Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Ylora nang biglang huminto sa paglalakad si Colt saka dahan-dahan itong lumingon at tumingin ng diretso sa mga mata nito. Tinitigan siya ng mariin. Iyong klase ng titig na nakakatunaw ng puso ng bawat babae kagaya ng nararamdaman niya ngayon. Nagsimula siyang humakbang paatras nang dahan-dahan itong naglakad pabalik sa kanya habang ang mga mata nito ay nakatuon lamang sa kanyang mga mata. Napalingon siya sa kanyang likuran nang mapagtanto niyang wala na siyang lugar na maatrasan pa. Nasa likod na niya ang istante. Napapalunok na lamang siya habang naghihintay na tuluyan itong makalapit sa kanya. Tumigil lang sa paglalakad si Colt nang halos isang dangkal na lang ang pagitan nito mula sa kanya. Sobrang lapit nila sa isa't isa to the point na pareho na nilang naaamoy ang hininga ng isa't isa. Awtomatikong napapikit siya nang iyuko nito ang ulo nito palapit sa knya. Akala niya hahalikan siya nito ngunit sa kanyang pagkadismaya ay bumulong lamang ito sa kanyang tainga. "Bakit sa tingin mo ako ang taong nagligtas sayo? Paano kung sabihin kong oo para lang magpasalamat ka sa akin at magkaroon ka ng utang na loob sa akin?" bulong nito sa tainga niya saka hinawakan ang baba niya at inangat. "A-ano?" nauutal niyang sabi. Hindi yata pumasok sa isip niya ang mga sinabi ni Colt. Mukhang na-blangko yata ang kanyang isip at tanging ang pandama lamang niya ang gumagana. Ang kaiga-igayang pakiramdam ng pagkakalapit ng kanilang mga katawan kasi ang tanging naiisip niya nang mga sandaling iyon. "Bakit ka pumikit, Lady? Akala mo ba hahalikan kita?" narinig niya ang mahinang tawa nito. "I don't kiss girls in our first meeting." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ylora nang sa wakas ay naunawaan niya ang sinabi nito. Biglang namula ang mukha niya dahil sa pagkapahiya. Ang tanga mo talaga Ylora! Bakit ka kasi pumikit? Ano ba ang pumasok sa utak mo at naisip mo na hahalikan ka niya gayong ito pa lang ang unang beses na kayo'y nagkita? Dahil sa kahihiyan ay hindi magawang imulat ni Ylora ang kanyang mga mata. Wala sa loob na mariin niyang nakagat ang pang-ibaba niyang labi. Nag-aalala siyana baka sa pagdilat niya ng mga mata ay makikita niya ang mapanuksong ngiti sa gwapong mukha ni Colt dahil sa katangahan niya. Kaya nanatili na lamang siyang nakapikit hanggang sa naramdaman niya ang paghugot nito ng marahasna buntong-hininga bago niya naramdaman na tuluyang lumayo ito sa kanya. At nang masigurado niyang wala na si Colt ay mabilis niyang iminulat ang kanyang mga mata para lamang makita na naroon pa rin ito at nakasandal lamang sa istante ilang hakbang ang layo sa kanya. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito ngunit hindi ang ngiti na inaasahan niyang makita. Ang ngiti at ekspresyon nito ay tila naaaliw sa kanyang ginawa. "H-hindi ka pa pala umalis?" tanong niya at hindi sinasadya na muling napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi. Parang tinutukso niya si Colt na halikan siya although hindi iyon ang intensyon niya. Tumitig si Colt sa labi niya at saka tumikhim na para bang may bumabara sa lalamunan niya. Tumayo iyo ng tuwid at nagkibit ng balikat bago umalis ng walang paalam. Dobleng kahihiyan. Iyon ang nararamdaman niya sa mga sandaling ito. Gusto niyang iuntog ang ulo niya sa istante pero pinipigilan niya ang sarili. Ang tanga mo, Ylora! Pinahiya mo ang sarili mo sa harap ni Colt, kastigo niya sa kanyang sarili. *** Nasa tapat ng bahay nina Bettchy si Ylora at hinihintay ang paglabas nito para sabay silang pumasok sa school gaya ng karaniwan nilang ginagawa. Kagabi ay sinabi sa kanya ng kanyang ama na nakausap nito si Bettchy at sinabi rito na papasok na ang kaibigan niya sa school dahil magaling na ito. Napangiti siya nang makita si Bettchy na papalabas ng gate nila. "Bettchy, kumusta ka na? I'm glad that you can finally go to school with me. I'm so bored without presence," sabi niya sabay kapit sa balikat ng kaibigan at humilig. Natatawa si Bettchy sa pagiging childish niya. "Bored? I'm sure na nag-boy's hunting kayong dalawa ni Hailey habang wala ako," pang-aasar nito sa kanya habang naglalakad sila. "Hindi naman! Bakit ko naman gagawin yun?" nakasimangot siya. "By the way, hindi ka na ba natatakot? I mean, about what happened the other night." Tumingin si Bettchy sa kanya habang nakakunot ang noo. "What happened the other night? Hindi ko maintindihan. Bakit ako matatakot? Dapat ba akong matakot dahil nadulas ako at gumulong pababa hindi kataasang burol?" tumawang tanong ni Bettchy. Mukhang wala itong ideya sa nangyari sa kanila noong isang gabi. "Hindi mo ba naaalala ang nangyari sa atin habang naglalakad tayo pababa ng burol?" tanong niya. Sa tingin niya ay sinadya ni Bettchy na kalimutan ang lahat o gusto lang niyong kalimutan ang pangyayaring iyon dahil hanggang ngayon ay natatakot pa rin ito. Natawa si Bettchy sa kanya. "Of course, I remember everything. Bakit naman hindi ko maaalala?" tinapunan siya nito ng nagtatakang tingin. "Ano ba talaga ang natatandaan mo na nangyari noong gabing iyon?" gusto niyang kumpirmahin kung nakalimutan nga ba ng kaibigan niya ang lahat o nagkukunwari lang ito na hindi nito maalala ang lahat. "Bakit ka ba nagtatanong ng ganyan? Parang ang weird mo naman ngayon. May mali ba sa nangyari nang gabing iyon?" tanong ni Bettchy. Huminto ito sa paglalakad at tinignan siya ng deretso sa kanyang mga mata. "Sagutin mo muna ang tanong ko," naiinip niyang sabi. Sana ay pinilit lamang ni Bettchy ang sarili na kalimutan ang nangyari "We were walking down the hill after we finished watching the sunset. And then while walking, I accidentally slipped. I rolled down the hill and because of it, nawalan ako ng malay." Nakatitig si Ylora sa mukha ng kaibigan. Naghahanap ng kahit kaunting senyales na pinipilit lang ni Bettchy ang sarili na kalimutan ang lahat. Ngunit sa kanyang pagkadismaya ay walang bakas sa mukha nito na nagsisinungaling ito. "Okay ka lang ba, Ylora?" Tanong ni Bettchy sa kanya nang makita ang reaksyon niya. "O-oo. O-okay lang ako." "Pero parang hindi ka okay. Namumutla ka. Are you not feeling well?" Bahagyang hinawakan ng nag-aalalang si Bettchy ang kanyang noo at tiningnan kung siya ay may sakit. Nakahinga ito ng maluwag nang makumpirma nitong wala siyang sakit. "Okay lang talaga ako," sabi niya ulit. Hindi niya maiwasang titigan ito. Hindi niya alam kung makakabuti ba sa kanya ang pagkawala ng mga alaala niya o hindi. At hindi rin niya alam kung paano niya sasabihin sa kanya ang nangyari noong gabing iyon. Matapos ang ilang segundong pagdedebate sa kanyang isip kung sasabihin niya ang totoo o hindi ay nagpasya siyang huwag sabihin dito ang totoo. Siguro ay mas makakabuti para rito kung makalimutan nito ang lahat. At hindi rin niya alam kung paano ipapaliwanag dito kung bakit biglsng nawala ang mga alaala nito. Kahit siya ay hindi rin alam kung paano nangyari iyon. Paano kaya nakalimutan ni Bettchy ang lahat? Mayroon bang taong may kakayahan na burahin ang alaala ng isang tao? "Ylora? Meron bang—" "Watch out!" Mabilis niyang hinila si Bettchy sa tabi ng kalsada nang may biglang dumaan na mabilis na sasakyan sa kanila nang hindi man lang bumubusina para malaman nila kung may paparating na sasakyan ba o wala. "Hoy! Anong silbi ng busina mo kung hindi mo gagamitin!" sigaw niya sa nagmamaneho ng itim na sasakyan kahit na sigurado siyang hindi maririnig ng driver o ng mga tao sa loob ng sasakyan ang sinabi niya. "Stop it, Ylora. The owner of that car is Colt Maclains," pigil ni Bettchy sa kanya nang gusto niyang isumpa ang nasa loob ng itim na sasakyan. "Colt Maclains?" ulit niya sa pangalanv binanggit ng kanyang kaibiga. Biglang nag-flashback ang memorya niya nang malaman niyang si Colt ang may-ari ng itim na kotseng iyon. Nag-flashback sa isip niya ang itim na sasakyan na dumaan sa sasakyan ng kanyang ama noong unang araw niya rito sa San Roque. Si Colt ang may-ari ng itim na kotseng iyon. Ibig sabihin, siya iyong taong naramdaman ko na parang hini-hypnotize ako nang araw na iyon?
oke
10/07
0A great plot and story!
18/04/2025
0bitin
03/04/2025
0View All