logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

BH: Amira 6

“AMIRA, mabuti naman at tumawag ka. Nasaan ka na? Wala ka sa tindahan kanina nang puntahan ka ng sundo mo. Hindi namin ma-contact ang cellphone mo kanina. Napilitan na nga akong sumugod ng Poblacion at nag-abang kami ng mga bus pero wala ka. Baka nakatulog ka na at nakarating ka na sa Besao. Lagpas ka na ng Sagada. Bumalik ka na dito,” nagpa-panic na sabi ng kaibigan ni Amira na si Estephanie. Gamit niya ang cellphone na ipinahiram ni Don Alfonso sa kanya ay tinawagan niya ito nang mapag-isa sa kuwarto niya.
Nai-imagine na niya ang kaibigan niya na nagpapalakad-lakad habang sinasabunutan ang mahaba at kulot nitong buhok. “Steph, kumalma ka lang. Nasa Sagada lang ako.”
“Nasaan ka nga sa Sagada? Tumawag dito si Tita Himaya kanina. Hindi ko alam ang isasagot ko. Sabihin mo lang sa akin kung natangay ka ng guwapong lalaki para magkape sa kung saan at okay lang sa akin,” sabi nito na mataas pa rin ang tono at puno ng pangamba.
Umungol siya. Kung alam lang nito na iyon mismo ang nangyari sa kanya. Nagpa-kidnap siya sa isang guwapong lalaki. “Nasa mansion ako ng mga Banal.”
“What? Anong ginagawa mo diyan? Huwag mong sabihin na basta mo na lang naisipan na diyan ka magra-rally. E baka ratratin ka ng mga guwardiya diyan. Baliw ka ba? Untouchable ang mga Banal sa Sagada.”
Sinapo niya ang noo. “Ang totoo may sumundo sa akin kaninang nasa Poblacion ako at hinihintay ang sundo ko. Ahmmm… akala ko siya ang sundo ko tapos idinala ako dito sa Banal Mansion.”
“Hala! Na-kidnap ka! Tatawag ako ng pulis. Kailangan kitang iligtas. Hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Di ka pa pwedeng mamatay.”
“Estephanie, hindi ako na-kidnap as in kidnap na may patayang mangyayari. Relax. Kinausap ako ni Don Alfonso Banal tungkol sa minahan dito sa Sagada.”
“Wow!” Mahabang katahimikan ang lumipas bago ito muling nagsalita. “Si Don Alfonso Banal mismo ang kumausap sa iyo? Anong sabi niya?”
“Okay. Di pa mismo namin napag-usapan ang tungkol sa minahan. He is weak and sick right now. Pero kakausapin daw niya ako mamayang hapunan.”
“O! Di pa pala kayo nag-uusap. Bumalik ka na dito kung talagang di ka nila dine-detain diyan. Saka bakit ikaw ang kakausapin nila? Wala namang ibang nakakaalam tungkol sa pagdating mo dito kundi ako lang. Nandito naman kaming taga-Sagada mismo. Matagal na kaming kumikilos para patigilin ang minahan na iyan pero deadma lang sila. Paano ka niya nakilala?”
Sinapo niya ng noo. “Mahabang kwento.” Hindi pa niya pwedeng sabihin dito na siya ay isang Banal. Not over the phone. “Basta kumalma ka lang diyan. Kontrolado ko ang sitwasyon. Siguro kukumbinsihin lang nila ako na maganda ang programa ng Banal Mining Corporation at responsible miners sila blah blah blah. Alam mo na ang buladas ng malalaking kompanya. Pero malay mo pumabor sa atin ang sitwasyon.”
“Ganoon lang? That is not you. Hindi ka basta-basta nagtitiwala sa mga tao.”
Mariin siyang pumikit. “Alam ko. Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat bukas kapag nagkita tayo.”
“Bukas? Bakit bukas ka pa makikipagkita sa akin? Diyan ka magpapalipas ng gabi? Kalaban natin sila kahit anong sabihin mo. Di ako papayag na manatili ka diyan. Susunduin kita. Magsasama ako ng pulis.”
“Estephanie, magpapaliwanag ako bukas,” mas mariin niyang wika. “Okay? Basta kumalma ka lang. Sa ngayon kumalap muna kayo ng additional research at ebidensiya na hindi makakabuti para sa Sagada ang mining. We can create a video presentation. Mas madali tayong makakakumbinsi ng mga tao para tutulan ang mining. And we can also ask for the tourists who went to Sagada before. Baka pwede silang tumulong para mas lumakas ang protesta natin. Kung hindi natin makukuha ang suporta sa mismong bayang ito, kukuha tayo ng lakas sa labas.”
“Okay. Okay. Pero hindi ko pa rin gusto na diyan ka magpapalipas ng gabi. Di bale sana kung sasabihin mo sa akin na inakit ka ng isang guwapong lalaki kaya ka magpapalipas ng gabi diyan. Kaso hindi naman.”
Sumagi sa isip niya ang kagagahan niya kay Francois. Naisip pa niya na kakampi niya ito. Nagkamali siya. Ngayon niya nalaman kung ano ang kapalit kapag di ginagamit ng isang babae ang utak niya at nagpapadala sa atraksiyon sa isang guwapong lalaki. Iyon na ang pinakahuling error na gagawin niya na may kinalaman sa isang lalaki.
“Basta!”
“Ano nga palang sasabihin ko sa kay Tita Himaya?”
“Ako na mismo ang tatawag sa kanya. Basta huwag mong sabihin na nandito ako sa poder ng mga Banal,” mariing bilin niya.
“Naku! Pinasasakit mo ang ulo ko. Kapag di ka pa tumawag sa akin every two hours, susugod na ako diyan kasama ang mga pulis.”
“Sa palagay mo maniniwala sila?”
“Maganda ang reputasyon ng mga Banal lalo na si Don Alfonso. Dito galing ang asawa niya sa Sagada at marami siyang naitayong infrastructure. Dati kailangan pa naming dumayo ng Baguio o kaya ay sa Maynila para sa makabagong ospital pero nagpatayo siya at halos wala kaming binabayaran. Naniniwala ang mga tagadito na marami pa siyang ipapatayo na projects kung hahayaan ang minahan. Kaya nga maraming nagalit sa amin nang tutulan namin ang minahan dahil para sa isang bayan na malayo sa siyudad, malaki ang naitutulong ng mga project niya.”
“Work on that video presentation. We will hit the social media soon. Okay?” aniya at nagpaalam na dito. Sumunod niyang tinawagan ang nanay niya. “Nanay, nasa Sagada na po ako.”
“O! Bakit ibang number ang gamit mo?”
“Uhmmm.. wala po kasing signal dito ang network na gamit ko. Pasensiya po.”
“Sana tinawagan mo ako agad. Kanina pa ako tawag ng tawag sa iyo. Sabi ni Estephanie wala ka pa daw sa kanila. Nag-aalala na rin siya sa iyo.”
“Lumagpas po kasi ako dahil nakatulog ako. Paggising ko po nasa Besao na ako. Nakabalik din naman po ako ng Sagada at nasundo din po ako nila Estephanie,” aniya at nakagat ang pang-ibabang labi. Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay nagsinungaling siya sa nanay niya nang ganito katindi.
“Mabuti naman, anak. Okay ka lang ba diyan? Baka may aali-aligid diyan na tauhan ng mga Banal. Kahit anong mangyari huwag kang sasama sa kanila.”
She groaned inside. “Opo. May pito nang apo si Don Alfonso. Hindi naman siguro kawalan ang isang katulad ko sa kanila.”
Gusto niyang sabunutan ang sarili nang mga oras na iyon. Strike two! Dalawang beses na siyang nagsinungaling sa nanay niya nang di pa lumalampas ng dalawang minuto dahil sa mga Banal.
“Naniniwala naman ako sa iyo, anak. Mag-iingat ka diyan.”
“Tatawag po ako, Nanay. I love you.”
“I love you din, anak.”
Sumalampak sa kahoy na sahig si Amira at sumandal sa four-poster bed. Maganda ang silid na nakalaan sa kanya. May sarili siyang prestige chair na gawa sa kahoy o hagabi na ginagamit lamang ng mga mayayamang Igorot. May nakasabit pa iyon na tuka ng hornbill o kalaw at naaadornohan ng beads. Mistulang prinsesa ang sinumang uupo doon. May center table din doon ay hinabi na ang pattern ay may Igorot design. Ang tanging masasabi niyang moderno doon ay ang 40 inches LED TV na nasa tapat ng kama niya. It was made to make her feel comfortable maybe but it only made her feel wretched.
Hindi niya ugaling magsinungaling sa nanay niya. She felt guilty about it. Kung may ayaw ang nanay niya, iyon ay ang mga taong sinungaling. Wala pa siyang isang oras sa Sagada pero bumabaligtad na ang mundo niya.
Umangat ang ulo niya mula sa pagkakasandig sa gilid ng bed frame nang may kumatok sa pinto. “Amira, pwede ba akong pumasok?”
Boses iyon ng isang babae. Mukhang cultured at may katandaan na ang boses na may kahalong lambing.
“Sandali po,” wika niya at sinipat muna ang sarili sa salamin. Suot pa rin niya ang white T-shirt niya at ang punit-punit na pantalong maong. Naka-sneakers pa rin siya at di man lang siya nag-abala na mag-tsinelas dahil ang inaalala niya ay ang makausap agad sina Estephanie at ang nanay niya.
Napagbuksan niya ang isang babae na sa palagay niya ay nasa early forties pa lang. Pero mukha itong mas bata dahil makinis ang balat nito at balingkinitan ang katawan. Nakasuot ito ng bulaklaking dress, nakapusod ang buhok at nakikita niya ang pagkinang ng mamahaling bato sa tainga nito. May dala itong tray ng pagkain. She looked regal and poised despite that.
“Maari ba akong pumasok?” tanong nito. “Ipinagdala kita ng tanghalian dahil sabi ni Papa ay hindi ka pa daw kumakain.”
Napilitan siyang buksan ang pinto pero matiim na ang mga mata niya habang nakasunod ang tingin sa babae. Hindi siya kumibo nang ilapag nito ang tray sa center table. “I hope you are comfortable here. Sana rin magustuhan mo ang ipinaluto ni Papa para sa iyo. Vegetarian ka daw at sa palagay ko ay magugustuhan mo ang sautéed vegetables in oyster sauce.” Natigilan ito sa pagsasalita nang mapansin na hindi pa rin siya kumikibo at matiim lang ang tingin niya dito. “Oh! I forgot. Hindi pa pala ako nagpapakilala. I am…”
Umangat ang gilid ng labi niya. “I know who you are. You are Caridad Solita Banal, ang matalik na kaibigan ng nanay ko. Hello, Stepmom.”

Book Comment (48)

  • avatar
    juquianacristina

    hooked,,i like the twist and turns,,ngyn lng ult ako nhook s isng story,sna mrmi png gnto

    13/03/2022

      1
  • avatar
    Marenel Labarrete Puebla

    💛💛i love it

    24/07

      0
  • avatar
    John Niethan Davo

    tinanong kung nasan ung anak

    12/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters