logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 11

Losing someone is painful, but the fact that they are losing you is indeed hits different.
*****
“Anong nangyari sakanya?” naguguluhan kong tanong ng makita si Sandya na karga ni Nyx. Kinabahan agad ako dahil wala akong alam at kung ano ba ang dapat isipin ko sa mga oras na ‘to. Ang tanging nagawa ko lang ay kinakabahang sumunod sakanila hanggang sa makaabot sa kwarto at palabasin kami ng doctor.
Hindi ko alam kung saan ako lilingon at kung saan ko ba dapat ituon ang atensyon ko.
“Helen, calm down. She’s going to be okay.” Sa sinabing ‘yon ni Nyx ay naging dahilan pa ng unti unting pagpatak ng luha sa mga mata ko. Imbes na mapanatag dahil sa sinabi niya, mas lalo pa akong kinabahan dahil sa mga tanong na nabuo sa utak ko. Paano kung hindi? Paano kung ito na ang huling oras niya sa mundo? Ni hindi ko man lang siya nagawang kausapin at pasalamatan sa lahat ng kabutihang nagawa niya saakin.
Wala akong mapagkunan ng lakas at parang gusto ko na lang isigaw lahat ng kaba ko para kahit papaano ay maibsan.
“Hindi ba ikaw ang huling kasama niya? Bakit ‘to nangyari? Hindi ba dapat binabantayan mo siya?!” parang bigla na lang iyong pumasok sa isip ko at wala sa sariling nasabi dahil hindi ako mapakali. Hindi ako papaya na walang masisi kasi siya naman talaga ang kasama, hindi ba? Dapat binantayan niya yung bestfriend ko kasi siya lang yung nasa tabi niya.
“Sorry. It’s indeed my fault.” Nakayukong aniya na wala man lang halong pagtutol. Talagang inako niya lahat ng kasalanan at wala man lang siyang ibang sinabi kundi patawad.
Parang sinisi ko ang sarili ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa mga kataga at salitang binitawan ko. Nasabi ko lang naman iyon para maibsan ang takot sa loob ko pero hindi ko akalaing tototohanin niya. Naawa tuloy ako sa kalagayan niya, alam kong naging mali ako dahil sa sinabi ko na hindi ko man lang inisip na hindi lang naman ako ang nahihirapan sa ganitong sitwasyon.
Ilang sandali pa ay nakita kong paparating sa direksyon namin ang mama ni Sandya pati ang ina ni Nyx. Katulad ko ay umiiyak din si tita. Pagkalapit na pagkalapit pa lang niya ay agad ko siyang niyakap dahil baka kung bmagsak na ang siya bigla. Niyakap niya lang ako ng mahigpit na tila humihingi ng suporta at lakas para makapag isip ng mabuti.
“What happened to her, son?” natigil lang kami ni tita sa pag iyak ng marinig namin na nagsalita ang ina ni Nyx. Kaya ahat kami nakinig sa kung ano mang sasabihin niya. Sinisi ko ang sarili ko dahil sinisi ko kaagad siya kanina sa nangyari ng hindi inaalam ang buong pangyayari.
“When she fell asleep, I left her in the tent and go out for a walk. Unexpectedly I saw her diary and got worried by reading the statement written in the last page of the book. I never knew that she wants to commit suicide because we’re both happy before she sleep. I know It’s my fault for leaving her alone.”
Mahabang litany niya na nakagpatigil saaming lahat at hinintay na magsalita ang sinuman saamin.
“Hijo, wala kang kasalanan. Ipagdasal na lang natin na nasa mabuti siyang kalagayan.” Napahanga ako dahil sa sinabi ni Tita, napakabait niya talaga na siyang minana ng anak niya. Pero tama ang sinabi niya, imbes na mag sisihan, magdasal na lang kaming lahat para sa kaligtasan niya. Lahat kami takot sa mga posibilidad na mangyari, pero may magagawa ba kami kung nangyari na?
Hinintay lang naming lumabas ang doctor at lahat kami ay nabuhayan ng loob ng sabihing wala naman daw malalang nangyari maliban sa pagkahiwa ng palapulsuhan at naparami ang ininom na sleeping pills. Mabuti na lang at hindi totoong gamot na nakamamatay kapag na overdose ang nainom niya, sa ganoon nagpasalamat parin kami dahil ang diyos na mismo ang gumawa ng paraan para hindi muna siya mawalay saamin. Medyo nagtampo nga lang ako dahil bakit niya papatayin ang sarili niya, hindi niya man lang ba naisip na masasaktan kaming mga maiiwan niya?
***
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto, napakadilim at wala akong ibang makita maliban sa maliit na liwanag na nanggagaling sa bintana.
Ilang sandali pa akong napalingon lingon ng makarinig ng isang sigaw mula sa hindi kalayuan. Unti unti kong iginalaw ang mga kamay ko at ng mapagtantong kaya kong maigalaw ang buong katawan ko ay agad akong bumangon at nagtaka dahil sa gara ng kama na hinigaan ko. Napaisip kaagad ako kung nasaan nga ba ako.
Sa pangalawang sigaw na nagmumula sa boses ng isang babae ay dahan dahan kong inihakbang ang mga paa ko para sundan kung saan nanggagaling ang sigaw. Kinakabahan man pero tinatagan ko ang loob ko dahil hindi ko alam kung anong bubulaga saakin paglabas ko ng madilim at hindi pamilyar na kwartong ito.
Nang makalabas na ako ay natanawan ko agad magarang kabuuan ng loob ng bahay, bale nasa ikatlong palapag ako. Madili kaya hindi ko masyadong maaninag ang kahit mga litratong nakasabit sa dingding. Pero nakapukaw ng atensyon ko ay ang mahinang paghikbi na sa tingin ko ay nagmumula sa gilid ng sala ng bahay.
Natatakot man at kinakabahan pero dahan dahan akong bumaba ng hagdan. Buti na lang ay madilim ang dinaraanan ko para walang makapansin, pwera na lang kung magkamali ako ng hakbang dahil paniguradong hindi lang ako mapapansin, baka mabagok din ang ulo ko sa taas ng babagsakan.
Kinontrol ko maging ang paghakbang ko para hindi makapaglikha ng kahit anumang ingay. Dahan dahan akong lumapit at halos malusaw ang puso ko ng makita ang isang nakatalikod na babae habang nasa kandungan ang isang lalaking nalulunod sa sariling dugo.
Lumingon ako sa paligid at ng mapagtantong walang ibang tao maliban saamin ay kaagad na akong lumapit sakanilang dalawa.
“Ano po ang nangyari?” nag aalalang tanong ko ng nasa likod na nila ako habang nanginginig ang tuhod dahil ito ang unang beses na makakita ako ng napakaraming nagkalat na dugo ng tao. Kinilabutan kaagad ako at parang napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung sisigaw o masusuka ako.
Ang ipinagtaka ko lang ay kung bakit hindi man lang nila ako magawang lingunin gayong halata na ang presensya ko. Pinatunayan ko pa ng pumunta ako sa harapan nilang dalawa.
Hindi ko alam ang gagawin dahil sa pag aalala ng makitang buntis ang babae at halos nakatulala na lang ito sa kawalan habang ang luha ay patuloy na umaagos sa pisngi. Ang lalaki naman ay halatang nanghihina habang pilit na inaabot ang pisngi ng babae para siguro punasan ang luha.
“Tatawag po ako ng tulong.” Biglang lumabas ang mga salitang yon sa bibig ko pero hindi man lang nila pinansin at parang sila lang dalawa ang anririto ngayon.
Tatalikod pa lang sana ako ng bigla akong nanlamig dahil sa narinig.
“Sandya Leana ang ipangalan mo sakanya.” Napalingon ako sa kanilang dalawa at parang may sariling buhay ang mga luha ko na bigla na lang nagsitulo mula sa mga mata ko.
Napailing iling ako ng mapagtanto kung sino ang dalawang taong nakikita ko gayon sa harap ko. Si mama. Sinisi ko ang sarili ko kung bakit hindi ko man lang napansin na kamukhang kamukha ko siya noong dalaga pa lamang siya? Kulot lang ang buhok niya pero kuhang kuha ang korte ng mukha.
Dumapo ang tingin ko sa papa ko at parang gusto ko siyang yakapin. Nahihirapan akong huminga habang tumitingin sakanya na pilit linalabanan ang kamatayan para lamang matigil sa pag iyak si mama.
“Sandya Leana. Hindi ba at napakagandang pangalan? Siguradong magugustuhan yan ng anak natin. Dahil kinuha ko pa ang pangalang iyan na hango sa pinakamamahal mong sunset, hindi ba mahal ko?” hindi ko magawang gumalaw man lang habang pinagmamasdan si papa na hirap magsalita pero ginagawa parin ang lahat para makausap ang nakatulalang si mama.
“Mahal ko, tigil na sa pag iyak. Makakasama iyan sa anak natin. Alam mo namang ginawa koi to para mailigtas kayo at gusto ko pang masilayan ng anak ko ang napakagandang paglubog ng araw na kailanman ay hindi ko na makikita? Kung dati ay tayo ang magkasama, isipin mo lang na palagi akong nasa tabi ninyong dalawa ha? Handa kong isakripisyo lahat para lang sainyong dalawa dahil mahal na mahal ko kayong pareho.” Nakita ko pa ang paghaplos ni papa sa tiyan ng mama ko kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.
Kitang kita ko ang maraming tama niya ng bala sa katawan. Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Ang hirap malagay sa sitwasyon na makitang unti unting nawawalan ng buhay ang mahal mo.
Inisip ko na ayoko pa ngang mamatay, ayokong iparamdam ulit ang sakit na naranasan ni mama.
Wala man kaming napagsamahan ni papa pero ramdam ko ang pagmamahal niya saakin. Dahil sa ginawa niya pa lang na pagprotekta kay mama para manatili akong buhay.
Hindi ko alam pero bigla ko na lang niyakap si papa, kahit hindi totoo pero naramdaman ko parin ang kalinga ng isang ama kahit man lang sa mga oras na ito. Pinakatitigan ko si Papa na unti unting nagsasara ang mga talukap ng mata kasabay ng isang nakabibinging sigaw mula kay mama na nakapagbalik saakin sa kadiliman.
Napapikit ako habang pinupunasan ang mga luha ko. At ng pagulat ko ulit ay nakita ko si mama at ang batang ako habang nanonood ng sunset ng magkasama.
Ngayon ko lang din napansin na lumuluha si mama habang karga karga ang isang sanggol na siguradong ako.
Ang mga sinabi niya ang nakapagpamulat saakn sa kung anong dapat kong gawing desisyon at wag magpatalo sa biglang bugso ng kalungkutan.
“Iniligtas tayo ng papa mo, anak. Kaya dapat kahit anong mangyari, alagaan natin ang sarili natin at hindi tayo basta bastang sumuko. Ibinuwis niya satin ang buhay niya at tungkulin nating mabuhay pa ng matagal para hindi masayang ang ginawa niya. Mahal na mahal niya tayo, anak.”
Nakita kong nasa isag munting bahay na lang kami habang nakatanaw sa papalubog na araw. Ngayon alam ko na ang buong istorya, kung bakit kami naghihirap. Dahil hindi pa naman kasal si mama kay papa ay wala siyang nakuhang benepisyo maliban sa naipon nilang dalawa na ginamit namn ni mama sa panganganak.
Pero kahit gano’n mapalad parin ako kasi nagkaroon ako ng magulang na mahal na mahal ang isa’t isa. Kaya dapat kong alagaan ag sarili ko at patuloy na lumaban. Hindi lang dahil ayokong maiwan si mama at bumalik sakanya lahat g sakit ng pagkawala ni papa kundi na rin sa pagbibigay ko ng galang at pagtanaw ng utang na loob sa ginawang pagbuwis ni papa ng kanyang buhay para saamin.
--
Hindi ko kaagad na naidilat ang mata ko dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Nakarinig ako ng pagsinghap kasabay ng pakiramdam na may humawak ng mahigpit sa kamay ko.
Unti unti kong napagtanto na nasa loob ako ng panaginip kanina. At nalaman ko ang gusting iparating ng panaginip ko. Na hindi ko dapat kitilin ang buhay na iningatan at iniingatan ng mga taong nagmamahal saakin. Oo, lahat may katapusan pero naisip ko na hihintayin ko na lang ang oras ko kaysa sa madaliin ang pagkamatay dahil sa kabobohang dahilan.
“Finally, baby. You’re awake.” Bumungad saakin ang nakangiting mukha ni Nyx na halatang kakagising lang.
Napalingon ako sa bintana at napaluha ng makita ang papalubog na araw. Imbes na malungkot dahil mahamog at hindi makita ang kulay ng araw ay napangiti pa ako habang lumuluha.
“Baby, tinakot mo ako.” Napabaling ang atensyon ko kay Nyx ng magsalita siya at may bahid ng pag aalala sa tono ng pananalita niya.
“Sorry sa padalos dalos kong desisyon.” Sabi ko kaya hinigpitan niya ang hawak sa mga kamay ko. Napapikit naman ako ng halikan niya ang noo ko at mas lalong naluha ng marinig ang mga sinabi niya.
“Why do you have to end your life? I thought we’ll spend a lot more time together? How about me? Did you think about me, baby. I’m scared of losing you…”
*****

Book Comment (16)

  • avatar
    Nerissa Novelas

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Shane Mutia Muros

    this is so cute

    05/07

      0
  • avatar
    MontejoLouisse Nadine

    galing

    17/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters