logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata Seven

NASA LOOB na ako ng k’warto para mamahinga matapos ang mahabang pagkuk’wentuhan namin nina Don Raul at Doña Celestina. Ang saya na ng araw na sana ng araw na ‘to kung hindi lang sinira ng mag-amang iyon pero thankful pa rin ako dahil nagkaayos na rin kami ng mga magulang ni Helena. I can't afford to be on their wrong side baka mas mahirapan akong maisagawa ang pagtulong kay Joaquin at ang malaman kung nasaan ba talaga ang tunay na Helena, kung totoo ba na pinatay siya gaya sa aking panaginip. Biglang nanariwa sa aking isipan ang mga nakangiting mga mukha nina Don Emilio at Mateo na dahilan para magpakulo sa aking dugo. Hanggang sa alaala ko naiinis ako kapag nakikita ko sila how much more pag in person? Itinapon ko ang aking katawan sa kama na agad na nagdala ng ginhawa sa aking katawan. Napatingin ako sa kisame nang may ngiti sa aking labi ng muli kong maalala ang nakakahiya pero nagbigay ng kilig sa akin kanina ngunit lahat ng tuwa at ngiti ay nawala nang binabagabag ako ng aking isipan. Hindi ko alam kung tama ba ito na mahalin ko si Joaquin o mahalin niya ako na si Helena ang unang nagmahal kay Joaquin. Gusto kong ma-guilty sa ginagawa ko pero bakit the more I did what was wrong, the more it felt right? Nandito ako para tulungan si Helena pero anong ginagawa ko sa taong mahal niya? Inaagaw ko ang taong mahal niya sa kanya. Anong pagkakaiba ko kay Kim?
I shook my head and let go of my emotions. “I shouldn't put myself in the same category as him, who is cheater. I never lied to anybody. Joaquin is single and has not yet married Helena; they were expected to marry but it did not happen due to an argument against Joaquin's family. So, what's the big deal? I've done nothing wrong. “I ought to get rid of my guilt,” pangungumbinsi kong sabi sa aking sarili.
“I'd best get out of bed and freshen up. Tomorrow is our first day, so I should get some sleep,” ani ko sa aking sarili at ipinikit ko ang aking mga mata.
“Joaquin!” sigaw ko nang makita ko siya na nasa dulo ng batis ngunit hindi niya ako narinig kung kaya lumangoy ako papunta sa kanya. Tumigil ako para muling sumigaw ngunit hindi niya ako narinig.
“This isn't going to work.” Sabay langoy at unti-unting lumalalim ang tubig hanggang sumisid na ako. Ilang pagkampay ang aking ginawa bago ako umahon para makita kung malapit na ako kay Joaquin ngunit nang ako'y umahon laking gulat ko nang sumambulat sa akin ang isang babae na may matatalim na tingin at galit na galit.
“Akin si Joaquin, Helen! Akin!” galit na sigaw niya sa akin.
“Helena?” gulat kong bulalas.
“Sino ka para agawin ang lalaking para sa akin? Akin si Joaquin! Akin!” palahaw niya ng sigaw sa akin sabay sakal sa aking leeg at itinulak ako sa tubig nang hindi inaalis ang kanyang mga kamay sa aking leeg na mas lalong humihigpit ang pagkakasakal.
“Nagkakamali ka, Helena. Hindi ko inaagaw sa ‘yo si Joaquin,” paliwanag ko sa kanya habang pilit akong umaahon kahit na nahihirapan ako.
“Makati kang babae ka! Wala kang karapatan sa kanya! Ako lang! Ako lang!” galit na palahaw niya at inulublob ako sa tubig.
“Sandali lang, Helena. Hayaan mo akong magpaliwanag,” pakiusap ko sa kanya.
“Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Humingi lang ako ng tulong sa ‘yo hindi ko sinabi na angkinin mo ang hindi mo pagmamay-ari!” gigil at galit niyang sigaw. Gusto kong magsalita ngunit inilublob niya ako sa tubig kasabay niya.
“Akin lang si Joaquin! Akin lang!” aniya na patuloy na pumapalahaw kahit na nasa ilalim na kami ng tubig ay kitang-kita ko pa rin ang mga mata niyang nanlilisik sa galit. Kahit hirap na akong huminga ay pilit pa rin akong kumakawala sa kanyang pagkakasakal ngunit the more na magpumiglas ako ay lalo akong nawawalan ng lakas.
Pinilit kong tanggalin ang mga kamay niya sa aking leeg ngunit hindi ko magawa dahil sa mahigpit niya ng pagkakasakal sa akin.
“He— ”
Sinubukan kong magsalita ngunit mabilis akong napatigil dahil sa mauubusan ako ng hangin.
“Dapat sa ‘yo mamatay! Mamatay ka na!” sigaw niya. Pinilit ko pa kumpay paahon ngunit tuluyan ng nanigas ang aking mga braso at binti.
“Ito na ba ang katapusan ko?” tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang galit na galit na mukha ni Helena. “Patawarin mo ako, Helena,” ani ko sa aking isipan at unti-unting pumikit ang aking mga mata.
“Kailangan mong mamatay Helena para sumaya ako.”
BIGLA akong napabalikwas sa aking pagkakahiga at habol ang aking paghinga. What was that? Just what the hell my dream was? Naguguluhan ako sa panaginip ko. Hindi ba’t kami ni Helena ang nasa panaginip bakit sa dulo parang hindi na si Helena ang nagsalita? Namamalikmata lang ba ako? Namali ba ako ng rinig?
“Binibining Helena, ayos lamang ba kayo?” tanong ni Lita na labis ang pag-aalala sa kanyang mukha.
“Tubig,” utos ko at mabilis niyang inabot ang tubig sa akin. Naubos ko ang isang baso sa sobrang panunuyo ng aking lalamunan.
“Ayos ka lang po ba?” tanong niyang muli.
Tumango ako bilang tugon. “Anong nangyari sa akin?” tanong ko nang makahinga na ako ng maayos.
“Binabangungot po kayo ng ako’y pumasok. Pilit ko po kayong ginigising ngunit hindi po kayo magising. Buti na lang po at napabangon kayo,” paliwanag ni Lita.
“Bangungunot?” mahina kong usal.
Bangungot ba talaga ang nangyari? Bakit pakiramdam ko nangyari ang lahat ng iyon? Bakit pakiramdam ko gusto talagang akong patayin ni Helena nang sandaling iyon? Panaginip lang ba talaga ang lahat?
“Kailangan mong mamatay Helena para sumaya ako.”
Umalingawngaw muli ang huling mga katagang sinambit ni Helena sa akin sa panaginip. Si Helena ba talaga iyon? Bakit pakiramdam ko may mali sa panaginip na iyon? Nandito ba talaga ako para lang tulungan si Joaquin gaya ng hiling ni Helena? O may ibang misteryo pang nangyari bago naglaho si Helena at napadpad ako sa panahon na ito just to unveil that mystery? Helena nasaan ka na ba? Ano ba talagang nangyari sa ‘yo? Sinubukan kong analisahin ang lahat. I tried to consider any possibility that could arise, including the smallest explanation that could bring me to the facts. I need to work things out as much as I can.
“Binibini?” tawag ni Lita dahilan para matauhan ako at makakawala sa aking malalim na iniisip. “Ayos lang po ba talaga kayo?” tanong niya na may labis pa ring pag-aalala.
I managed to hide my thoughts with a grin. “Ayos lang ako, Lita. Hindi mo na kailangan mag-aalala pa,” ani ko.
“Sigurado ka po ba?” paninigurong tanong niya.
Tumango ako nang mangilang ulit para makumbinsi lang siya. “Sige na, mauna ka na. Mag-aayos lang ako at susunod na ako,” wika ko.
Pinagmasdan niya pa ako na tila sinusuri akong mabuti kung totoo ba ang aking sinasabi. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya.
“Ayos lang ako,” pagbibigay diin ko sa bawat salita. “Kaya mauna ka na at magbibihis lamang ako,” sabi ko at pinatalikod siya sa akin at itinulak palabas ng aking k’warto. Narinig ko pa ang pag-angal niya pero mabilis ko siyang binara at sinarahan ng pinto para hindi na siya mangulit.
Napasandal ako sa likod ng pinto sabay napabuga ako ng hangin sabay napayuko. “Ang kulit talaga ni Lita,” saad ko sa hangin.
Makalipas ang ilang saglit ay inangat ko ang aking tingin at eksaktong nakita ko ang repleksyon ko sa salamin. Wala halos pinagkaiba ang itsura namin ni Helena. Ang tanging pinagkaiba lang namin ay ang aming pag-uugali at panahon kung saan kami nabuhay pero kung sa itsura walang-wala kaming pinagkaiba. Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili hindi ko makalimutan ang aking napanaginipan. Galit ba talaga sa akin si Helena? Isa ba ‘yong pagbabanta sa akin ni Helena? O isa ‘yon premonition na maaaring mangyari kay Helena? Kung isa nga ‘yon premonition, sino ang babaeng iyon? Sino ang may masamang balak kay Helena? Sino ang may gustong mamatay si Helena?
“…para sumaya ako.”
Ang tatlong huling salita na sinabi niya… ibig ba noong sabihin pinatay niya si Helena dahil may bagay na kinuha si Helena sa kanya na hindi dapat? Ano ba ang bagay na iyon? Muli akong napaisip at naalala kong parte si Joaquin ng aking panaginip. Hindi kaya may kinalaman din ang lahat ng ito kay Joaquin?
“Crime of passion ba ang nangyari?” mahina kong bulong. Bigla akong napailing sa aking naiisip. “Imposibleng mangyari ang iniisip ko. Imposible na may pumatay kay Helena. Masyado ng marami akong nababasa at napapanuod na criminal drama kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko!”
Pero kung hindi iyon ang ibig sabihin ng panaginip ko, ibig bang iparating sa akin ni Helena na galit siya sa ginawa ko? Kung iyon nga iyon, ibig ba niya ng sabihin kailangan ko na rin bang kalimutan si Joaquin?
The very thought of having to do that caused me to experience pain in my chest. “Do I have what it takes? Is it okay if I leave Joaquin out?”
Inayos ko ang aking sarili bago bumaba papuntang hapag-kainan. Sinubukan kong ikumpas ang aking sarili pero binabagabag pa rin ako ng aking panaginip.
“Kumusta ang iyong tulog anak?” makangiting bungad ni Don Raul sa akin.
“Ayos lamang po, Ama,” maikli kong sagot sabay upo sa harap ni Doña Celestina.
“Sigurado ka ba, anak? Bakit tila nanlalata ka?” nag-aalalang tanong ni Doña Celestina.
Ngumiti ako ng pilit para ipakitang ayos lang ako. “Opo, Ina. H'wag niyo na po ako alalahanin. Halina po't kumain mas masarap po kumain habang mainit pa,” wika ko sabay ngiti.
Hindi na lang sila umimik at sinimulan na rin nilang kumain. Tahimik ang hapag tanging mga kubyertos lamang ang maririnig na ingay at mas lalo akong binabagabag ng aking panaginip. Sino ang babaeng iyon? Si Helena ba talaga ‘yon o ibang babae? Ano ba gustong iparating sa akin ng panaginip na iyon? Galit ba talaga sa akin si Helena o may gusto talagang pumatay kay Helena? Gusto kong sabunutan ang aking sarili dahil sa hindi ko malaman kung ano ba talaga ang nangyayari. Kung may mga iniwan lamang sana si Helena na hindi sana ako mahihirapan ng ganito. Napatingin ako kina Don Raul at Doña Celestina, ano kaya kung sabihin ko na wala akong maalala simula noong unang magkita ako ni Lita para makapag-dig ako lalo sa buhay ni Helena? Masyadong limited ang nalalaman ko dahil sa nag-iingat akong hindi nila ako mabuko na hindi ako ang anak nila talaga. Kung sasabihin ko na hindi ko maalala ang lahat magkakaroon na ako ng tyansa para malaman ang lahat-lahat, maging ang mga taong nakapalibot kay Helena ay malalaman ko na at iikli ang listahan ko na maaaring suspect sa pagpatay kay Helena. No boundaries. More information. More information means easy taking down those assholes.
“Helena,” tawag sa akin ni Don Raul na may pag-aalala sa kanyang mukha.
Huminga ako nang malalim bago ako humarap at magsalita. “Ama, Ina, may gusto po sana akong ipagtapat sainyo,” lakas loob kong saad.
“Ano iyon, anak?” tanong ni Don Raul na pilit ikinukumpas ang kanyang sarili.
Tumingin ako sa paligid at nakita ko sina Rosa, Manang Miling at Lita na tila inaabangan ang aking sasabihin.
“Bago ko po sabihin sainyo ang lahat, maaari po bang paalisin niyo sila? Nais ko po na kayo lamang ang makaalam ng aking sasabihin,” pakiusap ko.
Sumenyas si Don Raul. “Narinig niyo ang sinabi niya.” At isa-isang umalis ang mga tagapagsilbi na naroon at tanging kami na lamang ni Don Raul at Doña Celestina ang naroon. Pansamantalang katahimikan ang bumabalot sa amin at may tensyon diing namumuo.
“Tungkol saan ba anak ang iyong sasabihin?” tanong ni Don Raul.
“Naaalala niyo po ba nang mag-usap po tayo tungkol sa aking kaarawan?”
“Anong kinalaman noon anak sa ipagtatapat mo sa amin ng iyong ama?” tanong ni Doña Celestina.
“Nang araw na po iyon, wala na po akong maalala. Wala na po akong maalala sa lahat nangyari, sa lahat ng tungkol sa inyo sa akin at sa lahat ng taong nagkaroon ng ugnayan po sa akin. Lahat po iyon ay hindi ko maalala,” mabilis na pagsisiwalat ko. Tinignan ko ang kanilang reaksyon nang sandaling iyon halos hindi maipinta dahil sa aking sinabi. Patawad Don Raul at Doña Celestina pero pakatapos niya lahat ng lalabas na sa aking bibig ay puro na kasinungalingan. Sana maunawaan niyo na ginagawa ko lamang ang hiling ni Helena.
“Diyos ko, anong nangyari sa ‘yo, anak?” napasinghap na tanong ni Doña Celestina.
“Paumanhin, Ina, ngunit hindi ko rin po alam,” pagtatanggi kong sagot.
“Ito ba ang bumabagabag sa iyong isipan, anak?” kalmadong tanong ni Don Raul at tumango lamang ako bilang tugon.
“Opo, Ama.” Sabay yuko.
“Bakit hindi mo sinabi kaagad sa amin ng iyong ina ang nangyayari sa iyo? Bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong niya.
“Patawarin niyo ako ama, hindi ko nainis na pag-alalahanin kayo ina kaya po nagawa kong ilihim ang lahat ng inyo sainyo,” naluluha kong sagot kay Don Raul. “Akala ko po manunumbalik din po ang aking mga alaala ngunit nagkamali po ako habang tumatagal ay mas nahihirapan po ako kung kaya ngayon ko lamang po sinabi sa inyo.” At tuluyan ng buhos ang aking mga luha.
“Patawarin niyo po ako, Ama, Ina.”
Lumapit si Doña Celestina at niyakap ako. “Hindi mo kailangang humingi ng tawad anak. Hindi mo kasalanan ang nangyari,” wika ni Doña Celestina na inaalo ako sa aking pag-iyak.
Naramdaman ko ang paghawak ni Don Raul sa aking kamay. “Patawarin mo kami anak at hindi namin alam ang nangyayari sa ‘yo. Patawad kung hindi namin napansin na nahihirapan ka,” wika ni Don Raul.
Pinunasan ko ang aking mga luha at humarap kay Don Raul. “Ayos lang po iyon, Ama. Ang importante po ay nasabi ko na po sainyo ang matagal ko na po ang aking ininilihim,” saad ko at binigyan siya ng maliit na ngiti.
Inalis ni Doña Celestina ang pagkakayakap sa akin. “Pero, sandali lamang. Ano na ang ating gagawin? Paano manunumbalik ang iyong alaala?” tanong ni Doña Celestina.
“Ipapadala ka namin sa España para doon ipagamot,” wika ni Don Raul na siyang aking ikinabigla.
“Huwag ama!” bulalas kong tutol dahilan para mapakunot-noo sina Don Raul at Doña Celestina.
Hindi maari ito! Wala ito sa plano. Hindi p’wedeng umalis ako dito. Paano ko malalaman ang lahat? Paano ko makakamit ang hustisya para kay Joaquin? Paano ko malalaman kung sino ang babaeng may masamang balak kay Helena at may gustong angkinin si Joaquin? Paano ko makikita si Joaquin kung aalis ako? Hindi ito p’wede!
“Bakit anak? Ayaw mo bang gumaling?” nagtatakang tanong ni Doña Celestina.
“Malalayo po ako sainyo. Ayaw ko po na iwan kayo ni Ama. Kung aalis po ako paano na lamang kayo?” pagdadahilan kong tanong.
“Para naman sa ikabubuti mo ang gagawin natin, anak,” wika ni Don Raul.
“Hindi ko naman po kailangan na pumunta ng España para magpagamot ama. Hindi ko na po kailangan maalala ang nangyari sa nakaraan ang importante po ay hindi po ako malayo sainyo. Hindi po maibabalik ng manggagamot ang alaalang kayo lang po ang nakakaalam dahil kayo po ang nakasama ko simula bata pa lamang ako,” pagrarason kong sabi.
“Pero anak naman ito sa paggaling mo,” wika ni Doña Celestina.
“Ina, gagastos lamang po kayo ni Ama kung pupunta pa ako roon at wala po katiyakan kong magagawang maibalik ang alaala ko ng mga doktor roon sa España liban pa riyan malalayo pa po ako sainyo ni Ama. Sapat na po sa akin na nandito lamang ako kasama kayo ni Ama at ng mga taong nakasama ko habang ako ay nagkakamalay. Narito po ang mga taong makakatulong para manumbalik ang aking alaala wala po roon sa España,” saad ko na pilit silang kinukumbinsi sa aking sinasabi.
“Dahil ba ito kay Joaquin kaya ayaw mong umalis anak?” tanong ni Don Raul.
Bigla akong namula sa aking narinig dahilan para mapailing at mapawagayway ako ng aking mga kamay. “Hindi po ama! Hindi po siya ang dahilan dahil sa ayaw kong umalis. Ayaw ko lamang po malayo sainyo ni ina. Iyon lamang po iyon,” mariing pagdadahilan ko.
Tumawa nang mahina si Don Raul. “Kung iyan talaga ang gusto mo hindi na kita pipilitin.”
“Totoo nga po ama ang sinasabi ko!” mariing saad ko dahilan para mas lalong mamula ang aking mukha.
“Wala naman akong sinasabing hindi, ‘di ba?” nanunuksong saad ni Don Raul.
“Ama naman!”
Tumawa lang si Don Raul na tila natutuwa pa sa aking itsura. Tutol pa sana ako nang biglang magsalita si Doña Celestina,
"Pero Raul…
“Tama ang ating anak, Celestina. Kung meron mang taong makakatulong sa kanya para manumbalik ang kanyang alaala, tayo ‘yon,” nakangiting sabi ni Don Raul.
Napabuntong-hininga na lamang si Doña Celestina.
“Magiging maayos din ang lahat,” wika ni Don Raul.
Hindi na nakipagtalo si Doña Celestina at tahimik na bumalik sa kanyang upuan at ipinagpatuloy namin ang naudlot na pagkain. Nakahinga na rin ako nang maluwag. Sa wakas, umaayon ang lahat sa aking plano.

Book Comment (22)

  • avatar
    PinaChery

    nice

    4d

      0
  • avatar
    GalichaRea

    excellent

    22/07

      0
  • avatar
    SyuhadaAnis

    good ii

    22/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters