Nakahiga si Ylora sa kanyang kama habang tahimik na nagbabasa ng kanyang libro. Sabado ngayon kaya buong araw siyang walang ginagawa. Mag-isa lamang siya sa bahay nila dahil may trabaho ang tatay niya kahit weekends. Magmula nang siya ay tumira sa bahay ng kanyang ama ay sinubukan nito ang lahatng makakaya upang maging isang mabuting ama sa kanya. She can feel the sincerity of his action but she's not ready to forgive him and forget all the unhappy things that happened in the past. Hindi niya bubuksan ang puso sa kanya maliban kung sasabihin nito sa kanya ang katotohanan na noon pa man ay gusto na niyang malaman. "Ylora? Andyan ka ba? Ylora?" Narinig niya ang boses ni Bettchy na tumatawag sa pangalan niya mula sa labas ng kanilang bahay. Mabilis siyang bumangon sa kama at tumakbo para buksan ang pinto. "Anong meron, Bettchy?" tanong niya pagkabukas ng pintuan. "Gusto mong sumama sa akin? Aakyat ako sa malapit na burol. Makikita natin ang magandang paglubog ng araw habang nakaupo sa bermuda grass sa tuktok ng mga burol," paanyaya nito sa kanya. Napangiti siya at nakaramdam ng excitement nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Ibinuka niya ang kanyang bibig para sumagot ngunit bigla siyang napatigil dahil may nakaagaw sa kanyang atensyon. Pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya mula sa malayo. Ramdam niya ang malakas na presensya ng isang tao pero hindi niya alam kung sino ito. Teka, kailan pa naging ganito kalakas ang aking pandama? "Bettchy, hindi mo ba nararamdaman na may nakamasid sa atin mula sa malayo?" hindi niya napigilang tanong kay Bettchy. "Anong pinagsasabi mo diyan?" she just chuckles. "I think you read too many paranormal stories that's why you are acting like that." "Hindi, seryoso ako," giit niya. Pero muli lamang siyang tinawanan ni Bettchy. "C'mon, Ylora. Gusto mo bang pumunta o hindi? Kailangan na nating magmadali para masaksihan natin ang magandang tanawin ng paglubog ng araw," sabi ni Bettchy na hindi pinansin ang itinanong niya rito. Puno ng excitement ang boses nito na tila ba ngayon pa lang ito makakasaksi sa paglubog ng araw gayong siguradong nasaksihan na nito iyon ng paulit-ulit dahil tagaroon lamang ito. Nagkibit-balikat si Ylora at piniling balewalain ang naramdaman niya kanina. Baka napaparanoid lamang siya. "I will go with you. Gusto ko ring masaksihan kung paano lumubog ang araw," she exclaimed. Sa katulad niya na laking-Maynila ay isang magandang karanasan ang makasaksi sa paglubog ng araw. Pagkatapos niyang i-lock ang pinto ng bahay nila ay dali-dali silang pumunta sa burol at umakyat sa tuktok. Nagsisimula nang lumubog ang araw nang sa wakas ay marating na nila ang tuktok ng burol. Umupo sila sa bermuda grass at ninamnam ang magandang tanawin sa harapan nila. Lumipas ang isang minuto, habang nag-eenjoy sila sa view ay napansin ni Bettchy na kumikinang ang necklace ng pendant niya. "Ylora, tingnan mo ang kwintas mo! Ang pendant ay kumikinang na parang sinag ng araw," bulalas ng kaibigan niya. Iniyuko niya ang kanyang ulo para tingnan ang kanyang kuwintas. Nalaman niyang nagsasabi nga ng totoo si Bettchy. Ang kanyang pendant na isang pangil na gawa sa silver ay talagang kumikinang na parang kulay ng araw. "Oh, so beautiful," bulong niya. Nasisinagan siguro ng papalubog na araw kaya kumikinang ang kwintas niya. Ngunit bakit naman ganoon? Hindi naman masyadong maliwanag na ang sinag ng araw dahil nga papalubog na iyon pero bakit napapakinang pa rin niyon ang kanyang pendant. Ang kwintas niya ang tanging iniwan ng kanyang ina para sa kanya. Ibinigay ito ng kanyang ama noong siya ay limang taong gulang at sinabing ito ay regalo mula sa kanyang ina. Gustong itapon ng papa niya ang kuwintas pero sa huli ay pinili pa rin nitong ibigay sa kanya tulad ng gusto ng kanyang ina. "P'wede ko bang subukang isuot, Ylora?" tanong ni Bettchy habang nakatingin sa kuwintas niya. "Hindi ko alam kung bakit pero parang may bumubulong sa akin na subukan ko ang kwintas mo." Ngumiti si Ylora sa kaibigan. "Of course," walang pag-aalinlangang hinubad niya ang kuwintas at hinayaan itong isuot ni Bettchy sa leeg nito. *** Si Hectas ay nakahiga sa kanyang kabaong habang si Vermin ay umiinom ng sariwang dugo ng tao nang bigla nilang maramdaman ang isang malakas at nakakaakit na amoy ng dugo. Masarap sa ilong ang amoy. At isang tao lang ang magkakaroon ng dugong iyon. Ang dugo ng anak nina Faviona at Orlean. Ang batang babae sa propesiya ng matandang si Arian. Ang babaeng may dugo ng pinagsanib na dugo ng tao, taong-lobo at bampira. "Sa wakas, lumitaw na ang babae sa propesiya!" Malakas na natawa si Vermin dahil sa kaligayahan. Nanlalaki ang nakakatakot nitong mata dahil sa excitement. Tapos na ang kanilang paghihintay. Sa wakas ay magigising na nila si Haring Davon, ang hari ng bampira. Biglang namang naimulat ni Hectas ang kanyang mga mata at mabilis na tumayo mula sa kabaong nang maamoy niya ang nakakaakit na amoy ng dugo mula sa dalagang tinutukoy ni Arian sa kanyang propesiya. Agad niyang tinawag ang kanyang shadow vampire. Ang shadow vampire ay ang kanilang mensahero kapag gusto nilang tawagin ang prinsipe ng lahat ng mga bampira, walang iba kundi si Colt Maclains. "Bilisan mo at papuntahin mo rito si Colt. Oras na para gawin niya ang kanyang misyon!" Umaalingawngaw ang boses ni Hectas sa loob ng kuweba kung saan sila nagtatago ni Vermin sa loob ng halos 50 taon. Hindi sila maaaring lumabas sa araw. Sila ay nasusunog kapag natatamaan ng sikat ng araw ang kanilang balat. Naiinggit siya sa pamilyang Maclains 'pagkat sila ay mga bagong henerasyon ng mga bampira kung saan kaya nilang tiisin ang sakit kapag nabilad sila sa araw at hindi sila nasusunog. "Let us celebrate early because our king will rise soon!" kumuha ng isa pang baso si Vermin at sinalinan ng sariwang dugo pagkatapos ay ibinigay kay Hectas. "Cheers sa ating maagang tagumpay!" Itinaas ni Hectas ang kanyang baso bago niya ininom ang dugo. "Ahh...dugo ng tao ang pinakamabisang paraan para mawala ang uhaw ko. Sayang, sa dala ng taong iyon lamang tayo nakakainom ng dugo. Kung p'wede lang tayong lumabas at mang-hunting ng nga tao ay mabubusog sana ako." Ang taong tinutukoy ni Hectas ay si August, ang ama ni Colt. Si August ay nagdadala ng sariwang dugo ng tao dalawang beses lamang sa isang buwan. At iyon ay hindi sapat para sa kanilang dalawa ni Vermin. Hindi sila maaaring lumabas at manghuli ng mga tao kahit na sa gabi kung saan walang araw na maaaring makasunog sa kanilang mga katawan. Maaari silang lumabas ngunit hindi sila makainom ng dugo ng tao. Ang dugo ng tao ay nagiging lason para sa kanila. At iyon ay dahil tulog pa kasi ang hari nila. Kapag nagising na si Haring Davon ay maaari na silang lumabas at manghuli ng kanilang biktima. Ang sariwang dugo ng tao na dinala ni August para sa kanila ay may mga kemikal na halo para maging sariwa pa ang dugo. At iyon ay kinuha pa nito mula sa Europe, kung saan silang lahat nakatira noon. "Huwag kang mag-alala, Hectas. Sa wakas ay makakalabas na tayo at makakahanap ng ating pagkain kapag nagising na ang ating hari. Kapag nangyari iyon ay makakainom tayo ng dugo ng tao hanggang sa magsawa tayo," hindi na makapaghintay si Vermin na dumating ang oras na malaya na silang makapaghahanap ng mga tao para maging biktima nila. *** "Tawagan ang prinsipe ng mga lobo ngayon din!" Umaalingawngaw ang boses ni Laurus sa bawat sulok ng mansyon ng pamilya Writes. Naramdaman niya ang paglitaw sa San Roque ng dalaga mula sa propesiya. Dapat nila siyang patayin para maiwasan ang hula ni Arian. Hinding-hindi sila yuyuko sa ilalim ng mga paa ng dark lord at hindi rin sila susuko sa kapangyarihan ng hari ng bampira kahit anong mangyari. Sa isang minuto lamang ang lumipas ay agad ng dumating ang prinsipe ng mga lobo at bahagyang yumuko para magbigay galang kay Laurus, ang pinakamatandang werewolf sa kanilang angkan. "Alam ko na kung ano ang sasabihin mo sa akin, Laurus. Naramdaman ko rin ang malakas na presensya ng babae sa propesiya. At huwag kang mag-alala dahil papatayin ko siya kahit sino pa siya," sabi ni Gray na kumpiyansa ang tono ng boses. Hindi niya hahayaang magtagumpay ang mga bampira sa kanilang planong gisingin ang kanilang hari. Dapat niyang patayin ang babae sa propesiya sa anumang paraan. "Very well, Gray! Then I will wait for your good news," sabi ni Laurus bago biglang nagbago ang anyo nito mula sa pagiging tao ay naging silver wolf na ang ibig sabihin ay matanda na siya ngunit may kapangyarihan pa rin. Ang lobo na si Laurus ay mabagal na naglakad at pumasok sa isang silid kung saan siya nakatira sa loob ng maraming taon. "Sigurado ka bang makakapatay ka ng isang inosenteng dalaga, Gray?" Nagsalita ang Tita Daniela ni Gray pagkaalis ni Laurus. Alam niyang matapang si Gray ngunit hindi ito pumapatay ng isang inosenteng tao. "I will have to kill her. I must kill her para maiwasan ang propesiya na magkatotoo," puno ng determinasyon ang tono ni Gray. Bilang isang prinsipe ng mga lobo ay kailangan niyang protektahan ang lahat ng mga taong lobo na katulad niya. At lahat sila ay malalagay sa panganib kung hahayaan niyang manatiling buhay ang babaeng iyon. " Alam mo naman na ayaw kong pasanin mo sa balikat ang bigat ng misyon na iyan, Gray. Noong namatay ang mga magulang mo ay ako na ang nagpalaki sayo kaya ayokong makita kang nabibigatan sa misyong ito. Gusto kong mamuhay ka ng masaya at normal na kagaya ng mga normal na tao." Ngumiti si Gray sa mabait niyang tiyahin. "Huwag mo akong alalahanin, Tita Daniela. Hindi ako nabibigatan sa misyong ito dahil ito ang tungkulin ko bilang prinsipe ng mga lobo. Hinding-hindi ko hahayaan na ang angkan natin ay yumukod sa paanan ng isang masamang bampira. Kaya kailangan kong patayin ang dalagang tinutukoy sa propesiya ni Arian kahit na anong mangyari."
oke
10/07
0A great plot and story!
18/04/2025
0bitin
03/04/2025
0View All