logo
logo-text

Download this book within the app

BTSSM 6

Bumukas ang malaking iron-gate ngValle dela Luna Rojo para sa papasok na sportscar ni Kristian. Inside that haven, they had their own government, their own rules, and their own lives.
Ang buhay nila sa labas ng club ay isang palabas lamang. Para sa kanya ay ang loob ng Valle ang tunay niyang mundo. They could live freely. Sa loob niyon ay normal siya.
Sinaluduhan siya ng mga night sentinels na nagbabantay doon. They were sanguis as well under Kristoff’s clan. Kristoff was one of the three clan leaders of rojo. Nabuhay ito sa mga huling panahon ng pamamayagpag ng Venetian Doge noong 1790’s. Ang mga ninuno nito ay nagmula pa sa mga bampira nang nagsisimula pa lang lumawak ang Imperyo ng Roma. Ito ang humahawak ng security ng Valle pati na rin ng kapakanan ng lahat ng bampirang sakop nito kapag nasa labas ng Valle. Ito ang pumoprotekta pati sa mga business interest nila.
Ipinarada niya ang kotse sa harap ng main mansion na siyang nagsisilbing headquarters din ng Valle. Pag-aari iyon ni Pinunong Kaptan Maharlika. Sa ilalim ng clan nito siya kabilang. Hawak nito ang ilan sa malalaking negosyo di lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa at may malakas na kapit ito sa mga matatas na posisyon sa gobyerno.
He was the oldest sanguis and considered as the strongest one. Nabuhay na ito wala pang panahon ng mga Kastila. Anak ito ng isang rajah at ng diwata ng buwan.
Matalik na kaibigan ng mga magulang niya ang mga Majarlika. Sa kasamaang-palad ay namatay ang mga magulang niya nang sunugin ng tiyuhin niyang sumapi sa Umbra ang ancestral house nila sa Bacolod mahigit isang daang taon na ang nakakaraan. Hindi siya umuwi nang Paskong iyon sa kabila ng pakiusap ng mga magulang niya. He was too busy enjoying his life in United States. Sa halip na mag-aral noon ay mas gusto niyang magpakasarap sa buhay. Hindi niya sineseryoso ang buhay niya. Nang bumalik siya sa Pilipinas ay wala na pala siyang babalikan pa.
Young and out for revenge, mag-isa siyang sumugod sa kuta ng tiyuhin niya. Sumunod sa kanya ang kaibigan niyang si Arturo kasama ang mga miyembro ng rojo. Napatay ni Pinunong Kaptan ang tiyuhin nila at ang marami pang Umbra ngunit kasamang nagbuwis ng buhay si Arturo dahil na rin sa kanyang kapusukan.
Sa tulong ni Pinunong Kaptan ay muli niyang naibangon ang sarili niya. Ginawa rin siyang bahagi ng Valle dela Luna Rojo. Hindi siya nito ginawang legal na anak nito subalit itinuring siyang anak nito. He owed his allegiance to him.
Binigyan siya nito ng bagong buhay. Ginamit din niya ang bagong buhay na iyon para buhayin ang alaala ng namayapa niyang magulang. At kailangan din niyang mabuhay para alagaan si Atrisha. He owed it to Arturo.
Sinalubong siya ng isang babaeng nasa 5’3” ang taas. Morena ito at may mahaba at itim na itim na buhok. “Hello, son!” bati ni Lupita, asawa ni Pinunong Kaptan at siyang tumatayong nanay niya.
She was a daughter of a sultan. A beautiful Malay princess. Kahit na limandaang taon na ito mahigit ay napapalingon pa rin ang mga kalalakihan dito, tao man o bampira. Siguro dahil na rin sa natural nitong ganda. She could carry the grace of a true princess.
Kinintalan niya ito ng halik sa pisngi. “Nasaan po si Tatay?” tukoy niya kay Pinunong Kaptan.
“Nasa opisina niya at kausap si Kristoff.”
“Perfect. Gusto ko po silang makausap.”
Hinawakan nito ang balikat niya. “Don’t tell me it’s about business again. Nandito si Atrisha kanina. Tinatanong niya kung may ka-date ka daw na ibang babae.”
“No. It’s business. I am scouting for possible models for the sports line. But for now, I need to seriously talk to Tatay and Padrone Kristoff.”
The main mansion was like a grand hotel and resort. May limampung silid ang mga iyon. May sariling restaurant, game room, casino at mini-theater. May iba pang mansion na pag-aari ng consejo doon at ng iba pang miyembro na nakakalat sa may isandaang ektarya ng Valle. It was the perfect haven. Puro puno ang mga iyon at may mga hot and cold spring sa paligid.
Nabubuhay ang tahimik na lugar na iyon sa gabi. They even had their own golf course. Subalit mas gusto ng mga miyembro na sa gabi maglaro dahil may allergy sila sa araw. Di naman sila basta-basta nasusunog sa araw pero nagkaka-rashes sila sa matagal na pagbababad sa init ng araw. Kaya naman tumuklas ng proteksiyon para mas makatagal ang gaya niya sa init ng araw. A special sunscreen for sanguis. Hindi na sila basta-basta nagkaka-rashes ngayon sa init ng araw.
“Gusto kong makausap sila Padrone Kristoff at si Master Pinunong Kaptan,” pormal niyang wika nang lapitan ang nakabantay sa security office.
Bago siya papasukin ay dalawang security ang lumapit sa kanya para sa security check. Kahit na itinuturing siyang anak ni Pinunong Kaptan ay naroon pa rin ang banta sa seguridad.
Naroon ang lahat ng operasyon. Naroon ang high-tech monitor at control para sa security ng buong area. Pati ang database computer ay naroon din kaya maingat ang lahat ng pumapasok doon. Di lahat ng bampira ay basta-basta makakapasok doon bilang miyembro. At kahit pa miyembro ay di basta-basta papapasukin hangga’t di dumadaan sa mahigpit na security check. Marami silang mga kalaban kaya dapat lang na maging maingat sila.
Nang pumasok siya ay mukhang seryoso sina Kristoff at Pinunong Kaptan sa pinag-uusapan ng mga ito. “Trouble brewing?” tanong niya.
“Malaki talaga ang problema,” sabi ni Kristoff at bumuntong-hininga. “The Umbras strike again. They transformed another mezzo.”
“Hinahanap nila ang mga mezzo para gawing umbra. Iyon ang paraan nila para lalong mapalakas ang pwersa nila,” dagdag ni Pinunong Kaptan.
Ang Umbra ay grupo ng mga bampira na gustong maghasik ng lagim sa mundo at pagharian ito. Para sa mga ito ay pagkain lang ang mga tao. Pinamumunuan ang mga ito ng isang esclavo. They kill human beings by draining. Pumipili ang mga ito ng malalakas na tao para gawing bampira.
Ang mga mezzo gaya ng mga sanguis ay ipinapanganak bilang normal na tao. Mabilis ding gumaling ang sugat ng mga ito at mabilis kaysa sa karaniwang tao. Nagkaka-rashes kapag tumagal sa init ng araw. Mas matagal din ang buhay ng mga ito at tumatagal ng mahigit isandaang taon subalit di tulad ng mga bampira na immortal.
“Kinakabahan ako na baka pamangkin ko iyon,” sabi ni Kristoff.
Romeo de Angelis was a wild sanguinare. Napaka-playboy nito at iresponsable. Ni hindi na nito masundan ang mga babaeng nakarelasyon ng kapatid. Namatay si Romeo nang i-ambush ito ng mga kalabang bampira. Lalo lang tumindi ang laban sa pagitan ng mga Umbra at ng grupo nila. Ang ikinatatakot nila ngayon ay mapunta ang mga mezzo sa kamay ng mga Umbra. May malakas nang alas ang mga ito sa kanila dahil nasa mga ito na ang mezzo na itinakda. Delikado iyon sa balanse ng mundo lalo na sa mga tao.
“May nakilala akong isang babae kanina sa party. Alam niya kung ano ako,” pagsisimula niya at nakuha niya ang atensiyon ng mga ito.
“Alam niyang sanguis ka?” tanong ni Pinunong Kaptan at nadagdagan ang alalahanin nito.
“Nang hawakan daw niya ako nakita niya na naging bampira ako. Sa palagay ko hindi masyadong gumana ang pag-hypnotize ko sa kanya. Noon lang iyon nangyari sa akin,” nag-aalala niyang wika. “Takot na takot siya sa akin.”
Umupo si Kristoff sa harap ng computer nito. “Who is this girl?”
“Alta Kintanar,” wika niya at nagsimulang mag-type si Kristoff sa keyboard. Lumabas sa malaking LED screen ang lahat ng input nito sa computer.
Maya maya pa ay lumabas na sa LED monitor ang resulta ng pag-search nito sa internet. “She’s an athlete. Kapapanalo lang niya sa SEA Games. Six gold medals in Athletics. Na-break niya ang Olympic record. Everyone has high hopes that she’d bring home the Olympic gold,” wika ni Kristoff.
Tumango-tango si Pinunong Kaptan. “Pretty young girl. And promising, too.”
Hinaplos niya ang baba. “Nagawa niyang i-deflect ang mind control na ginawa ko sa kanya.”

Book Comment (24)

  • avatar
    IKey Andeleon

    thank you

    24d

      0
  • avatar
    Dela CruzMynths Jurhie

    subrang ganda

    30/06

      0
  • avatar
    Loy Max Weyn

    good

    20/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters