logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 12

Even if promises are meant to be broken, why do people keep saying promises?
*****
Isang linggo na ang nagdaan pero mas nanghihina ang katawan ko. Parang unti unti na akong niyayakap ni kamatayan. Buti na lang at nariyan pa ang pamilya at mga kaibigan ko para pagkunan ko ng lakas upang patuloy na lumaban.
“Halika na anak?” rinig kong sabi ni mama mula sa labas ng kwarto ko. Magpapa check up ako ngayong araw kung ano na ang nangyayari sa sakit ko, at obvious naman na mas lumalala pa ito. Sabi ng mga doctor ay manatili ako sa ospital para maobserbahan. Pero tumanggi ako, hindi iyon ang buhay ko. Gusto ko na mamuhay man lang ng normal bago malagutan ng hininga.
“Opo ma,” mahinahong sabi ko. Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Wala na ang dating sigla na nakikita ko sa mga mata ko sa tuwing haharap ako sa salamin. Hindi na katulad ng dati ang mga ngiti na halos mapunit na ang mga labi ko. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil ang laki ng pinagbago, hindi lang emosyonal pati ang pisikal na itsura ko.
Ilang saglit pa ay nagbago ang isip ko at inilugay na lang ang hanggang bewang kong buhok. Gusto kong makita kung babagay parin ba iyon saakin sa kabila ng pangangayayat ko.
Nagulat na lang ako ng paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Nyx na kausap si mama sa may sala. Hindi ko na kinuha pa ang atensyon nila at lumabas ng bahay. Kahit na hindi ko lingunin ay alam kong bakas sa mukha nila ang pagtataka ng kinuha ko ang bike at mabilis na sumakay doon.
Narinig ko ang sigaw ni mama ng pagtutol pero hinayaan ko siya. Gusto kong isipin na malakas ulit ako, kahit naman alam ko na nahihirapan ako sa pagpedal ng bisikleta.
Muntik na akong matumba ng biglang humarang ang bike ni Nyx sa unahan ko. Bumama kaagad ako dahil sa gulat at baka kung matumba talaga ako ng tuluyan. Sisigawan ko pa lang sana siya ng maunahan niya na ako.
“Why do you have to be always like that? You’re killing yourself for pete’s sake!” sigaw niya na nakapagpatigil saakin. Kita ko ang galit sa mga mata niya pero kaagad din iyong nawala at parang lumambot na ice cream na bigla na lang natunaw. Buti na lang ay walang mga tao sa paligid namin dahil nasa gitna kami ng daan sa palayan.
Agad niya akong niyakap ng mahigpit dahilan para mabitawan ko ang bisikleta at hindi kaagad makagalaw. Gusto kong umiyak dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko pero hindi ko magawa. Pagod na siguro ang mga luha ko at parang naging manhid na ang mata ko sa mga ganitong sitwasyon.
Nang humiwalay siya sa yakap ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at napako ang tingin ko sa nangungusap niyang mga mata.
“Baby, please don’t kill yourself this way. I hate seeing you suffer, so please listen. I want you to listen to me, everything will be alright.” Sabi niya na nagpalambot sa puso ko. Bakit masyado akong napamahal sa taong ito?
Hindi ko man lang namalayan na nakatulala na pala ako kung hindi siya kumaway sa harap ng mukha ko at mapagtanto na hawak na niya ang dalawang bisekleta.
“If this is what makes you happy, then I’ll let you. Just remember that I’m always here at your side, I’ll make things happier. Hold my hand baby, tighten your grip.”
Hindi ko kaagad na proseso sa utak ko ang ibig niyang sabihin pero nang hawakan niya na ang kamay ko ay saka ko lang naalala ang ginawa ko noong nag aaral pa lamang siya magbisikleta.
“My tutor teaches me well, so here I am, returning the favor.” Kinindatan niya pa ako na mahina kong ikinatawa bago sumakay sa bisikleta. Hindi katulad kanina ay magaan na ngayon ang pakiramdam ko.
Nag bike kami ng magkahawak ang kamay, sabay na nagpepedal para manatili ang balanse. Natatawa pa ako minsan kapag kamuntik na siyang matumba pero naaayos naman kaagad. Medyo nahalata ko lang na hirap siyang mag adjust dahil hindi tulad noon, nahihirapan ako sa pagpedal dahil nanghihina ang mga binti ko.
Nakarating naman kami kaagad sa ospital ng matiwasay nakapagtataka nga at nakita ko si mama. Papaanong nauna pa siya?
“Ma, paanong nauna ka pa sa’min? lumipad ka, mama?” pabirong ani ko. Ang akala ko ay tatawa sila pero nagkamali ako. Pinangunutan pa nila akong pareho at nang magsasalita na si Nyx ay naunahan siya ng doktor.
“Hijah, you need to undergo chemotherapy again.” Seryosong ani ng doktor na nakapagpatigil saakin. Hindi ko kayang I absorb sa utak ko ang katotohanan na babalik nanaman ako sa dati. Babalik nanaman ako sa mala impyernong pinagdaanan ko. Napalingon ako kina mama na tulad ko rin ay hindi makapaniwala.
Hindi ko man lang namalayang tapos na pala sa pagsasalita ang doktor na wala man lang akong ibang naintindihan. Parang nakulong muli ako sa kawalan at ang bigat sa dibdib dahil hindi ko kayang mailabas ang aking nararamdaman. Kahit isang patak ng luha, wala man lang tumulo mula sa mga mata ko. Masyado na bang naubos ang nakaimbak na luha ko?
“Leana, baby…” parang may sariling isip ang mga braso ko at pagka tayong-tayo ko ay agad kong niyakap si Nyx ng napakahigpit. Wala mang lumalabas na luha sa mga mata ko pero ramdam ko ang panghihina at takot habang umiiling iling.
“Ayoko, ayoko na ulit masaktan. Nyx, gawan mo ng paraan.” Nagmamakaawa kong sabi habang hindi bumibitiw sa yakap dahil pakiramdam ko ay matutumba ako ano mang oras.
“Sorry baby, but the only thing I could do is to love you.”
Nang dahil sa sinabi niya ay saka lang ako nakaramdam ng pagkakabasa ng mata, naramdaman ko ang pagdaloy ng luha ko.
Pero bigla akong napabitaw kay Nyx ng makitang nakatingin saamin ng seryoso si mama na kanina pa palang nakamasid. Parang kinabahan naman ako bigla dahil baka kung anong sabihin niya.
“Hindi ba pwedeng ako naman muna, anak?” sabi ni mama kaya agad kong tinakbo ang pagitan namin ni mama at kaagad siyang niyakap ng mahigpit. Tanggap ko ang pagtatampo ni mama, kasi tama naman siya na bakit hindi siya ang unang taong kapitan ko. Pero sa tingin ko, siya na rin naman ang kasama ko sa buong buhay ko, gusto ko ring I appreciate ang ibang taong nasa paligid ko.
“Sorry mama,” paghingi ko ng tawad dahil inererespeto ko pa’rin naman siya.
“Nagbibiro lang ako, Sandya. Hindi naman ako tututol kasi alam kong nag dadalaga ka na. ganyan din ako noon.” Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni mama. Akala ko ay magagalit siya dahil ang bata bata ko pa pero nakakaramdam na kaagad ako ng tinatawag nilang pag-ibig.
“Oh, siya. Mamasyal muna kayo at mag aalas- sais na. Alam ko ang oras na masaya ka, kasama siya.” Tumingin siya kay Nyx at ngumiti bago maunang lumabas.
“So, let’s go to our favourite place?” nakangiti niyang sabi na tinanguan ko lang.
“Mauna ka na,” sabi ko habang naunang lumabas sa parang opisina ng doktor at nagpunta sa pribadong kwarto ko. Oo, matatawag ko na itong pribado dahil kahit na gumaling na ako noon ay hindi parin pinal’tan ang mga gamit at pasyente rito. Para bang alam na alam nila na ako lang ang nababagay dito at kahit kalian ay dito parin ang bagsak ko.
Akala ko ay susunod siya sa sinabi ko na mauna na pero naramdaman ko parin ang presensya niya sa likod ko. Ipinag kibitz balikat ko na lang at hinalungkat ang drawer sa tabi ng kama.
Kinuha ko ang mga lumang kagamitan ko sa pag gawa ng kung ano ano katulad ng mga bond papers, colored papers, at iba pang mga gamit sa pag scrapbook at mahilig din ako sa pag gawa ng cards sa mga espesyal na okasyon.
“What’s that for?” sabi niya na pinagmamasdan ako. Hindi ko siya sinagot at ipinagpatuloy lang sa pag aayos ng mga gamit.
Nang kumpleto ko ng mailagay sa plastic ang mga colored papers, mga pang design, different colored tapes, ballpens, pentelpen at marami pang iba.
“You’ll use glitters?” nag aalangang sabi niya na kaagad ko namang naisip. Oo nga pala, delikado ito sakanya kung sakaling mapasukan ang mata kaya kaagad ko iyong tinanggal sa plastic at ibinato sa malapit na basurahan. Nagtaka siya sa ginawa ko pero tipid ko na lang siyang nginitian bago nagsalita, “If you always think about my safety, I’ll try to do the same.”
Sumakay ulit kami sa bike papunta sa ginawa niyang tambayan dahil wala naman kaming ibang dala para sa transportasyon. Kesa naman maglakad kami pabalik. Nagboluntaryo na lang siyang bitbitin ang mga papel para hindi na raw ako mahirapan.
Hindi ko parin sinasabi ang dahilan kung bakit ako nagdala ng papel para makita niya na lang kapag natapos na. balak kong gumawa ng scrapbook kung saan hindi lang ako ang may ambag, gusto kong gawin ito para sa aming dalawa.
Tinulungan niya akong makaakyat at agad akong tumanaw sa bintana. Hindi maganda ang tanawin ngayon dahil makapal ang mga ulap. Pero wala akong pakialam. Sapat na, na matanawan ko ang liwanag bago man lang sakupin ang mundo ng kadiliman.
Hindi naman na siya nagtanong pa at nanatiling tahimik habang binabalutan ng colored paper ang isang blangkong scrapbook. May design na ito sa ibabaw pero mas gusto ko paring gawing personalized, gusto kong mailabas ang pagkamalikhain ko kahit sa mga simpleng bagay na ganito.
Nakangiti akong pinag gugupit ang colored paper sa korteng bulaklak. Mas gusto ko rin ang kulay na kinalabasan ng pagsama samahin ko ang busklak na may ibat ibang shade ng sunset palette. Mas naging malamig sa mata dahil medyo kupas na ang kulay dahil na rin siguro sa kalumaan at matagal na itong nakatambak lang sa drawer.
“You’re very creative, baby.” Hindi ko na lang siya sinagot at mas ifinocus ang sarili sa ginagawa. Mas mabuti raw kasing nasa puso mo ang paglikha ng isang bagay at kailangan tutukan mo talaga upang maging maganda ang kalabasan na siyang ginagawa ko ngayon. Guto ko itong maging maganda sa abot ng makakaya ko.
“Tada!” masayang sigaw ko sabay lahad sakanya ng natapos kong personalized sunset theme scrapbook. Ang saya ko dahil nakagawa nanaman ako ng art na ganito na matagal ko ng hindi ginagawa. Noon kasing nasa ospital pa ako ay ito ang karaniwang libangan ko upang matanggal ang boredom na minsan ay tinutulungan din ako ni Helen.
Mangha niyang pinagmasdan ang ginawa ko at binasa ang nakasulat sa Front page na may halong pagtataka.
“DAILY DOSE OF SIX-TWENTY PM PROMISES”
Masaya ko namang sinagot ang curiosity niya.
“Daily dose, ibig sabihin araw-araw.” Mahina pa akong natawa habang nagpapaliwanag.
“Every six-twenty, magsusulat tayo ng pangako na dapat nating tuparin. Tapos kapag eksaktong six-twenty ng hapon, pipirmahan natin at ididikit sa scrapbook. Para mayroon man lang tayong ala-ala na may pinagsamahan tayo at nagkaroon ka ng parte sa buhay ko, hindi ba?” mahabang pagpapaliwanag ko ng hindi parin matanggal ang mga ngiti sa labi.
“Even if promises are meant to be broken, why do people keep saying promises?”
“Kasi, ang pangako ang simbolo ng tiwala, kumpyansa sa sarili at higit sa lahat ay ang pagmamahal. Hindi man matupad pero mananatili ang ala-ala na nagtiwala sa isa’t isa dahil nagbitiw ng mga pangako na kahit na mapako, hindi mabubura.”
Sabi ko habang seryosong nakatingin sa mga mata niya.
“It’s six-eighteen already, baby.” Napatingin ako sa relong pangbisig ko at napangiti bago kinuha ang dalawang papel na nilagyan ko rin ng design bawat isa. Binigyan ko siya ng isa at ballpen. Agad niya iyong kinuha at tumingin ng malalim saakin na ipinagsawalang bahala ko at nagsimulang magsulat.
Napatingin muna ako sakanya na nakatingin din pala saakin. Natawa ako ng mahina bago binasang muli ang aking isinulat na nagsasaad:
~~~~~
Pangako ko na gagawin ko ang lahat para labanan ang sakit ko at lumaban para sa mga taong mahal ko at mahal ako.
~~~~~
Tumingin pa akong muli sa relo ko at bago siya sinabihan na pumirma na.
Masaya ako dahil kahit na may tyansa na hindi ito matupad, at least. Nangako kami sa isa’t isa sa harap ng papalubog na araw, hindi ba?
Nang parehas na kaming nakapirma ay inuna ko ng idinikit sa scrapbook ang saakin.
Pero biglang nanlamig ang kamay ko habang idinidikit ang papel na sinulatan niya at binasa ang nakapaloob doon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko na maging reaksyon, maaawa ba? Matatakot, matutuwa o kikiligin?
Sino ba ang hindi maeestatwa kapag nabasa ang mga katagang isinulat niya bilang pangako?
~~~~~
I promise to love Leana, at any means. Whatever happens.
~~~~~
*****

Book Comment (16)

  • avatar
    Nerissa Novelas

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Shane Mutia Muros

    this is so cute

    05/07

      0
  • avatar
    MontejoLouisse Nadine

    galing

    17/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters