logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

BH: Amira 3

"Kailangan namin ng tulong. Kailangan mong pumunta dito sa Sagada,” anito sa garalgal na boses. "Binuksan na nila nang tuluyan ang minahan. They are now clearing the forest. Malapit ito sa sikat na waterfalls. Nanganganib iyon pati ang watershed."
"What? Binuksan pa rin nila?” Ang Sagada, Mountain Province ay isang sikat na tourist destination sa bansa dahil sa kultura nito at magandang kalikasan. Kaya nagulat siya nang malamang magbubukas ng minahan doon. “Pero... anong gagawin ng isang minahan sa isang ecotourism destination?"
"Iba na dito. Ibang-iba na. Baka... baka may ibang paraan para mapigilan ang Banal Mining Corporation. Masyado silang makapangyarihan kaya hindi namin maipasara."
Naggiyagis ang mga ngipin niya. "Ang mga Banal talaga...!"
Kahit kailan ay panira ang mga ito. Ano pa nga bang aasahan niyang matino? Nagsimulang yumaman ang mga Banal dahil sa Banal Mining Corporation. At ang target ng mga ito ay ang mga mahihirap na komunidad at mga komunidad ng mga katutubo na walang kalaban-laban.
"Sa dami ng infrastructure na ipinangako nilang itatayo, hinayaan na sila ng mga opisyales. Pati mga mamamayan dito na-brainwash na rin. Akala nila ay may pag-unlad sa minahan. Na yayaman din sila. Di nila alam na pinapatay nila ang kalikasan. Naiiyak na ako sa sobrang frustration. Hindi ko maatim na sobrang laki na ng nagbago sa lugar na kinalakihan ko. H-Hindi ko na ito kilala."
" Nandiyan na ako bukas na bukas din,” sabi niya bago pa siya makapag-isip.
"Salamat, Amira. Sabi na nga ba’t di mo ako pababayaan."
Lumabas si Amira ng library at tuloy-tuloy sa kuwarto niya. Inilabas niya ang maleta at inalis ang mga makakapal na parka at coat. Pinalitan niya iyon ng maninipis na jacket at cardigan. Ihinagis niya ang mga bohemian skirts at dress na hilig niyang isuot pati na rin ang accessories.
Pumasok si Himaya sa silid niya. "Anak, kailangan mo ba ng tulong sa pag-eempake? O! Bakit maninipis ata itong mga damit na dadalhin mo?"
"Hindi na po ako tutuloy ng Sochi. Tumawag si Estephanie. Kailangan daw po niya ng tulong dahil tuluyan nang nagbukas ang minahan sa bayan nila."
"Sandali. Hindi ba taga-Sagada siya? Huwag mong sabihing doon ka pupunta?" nag-aalalang tanong niya.
Mariing nagdikit ang labi niya at puno ng determinasyon itong tiningnan. "Kailangan po ako ni Estephanie.”
Naningkit ang mga mata ng ina at hinaklit ang braso niya. "Hindi kita papayagan. Hindi ka tatapak sa bayang iyon. Hindi ka makikipagkita sa mga Banal."
"Nanay, nangako po ako kay Estephanie na ako mismo ang pupunta doon. Tawagan ninyo ang Nature's Keeper sa Geneva. Sabihin ninyo na may urgent case akong hawak. Di naman ako nakapagpa-book sa Sochi kaya walang problema.”
“Sinabi ko nang hindi kita papayagan!”
“Nanay, ngayon ang humingi ng tulong si Estephanie sa atin. Siya ang pupuntahan ko at hindi ang mga Banal. Sila ang kalaban natin dito. Saka wala ba kayong tiwala sa akin? May ginawa ba ako na pwedeng magpawala ng tiwala ninyo?"
Napilitan itong umiling. "W-Wala."
"Trabaho lang ito, Nanay. At hindi ako pupunta doon bilang isang Banal. Pupunta ako doon bilang kalaban ng Banal at di ko hahayaang manalo sila.”
Tinungga ni Amira ang carrot juice na nabili sa palengke ng Bugias, Benguet kung saan nag-stopover ang bus papuntang Sagada. Hilong-hilo pa siya dahil alas diyes na ng gabi siya bumiyahe patungong Baguio at hinabol niya ang pang-alas singko ng umaga na biyahe ng bus patungong Sagada.
It was just an ordinary bus. Walang aircon. Lahat ng alikabok ay sagap niya. Ikinukwento ng kaibigan niyang si Estephanie dati na rough road ang pinakamataas na highway system sa bansa pero ngayon ay suwabe na ang biyahe nila dahil sa sementadong daan. Alas dose na noon ng tanghali at gutom na siya. Nangako si Estephanie na ipaghahanda siya nito ng masarap na tanghalian.
Ayon sa konduktor ng bus sa isang turistang nagtanong ay may dalawang oras pa ang tatakbuhin nila kaya umidlip muna siya. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman sa pagbabalik niya sa bayan kung saan siya isinilang. Kaya malapit sila ni Estephanie dahil sa Sagada siya ipinanganak. Sa kahahanap ng nanay niya sa kanyang ama ay sa Sagada ito napadpad.
Sanggol lang din siya nang umalis ang nanay niya doon. Wala na siyang alaala sa lugar. Di na rin siya bumalik lalo na’t teritoryo iyon ng mga Banal. Ang tanging alam lang niya tungkol sa Sagada ay sa mga kwento ni Estephanie at sa mga nakikita niya sa telebisyon at sa magazine o internet. At ang nag-iisa niyang lumang larawan na kuha sa harap ng simbahan sa Sagada noong baby pa siya.
Ayon sa mga nababasa niya ay parang malapit sa langit ang Sagada. Pinakamagandang tanawin ang mga pine tree, ang berdeng kabundukan at ang pagbaba ng ulap sa kabundukan.
Subalit nang makita ang stone marker na nagsasabing Welcome to Sagada ay hindi niya naramdaman ang lamig. Sa halip na berdeng damo ay nakita niya ang tuyot na lupa at itim na bahagi ng kabundukan na nagsasabing kinaingin iyon. May mga pine trees nga subalit di na iyon gubat.
Isang payloader ang nakasalubong nila. Napaubo siya nang umalimbukay ang alikabok. Road widening at sinesemento na ang kalsada. Sa halip ay pine forest ay mga bahayan at mga inn ang nakita niya, senyales ng pag-unlad ng turismo sa lugar. Malaking tulong nga naman sa mamamayan ang pagdagsa ng turismo.
Di nagtagal ay tumigil na ang bus sa Poblacion. “Ma’am, dito na po kayo,” anang konduktor sa kanya.

Book Comment (48)

  • avatar
    juquianacristina

    hooked,,i like the twist and turns,,ngyn lng ult ako nhook s isng story,sna mrmi png gnto

    13/03/2022

      1
  • avatar
    Marenel Labarrete Puebla

    💛💛i love it

    24/07

      0
  • avatar
    John Niethan Davo

    tinanong kung nasan ung anak

    12/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters