logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4: Marry Me!

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang bench dito sa parke habang nakayuko. Wala akong magawa sa araw na ito at nangako ako kay Diego na hindi ako magpapakita sa police station niya ng isang buong linggo kaya naman heto ako...
Sitting around, waiting to get kidnapped. This is the best plan I have on my plate.
Natigil ako sa pag-iisip ng may maupo sa tabi ko. Nanuot sa ilong ko ang pamilyar na panlalaki nitong pabango kaya naman natawa ako.
"Stalker ka ba?" saad ko ng hindi siya tinitignan.
"Hindi na ako makikipaglaro sa'yo matapos mo akong suntukin kagabi." Napansin ko na may inilapag siyang folder sa tabi ko kaya naman sinulyapan ko iyon. "May maganda akong offer sayo na paniguradong hindi mo matatanggihan."
"Hindi ako businesswoman kaya kung may offer ka man ay iba nalang ang lapitan mo." sagot ko at ibinalik sa berdeng damo sa lupa ang paningin ko.
Rinig ko ang pagsinghap nito at hinarap niya na ako. Kinuha niya ang folder sabay iniabot iyon sa akin.
"Read it first before making a decision."
"Paano kung ayaw ko?"
"You'll regret this day."
"How do you say so?"
"Can you just read this damn papers?"
"Chill," usal ko dahil mukhang iritable na siya. Tinanggap ko ang folder na iyon at binuksan, wala naman sigurong masama kung titignan ko kung ano ito.
Unang pahina palang ay natigilan na ako. Hindi ako nag-abalang basahin ito isa-isa pero nanlaki ang mata ko. Mariin akong napalunok at napatingin sa mukha ng lalaki. Ang buong laman nito ay lahat ng kaso ko. Hindi ako nagtatagal sa kulungan dahil sa kapangyarihan ng pamilya namin at magaling ang lawyer namin kaya palagi akong laya, pero ito, kinumpleto niya ang bawat detalye ng mga ginawa ko, maging ang dalawang hardinero na una kong napatay noong bata pa ako ay narito rin.
"W-who the hell are you?"
Ngumisi ito at tumingin sa kalangitan. "I'm your shadow," sagot niya na ikinakunot ng noo ko. "Masyado ka ng spoiled sa paggawa ng krimen at magaling ang lawyer mo kaya lagi kang nakakalaya. Pero kung ako ang prosecutor na makakalaban mo... kasama ang mga papeles na ito, baka ibalik nila ang death penalty." lintana niya sa preskong boses.
Bwisit siya. Kumukulo ang dugo ko sa boses niya. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking kalamnan.
"Mukhang pinaghandaan mo ang araw na ito. Sabihin mo nga, ilang araw, buwan, o taon mo na akong sinusubaybayan?"
Napatingin ito sa akin sa seryosong mukha.
"Hindi sapat ang araw, buwan, at taon para manmanan ka. Halos isang dekada akong nag-aabang ng mga kaso mo para kolektahin iyon, sa bawat paglilitis mo ay naroon ako. Kilalang-kilala na kita kaya ko nga sinabing ako ang anino mo, hindi ba— Taki Villanueva?" sagot niya na halos ikapigti ng ugat ko sa leeg.
H-halos isang dekada?
Natawa ako sa sinabi nito pero bakas ang pagkainis ko roon. Hindi ko akalaing may nagbabantay sa akin mula sa malayo at iniipon ang mga nagawa kong kalokohan. Dapat ba akong matuwa dahil may stalker ako? O mainis dahil hindi ko man lang siya napansin?
"Wala ka bang sariling buhay at kailangan mong pakialaman ang sa akin?" tanong ko rito.
Inilapit nito ang kaniyang mukha sa akin at tinignan ako ng diretso sa mata pero sinalubong ko ang mga iyon.
"Meron. Pero sinira mo ang buhay ko, life ruiner."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Wala akong natatandaang taong sinira ko ang buhay. I mean, wala akong natatandaang ni isang pangalan ng taong sinira ko ang buhay kaya hindi ko matukoy kung sino siya. Marami sila. Hindi ko na maalala kung ilan at kung anong klase silang tao.
"At sino naman ka naman sakanila?"
"Does that even matter?"
"Yeah."
"Para namang matatandaan mo pa."
"Alam mo naman pala."
Tumigil ito at tumalim ang tingin sa akin. Hindi kumilos ang katawan ko o nagbago ang ekspresyon ko upang ipakitang natatakot ako, pero nagsitaasan ang balahibo ko sa ginawa niya. Sa hindi malamang dahilan... kinilabutan ako sa matalim niyang tingin.
"Narito ako para alukin ka ng isang kasunduan at hindi ang makipagdebate," ani pa nito sa malalim na boses.
Tumikhim ako at sumeryoso na. "Anong klaseng kasunduan?"
Iniangat nito ang folder kaya naman tinignan ko iyon.
"Marry Me."
Halos lumuwa ang mga mata ko sa sinabi nito. M-marry... ANO?!!!
"ARE YOU CRAZY?!"
"No. You are."
Sininghalan ko siya at sinuklay paitaas ang aking buhok. Isa siyang malaking BALIW na kinakalawang ang utak. Ang sabi niya ay sinira ko ang buhay niya— tapos aalukin niya akong pakasalan siya? Tangina, napiga na ata ang matitino niyang braincells.
"Hoy lalaki, ipanapamukha mo sa akin na isa akong kriminal pero gusto mong pakasalan kita? Ikaw na isang prosecutor?" wika ko na tinanguan nito, halatang desididong-desidido siya.
"Mas gugustuhin mo bang makulong at mamatay? O ikasal sa akin?" alok nito na nginiwian ko.
Pambihira. Hindi ako makasagot!
Ayokong ikasal sa lalaking ito o kahit na sino pang lalaki, pero ayoko ring makulong ng panghabambuhay. Ayokong habulin ako ng karma hanggang sa mamatay ako. Hindi ngayon, wala pang nakakaintindi kung bakit ako nagkakaganito.
Tumunog ang phone nito kaya naman inilabas niya iyon at tinignan. Tumaas ang kanang kilay nito at agaran ring ibinaba ang cellphone niya. "Hindi ko na pala kailangan ng sagot mo." Tumayo na ito sabay iniabot sa akin ang isang piraso ng papel. "Ikakasal tayo sa ayaw o sa gusto mo. Tandaan mo, hindi mo ako matatakasan." hayag niya sa seryosong boses at naglakad paalis.
Naiwan akong nakatulala habang hindi maayos na nagpoproseso ang aking isipan. Hindi naman iyon isang kasunduan! Sapilitang kasal na ito!
Sinulyapan ko ang iniwan niyang folder sa ibabaw ng bench kaya naman kinuha ko iyon. Hindi siya inutil para ilabas ang pinaghirapan niya at iwan rito, paniguradong may kopya siya.
Ngumiwi ako at hinilot ang aking sentido dahil sumasakit ang ulo ko sa nangyayari sa buhay ko. Sinong siraulong babae ang nais ikasal sa isang lalaking hindi naman kilala? Ah tama, may ilang babae diyan na gustong-gustong ikasal sa hindi nila kilala basta guwapo ito at mayaman. Guwapo nga at mukhang mayaman ang prosecutor na iyon— pero baliw siya.
Ang plano ko lang naman sa araw na ito ay ang makidnap pero bakit nagkaroon agad ako ng groom? Isang groom na matagal na akong kilala pero hindi ko man lang alam ang pangalan niya.
Naalala kong may iniabot ito sa aking papel kaya naman napatingin ako roon. Binuklat ko iyon mula sa pagkakatupi at tumambad ang isang magandang sulat kamay, subalit hindi 'yan sapat upang magustuhan ko agad siya. Binasa ko iyon at mas lalo pang bumigat ang pasanin ko. Nakasulat dito ang address na pupuntahan ko bukas. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng mabasang, bukas na ang kasal natin.
The hell?
Bukas na agad?
Napahawak ako sa batok ko dahil sumasakit iyon sa patong-patong na problemang dumarating sa akin. Natigilan ako ng maalala ang pamilya ko. Paano sila? Dapat ko bang sabihin na ginigipit ako ng isang bruhong siraulo? Magsusumbong ba ako?
Napatalon ako ng gulat sa biglaang pagtunog ang phone ko. Nanginginig ang kamay kong inilabas iyon at nakitang unknown number ito kaya sinagot ko nalang at itinapat sa aking tainga.
"Umuwi ka na at magpahinga."
Parang gusto ko ng bumalik sa impyerno at ikulong ang sarili ko roon nang marinig ang boses ng lalaking bruho.
"Sa tingin mo ba ay makakapahinga ako sa mga iniwan mo sa akin dito?" inis kong sambit at napansing may ilang kalalakihan sa paligid na nagtatago, lahat sila ay nakasuit.
Sino naman kaya ang mga panibagong bruhong mga ito?
"Kasalanan mo 'yan kaya 'wag kang magreklamo. Umuwi ka na kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga inutusan kong magbantay sayo."
"Teka, ako?! Bakit kaingangan pang—"
Agarang naputol ang linya kaya naman hindi na natuloy ang panenermon ko. Pinagmasdan ko ang paligid at sa tingin ko ay hindi bababa sa limang kalalakihan ang narito.
Mas lalo akong nababaliw sa mga nangyayari sa buhay ko.

Book Comment (20)

  • avatar
    reynalyn Jay

    so amazing story

    15d

      0
  • avatar
    Maria Frenchesca S. Balagso

    ❤️😘❤️😘❤️😘❤️😘

    21d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice po

    24d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters