logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 03

03
From the place called Paradise we watched as the sun slowly faded from sight in the Crepuscule as a witness of a beating heart.
*****
Hindi ko alam kung saan nanggagaling itong sayang nararamdaman ko, kakaiba sa araw araw na taglay ko.
“Ma, may pupuntahan lang po sana ako, kung pwede lang.” mahinahong tanong ko sa mama ko ng maabutan ko siyang nagluluto ng hapunan.
“Ang aga pa ah? Baka kung mapano ka.” sabi niya na nakatalikod parin at abala sa paghahalo ng sinigang.
Niyakap ko siya sa likuran bago nagsalita,
“Riyan lang naman po sa malapit, ma.”
“Ingat lang.” napangiti ako dahil sa sagot niya. Sabi ko na  nga ba at hindi ako matitiis ni mama.
“Dadaan po muna ako sa vulcanizing shop. Flat po itong gulong ng bike ko.” mahinang sigaw ko sapat lamang upang marinig niya sa loob.
“Buti naman at naisip mo, mahiya ka naman sa kakahiram mo kay Ouranos. Bagong bili niya bininyagan mo na.” natawa na lang ako dahil sa sinabi ni mama. Totoo naman, bininyagan ko. Pero hindi nila alam ang disgrasya na nangyari kahapon. Ayokong sabihin kay mama kasi paniguradong kung ano ano nanaman ang sasabihin no'n.
Dumiretso ako vulcanizing shop na medyo may kalayuan. Itinutulak ko lang ang bike habang nakayuko ako dahil sa mga tingin na parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.
Kada pagdaan ko dito ay palagi na lang na nararamdaman ko na kinaaawaan ako ng lahat, yung tipong parang nagtataka pa sila kung bakit humihinga parin ako hanggang ngayon.
Kaliwa't kanan ang bulungan na naririnig ko pero ang pinakamasakit sa lahat ay nang marinig kong sinabi nilang, “Akala ko patay na yan?”
Bakit gano'n? Hindi ba dapat ikatuwa nila na buhay pa ako, o kaya naman ay manahimik na lang sila kasi wala naman silang makukuha sa kaka dada ng kung ano-ano.
Ilang minuto lang akong naghintay sa labas ng vulcanizing shop ng makita ko sa di kalayuan si Ouranos. Agad kong tinawag ang pangalan niya pero kaagad ding natahimik ng makitang babae na nakaupo sa daan. Habang ang kaibigan ko ay nakahawak sa bisikleta. Agad ko silang nilapitan ng matapos na ang pag aayos ng bike ko.
“Helen? Ouranos? Ba't kayo nandito?” takang tanong ko habang papalit palit ang tingin sa kanilang dalawa.
“Magkakilala kayo?” sabay pa nilang sabi na nakapagpatawa saakin ng mahina.
“Hello, pareho ko kayong kaibigan.” naniinis naman akong inirapan ni Helen at nameywang sabay tingin kay Ouranos mula ulo hanggang paa.
“Kaibigan mo 'to?” halos mandiri niyang tanong habang nakaturo kay Ouranos ang daliri, halatang hindi makapaniwala. Tinanguan ko naman siya.
Bigla naman akong inakbayan ni Ouranos kaya napangiwi ako. Halos masuka naman si Helen ng makita kaming dalawa sa ganoong posisyon.
Tumingala ako kay Ouranos bago siya tinanong, “Ano ba'ng kasalanan mo sa bestfriend ko at ang tindi ng galit sa'yo?”
Hindi pa man nakakasagot si Ouranos ay naunahan na siya ni Helen.
“Pa'no ba naman kasi, dito pa nakuhang mag bisikleta sa mataong lugar, nasagasaan tuloy ako!” galit na asik niya.
“Sino ba kasi ang naglalakad sa gitna pa mismo ng daan? Mag isip ka, Elena. Hindi lang ikaw ang nasaktan!”
“'Wag mo nga akong tawagin ng Elena! Helen ang pangalan ko! Bakla!” halos matawa na lang ako dahil sa itsura nilang dalawa. Kung hindi ko lang sila kilala ay iisipin kong normal silang magkasintahan na nagtatalo sa  selos.
Naramdaman kong natanggal ang pagkakaakbay saakin ni Ouranos at pareho kaming napalingon sa likod.
Nakita ko ang hindi maipaliwanag na itsura ni Nyx sabay hawak sa braso ko. Pinaningkitan ko siya ng mata kaya medyo napilitan siyang ngumiti bago lumingon kay Ouranos na nakataas ang kilay.
“You said that you'll tour me, yet you're still here. With this man–”
“Ouranos,” pagpapatuloy ko sa sinasabi niya.
“Yes. Uranus.” pinaningkitan ko siya ng mata at tinapik ang kamay na nakahawak sa braso ko pero hindi niya man lang tinanggal.
“Ouranos pare,”
Halos kabahan ako dahil sa malalim nilang titigan na parang gusto nilang upakan ang isa't isa.
Nagulat na lang ako ng kurutin ako ng mahina ni Helen sa tagiliran na hindi ko man lang napansin na katabi ko na pala. Halos sumigaw na siya sa hindi malamang dahilan. Napailing iling na lang ako.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong humigpit ang hawak saakin ni Helen na siyang ipinag alala ko. Mukhang nahihirapan siyang huminga kaya nataranta ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko o ang gagawin.
Buti na lang ay nagsalita siya, “Hoy ikaw, bakla! Pakihatid ako sa ospital!” nanghihina pero may gana niya paring sigaw na ikinakunot ng noo ni Ouranos. Tinanguan ko na lang siya para matulungan niya kami.
Maglalakad na sana kaming apat ng biglang sumandal saakin si Helen at may kung anong ibinulong.
“Go! Mag date kayo ng cute guy na yan. Ako na ang bahala sa epal na baklang 'to. Mas boto ako sa gwapo.” halos gusto ko siyang sapakin dahil sa sinabi niya, pinag alala niya pa ako ng lubos.
“So, let's go?” narinig kong sabi ni Nyx.
Hindi ko man lang namalayan na nakaalis na pala ang dalawa kahit labag sa loob ng tarantado kong kaibigan na si Ouranos.
“Ba't ka nandito?” takang tanong ko sakanya ng magsimula na kaming maglakad.
Siya naman na ang nagboluntaryo na magtulak ng bike ko.
“Your mother told me you're here. That's why.” kibit balikat na aniya.
Nanlaki naman ang mata ko bago nagtanong ulit na may halong pagkagulat. “Pumunta ka sa bahay?!”
“Yup,” simpleng sagot niya kaya nasapo ko na lamang ang noo ko. Kailan kaya 'to magsasalita ng hindi tinitipid sa pagbuka ang bibig?
“Anong sabi mo?” kinakabahang tanong ko dahil baka kung ano nanaman ang sabihin ni mama pagdating ko ng bahay. Baka isipin niya na boyfriend ko si Nyx at magalit dahil ayaw niya pa namang naglilihim ako sakanya tungkol sa mga bagay na gano'n.
“Nothing, I just ask her where are you.”
“And she's right, you're here. With your... Boyfriend?”
Halos matawa ako ng malakas sa tanong niya. Mukaha ba kaming magkasintahan ni Planeta?
Kunot noo niya lamang akong pinanood habang tumatawang mukhang baliw. Kaibigan ko si Ouranos at hindi ko makita ang sarili ko na matawag siya bilang boyfriend.
“I'm just asking.” simpleng sabi niya ulit na nakapagpatigil saakin sa pagtawa.
“Hindi no! Mag kaibigan kami, at hanggang doon lang 'yon. Period.”
“But it's obvious that he likes you.” natigilan ako sa sinabi niya pero kaagad ding nakabawi at natawa ng mahina sabay iling iling.
“Can you, ahm. Teach me how to ride–”
“Ha?”
“This bike, I mean.”
Natawa na lang kaming pareho ng mahina bago ko siya sinagot, “Oo ba!”
Halos kumislap ang mga mata niya dahil sa narinig.
“Una, sakyan mo.” tumingin naman siya ng hindi makapaniwala saakin.
“Sumakay ka sa bike.” simpleng sabi ko.
“Yes I know, obviously.”
“Kailangan mong balansehin kapag nagsimula ka ng magpedal.” napatingin naman siya ng seryoso saakin pero binalewala ko na lang at hinawakan ang kaliwang hawakan ng bike.
Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko ng magdikit ang mga kamay namin.
“Tumingin ka ng diretso sa daan. 'Wag sa magandang dalagang nasa tabi mo lang.” nakangising sabi ko na ikinatawa niya ng bahagya. Pero sa loob loob ko, kinekwestyon ko kung bakit ko sinabi ang nakakasukang mga katagang iyon.
“Kailangan ay naka focus ka lang parati sa unahan. Kahit anong mangyari wag kang lilihis lalo na at kung hindi ka sigurado sa babaksakan mo.”
“But what if I accidentally fall?...for you?” sabi niya na sinuklian ko na lang ng tawa kahit halos masunog na ang pisngi ko dahil sa init na nararamdaman ko dito.
“Magtigil ka nga.” sabi ko na lang bago siya bitawan.
“Ngayon, tandaan mo lang parati na kapag nakasakay sa bike, dapat naka focus ka palagi. Parang goal mo lang, dapat mong pag igihan. Then dapat tuloy tuloy lang ang pedal para manatili ang balanse mo. Dahil once na tumigil ka, tiyak na tutumba ka at ayaw mo namang mangyari iyon, hindi ba?”
“Yes baby, I need to focus on you only, and balance everything to fall for you perfectly.”
Natigilan ako dahil sa sinabi niya na sinabayan niya pa ng kindat. Nag init ng sobra ang pisngi ko dahilang para mapahawak ako doon at mapangiti ng wala sa oras. Ito ba ang tinatawag nilang kilig? Dahil hindi ko alam kung ano ba itong aking nararamdaman.
Narealize ko na lang ang sarili kong masayang tumatawa habang pinapanood siyang hirap na hirap sa pagbalanse ng bike. Ang yabang yabang, hindi naman magawang umupo ng tuwid at magpedal ng tama.
Hinayaan ko na lang siya at iniwan, pumunta ako sa parati kong tinatambayan sa ilalim ng puno ng narra kung saan kami unang nagkita at kung saan may muntik ng mangyari saakin ng masama.
“Hey, you left me again!” inirapan ko na lang siya sabay tingala sa kalangitan na kulay kahel na.
“The sunset is indeed beautiful, isn't it?” tanong ko.
“Yeah.” tipid niyang sagot bago umupo sa katabi ko at isinandal ang likod sa puno kagaya ng ginawa ko.
“Anong oras na?” biglang tanong ko ng mapagtanto na hindi ko suot ang wrist watch ko.
“It's six-eighteen already.”
“Ayos, sakto tayo.” alam kong napalingon siya sa gawi ko. Ngumiti na lang ako bago malalim na tumitig sa napakagandang kalangitan.
“6:20, my sunset time. I'm addicted watching sunsets and it's the only thing that comforts me. And it's the date of my birthday, at exact time I was born.”
Alam kong isang minuto na lang ay 6:20 na kaya napangiti ako.
Ilang segundo na lang...
Tumingala ako at ngumiti ng malapad kasabay ng pag ihip ng hangin.
Binilang ko ang bawat segundo pero ng saktong pagkatapos ng countdown ko ay siyang paglingon ko sa katabi ko.
Nakaramdam ako ng kakaibang saya, saya na mas mahigit pa sa nararamdaman ko tuwing nanonood ng sunset.
“I'm enjoying every moment that I can still clearly see this wonderful view, the crepuscule and... You.”
***

Book Comment (16)

  • avatar
    Nerissa Novelas

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Shane Mutia Muros

    this is so cute

    05/07

      0
  • avatar
    MontejoLouisse Nadine

    galing

    17/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters