logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 25: It was Nikolai

Maingat kong ihinakbang ang aking paa habang hawak-hawak ni Paxton ang kamay ko upang alalayan ako.
"Ayan, nakakaya mo na!" sigaw niya na daig pa ang nanalo sa loto.
"Teka!" sigaw ko naman at mahigpit na humawak sa kamay niya, muntikan na akong bumagsak sa sahig dahil sa panlalambot ng aking tuhod.
"Aish. Kailan ka ba makakalakad ng maayos? Hindi na ako nakakapasok sa trabaho dahil sa ginagawa mo," reklamo niya habang nakanguso. "Ah, alam ko na!"
Kinunotan ko siya ng noo pero nakatingin lang siya sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil biglaan niya akong ninakawan ng halik at tumakbo palayo. Kumurap-kurap naman ako at masama siyang tinignan.
"PAXTON!"
Dali-dali ko itong hinabol pero habang nasa hagdan ako ay bumalik sa panlalambot ang tuhod ko kaya naman nawalan ako ng balanse at nagpagulong-gulong roon. Namaluktok ako sa sakit dahil tumama ang kanan kong mata sa hagdan na sumasakit ng sobra. Dahil sa nangyari ay dali-dali nila akong dinala sa hospital habang panay naman ang paghingi ng tawad ni Paxton sa lahat ng miyembro ng pamilya, mula kay Lolo, kay Mom at Dad, maging sa kambal at kay Ike, at si Genesis. Habang abala sila roon ay may sarili naman akong mundo. Kapwa nakapikit ang aking mata dahil tinatanggal na ng doctor ang takip ng mata ko hanggang sa maramdaman ko na ang hangin na tumatama sa balat ko roon.
"Open your eyes," rinig kong hayag ng doctor.
Dahan-dahan kong iminulat ang magkabila kong mata. Nakapokus na sa akin ang atensyon nilang lahat. Ikinurap-kurap ko ang aking mata at kumuyom ang kamao.
"Nakakita na ako," pabulong kong sagot na ikinahinga naman ng maluwag ng pamilya ko. Sinuri muna ng doctor ang mata ko at mas lalo silang nagsaya ng marinig na maayos na ang kanan kong mata.
"Sana pala ay matagal na kitang ihinulog sa hagdan," komento ni Miles.
Panay ang pagbibiruan nila pero nakatingin lang ako sa bintana kung saan pumapasok ang sinag ng araw. Iniangat ko ang aking kamay at tinignan iyon, sobrang linaw na ng paningin ko, maayos na ang mga mata ko.
Pansin ko na isa-isa silang nagpaalam na aalis dahil lahat sila ay may trabaho pa, maliban kay Ike na may pasok sa eskwelahan niya kaya naman naiwan kaming dalawa ni Paxton roon.
"Hindi ko alam kung magsosorry ba ako dahil sa ginawa ko at nahulog ka, o pupurihin ko ang sarili ko." aniya at suminghap kaya naman napatingin ako sakaniya.
Natahimik ang apat na sulok ng kwarto habang nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa. Kapwa kami hindi kumikibo pero animo'y may nag-uusap sa loob namin at naiintindihan ang sinasabi ng mata ng isa't isa. Mabilis kong hinawakan ng necktie nito at buong lakas siyang hinila palapit sa akin. Ginamit nito ang kaniyang palad upang isandal iyon sa pader nang sa gayon ay hindi siya tuluyang bumagsak sa katawan ko.
"Sa tingin mo ba ay tamang paraan 'yun para mapalakad mo ako?" tanong ko sakaniya sa seryosong boses.
"Mukha namang effective," untag niya at ngumisi.
"Sinasabi mo ba na kapag ginawa natin iyon ng mas malalim ay gagaling na ako ng tuluyan?"
"Teka, ano?"
Hindi na ako sumagot at hinalikan ang labi nito. Sa simula ay mukhang gulat na gulat pa siya pero kalaunan ay gumanti naman ito at mas pinalalim pa ang aming halikan. Hinila ko ang coat nito upang alisin iyon sabay hinila pa siya palapit sa akin. Sinunod kong tinanggal ang kaniyang necktie at inisa-isang tinanggal ang pagkakabutones ng puting long sleeve polo niya. Bumaba ang halik nito sa leeg ko at naramdaman ko ang kamay niya na nasa loob na ng damit ko. Nag-iinit ang buo kong katawan dahil sa mga haplos niya, pero hindi ito ang tamang oras.
Huminga ako ng sobrang lalim upang maghanda.
"RAPEEEE! TULUNGAN NIYO AKOOOO!"
Agad na may dumating na mga nurse at nakita ang kalagayan namin kaya naman agaran nilang hinila palayo sa akin si Paxton. Kinunotan niya ako ng noo pero nginisian ko lang siya hanggang sa mawala na siya.
Naiwan na ako sa loob kaya naman suminghap ako at itinali ang aking damit. Tinanggal ko ang nakakabit na tubo sa likod ng siko ko at umalis na sa ibabaw ng kama. Kinuha ko ang coat ni Paxton at isinuot iyon sabay naglakad palabas ng kwarto. Dali-dali akong lumabas roon at sumakay ng taxi upang magpahatid patungo sa bahay ni Paxton.
Gagamitin ko ang oras na ito para makita ang ebidensyang sinasabi niya. Ramdam ko na alam niya na ang totoo pero nag-aalangan siya sa pagsasabi sa akin kaya naman ako na ang maghahanp ng mga iyon. Pagkarating ko sa bahay ni Paxton ay nadatnan ko si Miks at Diane, pero kausap ng mga ito ang tatlong bruha. Tatanungin ko sana sila pero mas pinili kong huwag nalang sila pansinin at dumiretso sa kwarto ni Paxton.
Hinalughog ko ang kwarto niya upang hanapin ang mga iyon pero wala akong nahanap ni isa, maliban nalang doon sa isang larawan namin noong ikinasal kami. Bakit niya itinatago ito? Kinuha ko iyon at idinisplay sa bedside table niya. Sunod ko namang tinungo ang kwarto ko hanggang sa agaran kong mamataan ang ilang gamit na nakakalat sa ibabaw ng kama kaya dali-dali ko iyong nilapitan at natuwa ng makitang heto na nga ang mga hinahanap ko. Naupo ako sa ibabaw ng kama ko at binuksan ang mga folder. Inisa-isa ko iyong binasa ng mabuti at halos magsalubong ang kilay ng makita ang mga nakasaad rito. May ilang larawan at USB rin na narito kaya naman pinanood ko iyon at lahat ay mga ebidensya.
Nanlumo ako habang nakatingin sa laptop ko. Ipinikit ko ang aking mata at napasabunot sa aking buhok. Kung ganu'n ay alam ko na ang dahilan kung bakit siya nag aalangan. Nag-aalangan siya dahil— mismong si Nikolai ang may pakana ng lahat.
Mula sa mga kuha sa CCTV na nagkausap sila ng isang lalaki. Kontrata na nagpapatunay na bumili siya ng kotse na kapareho ng kotseng nakita ko. Siya nga talaga iyon.
"Hoy! Bakit ka naman gumawa ng eksena sa—"
Natigilan sa pagsasalita si Paxton ng makita ang mga hawak ko. Bumuntong-hininga ito at naglakad palapit sa akin pero wala parin akong imik.
"Akin na 'yan. Wala akong kopya ng mga ito," hayag niya at maingat na kinuha sa kamay ko ang mga ebidensya niya.
"Sana sinabi mo agad." lutang kong anas at tinignan siya. "Sana sinabi mo at ipinakita ang lahat ng ito, maniniwala naman ako sa'yo."
"Taki, alam ko 'yun. Kaso natatakot ako na baka masaktan ka. Alam kong gusto mo siya at hindi madaling tanggapin kung sasabihin ko ang bagay ba ito."
"Kahit na! Gusto kong malaman ang totoo kahit na sino pa ang may pakana niyan, maging siya. Wala akong pakialam kung gusto ko siya, isa pa, itinigil niya na ang namamagitan sa amin kaya tapos na kami." lintana ko at ginulo ang aking buhok.
Dalawang linggong siya ang nag-alaga sa akin at ngayon ay malalaman kong siya rin pala ang dahilan kung bakit ako nagkaganu'n.
Kinamumuhian ko siya. Hindi ko siya mapapatawad.
"Ano ng balak mo?" tanong ni Paxton kaya naman huminto ako at napatingin sakaniya.
"Pababagsakin ko siya. Tutulungan kita at ang nanay mong bruha," sagot ko na halos ikasalubong ng kilay nito.
"Imposible iyon dahil ikaw ang nasa pagitan ng pamilya namin. Hindi ka pwedeng pumanig sa kahit na kanino dahil sa bawat panig ay may hawak na alas na makakapagpabagsak sayo. Taki, may ebidensya sila kung paano mo pinatay si Judge Bernardo Brooke na ama ko. Malaking parusa ang matatanggap mo kapag lumabas iyon." mahaba niyang lintana na ikinayuko ko hanggang sa unti-unting lumitaw ang ngisi sa aking labi.
"Kung ganu'n ay papatayin ko nalang siya, gaya ng ginawa kong pagpatay sa inyong ama."

Book Comment (20)

  • avatar
    reynalyn Jay

    so amazing story

    13d

      0
  • avatar
    Maria Frenchesca S. Balagso

    ❤️😘❤️😘❤️😘❤️😘

    19d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice po

    21d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters