logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata Five

“Helena?” tawag niya sa akin dahilan para matauhan ako sa aking katinuan.
“Bakit?” bulalas kong tanong.
“Narito na tayo,” aniya. Iginala ko ang aking mata at nasa tapat na kami ng plaza.
“A, gano’n ba?” wala sa huwisyo kong sagot.
“Ano ba ang gumugulo sa iyong isipan tila nawawala ka sa iyong sarili?” tanong niya sa akin na may halong pag-aalala sa kanyang mata.
“A, wala ‘yon. Madalas talaga akong lutang kaya masanay ka na,” pagrarason ko sabay tawa ng pilit.
Ngumiti siya sa akin. “Kung gano’n, sasanayin ko na aking sarili at mahaba-habang panahon pa tayo magsasama.”
Nanlaki ang aking mga mata at naramdaman ko ang biglang pag-init ng aking mukha dahil sa kanyang sinasabi.
“Mauna na nga ako! Kung ano-ano ang mga sinasabi mo!” singhal ko sa kanya dahilan para makarinig ako ng pagtawa. Napaligon ako at nakita ko si Mang Vicente na nasa aming likuran pala nang sandaling iyon.
“Magandang pagbabalik, Binibini,” nakakalokong bati niya sa akin at yumuko bilang pagbigay galang.
“Dami mo ng kasalanan sa akin!” mahina kong hagsik kay Joaquin dahilan para mapakunot-noo ito.
“Anong kasalanan ko?” nalilitong tanong niya sa akin.
“Huwag ka na ngang magsalita at baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig mo. Umuwi ka na!” saad ko na sobra ng nahihiya sabay sakay sa kalesa.
Lumapit siya sa bintana ng kalesa. “Mag-iingat ka saiyong pag-uwi, Helena,” aniya.
“Sige na, mauna ako. Mag-iingat ka rin sa iyong pag-uwi,” ani ko. Nginitian niya ako at nagtungo sa harapan ng kalesa.
“Mang Vicente, pakiinggatan po si Helena. Mamahalin ko pa po siya ng matagal,” saad niya kay Mang Vicente.
“Aba naman, Señorito malugod kong pakakaingatan ang inyong mahal,” tugon ni Mang Vicente.
Halos sumabog na ang aking mukha sa sobrang pamumula at kahihiyan sa aking mga naririnig sa kanila. Ganito ka ba talaga Joaquin pagnai-inlove? Why naman bakit gan’yan?
“Joaquin na lamang po, Mang Vicente,” ani Joaquin. “Sige po, mauna na po kayo at aabutin po kayo ng dilim. Mag-iingat po kayo. Ang mahal ko ingatan niyo po,” makulit na sabi ni Joaquin kay Mang Vicente para mapatawa na lang ito.
“Opo, iingatan ko po siya. Kayo rin mag-iingat sa inyong pag-uwi,” ani Mang Vicente at sinimulan ng patakbuhin ang kalesa. Kumaway na lamang si Joaquin nang umalis na kami. Hindi ko na siya tinanaw dahil sa labis na hiya.
“Naku, Joaquin! Papatayin mo ko sa sobrang hiya!” mahina kong panggigigil na bulong.
“Hindi ba’t ang sarap sa pakiramdam ng nagmamahal, Binibini?” masayang saad ni Mang Vicente na may halong panunukso.
“Naku, tama na po, Mang Vicente. Sobra-sobra na po ang kahihiyan na natanggap ko sa araw na ito. Awat na po,” ani ko na sobrang kinakain ng hiya. Narinig ko na lang pagtawa niya.
“Sige po, Binibini. Hahayaan na po kitang magmuni-muni sa inyong karanasan ngayong araw," pahabol na pagbibiro ni Mang Vicente.
"Mang Vicente naman!” sigaw ko. At napahalakhak na lamang siya ng malakas habang ako itinatago ko ang aking mukha sa aking nanlalamig na mga kamay.
Noon at ngayon hindi nawawala ang mapanuksong mga tao kapag may ganito ng sitwasyon. Mapapasabi ka na lang talagang, “Awit!”
Nakarating kami ng mansyon ni Mang Vicente nang hindi niya na ako inaasar this made the entire journey more pleasant and less awkward. Pagbaba ko biglang nagsalita si Mang Vicente.
“Mukhang may bisita kayo, Binibini,” aniya habang nakatingin sa kalesa na nakaparada sa harap ng aming tarangkahan.
“Baka bisita ni Don— este ama at binisita lamang siya,” sabi ko na hindi interesado sa kung sino ang dumating na bisita. “Mauna na po ako, Mang Vicente. Salamat po sa paghatid,” nakangiti kong pagpapasalamat.
“Wala iyon, Binibini,” aniya at yumuko bilang galang sa akin. “Tungkulin ko po naiuwi ng ligtas ang mahal ni Señorito Joaquin.”
Bigla na naman akong namula dahil sa sinabi ni Mang Vicente.
“Mang Vicente naman, ‘e! May pahabol ka pa talaga!” nahihiya at nanggigigil kong saad.
Tumawa si Mang Vicente. “Hayaan niyo na po na makisaya rin ako sainyong masayang puso, Binibini.”
“Naku, napakapasaway niyo po talaga!” wika ko at mabilis na humakbang paakyat nang bigla kong makita si Doña Celestina na nakatayo sa harap ng pinto.
“Ina,” tawag ko.
“Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay,” aniya.
“Bakit, Ina? Anong meron?” tanong ko na walang kaalam-alam.
“Huwag ka ng magtanong bilisan mo ang iyong paglalakad,” nagmamadali niyang utos.
Ano bang meron? Ako ang naguguluhan kay Doña Celestina. Sino ba ang dumating para magkaroon ng VIP treatment at bakit kailangan pa ako? Sumunod ako kay Doña Celestina but then I started feeling shivers all over my body.
"Shit! “What was it?” I hissed quietly to myself. I rub my arms together to relieve the chills. Why do I get the feeling that something is going to spoil my day?
Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim. “No, it is not. It would never happen. Think positively!” At naglakad na papasok ng mansyon. Hindi ko pa man nakikita ang bisita ay naririnig ko na ang malakas na halakhakan niya at ni Don Raul.
“Bilisan mo,” ngusong wika ni Doña Celestina.
Ngunit nang sa oras na makita ko kung sino ang naroon ay sumalubong sa akin ang mga nakangiting mukha nina Don Emilio at Mateo ng ako'y kanilang makita.
“Helena,” nakangiting tawag sa akin ni Mateo at dali-daling lumapit sa akin. “Kumusta ang iyong araw?” tanong niya at kinuha ang aking kamay at hinalikan ang likod nito.
Nagulat ako sa biglaang ikinilos niya dahilan para mabilis kong hinablot ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak.
“Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?” galit kong sigaw sa kanya.
Tumawa si Don Emilio na tila wala lang nangyari. “Huwag kang magalit Helena, simple lamang iyong pagbati na nakasanayan ni Mateo habang siya'y nasa Espanya,” aniya.
Naningkit ang aking mga mata sa aking narinig mula sa ahas na si Don Emilio. Nakasanayan? So ano? Porke nakasanayan p'wede niya na lang gawin sa kahit kanino ang nakasanayan niya? Stop making bullshits out of me!
“Sinong nagbigay pahintulot na gawin niya iyon sa akin? Nakasanayan? Hindi ito España para gawin niya ang nakasanayan o natutunan niya roon. Ipapaalala ko Pilipinas ito at hindi España. Kaya huwag na huwag niyang gagawin ang mga bagay na natutunan niya roon lalong-lalo na sa akin ng walang pahintulot,” mariing saad ko. “O kahit na magtangka siyang humingi ng aking pahintulot ay hindi ko siya papayagan. Ayokong madampian ng karumihan ang aking balat,” diretsahang wika na may kahulugan.
“Helena, ano ba ang iyong sinasabi?” tanong ni Don Raul na may halong pagbabanta.
“Binastos niya ako, Ama. Hindi ako mananahimik dito at hayaan siyang gawin ang nakasanayan niya ng wala ang aking pahintulot!” pagtataas ko ng aking boses.
“Ngunit isa lamang ‘yon pagbati, anak. Ano ba ang iyong ikinagagalit?” Tanong ni Doña Celestina na parang hindi siya naaapektuhan sa nangyari sa akin na anak niya.
“Lamang? Talaga ina? Lamang? Hindi iyon basta-basta na lamang lamang,” saad ko na binibigyang diin ang bawat salita na lumalabas sa aking bibig.
“Hindi mo naman kailangang palakihin ang bagay na ito, Helena,” ani Don Emilio na chill-chill lang dahilan mas lalo mag-init ang aking ulo.
“Palakihin? Hindi ko pinapalaki ang bagay na ito. Sinasabi ko lang na malaki ang pagkakaiba nang pagbibigay ng respeto at pagiging presko. At ang ginawa ng anak niyo ay isang kabastusan na may asal ng pagiging presko. Ipapaalala ko sainyo na hindi lahat ng babae matatanggap ang gan'yang kilos. Pilipinas ito at hindi España,” muling pagdidiin ko.
Ramdam ang tensyon na namamagitan sa aming lahat pero wala akong balak na magpatinag. Hindi p'wede ang hindi p'wede. Lalo na't isang katulad pa nila ang lalapit sa akin. Makita ko pa lamang nga sila halos nanggagalaiti na ako sa galit. Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa pamilya ni Joaquin.
I took a deep breath and tried to calm myself down; I couldn't lose composure and trigger the scene, which would be disastrous for Helena. I need to be cautious, particularly because I don't have someone to turn to if things go wrong. I do not act rashly depending on my feelings.
Muli hinawakan niya ang aking kamay dahilan para tignan ko si Mateo na may halong pandidiri at tinabig ang kanyang kamay dahilan para mabitawan niya ang aking kamay. “Get your filthy hands out off me, scum!” mahina kong sabi. Napakunot si Mateo sa aking sinabi halatang hindi niya naiintindihan ang aking sinabi. Well, he deserves it. Hindi ko siya pinansin at umalis sa kanilang harapan.
“Helena, saan ka pupunta?” tanong ni Don Raul.
“Maghuhugas lamang po ako, Ama. Kailangan ko lang po alisin ang duming dumikit sa aking mga kamay,” makahulugang paalam ko kay Don Raul. Ngunit bago ako tumalikod parang nakita kong napangiti si Don Raul? Tama ba ‘yong nakita ko o guni-guni lang?
“Sige, anak. Pagnatapos ka bumalik ka rito,” ani Don Raul.
Sandali kong pinagmasdan si Don Raul. Nagkakamali ata ako. Imposible na gawin niya iyon. Huminga na lang ako nang malalim bago sumagot. “Masusunod po ama,” tugon ko at dumiretso sa labas para makapaghugas.
“Ano ba kasing ginagawa nila rito? Ano bang kailangan nila? Bakit pati ako kailangan makiharap sa kanila?” bulong kong tanong sa aking sarili habang kinukuskos kong maigi ang likod ng kamay ko kung saan hinalikan ng ahas. Nakakainis naman. Ang daming p’wede nilang puntahan dito pa talaga? Kita ng ang saya-saya ng araw ko kahit na napuno ako ng kahihiyan sulit naman dahil umamin na sa akin si Joaquin tapos sisirain lang ng mga hayop na ‘to!
“It’s so annoying!” nanggigigil kong himutok.
Matapos kong maghugas ng mga kamay kahit na inis ay bumalik pa rin ako sa sala kung nasaan naroon silang lahat. Naupo ako sa tabi ni Doña Celestina at walang kagana-ganang humarap sa kanila.
“Ipagpaumanhin mo ang inasal ng aking anak kung iyon ay hindi mo nagustuhan,” paghingi ni Don Emilio ng tawad. As if I'd trust such bluff, I'm guessing it's a half-baked apology. What a hypocrite!
“Mateo, humingi ka ng tawad kay Helena sa mali mong inasal,” utos niya sa anak niyang parehas niyang ahas.
“Paumanhin, Helena. Hindi ko nais na magalit ka sa aking ginawa. Patawarin mo ko,” nagmamakaawang paghingi ni Mateo ng tawad.

Book Comment (22)

  • avatar
    PinaChery

    nice

    5d

      0
  • avatar
    GalichaRea

    excellent

    22/07

      0
  • avatar
    SyuhadaAnis

    good ii

    22/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters