logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4 Where's Trixie?

Art John POV
Bumuhos ang napakalakas na ulan.
Malapit nang matapos ang lunch break, mula rito sa kinatatayuan ko ay tanaw ko sina Jason Guivarra at Andrie Scott na panay ang linga. Mukhang seryosong may hinahanap.
Sinigurado ko munang walang makakapansin sa amin bago ko sila lapitan.
"Hoy" bungad ko.
"AJ/Art John" sabay nilang lingon sa akin.
"Hindi mo ba nakita si Trixie o natanaw man lang?" tanong ni Andrie Scott sa pinakamahina niyang boses, sapat para marinig ko.
Kumunot ang noo ko. "Hindi, saan ba s'ya pumunta?"
Buntong-hiningang inalis niya ang suot na salamin at ipinunas iyon sa damit niya. Nahalata ko na ang pag-aalala sa mukha niya.
Nilingon ko si Jason Guivarra . Kinuha niya ang phone niya.
"Sa room" aniya. Ibinalik niya ulit ang phone niya sa bulsa, na hindi man lang nabuksan.
"Tara" ma-awtoridad na sabi ni Andrie Scott.
Mukhang alam ko na ang ibig-sabihin nito. Nakaramdam ako ng lungkot at kaba dahil doon. Sana ay hindi siya pinag-interesan ng mga bully dito.
Tumayo ito. "Art John"
"Alam ko. Sige na hanapin niyo, ah, balitaan niyo ako" napakahirap na ako mismong kasintahan ay wala man lang magawa.
Puro lang ata pagpapatawa at pagpapakilig ang magagawa ko para sa kanya. Iniisip ko araw-araw kung ayos lang ba sa kanya ang ganito, lagi kaming nagkikita sa loob ng campus, pero parang napakalayo namin sa isa't-isa.
Akmang tatalikod ako na sana ako ng bigla ay umalingaw-ngaw ang isang anunsyo.
"STUDENTS SA 3RD FLOOR BUILDING!! STUDENTS SA 3RD FLOOR BUILDING!!"
Bago pa matapos ang announcement ay may mga estudyante nang nagsigawan at mabilis na nagsitakbuhan palabas ng building.
"FIRE ALERT AT 3RD FLOOR!! FIRE ALERT AT THIRD FLOOR!!"
"Third floor!?" Andrie Scott.
Nagkatinginan kaming tatlo. Nakaramdam ako nang kaba.
"Wag n'yong s-sabihing, nasa third floor siya ngayon!?"
"Sa room nga, 'di ba!? Sa third floor ang room natin!" sigaw ni Jason Guivarra , para bang ipinamukha sa akin na ang hina ko para hindi mapansin iyon.
Walang habas na tumakbo kaming tatlo. Natanaw namin ang umuusok sa 3rd floor building. Maraming mga estudyante ang nababangga namin sa daan. Nakakabingi ang alingawngaw ng fire alarm at sigawan ng mga estudyante. Ang ibang mga teachers ay tinulungan ang mga estudyante, mayroon namang teachers inisip lang ang sarili at umalis agad.
"TABI!!" Malakas na sigaw ni Andrie Scott pero hindi iyon sapat.
Masyadong nagkakagulo ang lahat.
Napahinto kami nang biglang yumanig ang building dahil sa malakas na pagsabog mula sa itaas.
"Shit!! Trixie!!" Sigaw ko at tumakbo sa pinakamabilis na kaya ko.
Wala na akong pakialam kong marinig man nang lahat ang pagkakabanggit ko ng pangalan niya. Sa pagkakataong ito ay kaligtasan niya ang mahalaga. Bakit ko pa iisipin ang magiging reaksyon ng iba?
Ako ang nauna sa aming tatlo. Halos matisod pa ako ng umakyat ako ng hagdan. Maraming estudyante ang nagsisistakbuhan. Nang marating ko ang 3rd floor ay napaubo ako sa kapal ng usok.
Saan nanggagaling ang apoy!?
May debris na nagbabagsakan, ang ibang classroom ay nadamay na. Kabilang ang room namin. Agad akong tumakbo sa hallway. Wasak na ang ibang parte ng kisame.
"AJ delikado d'yan!!" May kalayuan na pala ang distansya ko sa kanilang dalawa. Hindi ko na nilingon si Jason Guivarra .
"AJ!!!"
Muntik na akong mabagsakan ng kisame. Nahagip lang ako ng dulo nito kaya't nakatamo ako ng malaking sugat sa binti at braso. Napaupo ako sa sahig, ngunit agad din naman akong tumayo. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa usok. Itinabing ko ang kwelyo ko sa ilong. Ramdam ko ang hapdi ng sugat pero binalewala ko na lang.
"AJ!! PARATING NA ANG MGA BOMBERO! DELKADO D'YAN!" Hindi ko na sila pinakinggan.
"TULONG!!! TULUNGAN NIYO KAMI!!!" Napahinto ako at nilingon silang dalawa.
Nanggagaling iyon sa kabilang side ng building, pero sigurado akong hindi iyon si Trixie. Kita ko sa dalawa ang pag-aalangan. Kung tutulungan ba akong mahanap si Trixie, o unahin ang mga kapwa namin estudyante. Sa huli ay tumungo sila sa pinanggagalingan ng sigaw na iyon.
Malakas na ang apoy, mas kumapal ang usok. Hindi ko man maaninag nang maayos ay alam kong nabagsakan din silang dalawa, pero hindi katulad nang sa akin kanina na malala ang natamong sugat. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad kahit nahihirapan na ako.
Trixie..
Sisisihin ko ang sarili ko kung may mangyare sa'yong masama. Napakawalang kwenta kong boyfriend sa'yo.
"Trixie.." Ramdam kong may namumuong luha sa mga mata ko. "Trixie hintayin mo ako…mahahanap kita, ililigtas kita…"
Bago ako magtuloy ng susunod na hakbang ay may bumagsak na kahoy sa bandang likod at binti ko.
"Argh!!" Napapikit ako sa sakit nang pagkakatama nito.
Pinilit kong bumangon pero bumibigay ang binti ko. Lumalabo ang paningin ko, hindi dahil sa kapal ng usok, kundi dahil sa luhang umagos sa mga mata ko.
Narinig ko na lang na may mga dumating na mga bombero at tinulungan akong tumayo. Nilagyan nila ako ng oxygen.
Hindi..
Pilit ko inalis iyon at humakbang muli, ngunit binigo ako ng binti ko.
Trixie..
Sa huli ay nanalo sila, dinala nila ako sa field.
•••
"Art John" tawag sa akin ni Andrie Scott, pero nilagpasan ko lang siya. Ganoon din si Jason Guivarra .
"Mahahanap nila si Trixie, AJ" Jason Guivarra
"AJ, don't worry-" hinarap ko siya.
"Don't worry? T*ngin*! Mahal mo na sa panganib pero don't worry? Hindi ko kayang kumalma Andrie Scott!!"
"AJ… Sorry."
Iniwanan ko silang dalawa. Paika-ika akong naglakad palayo. Lumingon ako sa school building na tinutupok ng apoy.
Trixie…please maging ligtas ka..
Dumaan ang isang first aider, nadinig kong eksatong may bagyong tatama ngayon. Inaya rin akong gamutin ang sugat ko pero tumanggi ako.
Hindi ang mga sugat ko ang masakit.
Mabilis na sumilong ang iba, nagsuot ng kapote ang karamihan. Ang iba ay payong ang dala. Nagkalat ang mga estudyanteng kung saan-saan. Dinala ang mga may natamong sugat sa loob ng tent.
"Sir mukhang wala na po ang tinutukoy niyo!" Sambit ng isang responde. Napapapikit pa ito dahil sa tubig-ulan na umaagos sa mukha nito, kahit na magsuot itong kapote.
"Anong wala!? Hanapin niyo ng maigi!!"
Alam kong si Trixie ang tinutukoy nila. Hindi na maiwasang pumatak ng mga luha ko. Hindi na ako nag-abala pang punasan dahil sumabay iyon sa tubig-ulan na umaagos sa mukha ko.
"AJ" lumapit si Andrie Scott sa akin. Hawak niya ang kaliwang braso. May suot siyang kapote.
"AJ pumasok ka na sa tent, kailangan mong magamot-"
"Hinihintay ko pa si Trixie" natigilan siya at nagbuntong-hininga. "Bumalik ka nalang sa doon kasama sa Jason Guivarra "
"Kung ga'non sumabay sa'min. Ikaw lang ang nagpaaulan dito. Nilalagay mo naman sa peligro ang katawan mo. Sa palagay mo magugustuhan 'yan ni Trixie!?—"
"Wala akong pakealam!" nilingon ko siya. "Pagalitan man niya ako ayos lang! Basta makita ko siyang bumalik dito at ligtas, kampante na ako."
Nilingon ko ang campus building. Usok at kaunting apoy na lang ang mayroon. Pasalamat sa malakas na ulan na tumama ngayong araw. Kanina pa pabalik-balik ang mga bombero sa loob, inaabangan kong dala na nila si Trixie. Lumipas ang ilang oras ay wala pa rin. Mas lumakas ang buhos ng ulan at bugso ng hangin. Maraming estudyante ang naiuwi na, ang iba ay dinala sa ospital. Iilan na lang ang natitira, kasama na roon kaming tatlo.
Sumasakit na rin ang ulo ko. Ramdam ko na ang lamig ng tubig-ulan sa buo kong katawan, pati ang hapdi at kirot ng mga sugat ko't pasa.
"Aah" napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng hilo.
"Sinabi nang pumasok ka na sa tent!!" Malakas na sigaw ng isang bombero, siya itong nagaasikaso at naglelead sa lahat. "Asikasuhin niyo 'to!!"
Dagling lumapit sa akin ang dalawang nurse. Hinawakan nila ang braso ko na agad ko namang binawi.
"Ayoko!"
"Ang tigas ng ulo mo!! Sumama ka na sa kanila!!"
"Ayoko ka nga sab-" napahawak muli ako sa sentido. "A-ah!"
Sa huli ay hindi na ako nagpumilit pa. Pakiramdam ko ay puputok ang ulo ko sa biglaang sumpong nang kirot. Mayroon silang damit na ibinigay sa akin at pinapalit ako. Nakaramdam ako nang panghihina. Pinaupo nila ako at sinimulan ang paglilinis ng mga sugat. Mula rito at ay tanaw ko sila Andrie Scott at Jason Guivarra kasama iyong bombero, may lumapit sa kanilang tatlong responde at may ibinigay sa kanila. Hindi ko maaninag kung ano iyon pero alam kong tungkol kay Trixie iyon. Pilit akong tumayo.
Asan ka na ba?
"Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang paglilinis ng sugat mo"
Hindi ko siya pinakinggan. Bagamat nahihilo ay akmang lalabas ako at paika-ikang naglalakad.
"Hoy!"
Nang bigla ay natumba ako. Hindi ko kaya, masyado akong nanghihina. Naisara ko ang mga talukap ng mga mata ko dahil sa kirot ng buo kong katawan.
"AJ!!"
"Art John!! Art John gising!!"
Trixie…

Book Comment (47)

  • avatar
    Garcisto Jr.Ryan

    all goods

    19d

      0
  • avatar
    Tali Bon

    jjh

    11/07

      0
  • avatar
    James Lopez

    malapit na ang pag babasa ko

    28/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters