngimiti rin ito sa akin na tila may nakita siyang kung ano sa akin. Naglaho ito na parang bula. Pagkagising ko na hinanap ko ang lalaking nakausap ko. Hindi ko alam kung bakit ko siya hinahanap pero masaya ako sa isang katulad niya. Naaalala ko pa ang ngiting may kasamang pait at saya sa kanyang labi. Lumabas ako sa kuwarto at nakita ko sina mama at papa na mukhang may pinaghahandaan. Mula sa itaas sumigaw ako. "Ma at Pa! Anong ginagawa niyo?" at dali-dali akong bumaba. "Nothing to worry my dear, nag-aayos lang kami ng bahay dahil medyo kumukupas na ang dating ganda nito." Hindi na ako muling nagtanong bagkus nag almusal ako at tinulungan ko sila sa pag-aayos. Umabot kami ng kinahapunan ngunit wala pa sa kalahati ng Mansion ang naayos namin. Dahil nagiging sigurado si Papa na dapat maging tulad ito ng dati. Napapatanong talaga ako sa sarili ko dahil parang alam na alam ni Papa ang bawat ayos ng gamit sa bahay. Umakyat akong muli sa kuwarto ko at nagpahinga saglit. Lumapit ako sa bintana at tumanaw sa kapaligirang nasa labas. May nakita akong isang babaeng nakabelong itim at sigurado akong nakangiti ito sa akin. Tinawag ko ito ngunit nakangiti lamang ito sa akin. Sa mga oras na iyon ay nag aagaw dilim at liwanag na. Muli akong niyakap ng hangin at nasitayuan ang mga balahibo ko. Narinig ko si Mama na tinatawag na ako kaya bumaba ako agad pero nasa isipan ko ang katanungang "Sino na naman kaya iyon at tila masama ang pakiramdam ko sakanya?" Pinaakyat ako ni Papa sa huling kuwarto na katapat lamang ng kuwarto ko. Sa pagkakaalam ko ang kuwartong ito ay ipinagbabawal na buksan o pasukin. Labis ako nagtaka kung bakit ako pa ang nautusan. Nadaanan ko ang litratong nakasabit at nakaramdam ako ng labis na takot nang makita ko na may tumutulong dugo sa mata ng babae. Nakuha ko pa itong hawakan para makasigurado ako sa nakita ko. Hahakbang ako patungo sa kuwarto nang may sumitsit sa akin. Nakakaramdam na ako ng matinding kaba kaya binilisan ko sa pagpasok sa kuwarto at pagkabukas ko. Nagsusumigaw ako nang makita ko ang babaeng nakabigti sa kisame. Natumba ako at napahiga nang ang babaeng nakabigti at wala ng buhay ay umikot at dumilat ang mga mata. "Mama..."
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 23 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (182)
c******0@gmail.com
nice story and may napupulot na lessons sa story na eto ❤️.
23/07/2024
0
BernosBenjie
nice g lods
29/12/2023
1
Miriam Pallanan
ang ganda ng story at naka pag reedem nako ng 25k dahil sa story na ito
nice story and may napupulot na lessons sa story na eto ❤️.
23/07/2024
0nice g lods
29/12/2023
1ang ganda ng story at naka pag reedem nako ng 25k dahil sa story na ito
09/12/2023
0View All