logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6 Kailangan ko ng pera

Nag-thumbs up si Love. “Ayos talaga ngayong araw na ‘to. Malaki-laki ang kita natin.”
Sunud-sunod ang subo niya ng kanin at dinuguan na siyang hapunan niya. Alas sais na noon ng gabi at kanina pang alas singko siya umalis sa mall. Ibang singer naman ang kakanta pagdating ng hapon hanggang gabi.
Siya naman ay tutuloy sa isa pa niyang trabaho matapos maghapunan.
Ganado siyang kumain at magtrabaho dahil maganda ang pasok ng kita. Ibig sabihin ay di niya kailangang ma-depress at magtipid sa pagkain. Makakahinga siya ng maluwag at wala siyang dapat na alalahanin.
“Oo nga. Pagkasimula pa lang ninyong tumugtog kanina, may one thousand na agad tayo dahil sa request,” sabi ni Bham. Ito naman ay babalik sa mall matapos maghapunan para tingnan ang miyembro ng bandang tumutugtog pa rin hanggang magsara ang mall. “At may imbitasyon tayong kumanta next week para sa party ng isang Senador.”
Pumalakpak siya. “Ayos iyan! Maraming pera at maraming pagkain.”
Nagko-compute agad siya kung magkano ang makukuha niyang pera para sa show nila na iyon. Pero malaking bagay iyon tiyak para sa kanila ng mga kasamahan niya. At siyempre, masarap ding kumain bilang bonus.
Dahil sa hirap ng buhay, di naman siya nakakatikim ng masarap na pagkain. Ni hindi nga niya mai-treat ang sarili sa dalawang birthday na nagdaan niya sa Jollibee. Puro konsumisyon kasi ang inaabot niya sa buhay. Kaya nga natuto na siyang masaya sa mga mumunting magagandang bagay na nangyayari sa kanya katulad ng masarap at libreng pagkain.
“Sa palagay ko swerte sa atin si Pogi.”
Sumandok ulit siya ng ulam at naglagay sa plato niya. “Sinong pogi? ‘Yung nag-request ng Till I Met You at nagbigay ng one thousand.”
“Bakit? May nakita ka pa bang ibang guwapong nagbigay ng malaking tip. Wala namang kaguwapuhan kanina kundi siya lang.”
“Malay ko. Bulag nga ako,” painosente niyang sabi.
“Kahit pa totoong bulag ka, tiyak na gugustuhin mong makakita. Parang artista. Diyos ko! Muntik na nga akong himatayin kaninang kinausap ako.” Sinapo nito ang dibdib habang kumikislap ang mga mata. “Muntik nang malaglag ang panty ko kasama ang bra nang titigan niya ako. At mukhang guwapo siya at mayaman.”
Napabuntong-hininga na lang siya habang ini-imagine ang close encounter ni Bham sa guwapong lalaking iyon. Kanina ngang tinitingnan lang siya nito habang nasa malayo ay kakaiba na ang haplos ng mga mata nito sa balat niya. Weird. Wala pang lalaking nakaapekto sa kanya ng ganoon sa simpleng titig lang. Samantalang marami din namang guwapong tumititig sa kanya.
Di naman sa pagyayabang, maraming nagsasabing maganda siya. At naniniwala siyang hindi iyon bola. Marami rin ang nagtangkang manligaw sa kanya pero nagsisi-urungan kapag sinabi niyang bulag siya.
“Anong pangalan?” kaswal niyang tanong.
Napaisip ito. “Hindi ko na naitanong. Natulala na lang kasi ako habang kausap siya. Tapos basta na lang niya akong binigyan ng one thousand at gusto daw niyang tugtugin ninyo ang favorite niyang kanta.”
“Ah, okay! Ayos din siya. Parang nang-iinis! Sa dinami-dami ng kanta niya, iyon pa ang trip niya. Ayoko kaya sa kantang iyon.”
Ayaw naman niyang magpahalatang masyado siyang interesado sa lalaking iyon. Alam naman niyang wala siyang mapapala sa ganoong klaseng lalaki. Hindi siya papatulan ng isang tulad nito.
Naiintriga lang siya kung bakit naaapektuhan siya ng titig nito. Kakaiba kasi ang init sa mga mata nito. Kakaiba sa pakiramdam. Hindi iyon katulad ng tingin ng ibang tao na may halong panunuya o kaya naman ay awa. Tinitingnan siya nito bilang isang babae. Isang magandang babae.
“Nakiki-affected ka naman sa kantang ‘yon? What’s in that song anyway? Parang nalungkot kasi siya habang kumakanta ka kanina. Tapos sa gitna ng kanta, bigla na lang nag-walk out ang lolo mo.”
Naalarma siya. “Hindi niya nagustuhan ang kanta ko?”
Ayaw niyang may mapapangitan sa kanta niya. Di maganda kung may mga di masisiyahang customers.
“Masyado lang siguro siyang naging emotional. Siyempre sa akin niya idine-dedicate ang kantang iyon.”
Pumalatak siya. “So nagmamaganda ka na?”
Pinisil nito ang braso niya. “Huwag ka ngang kontrabida. Minsan lang naman may ganoon kaguwapong hahara-hara sa dadaanan ko. Masama bang mag-ilusyon?”
“Naku! Baka naman sa girlfriend niya iyong kantang iyon. O kaya sa asawa niya.” Ang ganoon kaguwapong lalaki ay hindi pwedeng walang babae sa buhay nito.
“Ay! Sa palagay ko wala siyang asawa. No wedding ring. At wala rin siyang girlfriend. Akin lang siya. At sa palagay ko babalik siya para akin,” kinikilig nitong sabi.
“Sige! Go lang! Basta mag-request ulit siya at magbigay ng malaking tip.”
Iyon na lang siguro ang pakinabang sa lalaking iyon. Masarap itong titigan at pagnasaan. Masarap din siguro itong singhut-singhutin pero hanggang doon lang. wala siyang tiwala sa mga lalaking katulad nito.
Sa palagay niya ay walang babaeng tatagal sa buhay nito. Paluluhain lang nito.
“Ano naman ang tingin mo sa lalaking ‘yon? ‘Yung tatlong tao sa isang libo?”
“Bakit naman hindi? Kailangan ko ng pera. Baka sa isang linggo sumugod na naman ‘yung mga berdugo sa bahay namin. Manggulo na naman kapag hindi ako nakapagbayad ng tamang halaga.”
Kada dalawang linggo ay pumupunta ang mga tauhan ng pinagkakautangan ng tatay niya para maningil. Ang mga ito ang nagpapatakbo ng pasugalan kung saan naglalaro ang tatay niya. Malakihan kasi ang taya doon.
Sinadya ng mga ito na pautangin ng pautangin ang tatay niya hanggang maiprenda ang bahay nila. At may interes pa silang binabayaran ngayon.
Hindi niya makakalimutan ang araw na magtago ang tatay niya. Hindi makita ng mga berdugo ang tatay niya sa bahay kaya sa School for the Blind kung saan siya nagvo-volunteer bilang teacher siya pinuntahan ng mga ito. Takot na takot siya at ang iba pang mga bata. Nagbanta kasing manggulo ang mga ito oras na hindi siya nagbigay ng pera.
Wala naman siyang pera dahil volunteer lang siya noon at estudyante pa ng second year sa Education. Saan naman siya kukuha ng pera? Tipid na tipid nga siya dahil konti lang naman ang perang kinikita niya sa fast food. Sa pagkatuliro nang malaman niya kung gaano kalaki ang halaga ng perang inutang ng tatay niya ay napilitan siyang sabihing bulag siya. Na wala siyang sapat na kakayahang ibigay agad ang bayad sa utang ng tatay niya.

Book Comment (57)

  • avatar
    Thor Odin

    Thank you for sharing your stories

    22d

      0
  • avatar
    bansiljohn paul

    nice❤️❤️❤️

    16/06

      0
  • avatar
    Ricky Maramara

    ang ganda ng story,,

    13/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters