logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

MFC 7

“GOOGLED! Googled! Googled! Class, what is wrong with you? Masyado ba ninyong minamaliit ang subject ko at hindi man lang ninyo magawang gumawa ng sarili ninyong poem at essay? Aba! Daig pa kayo ng mga elementary students na sumali sa competition kung saan ako ang judge last week. I expect more from you.”
Napangiwi na lang si Quinn habang sinesermunan ng guro nila sa English na si Miss Lagman ang
Hinawakan ni Sosimo ang kamay niya at pinisil. “Salamat, friend. Buti na lang talaga na-enlighten mo ako na di Google ang solusyon sa lahat. Buti talaga nabawi ko kung hindi, pati ako kasama sa cooking show na ito. Ayokong magisa ni Miss Lagman.”
“Ma’am, di naman po kasi lahat magaling gumawa ng tula at essay. Ang iba po magaling sa computer,” tatawa-tawang katwiran ni Turvey na sinegundahan naman ng mga alipores nito.
“Plagiarism, you mean, Mr. Sitangco? Alam mo bang pwede kang makasuhan kapag ginawa mo iyan. Malaking kahihiyan iyan sa pamilya mo. And you, Miss Beauty Queen,” anang istriktang guro at bumaling kay Cindy.
“Ma’am, hindi po ako nag-Google,” depensa agad ng pinsan niya.
“Pero kinopya mo naman sa school paper natin last year. Akala mo ba hindi ko malalaman? Mag-submit kayo ng original na sulat ninyo sa akin mamayang hapon kung ayaw ninyong ipatawag ko ang mga magulang ninyo. Is
that clear?”
“Yes, Ma’am!” sabay-sabay na sagot ng lahat. Kahit si Turvey o ang school board ay di sasantuhin ni Miss Lagman. She was known to uphold the rules. Ang lumabag sa patarakan ay magigiba. Kaya naman marami ang nangingilag dito.
“Miss Barrameda, follow me to the faculty. I want to discuss something important with you.”
“Hala! Nag-Google ka rin ba, bestie?” tanong ni Sosimo kay Quinn. Nai-pull out nito ang project nito at napalitan ng sarili nitong gawa kaya kuntodo nosebleed daw ito.
“Siyempre hindi. Piniga ko ang utak ko para sa tulang iyon.”
Matiyaga siyang nai-guide ni Chance. Pinagawa muna siya nito ng essay kung saan siya mas komportable at saka nila isinalin sa tula. Tinulungan siya nito sa pag-iisip ng tamang salita na magtutugma. Kaya nga dapat lang na siya naman ang mag-treat dito. Pero paano kaya niya ito iti-treat kung may palpak sa project niya?
Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ni Chance nang dumaan siya sa row nito bago lumabas ng silid. Nanlalamig ang kamay niya. Di niya naitanong kung posible na may makapareho pa rin ang gawa niya kahit na sandamakmak na deliberasyon ang ginawa nila para lang mabuo ang tula na iyon.
Kinakabahan siyang pumasok sa faculty at tumayo sa harap ng mesa ni Miss Lagman. “E bakit ka kaya kakausapin ni Ma’am?”
“Take a seat, Quinn.” Nanginginig ang tuhod niya nang umupo. “Binasa ko ang poem mo. And I love it. Naramdaman ko ang pagmamahal mo sa mga bayani,” sabi nito sa seryoso na boses.
“Talaga po?” di makapaniwala niyang tanong. Wala kasi sa itsura ng guro na masaya ito para sa kanya. Seryosong-seryoso kasi ito.
“Yes. That’s why I took the liberty of submitting it the the school paper. At nagustuhan din nila. Hindi ko alam na magaling ka palang gumawa ng poem.”
Nasapo niya ang dibdib. School paper. Ni minsan ay di siya nagtangkang mag-submit ng article doon dahil pawang mga magagaling lang sa pagsusulat ang nakakapasa. Kung makita man niya ang pangalan sa diyaryo ay tuwing nananalo lang siya sa pageant o kaya ay bilang officers ng mga club. Pero ngayon ay nasa byline na ang pangalan niya.
“Ang totoo, nai-guide po ako ni Chance, Ma’am,” sabi niya. “First time ko pong magsulat nang maayos na tula.”
“Oh! He is also a good one. Kung hahasain mo ang sarili mo sa paggawa ng tula, baka kayo ni Chance ang isali ko sa poem-writing competition sa August.”
“Naku! Si Chance na lang po siguro. Di po ako ganoon ka-confident sa pagsusulat ng tula.”
“I never pegged you for someone who doesn’t accept challenges, Quinn. Hindi ka naman magiging beauty queen kundi mo tatanggapin ang mga challenge. So, do you want to try?”
“T-Tingnan mo po natin.”
Siya? Lalaban sa poem-writing competition? Parang nakaka-excite. Matagal na ring walang bagong challenge sa buhay niya. Bakit nga ba hindi niya subukan? Hindi lang siya makapaniwala na bukod sa pagiging beauty queen, pwede din siyang makasulat ng tula. Hindi naman kasi iyon kasama sa training niya.
Paglabas niya ng faculty ay nagulat siya dahil nakita niyang nakasandal sa tabi ng pinto si Chance at nakaabang na sa kanya. Tumuwid ito ng tayo at sinalubong siya. “Quinn, anong sabi ni Ma’am? May problema ba sa tulang ipinasa mo?”
Impit siyang tumili at niyakap ito. “Napili ang tula ko para i-publish sa school paper. Tapos kapag ginalingan ko pa daw, baka magkasama tayo na ilaban sa poem-writing competition.”
“That’s good news.”
Lalo niyang hinigpitan ang yakap dito. “Thank you! Thank you! Thank you!”
“Quinn,” anang binatilyo na nagulat din sa ginawa niya.
Kahit siya ay nagulat din sa biglang pagyakap niya dito. Lagi siyang ilang sa mga lalaki. Dapat ay itulak niya ito palayo pero di niya ito pinakawalan. Basta masaya siya habang yakap ito. He smelled sweet. Parang baby powder.
“Baka may makakitang ibang tao sa atin,” anang lalaki na lalong nag-alanganin. “Baka kung ano pang sabihin nila.”
“Hayaan mo sila,” aniya at umingos. “Basta masaya ako. Basta gusto kitang yakapin.”
Magaan ang loob niya kay Chance. Di siya nakakChancea ng pagkailang. Siguro dahil alam niyang wala itong interes sa kanya at mabuti ito sa kanya. Isa pa ay magkaibigan na sila. Walang pakialam ang ibang tao kung sinuman ang piliin niyang kaibigan.
“A-Ano... Baka mapagalitan tayo,” sabi nito. “Baka mag-isip sila ng di maganda tungkol sa atin.”
Kumalas siya sa pagkakayakap dito pero pinisil niya ang pisngi nito. “Pakialam ba nila kung may friend akong huggable?”
“Parang stuffed toy?”
Tumango siya. “Parang stuffed toy.” Umabrisyete siya dito at naglakad sila pabalik sa room. “Ikaw ang stuffed toy friend ko.”
“Pwede mo naman akong itago na friend mo. H-Hindi mo naman kailangang ipakita sa lahat.”
“Bakit naman kita itatago?” gulat niyang tanong.
“Kasi parang di naman ako bagay na kaibigan mo. Maganda ka at tingnan mo naman ang itsura ko,” anitong
sinubukan pang kumalas sa kanya.
“Nakita mo ba ang itsura ni Sosimo? Kung beauty pageant ang pagkakaibigan, di ko siya magiging friend.
Pero kita mo naman sanggang-dikit pa rin kami hanggang ngayon. Kaya ganoon din tayo. At wala akong pakialam kahit anong sabihin ng iba. Basta ikaw ang kaibigan kong huggable at lovable. Pa-hug nga ulit.”
Dumistansiya na ito sa kanya agad. “Quinn, huwag mo akong yakapin. Nakikiliti ako.”
Humagikgik siya at niyakap ito. “Stuffed toy ko!”
“Quinn!”
It was nice to have a human stuffed toy as a friend.

Book Comment (55)

  • avatar
    SimanElgea

    Ang tagal kong hindi nakapagbasa ng magandang kwento nang tuloy tuloy..ngayon lang ako ulit kinilig..ang galing mo talagang Author miss Sofia..at dahil sayo kaya ako napa DL ng novelah..😀..

    20/01/2022

      0
  • avatar
    Mj Esmero

    I love you too

    11/07

      0
  • avatar
    Hazel Joy Santos Roque

    so nice

    06/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters