logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Haven's POV
Pagkatapos naming pumunta sa shop na yun. Medyo naguguluhan ako. 
"Akala ko ba may isasauli ka? Parang wala naman ata?" Takang tanong sakin ni Sam habang tinatahak namin ang papunta sa bahay nila Sam. 
"Akala ko din eh. Kaso wala naman doon yung pagsusulian ko ng bracelet."
"Akala ko ba napulot mo yung bracelet?" Sinabi ko ba 'yon? 
"Ahh oo napulot ko sya pero alam ko kung sinong nakalaglag. Yon ang ibig kong sabihin kanina." Nakumbinse ko naman siya kaso nagtanong ulit siya. 
"Babae may-ari noh? Kasi base sa design nyan. Pambabae yan." Sana nga pambabae na lang. Sa dami ba naman ng perwisyong ginagawa ko sa batong 'yon. Hindi ko alam kung dapat pa ba 'kong humarap sa kanya. 
"Actually Sam. Pagmamay-ari to ng lalaki. Lalaki ang nakalaglag nito." Nakita ko na biglang nagbago ang expression nya. 
"Eh? Pambabae yan eh. Ahhh." Bigla siyang may naisip. 
"Oh, ano yang naiisip mo ah?"
"Bakla sya kaya may ganyan sya!" Napaisip naman ako sa sinabi nya. 
"Hindi naman sya mukhang bakla Sam. Matikas sya. Lalaking lalaki sya. Tapos gwa—." Napatigil ako sa sinasabi ko at tinignan ko sya. 
May nakakalokong ngiti na nabuo sa mga labi nya. 
"Gwapo sya? Gwapo?" Pag-uulit nya pa. 
Napabungtong hininga naman ako sa naging reaction nya. 
"Oo. Gwapo sya. Pero saksakan ng sungit. Grabe parang hindi nya nga ata nya alam ibig sabihin ng joke at happy eh." At dahil nasimulan ko na. 
Yun pinakwento nya na sakin kung anong nangyare kagabi. Jusko tuwang tuwa ang loka. 
"Haven, destiny mo sya. Yiee." Panunukso nya pa sakin. 
"Ayy nako Sam. Hindi sya yung tipo ko. Oo gwapo sya pero grabe hindi ko kakayanin kasungitan non no!"
At kahit nagsisimula na kami gumawa ng report. Nasisingit parin namin sa usapan yung masungit na lalaking yun. Ito namang si Sam grabe botong boto. 
"Sam. Hindi ako magkakagusto sa lalaking yun okay? Ni hindi ko nga alam kung magkikita pa kami nun." Sumimangot naman sya. 
"Basta pagnagkita kayo for the 26th time. Kayo na talaga." Pinabayaan ko nalang sya sa pinaniniwalaan nya. 
GABI na ng matapos kami. And it's already 8 in the evening. Pag-uwi ko magpaplantsa nako at mag-aalarm para naman hindi na ako late bukas. 
Naglalakad ako at nag-iisip ng gagawin. Makikita ko na naman yung mga taong namumuhi sa pagkabuhay ko. 
Nasa bakod palang ako natanaw ko na si Mama. As usual, nakabusangot at parang galit na naman. 
"Nakuha mo pa talagang umuwi. Paano ka nakapasok kaninang umaga aber? Diba pinalayas na kita sa bahay na'to?"
"Alam ko po pero may karapatan parin ako dito ma kasi sating dalawa to iniwan ni Papa. Bakit hindi mo palayasin yang manyak mong asawa? Sya ang walang karapatan dito ma." Isang palad na naman ang dumapo sa pisngi ko. 
Agad na nangilid yung luha ko. Mahapdi, hindi yung pagsampal nya sakin. Napaisip ako anak nya ba talaga ako? Hindi ko naramdaman kahit minsan. 
"G-go ka talagang bata ka! Sya papaalisin ko? Tanga kaba? Akala ko ba nag-aaral ka? Bakit nga ba nag-aaral kapa. Eh tanga ka parin naman." Nilagpasan ko sya na parang hindi narinig yung mga sinabi nya. 
Aakyat na sana ako pero bigla syang nagsalita. 
"Bakit ka aakyat dyan? Wala na ang mga gamit mo dyan. Pinasunog ko na sa tiyuhin mo." Nanlaki yung mata ko. Hindi pwede. Yung bracelet na binigay ni Papa. 
Napatakbo ako ng wala sa oras at pumunta sa gilid ng bahay. 
Nakita ko na tinutupok ng apoy ang mga gamit ko maski yung mga notebook ko. Sinubukan kong tignan yung bracelet. Kahit isang bracelet lang. 
"Anong hinahanap mo? Ito?" Sabay taas nung bracelet na hinahanap ko. 
"Tito, akin na yan." Mahinahon pero gumagaral kong boses. 
Bigla nyang hinagis sa apoy. Sinubukan kong habulin pero napaso ako dahil sa apoy. Tiyak sugat to. 
"Ngayon wala ka ng pagmamay-ari dito. Layas!" Sabay hila sa buhok ko. 
Tuluyang tumulo ang mga luha ko. 
Hinagis nya ko sa bakod namin. Masakit pero hindi ko alam kung iindahin ko pa. 
Akmang nakakatanggap na naman ako ng suntok pero biglang may nagsalita. 
"Excuse me." Alam ko kung kaninong malamig na boses 'yon. At sya 'yon. 
"Sino ka? Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" Tanong nila sa lalaking nakatayo sa bungad ng bakod. 
"Sinong kailangan ko? Sya." Sabay turo sakin. Bakit ako? 
"Bakit may utang ba sya sayo? Pinapalayas na nga namin yan dito. Wala naman yang kwenta." Dagdag pa ni Mama. 
Sumasakit yung tenga ko sa mga naririnig ko. Kaya yumuko ulit ako gaya ng lagi kong ginagawa pag ayokong may nakakakitang mahina ako. 
"None. But I'm keeping her." Mahinahon nya paring sabi. 
He's wearing a simple clothes. A t-shirt ,pants, converse and cap. Lalong lumabas ang kaputian nya. 
Ang malaking tanong sakin paano nya nalaman saan ako nakatira. 
"Oh, sayo na yan." Kung ibigay ako para lang akong bagay na wala ng kwenta. Sabagay never nya kong trinatong tao. 
Tumayo ako at lumabas kasabay ng paglagpas ko sa lalaking yun. 
"Haven." Naestatwa ko sa pagtawag nya. Napakalakas ng dating. 
Pero nanahimik lang ako. 
"Haven-ah." Tawag nya ulit pero hindi ako lumingon. 
"S-salamat." My voice cracked. 'Yon lang ang nasabi ko bago ako magpatuloy sa paglakad. 
Hindi na ako mag-aaral, wala akong matitirhan at wala din akong trabaho. Yan ang mga tumatakbo sa isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. 
May biglang ilaw na nagpasilaw sa mata ko. Bwiset na sasakyan to masakit sa mata! 
Kakalabugin ko sana yung kotse pero biglang binaba ng kung sino yung bintana. 
"Hoop in." Maikli nyang sabi. Si Mr. Sungit. Bakit naman ako sasakay? 
"Wag na." Pagtanggi ko. 
"Papasok ka o ako ang hihila sayo papasok?" Pagbabanta nya. Brutal din talaga to eh. 
Bakit ba ako isasama nito. Aba hindi porket masungit sya magagamit nya sakin yun. 
"Neknek mo. Sinong tinakot mo?" Pagmamatigas ko. 
"Ginagalit mo ba ko? Masarap ako magalit Haven. If you don't want to enter here, then I'm the one to enter you instead." Nangilabot ako sa sinabi nya. 
Binuksan nya yung pinto, kaya pumasok ako. Hindi pa nagsink-in sakin yung sinabi nya. Tama ba yung iniisip ko? Bastos ba talaga ibig sabihin nun? 
"Don't think to much. Tinakot lang kita. Tsk." Sabi nya habang patuloy sa pagdrive. 
"A-ahh." Utal kong sabi. 
Wala na sa isip ko kung saan nya ko dadalhin. Kung papatayin nya ako. Sige go. Para tapos na tong pesteng buhay na to tutal wala naman may gustong buhay ako. 
"If you will going to kill me. Sana hindi sobrang sakit ah." Bigla kong basag sa katahimikan. 
"Mukha ba 'kong killer?" Yan na naman sya sa masungit nyang boses. 
"Aba, malay ko. Pwede mo naman akong patayin. Suggestion ko lang." Sabay fake smile. 
"Matagal ka na bang nagtitiis sa kanila?" Bigla nyang tanong sa kawalan. 
"Since buhay pa si Papa. Pag wala si Papa ginagawa nya kong katulong. Bata pa ko nun. Suppose to be dapat naglalaro pa dapat ako. Pero maaga kong namulat sa katotohanan." Tahimik lang sya habang sinasabi ko yun. 
Bakit nga ba ko magkekwento sa kanya. Isa pa tong walang pake. 
"Pangdrama yung buhay ko diba? Pait ng kapalaran ko eh. Mas mapait pa sa ampalaya."
"Nagawa mo pa talagang magpatawa ah. Ibang klase." 
Napansin ko na parang ang tagal naman ng biyahe. 
"San ba tayo pupunta?"
"Sa Magic Shop." Huh? Eh ang lapit lang nun kung tutuusin. 
"Ahh." Maikli kong sagot. 
"You should stay with me from now on."

Book Comment (102)

  • avatar
    PietraAnny

    jsisushsusuhsgsevvevdbeduudhdbdbdhddudhdhdhdhusisiisisjjsisushsisjsjsjshdhdhdududuududududjdjdhdhdhduebsbbwuwuwjanauaiajanajjajsjannanabhahsusuushshshshhshgkvljrlhdoydlhdkdkhdogxohflhdodupxkhxlhxkgxkgndlnidlhdkhxkgskhxlhxohxkhodoudoudodoudohdlhdohdohdpuxojdpjfupdljckh kg khcohxlhcoxohxlhlhxlhcldkxkgzkgsjgaurayatUfzkxutsigxkgxkgxjgxitdiydoydulzjtzlugxhgzkyfzlyzjxbkxlcohcludohxkditsuzigdohdohdoydhozoyoyduoxlhxhoxuoxoudouduoxoudoxupdouxohxoudkgdlhnfjldljjdjldhkdhkdhddjdjxludlhxljjcnxlhxljxljxljxjlh

    06/08

      0
  • avatar
    Kharlmelo David M. Aez

    osnenodb

    18/07

      0
  • avatar
    Darren Navarro

    its the Best

    16/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters