logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

Halos hindi ako mapakali sa upuan ko habang nagdi-discuss si Ma’am Arnaiz. Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi n’ya. Lumilipad ang utak ko.
Hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung anong bigla na lang ikina-galit ni Hugo kanina. Hindi ko rin maiwasang mag-alala kay Natasha? Ano bang nangyari talaga?
Nang matapos ang klase namin kay Ma’am Arnaiz, agad kaming tumakbo ni Alexa papuntang clinic.
“Akala ko ba, wala ka ng paki-alam sa ‘kin?” Malamig na sabi ng babae, na malamang na si Natasha ‘yon.
Alam kong kaniya iyon kahit na kanina ko pa palang narinig ang boses niya.
Hindi agad kami pumunta kung nasaan sila. Nanatili kaming tahimik ni Alexa, we’re like eavesdropping here dahil sa ginagawa naming pagtatago. Well, eavesdropping nga talaga itong ginagawa namin hahaha. Not to mention, we are dakilang tagasala ng balita. In short, tsismosa ng bayan. In short, short, short, Aling Marites?
“Ano ba kasing pumasok sa utak mo at tumakbo ka?” tanong ni Hugo na halatang iniiwasan ang tanong ni Natasha.
Hindi naman agad sumagot si Natasha. Naka-rinig pa ako ng ilang buntong hininga bago muling may mag-salita.
“Do you still loved me?”
Eh? Ano raw?
“That’s not my question Natasha,” sagot naman nito na parang nahihirapan din.
“That’s not the answer Hugo.” Bumuntong-hininga ito, “Fine. Kung wala akong sagot na makukuha sa ‘yo ngayon, p’wede ka ng umalis.” Mayamaya’y narinig na naming umalis si Hugo roon kaya naman dali-dali kaming nagtago ni Alexa sa likod ng table.
Bagsak balikat na lumabas ng clinic si Hugo. Kami namang dalawa ni Alexa ay gulong-gulo sa nangyari. Ilang beses din kaming nag-palitan ng tingin nito, bakas ang pagkalito sa itsura namin. Ilang sandali pa’y may narinig kaming umiiyak kaya naman agad namin itong pinuntahan.
Umiiyak si Natasha. Wala s’yang ginagawang tunog sa bawat paghikbi n’ya. Ngunit dahil na rin sa pagpipigil n’ya noon ay hindi maiwasang mapasinghot siya.
“Hey, Tash,” bati Alexa na siyang unang lumabas at pumunta sa tabi ni Natasha. Ako nama’y roon pumwesto sa paanan niya. “Are you okay?” tanong pa n’ya rito.
Hindi naman n’ya agad itong sinagot bagkus pinunas muna niya ang luha sa kanyang mga mata gamit ang likod ng palad niya. Huli pa bago ito abutan ng panyo ni Alexa. Tanga rin ‘pag minsan ‘tong si Alexa, eh.
Ngumiti ito ng bahagya. “Okay lang ako. Medyo sumakit lang ang ulo ko dahil sa pag-takbo natin kanina,” sagot naman niya saka tumighim at suminghot muli.
Tumingin naman ako ng diretso sa kan’ya. “Sigurado ka ba?” May pag-aalalang tanong ko. “Wala kasi kaming alam na gano’n ang mangyayari eh.”
“Ano ka ba, okay lang ‘yon. Hindi ko rin naman nasabi sa inyo eh. Masama talaga akong tumakbo lalo na kapag bagong kain,” paliwanag n’ya.
“Sorry talaga. Kasi, natakot lang kami kay Ma’am Arnaiz, ‘yong teacher natin sa history kanina.”
“Hahaha. Okay nga lang. H’wag na kayong mag-alala.”
Sumama na rin si Natasha sa ‘min pabalik ng classroom. Ayos na rin naman daw ang pakiramdam n’ya. Samantalang si Hugo, parang nawala sa wisyo at hindi kami pinapansin. Hanggang sa humapon. Wala kaming naging imikan kahit na katabi ko siya.
Papunta ako ng locker ko nang biglang may humarang sa dinaraanan ko. Hindi ko naman agad nakita ang itsura nito dahil sa sapatos ko ako nakatingin.
Lumipat ako ng daan para iwasan ito ngunit nagka-salubong na naman kami. I lost my temper kaya nag-angat na ako ng tingin.
“Ano bang prob—”
Bigla naman s’yang kumaway nang mag-tama ang tingin namin at agad na ngumiti.
“Hey! Miss me?” tanong n’ya pa with confidence. Hindi naman agad ako nakapag-salita kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
“What?” Kunwari’y walang interes kong sagot habang nag-iisip ng p’wedeng pang-iwas ng pagtagal ng usapan namin.
Nagbuntong-hininga naman siya. “Hanggang kelan mo ba ako iiwasan?”
“Hanggang gusto ko,” agad kong sagot at tumingin sa kaniya habang inilagay ko ang kamay ko sa magkabilang strap ng bag ko. “Ano bang pakay mo at dito ka pa nag-transfer? Sa dinami-raming school sa lugar n’yo, ito pa talaga pinili mo?”
Nakita ko namang biglang lumungkot ang mukha n’ya. “I thought, ako ‘yong may sakit na kalimot sa ‘ting dal’wa?” he scoffed saka ito ngumiti ng mapakla. “A girl who have HYPERTHYMESIA forget about what she promise.” He looked away and made a few steps away from me. “I wish you remember it before this year ends.”
Gusto kong malagutan ng hininga sa mga oras na ‘to. Gusto ko s’yang habulin at kausapin pa s’ya, pero nauubusan ako ng salita. Nahihiya ako sa sarili ko.
Paano kong makakalimutan ang mga sinabi ko sa kaniya, that’s too far from impossible. Ang utak ko ay parang sadyang nilalagyan ng puwang para lamang sa mga sinasabi niya.
Michael Flechtner, my long time friend in my previous school in province. Naging mag-best friend kami dahil sa total opposite naming sakit. Kung ako, kaya kong matandaan lahat ng mga nakikita ko kahit sandali lang o kahit nahagip ko lang ng paningin for some reason. Siya naman, he is hard to recognized ones face. Kahit na kakikita n’ya pa lang sa ‘yo, tumalikod ka lang ng ilang segundo, hindi ka na ulit n’ya makikilala. Bagong figures ka na uli sa kan’ya. In short, face-blindness.
Ako, kilala n’ya ako at kaya n’ya akong i-recognized dahil sa hindi ko maipaliwanag niyang dahilan. May tamang vocabulary siyang ginagamit kapag dini-describe n’ya ako na naiiba nga raw ako sa iba, kaya niya ako natatandaan. Mistulang lahat ng sulok ng mukha ko ay kabisado na n’ya.
Kaya sa malamang, nakaka-salamuha na rin n’ya si Natasha sa previous school n’ya. Hindi n’ya lang ito natatandaan. Halata rin namang nabigla si Natasha nang sabihin nitong hindi siya nito kilala. I know na popular girl itong si Natasha sa school na pinanggalingan nila, kaya napaka-imposibleng hindi n’ya ito kilala. Knowing that, he also love lovely girls.
Minadali ko na lang na pumunta sa locker ko para ku’nin ang rubber shoes ko dahil may P.E. kami bukas. Kung maaari, ayaw ko munang makita s’ya. Hanggang ngayon kasi ay naggi-guilt pa rin kasi ako sa ginawa ko sa kan’ya.
* * *
Wala ako sa sariling humiga sa kama ko. Wala pa si mama. Malamang na nasa palengke pa ‘yon at gabi na naman makaka-uwi. Masyadong ukupado ang isip ko kaya wala akong natapos na usual routine ko pagkakarating sa bahay.
Umidlip lang ako ng halos trenta minutos at nag-linis na ng katawan. Sobrang nakakapagod kahit wala naman akong ginawa mag-hapon.
Pumunta na ako sa baba para mag-saing para sa hapunan namin ni mama. Ulam na lang ang kulang. Pagdating pa ni mama saka pa lang makakapag-luto ng ulam. Pritong itlog lang ang kaya ko kasing iluto eh. Walang naka-stock sa ref na mga gulay. Kung magluluto ako ng itlog, baka bunihin na ako. Lagi na lang iyon ang ulam ko kapag nagugutom na ako at wala pa si mama. Pero dahil nga tinatamad ako, mas tiniis ko na lang muna ang gutom ko habang nililibang ang sarili ko sa pagi-sketch.
Nang matapos ko ang portrait na ginawa ko ay siya namang pag-dating din ni mama dala-dala ang mga gulay na hindi niya naubos. Agad ko naman siyang sinalubong at tinulungang mag-buhat.
“Ahh, totoo nga ang balita,” sabi nito pagka-patong ng mga buhat niyang basket habang naka-tuon ang tingin sa mesa. Napakunot-noo naman ako sa sinabi n’ya.
“Balita, ano pong balita po?” Itinaas naman n’ya ang sketchpad ko na bigla ko ring ikina-gulat.
“Totoo ngang d’yan na nag-aaral ang isa pang kambal.” Hindi naman agad ako nakapag-salita, bagkus inayos ko ang pagkakasalansan ng mga sitaw saka ito inilagay sa ref. “Anak, galit ka pa rin ba hanggang ngayon kay Mike?” tanong niya nang maka-balik ako sa lamesa.
Huminga naman muna ako ng malalim bago siya sinagot. “Hindi ko rin alam ‘ma eh. Pero kanina, nag-usap kami.”
“Talaga?! Anong sabi n’ya?”
“Ayun, miss kuno ako. Totoo n’yan ‘ma, kakalase ko rin s’ya. Kaya siguro lumipat ang lokong ‘yon dito, iniisip pa rin n’ya ‘yong promise-promise namin no’ng elementary kami.”
“Oh? Talagang natatandaan n’ya pa ‘yon? Hindi na ata makaka-limutin.”
“Ma, mukha lang ang nakaka-limutan n’ya, hindi ‘yong mga sinasabi ng tao sa kaniya.”
“Oh, kaya nga. Eh, bakit ka pa rin nagagalit sa kan’ya? Hindi naman talaga s’ya ang may dahil kung bakit nabangga si Lou—”
“Ma.” Naibagsak ko ng malakas ang hawak kong sketchpad sa lamesa dahilan para matigilan si mama. “H’wag n’yo ng ipaalala, please?” Tumalikod na ako sa kan’ya at bagsak balikat akong umakyat sa kwarto ko. “Kahit anong mangyari, siya ang nakikita kong may kasalanan sa nangyari kay Louie,” dagdag ko pa.
* * *
“Rain!” sigaw ng kung sino mula sa likuran ko. Hindi ko ito nilingon at nagpatuloy lang ako sa pag-lakad.
Tumakbo naman siya para sumabay sa paglalakad ko. Papasok pa lang ako ng school. P.E. nga pala namin ngayong araw at hindi ko na naman alam kung anong pakulo ang gagawin ni Ma’am Genevieve sa ‘min.
Saglit kong pinasadahan ng tingin ang kabuoan n’ya. Nakapam-P.E. na rin s’ya na pinarisan n’ya ng puting sapatos ang kulay maroon naming P.E. uniform. Bagay naman sa kan’ya. Well, bagay naman talaga sa kanya ang kahit anong damit. Magaling siyang mag-dala ng damit, kahit siguro outfit ni Captain Barbell eh babagay sa kanya.
“Why are you look so down?” tanong n’ya nang hindi pa rin ako umiik sa pag-lalakad namin na sa baba lang ako nakatingin. Umiling lang naman ako at nag-buntong hininga.
Bakit ba kasi siya sumasabay ng paglalakad sa ‘kin, ‘kala ko galit s’ya? O baka, galit-galitan lang? Ewan! Wala akong pake sa kan’ya.
*beep!!*
Malakas na busina ng isang malaking truck na paparating sa gawi namin.
Naging alerto naman agad ako at agad na hinila ang laylayan ng damit n’ya para maitabi s’ya. Siya kasi ang nasa kaliwa ko na s’yang malapit sa kalsada.
“Para kang tanga!” Agad kong sabi sa kanya nang mahila ko siya. Agad namang nanlaki ang mata n’ya na halata mong bigla ring kinabahan.
Nag-hiccup agad siya ng walang tigil. Grabe, ito talaga ang papatay sa kanya kapag nagugulat siya. Masama talaga siyang nagugulat.
Agad kong hinagod ang likod niya at pina-inom ng tubig para matigil na ang pag-sinok n’ya.
“Sorry, hindi ko sinasadya.”
“No, it’s not your fault. Kasalanan ‘to nung truck, bigla-bigla na lang bumubusina,” sabi ko na hinabol pa ng tingin ang sasakyang malayo na sa amin. “Hindi ka kasi tumitingin. Alam mo namang nasa daan tayo kung ano-anong ginagawa mo,” paninisi ko pa, sabay lakad ko na ulit.
“Ano? Naalala mo na?” tanong niya. Tumigil muna ako sa paglalakad at hinarap ito.
“If you recognized me, it means I also remember yo—our. Our promise. Ikaw na rin ang nag-sabi, how can people with this disease can forget?” Then I smiled at him and continued walking inside our campus.
Ramdam ko namang sumunod na rin s’ya. Tumigil na rin kasi ang pagsisinok niya.
Yes, I remember that we will graduate in the same school and recite our speech at the same time when the recognition came.
Pero, binabagabag pa rin talaga ako ng usapan nina Hugo at Natasha kahapon sa clinic. Ano bang meron sa kanila? Sila ba? O, sila dati? O, ano ba?!
Geezz... Hugo, nakaka-inis ka. You owed me an explanation!

Book Comment (4)

  • avatar
    murillojamela

    So this is my first time reading a story in just one night napakaganda ng story naiyak ako na Ang dami Kong narealize I really love this story love, friendship's,a little bit betrayal Sana may movie na gamito

    18/01/2022

      1
  • avatar
    Carin Sarino

    nice story🥰🥰🥰

    06/06

      0
  • avatar
    Nico Jay Maaño Selosa

    wow

    07/08/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters