logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Magic Shop

Magic Shop

Mochim Jung


Chapter 1

Haven Kayleigh's POV
Haist buhay nga naman. Lagi nalang sermon, sigaw, batok, sampal at kung ano ano pang klase ng pangmamaltrato. Sermon dito, sermon doon. Nakakarindi sa tenga. Lagi na lang mali ko 'yong nakikita nila. Parang wala na akong ginawang tama sa buong buhay ko at sa paningin nila.
"Haven! Anak naman talaga ng tokwa oh! Yung sinaing mo masusunog na!" rinig ko na namang sigaw ni Mama mula sa baba ng bahay
Putakte naman ba't ko ba nakalimutan 'yon. Sa sobrang busy at abala ko sa mga school works ko, nakaligtaan ko na may nakasalang nga pala akong sinaing. Ito na naman tayo sa walang katapusang dakdak ng nanay kong akala mo may ginagawa. May ginawa naman sya. Alam niyo kung ano? Humilata maghapon at magdamag.
"Ito na po! Bababa na!" Sigaw ko pabalik. 
Pababa pa lang ako ng hagdan may sumalubong na sa aking sandok. Asintado. Sapul sa ulo e. 
"Ma naman. Masakit e." Reklamo ko. 
"Kahit kailan ka talagang bata ka. Kailan ka ba matututo ha! Pagbugbog na bugbog kana? Bwiset ka talaga!" Sabay tuktok na naman sa'kin ng sandok na hawak n'ya. Bukol is waving na naman.
Lagi naman s'yang ganyan e. Halos hindi na siya kumilos tapos kapag ako. Onting oras lang magpahinga napapagalitan pa. Hindi nga ko nagpapahinga e. Stress na nga sa school pati ba naman dito sa bahay?
"Ma, may ginagawa ako sa taas e. Pwede naman pong ikaw nalang tumingin nyan. May hinahabol lang po akong deadlines kaya nakalimutan ko." Sagot ko pa. 
Tatalikod na sana ako kaso. Bigla niyang hinablot ang buhok ko. Masakit sa anit at sa ulo. Bugbugan time na naman. 
"Peste ka talagang bata ka! Bakit pa ba kita isinilang." Sabay palo ng mga bagay na pwede n'ya pang ihampas sa'kin.
Oo, masakit. Pero parang na immune na ata ako sa lagi n'yang ginagawang pangbubugbog sa'kin. Parang hindi naaawa o kahit magsawa na lang.
"T-rantado ka talaga kahit kailan. Pinapalamon ka lang namin dito ng Tito mo! Wala kang utang na loob!" Psh. Yan naman lagi nyang sinusumbat sa'kin e. 
"Sana nga Ma, hindi nalang ako pinanganak. Kasi kahit sino hindi gugustuhin mabuhay ng ganito. Maski sarili ko naaawa ako. Lahat naman po mali sa inyo lalo na pag ako! O baka nga isa lang din akong malaking pagkakamali pati pagkabuhay ko dito, lahat mali! Sana nga wala na lang ako ma! Ayoko na!" Sumabog na naman ang mga tinatago kong emosyon na matagal ko nang inipon sa sarili ko.
Nakatanggap ako ng malutong na sampal kasabay ng pagtulo ng luha ko. Akala ko manhid nako sa ganito. Nasasaktan pa rin pala ako. 
"Umalis kana dito! Wala kang kwentang anak! Layas!" Napatakbo 'ko ng wala sa oras at nabangga ang pangalawang asawa ng perpekto kong ina. 
"Oh, Haven. Saan ka pupunta?" Sabay haplos sa balikat ko. Isa pa itong tanong to.
Agad kong tinapik ang mga kamay nya. Manyakis talaga kahit kailan. 
"Wala kang pakialam." Oo, ako na walang respeto. Alam ko. Pero ang katulad nya? Hindi dapat nirerespeto. 
Dumiretso na ako ng takbo. Kahit medyo gabi na. 
Nakakita ko ng waiting shed at doon ako umupo at umiyak. 
Pa, bakit mo kasi ako iniwan? Alam mo naman na ayaw sa akin ni Mama. Sana ikaw na lang 'yong nabuhay, Pa. Sana nandito ka. Sana naipagtatanggol mo ako kay Mama. Sobrang miss na kita.
Umiiyak lang ako ng biglang may naaninag ako medyo maliwanag na store ata. Ang liwanag na yon ay gawa ng mga lightings at bulbs ng shop na yon.
Tinignan ko ang paligid. Medyo may kalayuan 'to sa bahay pero alam ko pa rin. At sa pagkakatanda ko wala naman shop na nakatayo doon dati. 
Bihira kasi akong dumaan dito dahil may shortcut banda sa amin. Baka ganoon nga. 
Ang cute ng shop. May neon lights at at aesthetic ng dating. Anong klaseng shop kaya 'to. Hindi naman masamang tumingin diba? Oo, makikisilip lang ako nang mabaling naman ang isip ko dito kesa sa problema sa bahay.
Tinungo ko ang shop na yon. Tutal tatawid lang naman ako. 
Nakatayo ako sa harap at nagmamasid. 24 hours open, basa ko sa sign na nakadikit sa pinto. Aba sipag ah. Walang tulugan.
Naisipan kong pumasok. Namangha ko sa pagkakadesign ng shop. Ang cute. Siguro babae may-ari based na rin sa color scheme ng interior design nito. By the way, hindi naman ako bibili. Pero kung meron edi go. Kaso ang problem pala wala pala akong pera.
Busy akong maglakad lakad nalilibang ako kakatingin. Ako lang din ata ang tao maliban sa nagbabantay syempre. Pero hindi ko pa nakikita kung sino. Hindi n'ya ba napansing may pumasok? 
Napunta ako sa may bandang bayadan na ng items siguro. 
Bakit walang tao? Baka manakawan sila. Psh. 
"Ehem." Agaw pansin ng isang tinig.
Napalingon ako. 
"Welcome to Magic Shop." 

Book Comment (102)

  • avatar
    PietraAnny

    jsisushsusuhsgsevvevdbeduudhdbdbdhddudhdhdhdhusisiisisjjsisushsisjsjsjshdhdhdududuududududjdjdhdhdhduebsbbwuwuwjanauaiajanajjajsjannanabhahsusuushshshshhshgkvljrlhdoydlhdkdkhdogxohflhdodupxkhxlhxkgxkgndlnidlhdkhxkgskhxlhxohxkhodoudoudodoudohdlhdohdohdpuxojdpjfupdljckh kg khcohxlhcoxohxlhlhxlhcldkxkgzkgsjgaurayatUfzkxutsigxkgxkgxjgxitdiydoydulzjtzlugxhgzkyfzlyzjxbkxlcohcludohxkditsuzigdohdohdoydhozoyoyduoxlhxhoxuoxoudouduoxoudoxupdouxohxoudkgdlhnfjldljjdjldhkdhkdhddjdjxludlhxljjcnxlhxljxljxljxjlh

    06/08

      0
  • avatar
    Kharlmelo David M. Aez

    osnenodb

    18/07

      0
  • avatar
    Darren Navarro

    its the Best

    16/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters