logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3

Haven Kayleigh's POV
ANO naman ang naisip neto at may pahatid-hatid pa. 
"Don't be malicious. Walang ibig sabihin to. Ihahatid kita kasi delikado. Tsk. Assumera." Hala may sinabi ba 'ko. 
"Defensive ka wala pa akong sinasabi." Masyado ah.
"Bakit ba walang tigil yang bibig mo. Tsk. Halika na."
"Paano yung shop?"
Walang magbabantay. 
"Tsk, ako nga hindi nag-aalala sa sarili kong shop. Ikaw pa na hindi naman bumili." Sabay diretso labas ng shop. 
Sumunod naman ako agad. 
Tahimik lang kami habang naglalakad. Iniisip ko pag-uwi ko mabubugbog na naman ako. Tapos sasabihin nila sakin bakit pa ako umuwi. Pinalayas na nga pala ko. 
Wala naman akong ibang pupuntahan. Hindi naman pwede kala Sam. Si Sam lang ang kaibigan ko. Siya lang ang nakakaintindi sakin. Pero parang sobra na pag sakanya pa ko humingi ng tulong. 
"Oyy, sungit." Tawag ko sa kanya. 
Hindi siya sumagot. 
"Pwede mo na akong iwan dito." Napahinto naman siya ng paglalakad. 
"Bakit?" He asked without looking at me. 
"Ayaw ko umuwi." Simple kong sagot. 
"You should go home."
"Iwan mo na ako dito." Pagmamatigas ko. 
"Okay if that's what you want. Ang arte mo. Tama lang hindi ako mapapagod maghatid sa hindi ko naman kilala. Bye." Ganito ba talaga 'tong lalaking 'to? Napakabato. 
"Haven Kayleigh."
Napatigil na naman sya. 
"Haven Kayleigh. Ang pangalan ko." Dagdag ko pa. 
"So what? Hindi ko naman tinanong." Sabi nya habang nakatalikod. 
Piste ka talaga sarap mong bugbugin. 
"Ikaw anong pangalan mo?" Pahabol ko. Sabihin mo. Subukan mong hindi sumagot. 
"Bakit ko sasabihin?" Tsk. Okay. 
"Mr. Sungit. Edi yun na lang lagi kong itatawag ko sayo. Ayaw mo namang sabihin. Parang sasabihin lang. Malaki ba mawawala sayo? Huh! Maarte ka rin naman." Pagtataray ko. 
Imbes na sumagot. Dumiretso na ulit sya ng lakad sabay hagis ng kalat. 
"Pulutin mo 'yan. Bawal makalat. Pakitapon." Huli niyang sabi. 
Nagdire-diretso na siya nang lakad. Psh. Pwede naman siya na magtapon. Hanggang ngayon ba naman inuutusan pa rin ako? Pisteng buhay 'to. Siguro future maid ako. Takte. Accounting pa naman tinake ko. 
"Bwiset na lalaki 'yon. Ginawa pa akong tapunan ng kalat niya. Anong akala niya sa'kin basurahan. Bwiset. Sira na nga araw ko eh."
Anong gagawin ko. 1am pa lang. Hays naman. May nakita kong bench umupo ulit ako. Panigurado sarado na ang bahay. Dito ko matutulog? Paano 'yan may pasok pa bukas. Buti nalang 10 pa ang pasok ko. 
Pinulot ko 'yong tinapon ni Mr. Sungit para itapon 'yon sa katabing basurahan. Pero may nakapa akong matigas sa loob. Bakit naman sya nagkaroon ng papel psh. Crumpled paper kasi 'yong hinagis niya. Edi binuksan ko. May nakita 'kong naka buhol na bracelet. Ano 'to nakalimutan niya? 
"May pagka mangmang din pala 'yon nag-iwan ba naman ng gamit. O baka naman ginawa nya to para bumalik ulit ako sa shop nya? Sus, pakipot pa." Napangiti na lang ako. 
Teka bakit nga pala ko ngingiti sa simpleng bracelet? Ang dami kong nakatambak na bracelet sa bahay. 
May empty plate yung bracelet. Makinang sya. So triny kong i-scratch. May naglitawang letra. 
A.
U.
S
T.
I.
N.
C.
H.
A.
S.
E.
Austin Chase? Kanino namang pangalan to? 
Austin. 
Austin. 
Paulit ulit sa utak ko ang pangalan na nasa bracelet. Actually pwede syang name ng aso. Baka alagang aso niya. Tsaka baka pantali niya 'to doon sa aso niya. 
Nagdesisyon akong bumalik sa bahay. Pero sa labas lang. Doon na lang ako magpapalipas. Dahil mamayang 5 am aalis silang dalawa. Yung nanay kong magaling at asawa niyang manyakis. Saan sila pupunta? Pake ko naman. Sila nga walang pake kung nasaan ako eh. 
Malamig dito pero mas pipiliin ko na to kesa makatanggap na naman ng malulutong na sampal at sabunot.
Kahit ilang oras lang nakalimot ako.
Nakipag-asaran sa stranger na masungit na ayaw ibigay ang pangalan nya.
Babalik kaya ako doon? Ano naman gagawin ko doon. Diba sabi ko bibili nako pagbumalik ako doon? Oo tama tas magpapasalamat ako ng pormal sa kanya kahit sobrang sungit niya.
HINDI ko namalayan na nakatulog pala ko doon sa may sulok ng bakod namin and guess what? Maliwanag na. Sure akong wala na sila sa loob. Meron naman akong duplicate key. Anong akala nila sila lang mautak.
Pinaduplicate ko na kasi hindi sila magdadalawang isip na pagsarhan ako ng pinto. 
Pagkapasok ko tinignan ko yung orasan. And it's already 9am the f-ck isang oras bago pumasok. At hindi yun walking distance. Sure na late na naman ako. 
Nagmadali nako ng kilos at dahil kalalaba ko lang kahapon hindi ko na nagawang plantsahin 'yong uniform ko. Maybe nakakahiya bilang isang college student. Pero mas importanteng matuto. Tsaka naligo naman ako.
Sinubukan kong kumain kahit konti pero alam nyo ba?
Kinandado nila lahat. Hays aalis na naman akong walang kain. 
Bente na lang pera ko sakto para sa pamasahe. 
Pinasadahan ko ng linis 'yong bahay para hindi naman nakakahiya sa kanila diba. Ako naman mahihiya kasi alam kong wala silang ganoon. 
Nang lumabas ako ay agad akong naghagilap ng jeep. Yup and it's 15 minutes ride and it's already 9:54am. Hays ireready ko na 'yong tenga ko sa sermon. 
NANG makarating ako sa campus. Obviously, wala ng mga studyante kasi start na ng klase. 
"Good morning Kuya." Bati ko sa nagbabantay. 
"Oh Kayleigh. Late ka na naman." Puna nito.
"Oo nga po Kuya Dan. Late po ng gising eh."
"Kumain ka na ba Kayleigh?" Tumango naman ako kahit hindi pa talaga. 
"Sus, ito kunin mo 'tong tinapay." Hindi ko na tinanggihan kasi nagugutom din ako. 
"Salamat Kuya Dan. Una napo ako." Isa sya sa taong dapat paglaanan ng oras. 
Nakakahiya man pero lagi niya kong binibigyan ng pagkain everytime na alam niyang di ako nagalmusal. 
Nagmamadali na 'ko na halos yung pinakamabilis kong takbo nagawa ko na. 
"Ano absent si Haven? Sam tanong nangyare don?" Rinig kong tanong ng prof namin. 
"Sir, sorry I'm late." Agad kong singit. 
"Oh, buti pumasok ka pa. Why are you late Haven? Hindi porket pinagbigyan kita noong nakaraan makakalusot ka na naman ngayon." Napayuko na lang ako. 
"Sorry Sir, hindi na po mauulit. Sorry po talaga." Sabay bow sa kanya. 
"Dahil diyan I will give you a task. Magrereport ka sa Monday. Kung gusto mo humanap ka ng makakatulong mo." Hays naman. Halos hindi nga ako makagawa ng ganiyan sa bahay. 
"I'm going to help her Sir." Pag-agaw ng pansin ni Sam sa prof namin.
"As always. Si Sam ang tumutulong sayo. Pumasok kana." Naglalakad ako papasok at halos lahat sila parang diring diri. 
Biglang may pumatid sa'kin. The f-ck. Masakit sa tuhod 'yon ah. 
"Ang t-nga naman. Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan. Tas tignan mo pa yung uniform. Gusot gusot yuck." Tumayo na lang ako at bigla akong inalalayan ni Sam. 
At naupo na kami. 
"Hey, Haven. Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya. 
"Okay lang ako Sam. Salamat ah." Sabay yuko. Bat ba ang malas ko sa buhay? 
Bilang sa isa kong kamay yung nakakaintindi sa'kin. 
"Sa bahay tayo gumawa ng report. Okay?" Sabay smile niya sakin.

Book Comment (102)

  • avatar
    PietraAnny

    jsisushsusuhsgsevvevdbeduudhdbdbdhddudhdhdhdhusisiisisjjsisushsisjsjsjshdhdhdududuududududjdjdhdhdhduebsbbwuwuwjanauaiajanajjajsjannanabhahsusuushshshshhshgkvljrlhdoydlhdkdkhdogxohflhdodupxkhxlhxkgxkgndlnidlhdkhxkgskhxlhxohxkhodoudoudodoudohdlhdohdohdpuxojdpjfupdljckh kg khcohxlhcoxohxlhlhxlhcldkxkgzkgsjgaurayatUfzkxutsigxkgxkgxjgxitdiydoydulzjtzlugxhgzkyfzlyzjxbkxlcohcludohxkditsuzigdohdohdoydhozoyoyduoxlhxhoxuoxoudouduoxoudoxupdouxohxoudkgdlhnfjldljjdjldhkdhkdhddjdjxludlhxljjcnxlhxljxljxljxjlh

    06/08

      0
  • avatar
    Kharlmelo David M. Aez

    osnenodb

    18/07

      0
  • avatar
    Darren Navarro

    its the Best

    16/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters