logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5 She died?

Art John POV
"Isang taon na lang, graduate na tayo!" sabi ko at inakbayan siya. "Pagkatapos 'nun, wala nang makakakontrol sa 'tin."
Nakaupo kami sa sofa, sabay kaming nanonood ng TV at commercial palang. Kinulit niya akong manood ng isang k-drama.
"Hindi na kailangang problemahin ang school! At mga toxic na tao! Hahahaha!" sabay tawa ni Trixie.
"Saan ka nga pala magka-college?" Tanong ko dito.
"Hindi ko pa alam. Siguro kung saan ako makapasa hahaha!" sabay kaming natawa.
"Sige ga'nun na din ako haha!"
"Kaso lang babe, baka maapektuhan ang records mo niyan, hindi kagandahan ang records mo sa Arts School"
"Oo, in the future baka makaapekto, pero pagbubutihin ko na lang sa college, babawi ako. Tutal, hindi na ako mag-aalangan. Wala nang Ara na sisira ng buhay natin 'nun"
"Hindi uubra ang kapit niya sa taas-"
"Oh! Ayan na wag kang maingay. 2nd episode palang ako niyan, oh!" nakabusangot kong nilingon ang TV. "Waaaaa! Ang gwapo ni D.O!!!!!"
Nagmake-face ako. "Gwapo ni D.O nye nye" tinignan niya ako ng masama.
"O-oh! A-ano?" Napayuko ako.
"Manahimik ka!" Para naman akong bata na sumunod sa sinabi niya.
Napamulat ako dahil sa panaginip na iyon.
Trixie…
"You're awake" ani Andrie Scott. Inayos niya ang salamin na suot. " Jason Guivarra !!"
Umupo ako ng kama. Hindi ko na kailangang magtaka kung nasaan ako dahil halata namang nasa loob ako ng kwarto ko. Nadinig ko ang mabilis na yapak mula sa labas ng kwarto. Binuksan nito ang pinto, iniluwa nito si Jason Guivarra na may dalang tray ng pagkain. Pumasok ito at isinara ang pinto.
"Kumain ka muna. Bilin ng nurse 'dun sa school na kumain ka pagkagising mo. Kaunti lang." inilapag niya iyon sa nightstand.
Umupo siya sa dulo ng kama, samantalang si Andrie Scott ay kumuha ng upuan.
"Nahihilo ka pa ba?" Tanong ni Andrie Scott. "Ang mga sugat mo sumasakit ba? Or sa kahit na anong parte ng katawan mo sumasakit ba?"
"Para ka namang doctor" sambit ko at umayos ng upo.
"Soon to be doctor nga raw ang Mr. glasses na 'yan. Mag-aaral daw siya pagkatapos dito."
Bumuntong-hininga ako bago magsalita. "Si Trixie, asan siya?"
Nakita kong natigilan silang dalawa at nagkatinginan. Biglang lumamlam ang mga mata nila. Agad akong nagtaka sa reaksyon nilang dalawa. Hindi ganoon ang reaksyong inaasahan ko.
Nameke nang ubo si Andrie Scott.
"A-ah, AJ.."
"Nasaan siya? Sa ospital ba?" muli ay nagtinginan silang dalawa at hindi nakasagot.
"Ano? Bakit hindi kayo makasagot? Para naman kayong ewan" natatawa kong sabi. "Saang ospital ba siya?"
"A-AJ…kasi…" ani Jason Guivarra na napalunok pa. "S-si Trixie…"
Parang nag-iba ang ihip ng hangin dahil sa paraan nang pananalita niya. May kakaiba sa ikinikilos nila na bigla na lang nagpakaba sa akin.
"A-ano? T-tinatakot niyo naman ako brad. Sabihin niyo na, mas lalo akong kinakabahan sa inyo"
Huminga ito nang malalim na para bang napakahirap ng sasabihin niya. Hindi niya alam kung ibubuka ba ang bibig para magsalita o manatiling tahimik na lang. Nilingon ko si Andrie Scott.
"Andrie Scott, Andrie Scott! Ano kasi ang problema! Sabihin niyo na pwede ba!?"
"A-AJ. Tungkol muna sa 'yo, dahan-dahanin natin. Dalawang araw kang walang malay. Ipinapatawag lang namin ang doctor mo dito paminsan-minsan kapag sinusumpong ka ng lagnat-"
"Kay Trixie? Ano nangyare sa kanya!?"
Napapikit ito at bahagyang lumunok. "T-trixie is…is..dead, Trixie is…dead AJ"
"Ano?" tanong ko.
Hindi magsink-in sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"AJ, s-sorry. Hindi natin inaasahan lahat ng 'to." aniya at lumunok bago magpatuloy dahil pumiyok ang boses niya. "We know we are nothing compared to you as her boyfriend but, AJ she's our friend. She is also important to us, until know we don't know what to do, I- I--"
"Sandali lang" pagputol ko sa sinabi niya. Natulala ako sa pader at pilit na iniintindi ang nangyayare.
Hindi ko namalayang bumagsak na pala ang mga luha ko.
Bigla ay may pumasok na isang ala-ala sa akin.
"I'll stay AJ, kahit na anong mangyare. Kaya natin 'to"
"Tama, kapit lang tayo" hinalikan ko ang noo ni Trixie.
Walang pasabing umalis ako ng kama at lumabas ng kwarto. Sumunod silang dalawa.
"AJ saan ka pupunta? Umuulan pa sa labas!" Jason Guivarra .
"Gusto ko siyang makita"
"AJ!"
"Baka nagkakamali lang kayo, hindi totoo ang sinasabi niyo. Nagkakamali lang kayo." Binuksan ko ang pinto.
Ngunit napahinto ako nang bumungad sa akin ang malakas na buhos ng ulan, kasabay ang malakas na dagundong ng kalangitan.
"AJ…dalawang araw kang nakahilata sa kwarto mo. Kaming dalawa ni Andrie Scott ang nag-asikaso ng lahat. Sorry, Art John" napipiyok niyang saad.
Hindi ko matanggap, hindi ko kaya. Masyado naman atang maaga para sa ganoong pangyayare. Napakabata pa namin, sumusobra naman ata 'to. Nakakabigla naman.
"Kasalanan ko 'to" sabi ko kasabay ng mga luhang tumulo sa pisnge ko.
"AJ, ano ba sinasabi mo? Of course its not!" Andrie Scott
"Kung naabutan ko siya doon, hindi 'yun mangyayare. Kung sana naging matapang ako, hindi niya kailangang mag-isa, sasamahan ko siya. Magkasama kami sa iisang paaralan pero hindi ko siya naipagtatanggol, hindi ko siya nakakasama, hindi ko siya natatabihan." pinunasan ko ang luha ko gamit ang braso. "Sabi namin, isang taon na lang. P*ta isang taon na lang. Kakapit kami kasi isang taon na lang. Bakit pa nangyare 'to!? Hindi ko pa nga nagagawa ang mga sikretong plano ko para sa kanya! Pinaghahandaan ko lahat nang 'yon, pero mukhang balewala na rin lang naman. T*ng*n*!"
"AJ, w-we know what you feel."
"Hindi, hindi niyo alam!"
Matapang na sinuong ko ang malakas na buhos ng ulan. Babalik ako paaralan, kailangan kong malaman ang totoong sitwasyon ngayon. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita…
Hindi pwede…
Andrie Scott POV
Padabog akong naupo sa sofa. Inalis ko ang glasses ko. Naihilamos ko ang mga kamay sa mukha ko. Kahit kami, matalik naming kaibigan si Trixie, hindi basta-bastang matatanggap na lang namin ang lahat.
What the heck is happening!?
" Jason Guivarra —"
Nagring ang cellphone ni Jason Guivarra .
"A-Andrie Scott, sandali lang" lumayo siya ng kaunti. May kahabaang ang minutong inilaan niya sa kausap sa cellphone.
Matapos ay bumalik rin ito. "B-Bakit Scott?"
"Kamusta na ang lola ni Trixie?"
"A-ah" naupo ito. "H-hindi ko alam, hindi pa ako nakakapunta roon ngayong araw."
"Puntahan natin—"
"Wag!" kumunot ang noo ko. "I-I mean, wag muna. Siguro, kailangan niya rin munang m-mapag-isa"
Tumango ako. Tama nga naman, wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman niya kumpara sa amin. Siguro ay kailangan muna ang mapag-isa. Katulad ni AJ ngayon.
Hindi ako makapaniwalang mangyayare ang mga ito. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang mararamdaman ko. Nalulungkot ako, pero masyado akong nalilito.
Una sa lahat, sino ang nagsunog ng Arts school at bakit? Bakit hindi nakaligtas si Trixie?
Isang tao ang pumasok sa isipan ko.
Ara..
Malakas ang kutob kong may kasalanan siya sa trahedyang nangyare kay Trixie. Sana pala sinamahan ko na lang siya noong papunta pa lang siya ng 3rd floor building. Maraming estudyanteng mula sa 3rd floor ang nakaligtas, bakit ang kaibigan namin ay hindi?
Bakit ba kasi mas pinili niyang pahirapan at isiksik ang sarili kay AJ. Hindi ako nagsisisi, pero iyon ang totoo.
Andrie Scott, wag kang madala sa emosyon mo. Kaibigan mo si Trixie, KAIBIGAN.
I let out a sigh.
"Parating na sila tita at tito, puntahan na natin si AJ. Let's go." tumayo ako.
"Ah, A-Andrie Scottn"
"What?"
Umiwas siya ng tingin. "W-wala, tara na"
Isa pa itong si Jason Guivarra . He's acting weird. Pero hindi ko na lang binibigyan ng pansin, marahil ay dahil lamang iyon sa ganapang ito. Iniisip ko na lang kung ano ang magiging hakbang namin pagkatapos nito. Kailangan kong mag-isip ng plano dahil hindi ako matatahimik ng basta na lang.
Masyadong misteryoso sa akin ang nangyare sa paaralan namin.

Book Comment (47)

  • avatar
    Garcisto Jr.Ryan

    all goods

    19d

      0
  • avatar
    Tali Bon

    jjh

    11/07

      0
  • avatar
    James Lopez

    malapit na ang pag babasa ko

    28/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters