logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

She Only Live Twice

She Only Live Twice

yourlin


Chapter 01

Nanginginig ang mga kamay ko ngunit pinipilit ko itong pakalmahin. Hindi maaari. Baka magkamali ako sa aking gagawin. At hindi rin iyon maaari. Maraming mga matang nakatingin sa'kin at ayokong mapahiya sa kahit na sino. Ngayon lamang ako magpapakatotoo sa 'king sarili ngunit nagpapanggap pa rin sa harap ng maraming tao dahil hindi nila ako p'wedeng makilala.
Kahit kinakabahan, sinimulan ko nang tumugtog ng piano sa harap ng mga taong ito na hindi ko naman kilala. Hindi nila alam na moon river ang tinutugtog ko kasi wala pa ang kantang iyon sa panahong ito. Itong mga taong ito, wala na sila sa panahong pinanggalingan ko ngunit sa bawat kumpas ng aking mga kamay, sumasabay ang kanilang emosyon. Iyong mga ngiti na hindi ko akalaing makikita ko, iyong mga matatalim na matang tumatama sa'kin, iyong mga nasusuklam sa akin, hindi ko akalaing mararanasan ko ito rito.
Natapos akong tumugtog at kasabay nun ang masigabong palakpakan. Tumayo ako at yumuko sa harapan nila bilang pasasalamat sa palakpak. Pero... ayoko nito. Lahat sila... mga nagdiyo-diyos-diyosan sa lupang hindi naman kanila. At ang totoong nagmamay-ari nito'y inaalipin, kinakawawa.
Bigla akong nanliit dahil sa naisip ko. Pinasasaya ko ang mga taong umaabuso sa mga kalahi ko. Nakakasuka.
Hinawakan ko ang magkabilang gilid ng saya ko at bahagya itong inangat para hindi ko maapakan sa aking paglalakad. Nagsimula na akong maglakad para makaalis na ako sa mga mata ng mga dayuhang ito ngunit bago pa man ako makaalis, naramdaman ko ang paghawak niya sa kanang braso ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nagtama ang mga mata namin. Pero hindi ako sigurado kung namukhaan niya ako dahil may manipis na telang nakaharang sa mga mata ko at nakakabit ito sa sombrerong soot ko. Para akong Latina sa porma ko. Itim lahat ng kasootan mula ulo hanggang paa. Iyon ay dahil hindi niya ako p'wedeng makilala.
"Bitawan mo ako," mahinang sabi ko gamit ang totoo kong boses at hindi ang boses na karaniwan kong ginagamit kapag kaharap siya.
Hindi agad siya kumibo. Nakatitig lang siya sa mga mata ko na para bang ako lang ang taong nakikita niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sasabog na yata. Bakit ganito niya ako tingnan? Bakit ganito na naman?
"Brunneis oculos..." sambit niya at doon lang lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko dahilan para magkaroon ako ng pagkakataong makaalis sa lugar na hindi ako nabibilang.
•••
The place was cold but it's not going to rain because it was summer time and it was night of 25th of March, 2016. I was standing outside of musical instruments store wearing my college uniform. I was staring to a picture that was displayed and posted to the store's window. I don't know but I was thinking about something. I was in a deep thought.
Who's this girl kaya? Nakaupo siya sa harap ng grand piano at sa tingin ko'y tumutugtog siya sa harapan ng maraming tao. Madilim ang pagkakakuha sa kanya, hindi nakikita ang mukha niya kasi madilim. Ang halata lang ay nakasoot siyang ball gown. Parang may party. Siya lang ang nakaagaw ng atensyon ko sa dami ng antique things and pictures na nakadisplay rito sa store.
Napabalik lang ako sa ulirat nang maramdaman kong may nakatayo na rin sa kanang tabi ko kaya napalingon ako sa kanya. Nakatingin din siya sa picture na tinitingnan ko habang nakapamulsa sa maluwang niyang pantalon, maluluwang din ang long sleeves niyang light blue, nakasandal siyang may malalaking strap na kulay dark brown. Nakalugay naman ang bangs niya sa noo niya at medyo kulot siya. May soot siyang maliit na bonnet.
Hindi ako nakagalaw nang dahan-dahan siyang tumingin sa'kin. Bilugan ang mga mata niyang mapupungay, matangos ang ilong at ang sexy ng lips niya. Parang kissable. Parang lang kasi hindi ko pa natry. Huwag ganun, Mars. Pero ang g'wapo niya. Mukha siyang American na hindi pure.
"She's beautiful," aniya sabay ngiti nang bahagya kaya muli akong napatingin dun sa picture na tinitingnan namin kanina. Tumango ako at tiningnan ulit siya. "What's her name?"
Tiningnan ko na naman iyong picture ng babae. Hindi naman nakikita ang mukha ng babae. Paano niya nasabing maganda ito?
"She's mysterious, according to the newspaper." Galing kasi sa lumang newspaper ang picture at nakasulat pa ito sa wikang Espanyol. Kahit ganun, nakakaintindi naman ako ng kaunti. Hindi nga lang ako marunong magconstruct ng sarili ko. Nakalagay sa newspaper na hindi nagpakilala ang babae. Bigla na lang daw itong nawala. Siguro, kaya napansin ko agad siya kasi may kakaiba sa article patungkol sa kanya.
"Past has a lot of unknown and unfinished stories, isn't it?" tanong na naman nung lalaki kaya muli akong napatingin sa kanya at ngumiti.
"Pero may hindi dapat kinakalimutan para hindi mabago." Kasi hanggang ngayon, may mga taong gusto pa ring baguhin ang history. Well, they can't do that today. We will never forget. Never again.
"I'm sorry... but I can't understand what you've said," nahihiyang sabi niya kaya bahagya akong napakunot-noo at tinagilid ang ulo. "By the way, I'm Torn. And I'm from Thailand. I'm not basically staying here," nakangiting sabi niya. Napatango ako nang bahagya at ngumiti na. Kaya pala hindi nakakaintindi.
"Oh yea yea, that's why. I'm Lemon." bumalik na ako sa masiglang ako. Kanina kasi, parang ang bigat ng aura habang nakatingin ako dun sa babae. "I was just curious. Do you have American blood?" I asked.
Bahagya siyang natawa at tumango. "How did you know?"
"Because it's obvious." natatawang sabi ko. "So you also like old stuffs and mysteries like this?" turo ko dun sa picture at tiningnan niya naman ulit ito.
"Not that fan of old things. I just saw this musical instruments store," sagot niya sabay tingala sa sign ng store. Bukas pa ito kahit gabi na. "I passed by here and want to see what's inside then I saw you staring to that picture." tumingin ulit siya sa picture. "And you look sad," mahinang sabi niya.
"No, I wasn't. I was just in a deep thought. Anyway, you're going inside too?" pag-iiba ko ng usapan kaya napatingin na rin siya sa'kin.
"You too?" natutuwang tanong niya.
Tumango ako habang nakangiti. "Gonna buy my guitar," sagot ko.
"Really? Okay, let's go inside?"
Sabay na kaming pumasok sa loob ng store. Matagal na akong naghahanap ng gitara. Iyong babagay sa'kin. Wala pa kasi akong nakikitang gusto ko. 'Yun bang feeling na once na makita natin siya kahit hindi pa natin siya binibili, mararamdaman na nating sa atin siya? Parang may luksong dugo? OA na ba ako? Hahaha.
Maraming magagandang gitarang nakadisplay at iba't-ibang klaseng musical instruments. Maliit lang itong tindahan, may mga CDs din na malalaki at mga CD player na nakadisplay lang, hindi binibenta. Mukhang mga luma na nga sila pero bago ang mga binibenta nilang instruments. Nagkahiwalay muna kami ni Torn kasi nawiwili rin siyang tumingin ng mga electric guitar. Parang hindi bagay sa itsura niya ang rock 'n roll. Charot. Hindi masyadong matao rito sa store. May parte rito na hindi ka makakakita ng ibang tao.
"This is nice," I murmured as I touch the grand piano that I saw. Mag-isa lang ito rito sa isang gilid. Wala ring nakalagay na price tag. Mukhang bagong-bago pa at dinidisplay lang. Naupo ako sa upuan at pinagmasdan bawat tiles ng piano. Hindi ko alam pero pumindot na lang ako. Wala namang tao rito. Hindi ako mahihiya. Pinlay ko ang pinakaunang kantang natutunan kong tugtugin sa piano; moon river. Napapangiti ako habang nagpiplay. Ang saya kasi makinig ng music. Nakakarelax. Para bang kinukulayan nito ang mundo kapag pakiramdam natin, empty na tayo.
"I thought you're planning to buy a guitar," ani Torn na nasa tabi ko na pala at nagsalita lang siya nang matapos akong tumugtog. Napalingon ako sa kanya at doon ko lang napansin na may ibang tao na sa likuran namin. Nakangiti lang sila. Isa-isa na rin silang nagsisialisan kaya tumayo na ako.
"That piano is not for sale," nakangiting sabi ng isang lalaki. Nakaayos ang buhok niya, mukhang siya ang may-ari ng store. "But don't worry, we let our costumer to play it and you played it well."
Napaawang ang bibig ko dahil sa compliment niya. Hindi naman kasi ako musician. May piano kasi kami sa bahay at tumutugtog lang ako kapag bored na ako. Pamparelax ko kasi talaga ang music. "Thank you, Sir. But anyway, I'm not going to buy that piano po." bahagya akong natawa. "I am looking for a guitar. Acoustic guitar po," sabi ko pa.
"Ah, iyon ba?" natatawang tanong niya. Saglit siyang napatingin sa katabi kong si Torn pero agad niya ring binalik sa'kin ang tingin. "Akala ko, foreigner ka rin gaya ng kaibigan mo."
"Hindi po. Nakita ko lang po siya sa labas ng store niyo." natatawang sagot ko naman habang si Torn ay nagtataka na sa pinag-uusapan namin. Tinulungan na lang ako ni Sir makahanap ng sarili kong gitara at marami palang magaganda rito. Bakit ngayon lang ako nakarating dito? Hays!
"You sure with that? You don't like this?" ani Torn habang hawak ang electric guitar na pula. Bahagya akong natawa at chineck ulit ang gitarang bibilhin ko. Light brown ito, kakulay ng kahoy. Walang ibang print o kahit na anong kaartehan. Mas bet ko kasi iyong mga simpleng gamit lang. "Play it first before you pay," dagdag pa ni Torn kaya sinunod ko naman siya. Chineck ko kung nakatono na ba, kung ayos lang ang strings at kung anu-ano pa.
"This is good," sabi ko kay Torn. Wala na rito iyong owner kasi may aasikasuhin pa siya. "Feels like I own this one." Ngumiti ako kaya napangiti rin siya.
Feels like there's a connection and I can't explain why. I want to play this one.
To be continued...

Book Comment (7)

  • avatar
    Rechelyn Quimco Salazar

    finally tapos na ang kwento . Kay gandang kwento. ♥️

    10h

      0
  • avatar
    GonzalesGloria

    kailan update nito, otor?

    12/01

      0
  • avatar
    Cyanides Domini

    ang ganda! waiting po sa update^_^

    27/08/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters