logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata Six

Napapalatak ako nang mahina. I'm about to puke just seeing them act sincere in front of me. Is this what they did when they put on a demonstration in front of a large number of people, convincing them that they are good and did not plot the crime against Joaquin's family? This group of traitors is truly repulsive! They were both misled by their friends. What is it for? Fame? Money? Power? They're all a load of bullshits! Masunog sana kaluluwa nila sa impyerno!
“As if I'm going to forgive you. I despise both you and your father,” ani ko.
Lahat sila'y napakunot sa aking sinabi at naghihintay ng aking sunod na sasabihin but I stayed quiet and did not explain what I had meant to them. Asa siya. Mamatay sila sa curiosity. Ilang segundo rin nabalot ng katahimikan ang sala ngunit binasag iyon ni Don Raul na may malakas na halakhak.
“Nakakatuwa ka talaga, Helena. Pinapasaya mo ako sa tuwing nagsasalita ka ng wikang Ingles napakagaling mo talaga,” puri ni Don Raul sa akin na may labis na galak. Kung kaya napatawa na din lang sina Don Emilio at Mateo as if what I've just said is a joke They're amused by their own stupidity.
“Mukhang marami pang kailangan matutunan ang aking anak para pumantay sa kaalaman ni Helena,” natatawang saad ni Don Emilio.
“Simple lang naman ang aking anak, Emilio. Hindi naman kailangan na pumantay si Mateo sa kanya,” ani Don Raul.
“Gano’n ba? Napakapalad mong ama at nagkaroon ka ng anak na ubod ng ganda at talino,” puri ni Don Emilio.
Tumawa si Don Raul na may labis na galak. “Aba’y kanino pa ba siya magmamana ng katalinuhan at kagandahan kun’di sa amin ng mahal kong asawa.”
“Siya nga naman. Walang duda, kumpare!” natatawang saad ni Don Emilio at pareho silang naghalakhakan.
Nagpatuloy sila sa kanilang usapan samantalang ako nakaupo rito at nakikinig sa mga usapan nila. What is the point of my presence here? Why should I sit next to them? Napasandal ako sa aking inuupuan at napatingin sa bintana at nangalumbaba. Being here suffocates me.
“Helena,” mahinang tawag sa akin ni Mateo ngunit hindi ko siya pinansin.
“Helena,” muli niyang tawag ngunit nanatili akong patay malisya at nagbingi-bingihan sa kanyang pamimilit ng tawag ng pansin.
Napabuntong-hininga akomalalim. Habang tumatagal na nakaupo ako rito nanghihina ako at gusto kong matulog hanggang sa napahikab ako ng malaki at malakas. Nagsitingian silang lahat sa akin dahil sa aking ginawa well, I don’t care kung ano man isipin nila basta nabo-boring na akong makiharap sa kanila.
Tinapak ni Doña Celestina ang aking braso dahil sa aking ginawa. “Ano ang iyong ginagawa?” mahinang tanong ni Doña Celestina na may halong paghahagsik.
“Ayos ka lamang ba, anak?” tanong ni Don Raul.
“Paumanhin ama ngunit nais ko na po matulog. Inaantok na po ako ng sobra,” ani ko.
Napatingin silang lahat sa labas ng bintana at doon lamang nila napagtanto na madilim na ang paligid.
“Mukhang napasarap ang ating usapan at hindi na natin namalayan ang oras,” wika ni Don Emilio.
“Siya nga, Emilio,” pagsang-ayon ni Don Raul.
“Kung gayon, mauuna na kami ni Mateo. Maraming salamat sainyong oras,” ani Don Emilio. “Lalo na sa ‘yo, Helena kahit sa ilang oras ay napasaya mo ang aking anak.” Dagdag pa niya.
Napataas ako ng aking kilay sa kanyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin noon?
“Aalis na kayo?” tanong ni Doña Celestina. “Bakit hindi na lang kayo dito maghapunan?”
“Maraming salamat, Celestina pero malalim na rin ang gabi at kailangan na namin makaalis ng hindi kami mahirapan sa daan,” pagtatangging paliwanag ni Don Emilio.
“Kung gayon, mag-iingat na lamang kayo sa inyong pag-uwi,” paalala ni Don Raul.
“Maraming salamat, Raul, Celestina at Helena. Mauna na kami,” paalam ni Don Emilio.
“Paalam, Helena,” wika ni Mateo at akmang hahawakan ang aking kamay ngunit mabilis siyang tumingin sa akin. “Maaari ba?” tanong niya na humihingi ng pahintulot sa akin.
“Hindi,” mariing tutol ko dahilan para mapangiti na lang ito ng mapait. In your dreams! Hindi ka na makakaulit. Una’t huli mo na ‘yon!
“Mauna na kami, Tiyo Raul at Tiya Celestina,” paalam ni Mateo. “Helena,” sabay tingin sa akin na may malulungkot na titig. “Maraming salamat sa iyong pagharap sa akin. Napasaya mo ako na masilayan ka kahit saglit,” aniya dahilan para magtaasan ang balahibo ko sa katawan.
What the hell is that? Ano bang ibig nilang sabihin? Anong napasaya? I'm very creeped out by their actions! Could you please explain what is going on?
Hindi na ako tinignan na makaalis sila at naglakad na paakyat ng aking k'warto pero nasa kalagitnaan pa lang ako ay bigla akong tinawag ni Don Raul.
“Helena, bumalik ka rito,” utos ni Don Raul.
Saan kaya na naman ito tungkol? Hindi na lang ako umimik naglakad pabalik ng salas.
“Bakit po, Ama?” tanong ko ng walang kabuhay-buhay.
“Alam mo bang mali ang inasal mo kani— ”
Hindi ko na pinatapos magsalita si Don Raul dahil sa aking pagkairita ay sinagot ko siya.
“Kung papangaralan niyo ako ama dahil binastos ko ang inyong kaibigan sasabihin ko na po sa inyo na hindi ko pinagsisihan na ginawa ko iyon. Nararapat lang iyon sakanila. At kung patuloy niyo pa rin papanindigan ang inyong paniniwala wala na po tayong dapat pag-usapan,” saad ko at mabilis na tumalikod.
“Tatalikuran mo na ako agad para hindi mo pa ako pinapatapos magsalita?”
I took a glance around and fixed my gaze on him. “Bakit ama? Ano pa po ba ang dapat kong marinig sa inyo? Hindi po ba kayo na ang nagsabi na kaibigan niyo ang ahas na iyon kahit na trinaydor niya ang kaibigan niyo dahil sa hindi kayo ang ginawan ng kasamaan kaya kaibigan pa rin ang turing niyo sa kanya? Kung gan’yan na gan’yan pa rin po ang inyong kaisipan walang rason na po para tayo ay mag-usap pa,” anas ko at tumalikod muli at akmang maglalakad na nang muli siyang magsalita.
“Galit ka pa rin ba sa akin anak?” malumanay na tanong ni Don Raul sa akin.
Lumingon ako at tinignan si Don Raul. “Hindi po ako galit sa inyo. Hindi ko lang po gusto ang inyong paraan ng pag-iisip pero kung tampo po ang tamang salita na makakapaglahad ng aking aksyon, marahil opo,” sagot ko at muli tumalikod ako.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Don Raul. “Hindi naman ako galit sa iyong ginawa kanina at hindi rin kita tinawag para parangalan sa iyong inasal. Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na narito lang kami ng iyong ina para suportahan ka sa laban mo. Hindi ka namin pipigilan. Susuportahan at poprotektahan ka namin hanggang sa abot ng aming makakaya…”
I find myself disoriented. sa mga sinabi ni Don Raul dahilan para mapaharap muli ako sa kanya. “Ano ang ibig niyong sabihin?" naguguluhang tanong ko.
Lumapit sila ni Doña Celestina sa akin na may ngiti sa kanilang mga labi. “Kailangan ko pa bang ulitin ang lahat ng iyon?” nag-aalangang tanong ni Don Raul.
“Naguguluhan po ako sa sinasabi niyo,” pag-aamin kong saad.
“Inaamin na ng iyong ama ang kanyang pagkakamali, anak. Kung kaya sana itigil mo na ang iyong pagtatampo at patawarin mo na siya,” sabal ni Doña Celestina.
“Totoo po ba ang lahat ng iyon, Ama?”
Tumango si Don Raul. “Mapapatawad mo na ba kami ng iyong ina?” tanong ni Don Raul.
“Basta po ba maipapangako niyo na hindi na magiging ganoon ang inyong paraan ng pag-iisip,” panghahamon kong sabi.
“Oo na, hindi na. Para sa pinakamamahal at nag-iisa kong anak hindi ko na gagawin iyon.”
“Talaga po ba?”
“Hindi ka ba nanini— ”
Sa labis kong tuwa ay niyakap ko si Don Raul. “Salamat naman sa Panginoon at nalinawan na rin ang isipan mo ama!”
Narinig ko na naman ang halakhak ni Don Raul na napakalakas. “Pati ba naman Panginoon anak dinamay mo. Hindi ko ba kayang bigyang linaw ang aking isipan?”
Inalis ko ang aking pagkakayakap sa kanya at tinignan nang may halong pagdududa. “Duda ako diyan ama,” biro ko na may seryosong mukha dahilan para mapatawa si Doña Celestina.
“Mag-ama nga kayo puro kayo kalokohan,” wika ni Doña Celestina na tumatawa pa rin.
“Aba syempre anak ko ‘yan. Ako lang naman ang lalaking karapat-dapat sa buhay ng mo at wala ng iba,” pagmamalaking saad ni Don Raul dahilan para mapatawa na lamang kami ni Doña Celestina. At bigla na lang kami binalot ni Don Raul ni Doña Celestina sa kanyang mga bisig.
“Salamat naman at ayos na ang lahat. Mahal na mahal ko kayong dalawa,” sinserong saad ni Don Raul sa ilalim ng kanyang mga yakap sa amin.
“Mahal na mahal ka rin namin ama.”
“Mahal na mahal ka rin namin asawa ko.” Sabay naming sabi ni Doña Celestina.
At naramdaman ko na mas humigpit ang mga yakap ni Don Raul sa amin. “Mahal na mahal ko rin kayo, sobra-sobra. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan lang kayo.”
Napangiti na lang ako. Salamat at nagkaayos na rin kami nina Don Raul. All the guilt that I felt, nawala na ang lahat ng iyon. Nawala na rin ang awkward feel sa tuwing magkakaharap kami. Ang sarap sa pakiramdam!
“Sandali lang!”
Bigla akong napatingin kay Don Raul matapos niyang alisin ang pagkakayakap sa amin ni Doña Celestina.
“Bakit po ama?” tanong ko.
Tinignan ako ni Don Raul na may ngiti sa kanyang labi. “Ang galing mo kanina, anak!” wika niya sabay thumbs up pa.
“Anong ibig niyong sabihin ama?” naguguluhan kong tanong at bigla siyang tumikhim at nagbago ang reaksyon ng mukha.
“Maghuhugas lamang po ako, Ama. Kailangan ko lang po alisin ang duming dumikit sa aking mga kamay.” At bigla siyang napapalakpak na tuwang-tuwa. “Ang galing mo doon anak. Hindi ko alam na may talento ka rin sa pag-arte. Ang galing mo kanina ramdam ko na napahiya si Emilio at Mateo sa iyong ginawa,” natutuwang saad ni Don Raul.
Hindi ko alam kung ano ang ire-reacct ko sa sinabi ni Don Raul kung kaya napakamot na lang ako ng aking ulo at napatawa na lang din.
“Talaga ba ama? Ang galing ko kanina?” biro kong tanong.
“Aba! Oo sobra! Hindi ba mahal?” sabay lingon kay Doña Celestina na tumatawa lang. “Pati na noong nagsalita ka ng Ingles, bagamat hindi namin iyon maintindihan ay alam kong isa iyon pang-iinsulto,” tumatawang saad niya.
Hindi natigil si Don Raul kakatawa habang inilalahad ang mga pinaggagawa ko kanina. Akala ko pa naman magagalit siya sa aking ginawa ngunit mukhang tuwang-tuwa pa siya sa aking ginawa. Hindi ko alam na marunong din itong umarte mga magulang ni Helena. Napapaniwala nila ako kanina na hindi sila pumapabor sa akin pero tignan mo naman ngayon ang layo-layo sa mga seryosong mukha nila ng magkakaharap kami ng kaibigan niya. Napangiti na lang ako habang patuloy sa pagkuk’wento si Don Raul, “Thank God for enlighten Helena’s parent.” Tahimik na pagpapasalamat ko.

Book Comment (22)

  • avatar
    PinaChery

    nice

    5d

      0
  • avatar
    GalichaRea

    excellent

    22/07

      0
  • avatar
    SyuhadaAnis

    good ii

    22/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters