logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4

Chapter 4
Jenny's Point of View
Napabalikwas ako dahil sa gulat ngunit nakahinga naman ng maayos ng makitang babae lang pala na sa tingin ko ay nasa 60 na ang edad...
Tumabi ito saakin kaya bumalik ako sa pagkaka upo.
"May problema ka ba anak?" Nagulat ako sa tawag nitong anak saakin kaya hindi ako kaagad nakasagot. "Pasensiya ka na anak, ugali ko talaga itong tawagin ang mga mas bata saakin na anak" sabay ngiti nito and hindi ko alam pero parang may nagsasabi saakin na mabait siya.
"Pasensiya na po lola, nagulat lang po ako" paghingi ko naman ng despensa.
"Walang anuman anak. May problema ka ba?" Tanong nitong muli kaya sasagutin ko na.
"Meron po".
"Talagang takbuhan pala ito ng problema" sabi nito kaya napatingin ako kay lola.
"Bakit naman po?" Takang tanong ko.
"Iyong anak ko kase ay dito rin ang punta tuwing may problema".
"Ganoon po ba, hindi ko po alam dahil unang punta ko palang po rito na may problema eh" tugon ko naman at tumingin ito saakin.
"Mukhang malaki iyan anak ah".
"Malaking malaki nga po eh" bakit ang gaan ng pakiramdam ko sakanya.
"Alam mo anak, tulad ng sinasabi ko sa anak ko na walang problema na hindi kayang solusyunan" hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Naipon lahat ng sakit sa loob ko at bigla nalang na sumabog dahil sa sinabi niya...
"Paano po kung wala na" yinakap ako nito ng mahigpit at naramdaman ko ang matagal ko ng hinahanap sa mga magulang ko... Ang init na may pagmamahal...
"Huwag kang mag alala anak dahil alam kong magsisimula palang ang buhay mo. Tiwala ka lang sa maykapal at darating iyan ng maaga" patuloy parin ako sa pag iyak sa gitna ng pagkakayakap niya saakin...
"Sabihin mo saakin ang problema mo anak at baka may alam akong maitutulong saiyo, dahil alam mo bang kailangan ng taong ilabas ang nararamdaman nila dahil makakasama ito saiyo kapag itinago mo lang" bumitaw na ako sa pagkakayakap at pinunasan ang aking mga luha.
"Pwede po ba?" Tanong ko ulit.
"Oo naman anak, ilabas mo lang iyan".
At hindi ko na nga napigilan ang sarili ko at naekwento ko sakanya ang lahat. Matapos akong mag kwento ay tumingin ako sakanya at nakita ko itong lumuha...
"May nasabi po ba akong masama?" Nag aalala kong tanong.
"Akin ka nalang" nagulat ako sa sinabi ni lola...
"Ano pong ibig niyong sabihin?".
"Ako nalang ang mag aalaga saiyo".
"Bakit naman po?".
"Dahil makakasama saiyo ang ganito. As you say, you're familiy is one of the reasons kung bakit ka ganito. And hindi ko kayang makita ka na ganito".
"Salamat nalang po pero nakakahiya na naman po" tanggi ko naman kaagad.
Bigla nalang na tumunog ang tiyan ko kaya napayuko ako dahil sa hiya... Hindi pa nga pala ako kumakain...
"Juanito! Paki kuha nga ng pagkain sa kotse" nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa tinawag niya at papalapit ito saamin na may dala dalang dalawang box na malaki. Tulad ni lola ay matanda narin ito na nasa around 60.
"Ano pong ibig sabihin nito?" Takang tanong ko.
"Kakain tayo" masayang sabi niya kaya nagulat ako.
"Huwag na po".
"Ano ka ba anak, ngayon pang alam ko na na buntis ka. Kumain nalang tayo at pag usapan natin mamaya ang problema mo.
Inihanda nung 'Juanito' ang lahat at pag tingin palang sa mga naka hain ay nag lalaway na ako.
"Halika kain na muna tayo" sabay abot niya ng plato at kutsara saakin. "Huwag kang mahiya at kumain ka lang dahil kailangan mo iyan at ni baby" sa ngiti palang nilang dalawa ay alam ko ng mabuti silang mga tao.
"Maraming salamat po talaga" halos maluha na ako sa sobrang saya...
"Ako nga pala anak si Mrs. Senia Oliver Montecillo at ito naman ang asawa ko si Mr. Juanito Sallan Motntecillo" sabay turo sa 'Juanito' na asawa niya pala...
Parang pamilyar saakin ang kanilang last name pero hindi ko matandaan kung saan...
"Ako naman po si Jenny Kim Liansa Valdez" pagpapakilala ko naman sakanila.
"Nanay Sel at Tatay Nito nalang ang itawag mo saamin anak dahil ang tanda naman namin kung lola tsaka lolo" ngumiti silang dalawa kaya nadala narin ako...
"Ayos lang po ba talaga?".
"Oo naman anak".
"Pero po kase hindi naman tayo magkakakilala at ngayon palang po tayo nagkita".
"Huwag kang mag alala anak dahil nakikita ko naman sa mga mata mo na mabuti kang bata at base sa kwento mo ay may problema ka sa mga magulang mo kaya andito kami" I feel warmth in their words and it makes me happy...
"Maraming salamat po talaga".
Nagsimula na kaming kumain at tulad nga ng sinabi nila ay hinayaan ko nalang ang sarili ko na kumuha ng kaya kong kainin at tiningnan ko silang dalawa... Swerte siguro ng anak nilang dalawa kaya hindi ko maisip kung ano ang problema ng kanilang anak para pumunta rito. Napaluha nalang ako habang pinagmamasdan sila... This is the kind of family I was dreaming of.
Kaagad ko namang pinunasan ang aking mga luha dahil masyadong nakakahiya naman sakanilang dalawa...
"Heto anak oh kainan mo pa ng marami" sabi ni tatay Nito sabay abot saakin ng iba pang ulam kaya tinanggap ko naman...
Hindi ko kayang tumanggi dahil ang sarap talaga ng mga ulam...
"Ang sarap po lahat" hindi ko namalayang nasabi ko pala iyon ng malakas. Akala ko kase ay sa isip ko lang iyon sinabi...
"Gawa iyan ng anak namin" masigla namang tugon ni Nanay Sel kaya namangha ako at na curious kung sino ang anak nila. Mukhang professional na cook siguro....
"Galing niya po pala" tumango naman ang dalawa at nagkatinginan sabay tawa ng mahina...
They're really a perfect family...
Matapos kaming kumain ay tinulungan ko silang mag ligpit at si tatay Nito na ang nagbalik noon sa kotse nila habang naiwan naman kaming dalawa ni Nanay Sel...
"Anak" tawag niya saakin sa mahinang tono...
"Bakit po Nanay Sel?".
"Mas mabuti yatang kausapin mo ang nakabuntis saiyo" nagulat ako sa sinabi nito pero inayos ko ulit ang sarili ko.
"Bakit naman po?".
"Alam mo anak, naiitindihan naman kita na dahil pride nalang ang meron ka ay hindi mo na siya kakausapin. Sinabi mo saakin na hindi mo siya kilala at hindi mo rin siya hinintay magising kinaumagahan. Sa madaling salita ay hindi mo siya kilala".
"Hindi nga po talaga".
"Iyan ang punto ko. Ayaw mo siyang makita dahil sa pride at takot mo. Pero hindi mo pa alam kung masama ba siya o mabuti".
"Pero po kase—"
"Alam mo anak, mayroon akong kaibigan na ganyan rin ang nangyari noon, dahil sa takot niya ay pinagsisihan niya ito sa huli. Ang akin lang ay ang kapakanan ng bata. Magiging kaawa awa siya kapag lumaki siyang walang kinikilalang ama. Alam mo naman siguro kung gaano iyon kasakit".
Para akong naliwanagan sa sinabi ni Nanay Sel... Tama siya dahil tulad ko, nahihirapan rin ako kahit nga nariyan sila hindi ko naman maramdaman.
"Paano po kung hindi niya ako tanggapin?".
"Maayos lang iyon dahil atleast ay sinubukan mo. May isasagot ka sa anak mo kapag magtatanong siya at hindi sa isang sagot na puro lang naman kasinungalingan. Walang maidudulot na magandang resulta ang pride anak, palagi mo iyang pakakatandaan" lumapit saakin si Nanay at yinakap ako. Sa yakap niyang ito ay nararamdaman ko ang pagmamahal ng isang ina...
"Wala na po kase akong ibang mapupuntahan kung sakaling hindi niya ako tanggapin kaya naisipan ko nalang po na maghanap nalang ng trabaho".
"Heto ang calling card ko at address anak, kung sakaling hindi ka niya tanggapin ay saamin ka nalang titira".
"Talaga po?" Gulat kong tanong at hinalikan ako nito sa noo.
"Oo naman" yumakap ako ng mahigpit pabalik dahil sa labis na saya. Hindi naman pala talaga isang masamang pangyayari sa buhay ko ang gabing iyon dahil ngayon ay natagpuan ko na at naramdaman kung ano nga ba ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya...
"Kakausapin ko na po talaga po siya dahil kahit ako man po ay ayaw sa pagsisinungaling".
Ngumiti ito saakin at muli naming pinagmasdan ang bundok na napakaganda...
"Sana po ay masyos narin ng anak niyo ang kaniyang problema".
"Oo naman anak".
"Mauna na po ako Nanay Sel dahil pupuntahan ko na po siya"
"Teka lang anak, alam mo ba kung saan ang address niya?".
"Ah opo nasa Manila lang po".
"Sumabay ka nalang saamin anak".
"Huwag na po, masyado ko na po kayong inaabala" masyado na kaseng marami ang natatanggap kong swerte ngayong araw kaya may masamang pakiramdam ako dito...
"Ano ka ba anak wala iyon, pabalik narin lang kami kaya sumabay ka nalang" bigla nalang na nagsalita si Tatay Nito na nasa likuran na pala namin.
Masaya ako dahil nakilala ko sila at hindi ako nakaramdam ng pagkailang lalo na ng payagan nila akong tawagin sila  na Nanay ay Tatay...
"Salamat po" kinuha na ni Tatay Nito ang mga gamit ko habang nauna na kami ni Nanay Sel sa sasakyan...
"Huwag kang kabahan anak ah" biro nito kaya nag thumbs up ako...
"Opo Nanay Sel, galing niyo po kayang magbigay ng advice".
"Basta kapag hindi ka pinaniwalaan ng lalaking nakabuntis saiyo, libre ka sa bahay ah".
"Opo Nanay Sel" yumakap ako sakanya ng mahigpit dahil hindi ko alam kung magkikita pa ba kaming muli...
"Tayo na" sabi ni Tatay Nito na nakasakay na pala.
"Sige" sabay naman naming tugon ni Nanay Sel at inayos na ang aming pagkaka upo.
Habang nasa biyahe ay patuloy na pinapalakas ni Nanay Sel ang loob ko kaya ang saya saya ko. Para bang nawala lahat ng pag aalinlangan ko...
Dalawang oras ang aming naging biyahe at mabuti nalang na hindi kami masyadong naipit sa traffic. Nagpaalam na ako sakanila ng marating ko na ang address.
"Mauna na po ako Nanay at Tatay, maraming salamat po".
"Paalam anak, ingat ka" sabay nilang paalam at nag wave goodbye kami sa isa't isa. Sa totoo lang ay hindi ako sa mismong address na nakalagay sa I.D bumaba. Ayaw ko kaseng makita ako nina Nanay Sel dahil pansin ko kanina sa mga mata nila ang pag aalala kahit na sila ang nag in courage saakin na kausapin ang lalaking nakabuntis saakin...
Naglakad na ako at inilabas narin ang I.D niya... Maya maya lang ay nakita ko na ang kompanya kung saan siya nagtatrabaho at nagulat ako dahil sa sobrang laki. Mayaman pala ang lokong manyak na iyon. Dahil narin sa inis ko ay kaagad akong pumunta sa entrance at hinarang ako ni kuyang guard.
"Ah ma'am ano po bang sadya ninyo?" Tanong nito saakin kaya natigilan ako.
Sh*t nakalimutan kong kompanya nga pala ito kaya natural lang na may guard. Haysst!!! Anong nangyari sa utak mo Jenny?!!
"May sadya lang po ako" pinagpawisan ako ng sobra dahil medyo may takot ako sa mga taong may dalang baril kung hindi niyo nalalaman. At sa isang iglap ay bumalik lahat ng nerbyos at takot saakin na inalis ko na kanina pa. Nagdadalwang isip pa tuloy ako kung itutuloy ko pa ba talaga ito...
"A-ah kase Sir may ki-ikitain la-ang po sa-na ako" utal utal kong tugon kaya naman napakamot si kuyang guard sa kanyang ulo.
"Hindi ko po kayo maintindihan ma'am" aalis nasana ako ng makita ko ang larawan ng lalaking may kasalanan nito na nasa Glassdoor nitong building kaya kumulo kaagad ang dugo ko.
"Kakausapin ko sana ang asawa ko" madiin kong sabi kaya medyo nagulat si kuyang guard...
"A-asawa po ba m-maa-am ?" Siya naman ngayon ang nauutl...
"Opo".
"Sino po?" Napansin siguro niya ang ginawa niya kaya inayos niyang muli ang kanyang tindig at pananalita.
"Heto" sabay abot sakanya ng I.D at halata ang pagkagulat sa mukha nito kaya kaagad niyang binuksan ang Glassdoor para makapasok na ako.
Tumuloy naman ako at sinalubong ako ng malamig na hangin na mula sa aircon nitong company. Namangha ako dahil sa mga pormal na damit ng lahat na naririto. Kaagad akong lumapit sa isang babae na naparaan sa harapan ko.
"Ah excuse me miss".
Tiningnan ako nito ng masama kaya bigla akong kinabahan...
"Bakit miss ang tawag mo saakin? Sino ka ba?" Taas nitong kilay na tanong saakin
Ay wow mataray ang isang ito...
"Si Jenny" walang pag aalinlangan kong tugon.
"Hindi mo ba alam na ako ang nag iisang secretary ni Boss rito at wala kang karapatang pag salitaan ako ng ganyan" tinignan ako nito mula ulo hanghang paa kaya kumonot talaga ang noo ko to the max level.
"Ako lang naman si—" hindi nito natapos pa ang sasabihin niya ng biglang may pumasok na lalaki sa loob.
"Ms. Selvanna ano nanaman ito?" Mahinahong tanong nito pero nakatingin lang ako sa mukha nito... Hindi nga ako maaring magkamali siya iyon!!!
"Nabuntis mo ako Mr. Edward Jones Oliver Monticello!!!" Buong lakas kong sigaw at lahat ng tao ay nakatingin saamin. Ang kaninang mayabang na secretary ay nawalan ng malay at sinalo nalang ng ibang empleyado habang gulat naman ang ekspresyon ng bastos na lalaki... Deserve mo!!!
End of #TNWMLC -Chapter 04-

Book Comment (152)

  • avatar
    Mark Joshua Briones

    ganda nag storya

    7d

      0
  • avatar
    Maria Teresa Tanatan

    loveit

    9d

      0
  • avatar
    Arnold Oliva

    aisihshsbsussisbaoaksnskeoelskdssplsnsytwpywyehehdockvjfngngnfkeksgdveejgweusgewhwjekrororhrurkrpdjdndozjajsgduduusgfftft diff yee kk you have a great day I'm off to siya I'm going to siya to siya to get the results ate a whole lot man Ina road to siya to get the house cleaned up and to be honest I'm not a whole new world translation of a whole lot to get to get the kids out of a car to get a car loan calculator to find the values and to get to get the kids out to get the kids in their house cle

    13d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters