logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 04

No matter how how tight is your grip, if you're destined to fall, you'll just see yourself falling.
*****
“So, let's meet again tommorow? What do you think?”
“Loko ka talaga, para ano? Para panoorin ka kung paano matumba ng paulit ulit sa bike?” nang-aasar kong sabi sakanya na ikinabusangot niya naman kaagad.
“So, I gotta go? If you need me, I'm always right there.” itinuro niya ang isang bench sa tapat ng isang magarang bahay.
“Diyan ka lang? Hindi ka uuwi?” imbes na sagutin ay nginitian niya lang ako bago tumalikod.
Nagulat ako ng pumasok siya sa bahay, ang alam ko ay matagal na yang ibinebenta ng may-ari dahil lumipat na sila sa ibang bansa, hindi ko akalain na sila pala ang bibili. Coincidence nga naman, magkalapit lang pala ang mga bahay namin.
Napako naman ako sa kinatatayuan ko nang mag angat ako ng tingin sa two storey house nila at nakita ko sa bintana ang isang ginang na nakangiti sa gawi ko. Kumaway pa siya na ginantihan ko na lang din ng isang tipid na ngiti.
Hindi ko alam kung bakit niya ako kinawayan, siguro gusto makipag kaibigan. Pero sa pagkakaalam ko, ang mga mayayaman ayaw sa mga taong kagaya namin, nasa ibaba ng lipunan. Kung siya man ang nanay ni Nyx, bakit hindi siya nagalit na sa isang katulad ko lang nakikipag usap ang anak niya.
Punong puno ng tanong ang utak ko pero pilit ko na lang na binura dahil alam ko namang mahirap iyong masagot.
Medyo madilim na rin kaya napagpasyahan ko ng punasok, pero sumulyap ako saglit sa bintana ng bahay nila Nyx at nakita kong nakayakap siya sa ginang. Bagay nga silang mag ina, hindi nakakasuka ang ugali. Ibang iba sa mga mayayaman na nasa isip ko.
Hindi ko naabutan si mama sa bahay at alam ko namang sa palengke ang punta niya. Nag iwan lang siya ng pagkain sa lamesa.
Bago ako mahiga ay nagdasal muna ako, bagay na palagi kong ginagawa.
“Lord, thank you po kasi buhay at humihinga parin ako, salamat po at mabuti ang kalagayan namin ni mama, sana po hindi ka magsawa sa pakikinig saakin lalo na at madadagdagan ang hiling ko sainyo. Hindi lang po sana ako si nanay at ang dalawa kong kaibigan ang gabayan ninyo, pati po sana si Nyx. Mavuti po siyang tao. Thank you po, Amen.” nakangiti kong dasal bago mahiga at tumitig sa kawalan.
Ilang sandali pa ay nilamon na ako ng antok.
***
“Anak! Gising! Anak!” naalimpungatan ako dahil may malakas na umuuga sa katawan ko. Pagmulat ko ay nakita ko si mama na nag aalalang nakatingin saakin na panay ang sigaw.
“Ma, anong nangyari?” taka kong tanong.
“S-si Helen–” kumabog ng malakas ang dibdib ko at hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.
Kahit na naka pajama lang ako at loose shirt, nag bike ako sa bilis na makakaya ko, wala akong pakialam kung madisgrasya man, ang importante gusto ko ng mapuntahan kaagad ang bestfriend ko.
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ako mapakali at may kung anong pumipigil saakin. Namumuo na rin ang luha ko dahil sa kakaisip kung anong nangyari sakanya. Kung ano anong posibilidad na nasa isip ko at sa ayaw ko man at sa gusto ay patuloy iyon sa pagdaloy na siyang dahilan kung bakit napahagulgol ako pagkatapat ko pa lang sa pintuan ng kwarto niya.
“Si Helen?!” pasigaw na sabi ko pa ng pagbukas ko ng kwarto niya ay walang kung ano mang gamit ang nakita ko, maliban sa kama at katabi nitong lamesa na may flower vase sa ibabaw.
Naramdaman kong may yumakap saakin sa likuran para bumalanse sa maaari ko sanang pagkatumba.
Lumingon ako at takang napatingin kay Nyx. Anong ginagawa niya rito?
“I saw you running, I'm just... worried.” tuloy tuloy na dumaloy ang luha ko kasabay ng pagyakap ko sakanya ng sobrang higpit.
Sa tingin ko ay mababasa na ang damit niya dahil sa dami ng luha ko. Habang siya ay patuloy na paghagod sa likuran ko at pinapatahan ako.
“Stop crying. The nurse said she's in the monitoring room.” parang gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Ayokong makita ang kaibigan ko na nahihirapan dahil parang gusto ko ako na lang.
“Don't worry, she's fine.” kumalma naman ako ng kaunti at nagpatianod sakanya ng hawakan niya ang kamay ko at sinamahan ako sa kwarto kung nasaan si Helen.
“H-helen?” masayang sabi ko ng makitang gising na siya. Kaagad ko siyang niyakap at pinugpog ng halik sa pisngi.
“Yuck! Ano ba, Araw!” natawa naman ako dahil sa itsura niya.
“Akala ko kung napano ka! Ano ba kasing nangyari?!”
“Nag-aalala daw pero panay ang sigaw. Ewan ko sayo bestfriend.” nakita ko naman ang pag irap niya na ikinainis ko.
Si Nyx na ang nagpaliwanag kung ano ang totoong nangyari.
“The doctor thought that she's having a heart attack but luckily, she's doesn't.”
“Nahirapan lang naman akong huminga, kaya 'wag ka mag alala.”
Pinaningkitan ko ng mata si Helen dahil sa sinabi niya. Nakangiti pa siya na animo'y parang wala lang ang sakanya. Gano'n ba talaga kapag tanggap mo ang sakit mo? Walang pakialam sa kung anong pakiramdam at hinahayaan na lang?
“Now, samahan mo yang lalake mo, mukhang kanina pa kating kati na hilahin ka palabas ng ospital at i date ka eh!” kinurot ko naman siya ng mahina sa tagiliran na mas ikinalakas ng paghagalpak niya.
Agad ko siyang tinalikuran pero mas nainis sa isinigaw niya na maging si Nyx ay natawa.
“Aalis din naman pala, naghanap lang ng butas para hindi mahalata. Iws!” hinayaan ko na lang ang bestfriend ko at napailing iling.
Pero sa totoo lang ay natakot ako kanina, dahil hindi ko alam kung kakayanin ko bang mawala ang isang taong bumubuo ng pagkatao ko.
Naramdaman ko ang pag akbay ni Nyx kaya agad ko iyong tinanggal at lumayo sakanya ng bahagya. Narinig ko ang mahina niyang tawa ay parang nag echo iyon sa pandinig ko.
Mas binilisan ko na lang ang lakad ko at pinakiramdaman ang pag sunod niya.
“It's 6:13 already.” nang dahil sa sinabi niya ay saka ko lang naalala ang oras. Napatingin ako sa langit pero agad napabusangot ng makitang maulap. Buti na lang at maganda parin dahil sa cloud formation na iyon ang paligid ay nagkukulay kahel.
“Let's hurry up?” tanong niya na tinanguan ko naman. Nagulat ako ng binuhat niya ang bisikleta ko at inilagay iyon sa likuran ata ng parang truck na kotse, ewan ko kung anong tawag du'n kasi hindi naman ako pamilyar sa mga kotse.
“Let's go?” nag alangan pa ako dahil ngayon lang ako makakasakay ng isang kotse, parati kasing ambulansya o minsan bisikleta ang sinasakyan ko.
Pinagbuksan niya na lang ako ng pinto at ako naman ay walang imik na sumakay. Nilagyan niya pa ako ng seatbelt dahilan para magkalapit kami masyado.
Sa gitna ng byahe ay mabilis ang tibok ng puso ko at hindi magkanda ugaga ang daliri ko sa paggalaw.
Nagtanong na lang ako para mabawasan ang nararamdaman ko na hindi ko maintindihan.
“Kailan ka pa natuto magpatakbo ng kotse? Akala ko sixteen ka pa lang.”
“Yes I'm just sixteen, seventeen by the way. My father teaches me when I was younger and told me to be independent enough. Don't worry, I have my student license.” mahabang aniya at wala naman akong naisagot.
Nagdaan ang ilang minuto at agad na kaming bumaba ng kotse sabay sabi niya saakin ng oras.
6:18—we arrived in time.
Nagulat ako ng marahan niya akong hinila papunta sa puno ng narra.
“Anong gagawin natin?” takang tanong ko ng magsimula siyang umakyat.
“Climb, hold my hand.”
“Baka mahulog ako,” natatakot kong saad na kaagad niyang sinang ayunan.
“Trust me, the view will look more prettier here. You want that to see, right?” sabi niya kaya kahit nag aalangan ay inabot ko ang kamay niya.
May pagka slant ang puno kaya madali akong nakaangat habang hawak parin ng mahigpit ang kamay niya sa takot na mahulog.
Ng nasa taas na kami ay parang ngumiti pati ang puso ko ng mapagtanto na mas maganda palang pagmasdan ang paglubog ng araw sa taas nito.
“No one can see us here, so this will serve as our hideout. Interesting, isn't it?” marahan ko naman siyang tinapik sa balikat.
Natigilan ako ng ilang saglit ng makita siyang tumawa. Nakasuot na siya ng bagong salamin ngayon at ngayon ko lang din na-appreciate ng sobra ang pagka gandang lalaki niya.
Medyo may pagkagulo ang buhok niya at mas bumagay iyon sa medyo may kahabaan niyang buhok, kaunti na lang ay mapagkakamalan ko na itong koryano. Agad din naman akong nag iwas ng tingin ng mapalingon siya saakin at biglang sumeryoso ang itsura.
Hinawakan niya ang buhok ko at inalis ang ilang hibla na nakatabing sa mukha ko habang ako naman ay nakaiwas parin ng tingin.
Nahihiya ako dahil baka mahalata niya ang pamumula ng pisngi ko. At ayoko ring humarap dahil baka bigla akong magkaheart attack dahil sa bilis ng tibok ng puso ko—'wag naman sana.
“Look at me.” seryosong aniya at kahit anong gawin ko ay namayani parin ang pag galaw ng ulo ko paharap sakanya.
Bale nasa may dalawa kaming malaking sanga nakaupo at magkatabi kami habang nakaharap sa kapatagan.
Ng eksaktong pagharap ko sakanya ay nagulat ako ng magkalapit ang mga mukha naming dalawa.
Dahil sa gulat ay na out balance ako sa pagkakaupo ko, buti na lang ay nahawakan niya ang braso ko.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa kaba.
Napasulyap ako sa wrist watch niya at nakitang isang minuto na lang bago mag 6:20— God, ayaw ko mahulog!
Sa kabila ng kaba at takot, nakuha ko paring kiligin ng magsalita si Nyx,
Exact 6:20 PM, he squeeze my hand and say;
“You won't fall alone, I'm here. Hold on tight, baby.”
***

Book Comment (16)

  • avatar
    Nerissa Novelas

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Shane Mutia Muros

    this is so cute

    05/07

      0
  • avatar
    MontejoLouisse Nadine

    galing

    17/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters