logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4: Unknown Killer

ADELYN'S POV
Mariin akong napahawak sa baso ko at tinungga ang laman nitong alak, pagkatapos ay itinapon sa kung saan ang baso kasunod ng matinis na tunog ng pagkabasag nito. Puno na ng bubog ang sahig dahil sa mga basong pinaghahagis ko. Naiinis talaga ako at the same time ay nagsisisi, kung pwede ko lang sanang baguhin ang pinagmulan ko...
Narinig ko ang pagtunog ng aking telepono kaya naman sinulyapan ko iyon at nakitang nagtext si Chuck— ang totoo ay kanina pa siya text ng text at tumatawag pero hindi ko siya sinasagot. Napaungol ako sa sobrang inis at nahiga sa couch. Nakipagtitigan lang ako sa kisame hanggang sa guluhin ulit ako ng cellphone ko, kaya naman pinulot ko na iyon mula sa ibabaw ng mesa at tinignan ang screen nito.
From: Chuck
Ma'am, are you okay?
I'm worried because you suddenly left earlier without saying anything.
Ma'am?
Ngumiwi ako at hindi na binasa ang iba pang text message ni Chuck. Bakit ba niya ako hinahanap? Bakit hindi nalang siya magpasalamat na may iba akong pinagtutuunan ng pansin at makakapagpahinga na siya ng maayos? Suminghap ako nang magring naman ang phone ko at nakitang tumatawag ang number nito. Umirap ako sa hangin at sinagot na lang ang tawag niya nang matahimik na siya.
"Ma'am! Ayos ka lang po ba?" agad nitong bungad na halatang nag-aalala.
"Ano namang pake mo? Pwede bang tigilan mo na ang kakatawag at kakatext sa'kin dahil nakakairita ka na!"
Kung hindi niya lang sana ako tinawagan edi hindi ko sana siya napagbubuntungan ng galit ko. Tama nagagalit ako. Hindi para kay Aunty Syria, kundi para sa sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay nabigo ko siya kaya heto siya't kinukumbinsi ang CEO na alisin ako sa pwesto ko, na hindi sapat ang mga nagawa ko kaya kailangan niyang sabihin ang mga katagang iyon.
"Gusto ko lang pong malaman kung nasaan kayo at kung ano ang kalagayan niyo. Nagtungo ako sa bahay mo kanina pero hindi ko nakita ang kotse mo, at hula ko ay nasa ibang lugar kayo. Nag-aalala po talaga ako sa'yo kaya panay ang pangungulit ko, pasensya na po." Napasinghap ako sa kaingayan niya.
Nag-aalala siya sa akin? Napakagaling niyang manlinlang, muntik na akong maniwala. "Nasa hotel ako," tipid kong sagot at sinalinan ng alak ang panibagong baso. Agaran ko iyong tinungga at ihinagis muli ang baso.
"Ayos ka lang po?" muli nitong pagtatanong na muli kong sininghapan at pinatayan na siya ng tawag. Naiirita lang ako lalo kapag naririnig ang boses niya.
Inilapag ko na sa ibabaw ng mesa ang phone ko at ipinagpatuloy na ang iniinom ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiinom mag-isa, kung ilang baso na ang nabasag ko, at kung ilang bote na ng alak ang naubos ko. Agaran akong natigilan sa pag-inom ko at napatingin sa likuran nang marinig ko ang pagtunog ng mga bubog sa sahig, na halatang naapakan. Nakita ko mula roon ang isang taong nakabonet at may hawak na kutsilyo sa kaniyang kaliwang kamay.
Hayst, malas naman talaga oh!
Isinuot ko na ang tsinelas ko upang hindi mabubog ang paa ko sabay tumakbo patungo sa pintuan, at saktong narinig ko na may nag-door bell. Sumilip ako sa peephole at nakita si Chuck na nasa labas.
Akmang bubuksan ko na ito nang mahila ng taong nakabonet ang buhok ko, at nagawang madaplisan ng hawak niyang kutsilyo ang balikat ko. Naramdaman ko naman ang hapdi rito at pagkawala ng mainit na likido mula roon. Iwinakli ko naman ang kamay nitong nakahawak sa buhok ko at nagtagumpay ako. Napasandal ang aking likuran sa pintuan habang nakahawak sa aking balikat na dumudugo na at sobrang kirot.
Iniangat nito ang kaniyang kamay na hawak ang kutsilyo at itinarak sa akin, pero tumama iyon sa pintuan na mukhang tumagos hanggang sa labas. Buong lakas ko siyang sinipa dahilan upang bumagsak siya sa sahig na puno ng bubog. Binuksan ko naman ang pinto at mabilis na lumabas sabay inilock ang pinto upang hindi na ako nito masundan.
"Miss President," bulalas ni Chuck at agad na napatingin sa balikat ko. "Jusko! Anong nangyari? Bakit may sugat ka? Kailangan mong dalhin sa hospital!" aligaga niyang sambit at hinila ako pero pinigilan ko siya.
"Tumawag ka ng security, bilisan mo!"
Tumango naman ito at nagmamadaling tumakbo paalis. Napahawak lang ako sa aking balikat habang namimilipit sa sakit.
Ang taong iyon. Sino naman kaya siya? Sinong nag-utos sa kaniya na gawin ito sa akin?
Tumingala ako at ipinikit ang aking mata habang iniinda ang sakit sa aking balikat. Ilang saglit lang ay dumating na ang mga security at pumasok sa loob habang ako naman ay inilabas na ni Chuck sa hotel at dinala sa hospital.
I just found myself lying on the bed while Chuck and the doctor next to me were talking about my condition. Hindi ako nag-abalang makinig at bumangon mula sa aking pagkakahiga.
"Pwede na ba akong makalabas?" walang emosyon kong tanong sa kaniya.
"Ah, malala pa ang kalagayan mo kaya mas mabuti kung—"
Natigil ito sa pagsasalita nang umalis ako sa kama. "Pwede man o hindi ay uuwi na ako," malamig kong turan at naglakad na paalis.
"Ako na po ang bahala sakaniya." Rinig kong saad ni Chuck at agad naman akong hinabol. "Sandali lang!"
Imbes na bagalan ay mas lalo ko lang binilisan ang aking paglalakad pero nasabayan pa rin ako nito. "Bakit ayaw mong manatili rito? Mas makabubuti sa'yo iyon."
"Ayoko ang amoy hospital, nahihilo ako. Mas lalo lang ako mamamatay kapag nanatili ako," I answered coldly.
Nagtuloy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makalabas na kami ng hospital.
"Ah, naiwan ko 'yung kotse ko sa hotel," bulalas ni Chuck at napakamot sa kaniyang batok kaya naman napasinghap ako. Bakit ba naman kasi sumama-sama pa siya sa pagsakay sa ambulansya? Wala naman siyang ibang ginawa roon kundi ang magdrama na para bang mamamatay na ako.
"Wala kang kwenta."
"Magcommute nalang tayo pabalik ng hotel, ayos lang ba 'yun?" anito na inilingan ko. "Pero Ma'am, wala tayong ibang masasakyan ngayon kundi ang jeep. Wala na rin masyadong taxi sa mga ganitong oras."
"Ayoko. Mas mabuti pang maglakad nalang ako." Sinimulan kong ihakbang ang aking paa paalis. Magtutuloy-tuloy na sana ako pero naramdaman ko ang pagkirot ng aking braso kaya agad akong napatigil.
"Aish, 'wag na pong matigas ang ulo." Inalalayan ako ni Chuck na para bang isa akong matandang huklubang kawawa na. "Ayun! May jeep na!" Ngumiwi nalang ako nang matanaw ang kulay asul na jeep na tinatahak ang kahabaan ng kalsada. Tumayo kaming pareho sa gilid ng kalsada habang kinakawayan naman iyon ni Chuck.
Panay lang ang pagsinghap ko sa sobrang inis at niyakap ang aking sarili dahil nilalamig na ako. Pagkahintong-pagkahinto ng jeep sa harapan namin ay hinila agad ako ni Chuck upang sumakay roon. Nakipagsiksikan pa kami para lang may maupuan pero sa huli ay si Chuck lang ang nakaupo habang ako naman ay nakaupo sa ibabaw ng hita niya.
Lintik naman talaga!
Ilang kamalasan ba ang darating sa akin sa araw na ito? Gabing-gabi na nga pero patuloy parin sa pagdagsa ang kamalasan ko.
"Ma'am, okay ka lang po ba diyan?" pabulong na tanong sa akin ni Chuck na sininghapan ko.
"Mukha ba akong okay?!" bulyaw ko sa kaniya dahilan upang mapatingin sa akin lahat ng pasahero. Ito ang dahilan kung bakit ayokong nagco-commute. Wala kang privacy. Lahat ng maling kilos mo o kung anomang sasabihin mo ay huhusgahan ka na agad. Hindi lang iyon, halo-halo din ang amoy sa loob. It was even worse than the smell inside the hospital.
Napangiwi ako dahil nilalamig na nga ako pero heto pa rin at humahampas pa rin sa katawan ko ang malamig na hangin. Ilang saglit lang ay bumaba ang matandang katabi ni Chuck kaya naman naupo na ako roon at nakahinga ng maluwag dahil may maayos na akong upuan, hindi nga lang malambot pero mas mabuti na ito kaysa maupo sa hita ni Chuck.
"Nilalamig ka?" tanong sa akin ni Chuck kaya naman pinaningkitan ko siya ng mata.
"Ngayon mo lang napansin? Pinaglololoko mo ba, ha?" iritable kong saad na tinawanan niya lang.
He took off his coat and put it on my shoulder. Inakbayan rin ako nito kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Gago, 'yung sugat ko!"
Bumaba naman ang kamay nito at humawak sa braso ko. Inis ko na inayos ang coat na ipinatong nito sa akin hanggang sa bigla niya nalang akong hinila palapit sa kaniya at itinulak nito ang aking ulo, dahilan upang sumandal iyon sa kaniyang balikat.
"Matulog ka muna para makapagpahinga."
"Sa tingin mo ba ay kaya kong matulog habang nanunuot sa ilong ko ang amoy ng masangsang na isdang hawak ng babaeng nasa tabi ko?" mahina ko namang saad na tinawanan niya at tinapik-tapik ang sentido ko.
"But you need to rest. Mas importante iyon kaysa sa naaamoy mo sa paligid," pangangaral naman nito sa akin.
Umirap nalang ako sa hangin at sinubukang makatulog pero sa tuwing nakukuha ko na ang antok ko na ay bigla nalang umuuga ng malakas ang sinasakyan namin, kaya naman napaayos ako ng upo. Magrereklamo na sana ako kay Chuck pero bumagsak naman ang ulo nito sa balikat ko, siya na ang tulog.
Bumuntong-hininga na lang ako at iniangat ang aking kamay upang sana akbayan siya pero naalala ko ang ginawa niya sa kapatid ko kaya naman ibinaba ko ang aking kamay. I shouldn't be kind to him. He don't deserve it!
Nang matanaw ko ang hotel ay pumara na ako at binigyan ako ng mapanghusgang tingin ng mga pasahero, gayundin ang driver ng jeep. Sa mga mata pa lang nila ay halatang iniisip na nila na narito kami upang magpainit ng gabi. Diba? Nakakairita talaga ang magcommute lalo na kung mga chismoso't chismosa ang mga makakasama mo.
Saktong paghinto ng jeep ay nagkunwari akong napalakas ang impact at binangga ang katawan ni Chuck dahilan upang mahulog ito sa kaniyang kinauupuan.
Ngumisi na lamang ako at bumaba na ng jeep upang iwan siya. Ewan ko ba pero... nagsisimula na akong matuwa sa katangahan ng lalaking ito.

Book Comment (146)

  • avatar
    Nixon Allen Bernacer

    so fun

    27/07

      0
  • avatar
    John Winzel Urgelles

    wow

    23/07

      0
  • avatar
    Airalyn Jawaddil

    ggghi

    22/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters