logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

Ang nag-aalalang hitsura ng kanyang ama ang namulatan ni Ylora nang pagbalikan siyang malay.
"Anong nangyari?"  nagtataka niyang tanong bago dahan-dahang bumangon sa kanyang kama. "Bakit ako nandito? Nasaan si Bettchy? Okay lang ba siya?" Magkakasunud-sunod niyang tanong sa kanyang papa.
Naalala pa niya ang nangyari bago siya nahimatay dahil biglang may pumisil ng mariin sa kanyang batok. Pero bakit nasa kama na siya? Sino ang nagdala sa kanya sa bahay nila?
"Ako ang dapat magtanong niyan sa iyo, Ylora? Anong nangyari sa inyo ni Bettchy? Nakita namin kayong dalawa na nakahandusay sa paanan ng burol," tanong ng kanyang ama.  Tinulungan siya nitong makaupo ng maayos sa kanyang kama.
"Iyong mga lobo! Inatake kami ni Bettchy ng mga lobo habang naglalakad kami pababa ng burol. Nasaan si Bettchy? Okay lang ba siya?" nakaramdam siya ng pag-aalala sa kanyang kaibigan na nawalan ng malay bago pa man nakalapit sa kanila ang mga lobo.
"Calm down, Ylora. Bettchy is safe. Just like you, she's already at their house," pigil nito sa kanya nang sinubukan niyang tumayo at umalis sa ibabaw ng kama.
Natahimik siya nang marinig ang sinabi ng ama. "Tama si Bettchy, Papa. Totoo ang mga lobo! Nakita ng dalawa kong mata ang mga lobo. Malalaki sila, golden yellow ang mga mata at parang—"
"Ylora! Stop your nonsense. Wolves are not real," pinutol nito ang mga sasabihin pa sana niya. Halatado sa mukha nito na hindi itoni naniwala sa mga sinabi niya. "Iiwan na kita para magpahinga kang muli. Pagkatapos mong pakalmahin ang sarili mo ay lumabas ka at samahan mo akong kumain ng hapunan."
Hindi na niya ipinagpilitan pa ang kanyang nakita dahil mukhang kahit ano ang gawin niyang paliwanag dito ay hindi siya pakikinggan at paniniwalaan. Napabuntong-hininga na lamang siya nang wala na ang kanyang ama. Alam niyang totoo ang kanyang nakita. At kakaiba ang pakiramdam niya. Nang dahan-dahang lumapit sa kanya ang mga lobo ay may naramdaman siyang pamilyar sa kanila. Hindi siya natakot dahil nakakita siya ng mga lobo sa halip ay natakot siya dahil kakainin siya ng mga ito ng buhay. Kung hindi nila siya kakainin o sasaktan, gusto niyang maging kaibigan ang mga lobong iyon.
***
"Good morning, Ylora! Bakit ka nag-iisa ka sa pagpasok sa school? Nasaan si Bettchy?" Bati ni Hailey sa kanya pagkapasok niya sa classroom nila.
Umupo muna siya sa upuan niya bago sinagot ang kaibigan.  "Wala siya kasi masama ang pakiramdam niya."
Bumisita siya kay Bettchy kaninang umaga at nalaman niyang mataas ang lagnat nito.  Sobrang takot ang naramdaman nito kagabi kaya ito nilagnat. Hindi tulad niya na normal ang pakiramdam at parang walang nangyari.
"Sasama ako sa'yo pagkatapos ng klase natin para mabisita ko si Bettchy," ani Hailey sa kanya.
Tumango lamang si Ylora. Ang isipan niya ay okupado ng nangyari kagabi. Nang magsimula na ang kanilang klase ay pinilit niyang ituon dito ang kanyang buong atensiyon. Ngunit pagkatapos ng klase nila hindi niya maiwasang isiping muli ang nangyari kagabi. Maghapon na hindi siya makapag-focus sa klase. Kahit anong gawin niya ay talagang pumapasok sa utak niya ang mga nangyari.
Pagkatapos ng klase nila ay hinayaan ni Ylora si Hailey na mag-isa na pumunta sa bahay ni Bettchy dahil may gagawin siya.  Gusto niyang pumunta sa library at magsaliksik tungkol sa mga lobo at werewolves. Hindi siya makapag-research sa kanyang laptop dahil napakahina ng signal ng internet nila kaya kailangan niyang gawin ito sa library.
"Wow! Ang laki naman ng library ng school na ito!" bulalas niya nang makita kung gaano kalaki ang library ng school nila.  First time niyang makapasok sa loob kaya namangha siya nang makita ang libu-libong libro na nakahanay ng maayos. Ang silid-aklatan ng kanyang dating school ay maraming libro din ngunit kumpara sa kanyang bagong paaralan ngayon ay wala pa sa kalahati ang mga aklat doon sa kanyang dating school.
Naglalakad si Ylora at nag-explore sa library. Humihinto siya at binabasa ang bawat librong nakakakuha ng atensyon. Nasasabik siyang makita ang seksyon kung saan makikita niya ang mga librong hinahanap niya.
"Ayun!" masayang bulalas niya.  Ngunit ang aklat na kailangan niya ay nakalagay sa mas mataas na hanay at hindi niya ito maabot.
Saglit niyang iniisip kung paano niya makukuha ang libro.  Tumingin siya sa paligid at wala siyang nakitang tao sa kinaroroonan niya maliban sa kanya. Kaya wala siyang choice kundi ang kumuha ng upuan at tumuntong doon para maabot ang pakay niyang aklat. Ngunit hindi sapat ang upuan. Upang maabot ang libro ay iniapak niya ang niya ang kanyang isang paa sa gilid ng istante habang ang isang kamay ay nakahawak sa gilid ng istante at ang isang kamay ay sinusubukang abutin ang libro. Ang aklat na nais niyang makuha ay nasa sa dulo ng kanyang daliri at konti na lang ay maaabot na niya. Ngunit bago pa niya mahawakan ang libro ay dumausdos ang paa niya at nakabitaw siya sa pagkakahawak ng kamay niya sa istante. Ang tanging nagawa na lang niya ay ipikit ang kanyang mga mata at hintaying bumagsak ang kanyang katawan sa matigas na sahig. Ngunit ang bagay na inaasahan niya ay hindi nangyari. Hindi naman bumagsak ang katawan niya sa sahig dahil may sumalo sa kanya.
Napakunot ng noo si Ylora habang sinisinghot sa hangin ang mabangong amoy na kapareho sa amoy ng taong nagligtas sa kanya kagabi.  Naramdaman din niya ang parehong malalakas na bisig na humawak sa kanyang katawan noong gabing iyon. Ano ang ibig sabihin nito? Pareho ba ang taong sumalo sa akin mula sa pagkahulog ngayon at ang taong nagligtas sa akin kagabi?
Upang kumpirmahin ang kanyang hinala ay mabilis niyang idinilat ang kanyang mga mata para lamang masalubong ng kanyang paningin ang pinakamagandang mga mata na nakita niya sa tanang buhay niya. Colt Maclains? Don't tell me na siya yung nagligtas sa akin kagabi?
Nakatitig lamang si Ylora sa mukha ni Colt habang nakakunot ang kanyang noo. Hindi niya maintindihan kung bakit iba ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Napakalakas ng tibok ng puso niya at tila nagwawala sa kinalalagyan nito. And oh, she felt the sudden butterflies in her stomach just like what she reads in the romance books. Bago sa kanya ang nararamdaman niya ngayon. Dahil kahit kailan ay hindi niya ito naramdaman sa sinumang lalaki. At hindi niya alam kung ano ang tawag sa ganitong pakiramdam. Natauhan siya sa ginagawang pagtitig niya sa guwapong mukha ng lalaking nakahawak sa kanya nang makita niya ang pag-angat ng isa nitong kilay.
"Are you keep on staring at me, lady? Wala ka bang planong pakawalan ako?"
Biglang bumalik sa katinuan ang kanyang pag-iisip nang marinig niya ang malamig at buong tinig nito. Mabilis siyang lumayo rito at inayos ang kanyang sarili.
"I-I'm sorry. H-hindi ko sinasadyang mahulog sa mga bisig mo pero salamat sa pagligtas mo sa akin." Ano ang sinabi ko sa kanya ngayon?  Hindi sinasadyang mahulog sa kanyang mga bisig? OMG! Anong kalokohan ang pinagsasabi ko? At bakit ako nauutal?
"Bakit palagi kang nasa panganib sa tuwing magkikita tayo? At sa susunod mag-iingat ka," malamig nitong sabi at saka basta na lamang siyang tinalikuran at naglakad.
Hindi maalis ni Ylora ang mga mata kay Colt habang dahan-dahan itong lumalayo sa kanya. Kumunot ang noo niya.  Kakaiba ang pakiramdam niya nang kalong siya nito kanina.  Parang pamilyar ang pakiramdam na naramdaman niya. Pakiramdam niya ay hindi ito ang unang pagkakataon na nakulong siya sa mga bisig nito.  Nanlaki ang mga mata niya nang may bigla siyang naalala dahil sa sinabi nito bago siya tinalikuran. Siya ba ang taong nagligtas sa akin kagabi?
"Ikaw ba ang taong nagligtas sa akin kagabi mula sa mga lobo?"  bago pa niya mapigilan ang bibig niya ay tinatanong na niya kung ano ang nasa kanyang isip.

Book Comment (47)

  • avatar
    AbdurahmanDelma

    oke

    10/07

      0
  • avatar
    Mylyn Dela Torre Rufo

    A great plot and story!

    18/04/2025

      0
  • avatar
    Emily Lumanilao

    bitin

    03/04/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters