logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

Haven's POV
KASALUKUYAN kaming naglalakad ni Sam kasi dismiss na at recess na din. Naglalakad kami sa hallway. 
"Haven. Upo na tayo doon." Sabay turo sa may gilid na malapit sa pinto. 
"Sam, a-ano eh. Hindi naman ako kakain. Hehe." 'Yong tinapay lang na binigay ni Kuya Dan 'yong kakainin ko. 
"Bakit naman? Lunch na oh." Pagtatakang tanong niya. 
"A-ahh kasi busog pa ko. Magtitinapay na lang ako." Sabay fake laugh na naman. 
"Ahh alam ko na Haven. Sige ako na bahala. Umupo ka lang diyan."
Napahawak na naman ako sa ulo ko. Nakakahiya. Alam na naman niyang wala akong pambili. Hays ang dami nya ng naitulong sa 'kin. Kailangan ko na sigurong maghanap ng trabaho para hindi na ako umaasa sa kanya. Magiging part timer na ako sa gabi. Pero saan naman? 
"Oh Haven. Ito na pagkain natin. Wag kang mahiya sakin. Magkaibigan tayo. Ano ka ba." Sabay ngiti niya sa 'kin.
"Parang sobra na kasi Sam. Parang nakaasa na ako sayo. Salamat talaga. Hahanap nako ng trabaho para may sarili akong pera." Sunod sunod kong saad. 
"May pasa ka sa labi. Sinaktan ka ba ulit nila?" Pag-aalalang tanong nya. 
"Ahh hindi alam mo namang lampa 'tong kaibigan mo. Yan nagkasugat. Hehe." Kahit kailan ka talaga Haven. 
Kumain na kami ng bigla kong napansin yung bracelet. Oo, sinuot ko. 
"Tsaka nga pala Haven. Ang ganda niyang bracelet na yan. At sa tingin ko, mamahalin yan. Sino nagbigay?" Tapos hinawakan nya. 
Patuloy niyang pinagmamasdan ang kabuuhan ng bracelet. 
"H-hindi hindi. Napulot ko 'yan." Ang sinungaling ko naman. 
"Woah, ang swerte mo. Magandang klase ng bracelet to." Himala hindi niya pinansin 'yong pangalan na nakaukit sa bracelet. 
"Hindi mo nakita 'yong pangalan?"
"Anong pangalan?" Nagtaka naman ako. 
Wala ngang nakalagay. How come? Eh kagabi nandito pa yun. Namalikmata lang ako ganun? 
"A-ahh wala wala." Nagpatuloy na kami kumain. 
May dadaangang grupo ng mga babae. 
"Look who's here? Yung hampaslupang napadpad dito. Ginagamit pa si Sam para makuha ang gusto." Alam kong ako ang pinapatamaan niya. 
Hindi na lang ako sumagot. At nagpatuloy kumain ng biglang makaramdam ako ng malamig sa ulo. Takte. Buhusan ba naman ako ng juice. 
"Trixie. Ano sa tingin mo yang ginagawa mo huh?" Naiinis na tanong ni Sam. 
"What Sam? Ginagamit kalang nitong babaeng to. Tapos nagpapagamit ka naman?" 
Nagpatuloy akong mawalan ng pake. Pero huminto na ako sa pagkain. 
"Umalis na kayo." Mahinahon na sabi ni Sam. 
"No, we're not go--." 
"I order you all to please get out! You will obey me or not? I'm your SSG President. Pwede ko kayong dalhin sa guidance. In the count of three! One! Two!" Malakas na sigaw niya. 
Agad naman silang nagsialisan. Alam niyo kung bakit hindi niya pinapunta ng guidance yun? Kasi hindi iyon ang alam nyang gusto ko. 
"Hey, Haven, are you okay?" 
Yumuko lang ako habang pinipigilan ang mga luha kong nagbabadyang lumabas. Tumango ako habang nakayuko. 
"Don't worry. Nandito lang ako." Alam ko Sam. 
Humikbi ako ng mahina yung hindi niya ako maririnig. Hindi siya pwedeng madamay sa kamalasan ko sa buhay. 
Haven's POV
Pagkatapos ng insidente sa cafeteria hindi na 'ko masyadong nagsasalita, nawala na din ako sa mood eh. 
It's almost 4 in the afternoon and dismiss na ang klase. Ewan ko kung bakit ang aga naman. 
"Right timing Haven. Pwede tayong makagawa ng i-rereport natin para sa Monday kay Sir. Vargas." Tumango naman ako. 
"Hindi ka naman papagalitan diba? Kasi alam nila 7 pa ang uwi natin." Tumango ulit ako. 
"Haven, nagtatampo na ako sayo. Bakit hindi mo ako kinakausap. Galit ka ba sakin?" Napaharap ako sa kaniya. 
"H-hindi ganoon Sam. Wala lang ako sa mood at ayaw kita idamay dun. Sorry, ang dami lang tumatakbo sa isip ko." Paliwanag ko naman ayokong mamisinterpret nya. 
"Mabuti kung ganon. Halika na sa bahay." Bigla kong naisip na baka pwede namin puntahan 'yong shop kagabi. 
"Ahh Sam. May dadaan lang tayo. Pwede ba?" Pagpapaalam ko.
"Hmm? Saan naman?" 
"Medyo may kalapitan 'yong sa bahay namin. Bagong shop ata 'yon doon." Naeexcite ako. 
Teka sinabi ko ang naeexcite ako? Bakit naman ako maeexcite. Bakit nga ba? Ayy ewan. 
"Anong gagawin natin doon?" Pagtatanong niya ulit. 
"Baka may magustuhan ka sa shop na yun. Maganda ambiance tapos magaganda yung items. Tsaka may ibabalik kasi ako doon." Mukhang nakumbinse ko naman siya sa mga sinabi ko. 
"Talaga? Napuntahan na ata natin lahat ng shops at malls dito sa lugar natin at dahil sabi mo bagong shop yan. Palalagpasin ko ba yan?" Napangiti naman ako sa energy niya. Go with the flow siya lagi. 
Hindi man ako kasing swerte nya sa buhay pero mapagkumbaba parin sya. Mayaman sya. Pero mas pinili nya yung school namin kahit maraming school na pwede nyang pasukan. At besides nagkaroon sya ng kaibigang pabigat kagaya ko. Ang swerte ko sa kaniya. 
Sumakay lang kami habang patuloy na nagkekwentuhan. Gumaan na ulit 'yong pakiramdam ko. 
MABILIS yung naging biyahe namin. Kaya ngayon naglalakad kami doon sa kalye na pinagtayuan ng aesthetic shop na yun. 
"Nasaan na ba yon? Hindi ko matandaan." Bigla kong saad. 
"Baka may palatandaan ka." Oo tama. 
"May bench tapos tawid lang 'yon na."
Naghagilap kami ng upuan. At may nakita kami kaya tinignan namin ang tapat non. Gocha. 
Pero hindi siya kasing liwanag kagaya ng kagabi. Baka pinatay nila 'yong mga ilaw kasi maaga pa. 
And guess what same items pero iba ang name ng shop. It's Mini Shop. Binago agad? 
Napagdesisyunan naming pumasok. Yes, tama naman itong nakita namin kasi parehas lang sa loob. 
"Welcome to Mini Shop ma'am. Pili lang po kayo dyan." I'm expecting na parehong bati ang matatanggap ko. Pero hindi. 
Walang 'Welcome to Magic Shop'. Is it really Magic Shop o nabingi lang ako kagabi. And may mga staff na dito hindi kagaya kagabi na wala syang kasama. 
Nakapili si Sam ng relo and a pair of earrings. Ako naman na walang pera tingin tingin lang. Actually iba ang tinitignan ko. If you're thinking kung hinahanap ko sya. Oo, ganun na nga. 
Nagpunta na kami ng counter at binili pako ni Sam ng relo, yung katulad ng kaniya. Sabi ko 'wag na pero naginsist siya. 
Nagexpect na naman ako na siya ang makikita ko. Pero hindi puro babae ang nandito. 
"Ahh Miss. Puro babae talaga kayo dito?" Hindi ko maiwasang hindi magtanong. 
"Yes, Ma'am. Babae po ang usually kinukuha ng may-ari. Bakit po ma'am?" Umiling naman ako. 
Mali ba kami ng napasukang shop? 

Book Comment (102)

  • avatar
    PietraAnny

    jsisushsusuhsgsevvevdbeduudhdbdbdhddudhdhdhdhusisiisisjjsisushsisjsjsjshdhdhdududuududududjdjdhdhdhduebsbbwuwuwjanauaiajanajjajsjannanabhahsusuushshshshhshgkvljrlhdoydlhdkdkhdogxohflhdodupxkhxlhxkgxkgndlnidlhdkhxkgskhxlhxohxkhodoudoudodoudohdlhdohdohdpuxojdpjfupdljckh kg khcohxlhcoxohxlhlhxlhcldkxkgzkgsjgaurayatUfzkxutsigxkgxkgxjgxitdiydoydulzjtzlugxhgzkyfzlyzjxbkxlcohcludohxkditsuzigdohdohdoydhozoyoyduoxlhxhoxuoxoudouduoxoudoxupdouxohxoudkgdlhnfjldljjdjldhkdhkdhddjdjxludlhxljjcnxlhxljxljxljxjlh

    06/08

      0
  • avatar
    Kharlmelo David M. Aez

    osnenodb

    18/07

      0
  • avatar
    Darren Navarro

    its the Best

    16/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters