logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

Chapter 4
I stared at him intently. Hinahanap ko kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Hindi ko naman akalain na gusto niya ako makausap, dapat nga ako yung kumausap sakanaya eh. Yung para bang census. Pero napapaisip ako kung tungkol saan naman ang pagu-usapan namin.
Sasagot na sana ako sakanya pero bigla na lamang niya akong hinatak papunta sakanya kaya naman nasubsob ako sa matigas niyang dibdib. Mabuti hindi ako nagkakabukol sa ulo. Hinimas ko yung ulo ko at siya naman ay humarap sa dalawa.
"Kayong dalawa, iuwi niyo muna si Miggy sainyo. Mag-usap lang kami. Tawagan ko na lang kayo kung kukunin na niya si Miggy."  pag-utos niya sa dalawa. Nagkatinginan muna ito bago sabay na tumango. Para bang hindi sila makapag-hindi kay Ezzy.
"Okay, pero saan mo siya dadalhin?" tanong ni Caleb.
“Mag-uusap nga lang kasi.”
"Baka ibang pag-uusap yan Attorney Villamayor." pang-uuto ni Seph kaya nakatanggap siya ng batok at mura mula kay Ezzy at Caleb.
"Gago!"
Hinawakan ni Ezzy ang pulsuhan ko at hinila paalis nun. Nakarating kami sa parking lot ng park kung saan binuksan niya ang isang color black na kotse na senyales na pinapasakay ako ngunit hindi ko ginawa.
"Sakay na. Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?" nahihimigan ko ang pagkairita sa boses niya.
Ano bang nangyayari sa isang ito? Kanina lang ang saya-saya niya sa pang-aasar saakin tapos ngayon para bang galit na galit na siya. Pakiramdam ko tuloy close na kami nito kahit sa pagkakabunggo lang namin nakikita isa't isa.
"Akala ko usap lang? Ba't ako sasakay diyan? Puwede naman na tayong mag-usap dito a! Hindi ako timang gago!" labag sa loob ko ang pagsabi ng gago sakanya pero hindi ko naman na iyon babawiin.
"Choosssyyy mo pooo!" hinabaan ko siya ng nguso habang dinagdag ang salitang iyon
Siguro napikon siya kaya pumunta siya sa harapan ko upang buhatin na naman ako na parang sako at pinasok sa sasakyan niya.
Sabihin niyo nga, hindi naman mukhang sako ng bigas diba?
"Namumuro ka na saakin ah." sabi ko at dinuro pa siya. Hindi naman siya nagsalita pa at pinaandar na lang ang kotse paalis.
Wala kaming kibuan na dalawa sa loob at hindi ko gusto ang awkward ambience kaya naman tinanong ko na siya ng gusto-gustong ko itankng sakanya. Siguro naman sasagot siya kung hindi sisipain ko siya sa palabas ng kotse na ito. Kaya nga ako buhatin kaya ko siyang sipain. Jwk lang hindi naman ako amazona.
Tumikhim muna ako para naman makuha ko sandali ang atensyon niya kahit nagda-drive siya patungo sa lugar na hindi ko alam.
“Puwede ba kitang tanungin?”
He gave me a single glance tapos nag-hmm siya. Para bang sinasabi magsalita na ako.
"Totoo bang Attorney ka?" simpleng tanong ko.
 ̄ ̄
Ezzy Villamayor
I was about to asked her the question na gustong-gusto kong malaman ang sagot kanina pa pero naunahan na niya ako.
"Totoo bang Attorney ka?" she asked.
Inihinto ko muna sa isang tabi at tinignan siya. Base sa nakikita ko ngayon sakanya para bang ang big deal ng pagiging abogado ko para sakanya. At mukha siyang nagdadasal ngayon na sumagot ako ng oo.
"What if I am? Hmm?" I answered at her. She looked away like she's trying to surpassed a giggle pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng pisngi niya. Napangisi na ako.
"Ba't namumula ka? Kinikilig ka?" tanong ko sakanya na may halong konting pang-aasar. I find it cute when she's pissed at me. Pinaandar ko ulit ang sasakyan. Honestly, hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Ang gusto ko lang malayo siya sa mga kaibigan ko dahil naalala ko ang aming kasunduan.
She just gave me a glance bago siya tumingin ulit sa labas ng bintana. Kinikilig nga.
"Lah. Assuming ka. Hindi ah." umiling-iling pa siya. "Puwede pa ba ako magtanong?" tanong niya.
"Go ahead kung iyan ang gusto mo." sabi ko sakanya. I bet she is just so eager to know my personality.
"Anong full name mo?" she aksed.
"Gavaine Ezekias Villamayor."
"Ilang taon ka na?"
"Turning 27."
She amusingly replied, "Wow. Tatlong taon lang agwat natin. May pag-asa pa." pabulong lang na sabi niya pero nadinig ko.
"Kailan birthday mo?"
"January 26."
"Sino mga magulang mo?" kumunot ang noo ko dahil sa mga tanong niya. Naiirita na ako.
Hinarap ko siya. "Ano ka census? Ang dami-dami mong tanong." napakagat labi siya at napayuko. Seryoso naman kasi ang pagkakasabi ko nun.
Akala ko titigil na siya sa pagtatanong pero akala ko lang pala iyon.
"Hindi, BRI ako. Tse! Sabi mo go ahead tas ngayon nagagalit ka na! Iba din takbo ng utak mo!" pasinghal niya na sabi saakin. Nagpalakas lang pala ng loob ang isang ito. Napabuntong-hininga na lang ako.
Aminin nating mga kalalakihan na mga babae talaga ang iba takbo ng utak. Tapos ang usapan.
"Okay. Okay. Tanungin mo na ako kung ano pa man ang gusto mong tanungin saakin. Basta huwag mo na tanungin kung ano pangalan ng mga magulang ko dahil hindi mo naman sila kilala, at hindi ka rin naman nila kilala," sabi ko na lang sakanya para naman hindi na siya nanininghal. Tumatalsik ang laway.
“Edi ipakilala mo ko. I’m willing to met your parents.” I glared at her. “Di ka naman mabiro.” Nagpeace sign pa siya.
Kababaeng tao tumatalsik ang laway. At parang wala talaga siyang balak tumigil sa kakadaldal, kung ibang tao siguro siya kanina ko pa siya pinaalis. I hate it when women being too loud.
"Sige... Single ka ba?" panibagong tanong niya. Nag-aalinlangan ako kung sasagutin ko.
For me, I don't know my lovelife status right now. Its complicated because I think I am in a relationship but not. I sighed before answering her.
"Single," I just simply replied.
Matagal siya bago ulit nag-salita kaya akala ko tapos na siya sa pagtatanong pero hindi pa pala. Kinilig lang kaya hindi nakapagsalita agad.
"Ilan naging ex mo, Attorney?" I looked at her, just a seconds kasi nagda-drive ako. Mukhang serysoso naman siya sa tanong niya kaya sinagot ko na lang. It doesn't matter to me anyway.
"Only one."
"Okay," sagot niya sa mahinang boses. Tatanungin ko sana siya kung ano nangyari pero huwag na lang.
"Ito last na lang talaga." nagsign pa siyang one sa daliri niya. Tinanungan ko siya atsaka niliko ang kotse.
"Mahal mo pa?"
Hindi agad naprocess ng utak ko ang kanyang tanong. Para ba akong nabingi ng panandalian dahil hindi ko din alam ang sagot sa tanong niya. I know may part saakin na nagsasabi na hindi ko na siya mahal pero malaking impact saakin yung part na nagsasabi na mahal ko pa siya.
"That's too private," I said in a serious manner.
"Are you hurt?" hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong niyang iyon pero para bang naramdaman niya yung nararamdaman ko ngayon kaya niya naitanong ang mga salitang iyon.
Hindi ko siya tinitignan dahil baka mabasa niya ako, madali lang pa naman mabasa ng ibang tao ang nararamdaman ko. Ayaw ko itago kung ano ang tunay kong nararamdaman. Hindi ko na lang sinagot ang tanong niya.
Mukhang alam naman niya na hindi ko siya sasagutin kaya nanahimik na lang siya. Humilig siya sa upuan ng sasakyan na para bang pagod na pagod siya. Hinayaan ko na lang siya, tutal naman medyo malayo pa kami sa lugar na naisip kong puwede naming puntahan.
 ̄ ̄
AGUEDA LOUCIANNE IZABELLE CASTRO (AGI)
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sasakyan pero hindi ko akalain na magigising ako sa isang kwarto. Jusko!
May humalay na ba saakin? Hindi pa puwede kasi kay Attorney lang ako magpapahalay! Huhuh. Kay Attorney ko lang ibibigay ang virginity ko.
Teka lang! Si Attorney ang huli kong kasama ah. Hinalay ba ako ni Attorney? Oh my! Nakuha na ba niya? Nirereserve ko yun para sa wedding night namin eh. Attorney naman!!! Parang maiiyak na ako sa isiping iyon.
Napatingin ako sa pinto na bumukas at lumabas doon si Ezzy na bagong ligo pero nakabutton down shirt na siya at maong short. Hindi na kagaya ng dati niyang suot. Nakahawak ako ng isang unan, handa ko na sana iyon na batuhin sakanya kaso nagsalita siya.
"Ano?! Ibabato mo saakin yan kasi akala mo may ginawa ako sayo?" he scoffed. "Huwag nga ako. Wala ka sa telenovela uyy." binaba ko na lang ang unan. "Wala akong ginawa sayo. Nakatulog ka lang sa kotse ng kaibigan ko." dagdag pa niya. Nakahininga ako ng maluwag, akala ko pa naman pero ayos na din kung may ginawa siya saakin.
Manghang-mangha na sana ako sa kotse na sinakyan namin kanina kaso sa kaibigan lang pala niya iyon. Pero maiba tayo. Hindi ko alam na nakakabasa na pala ng isip ang mga attorney ngayon. Wala pa man kasi akong sinasabi, alam niya kung ano ang sasabihin ko.
Nag-slow clapped ako na para bang mangha sakanya, sa mga pinagsasabi niya.
"Ang galing. Hindi ko alam na mind reader ka rin pala Attorney Ezzy. Wala pa nga akong sinasabi, alam mo na king ano yun." tumayo ako sa kama at lumapit sakanya upang tapikin ang kanyang balikat.
I am that so confident na tawagin siyang attorney kasi alam ko may konting-konti na chance ako sakanya, isa pa pasadong-pasado siya sa hunting list ko. Ang bait-bait talaga ni Lord saakin, nakajackpot ako ng isang attorney, attorney na matagal kong hinahangad. Kaso nga lang mukhang mahal pa niya yung nag-iisang ex niya, pero ang mga ganyang bagay hindi na iniisip pa, sa positive lang tayo. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na "Positive way of thinking leads to better future," Pak na pak diba? Pero hindi ko talaga alam kung kasabihan yan, gawa gawa ko lang yan heheh.
"Huwag nga ako, Agueda. Fixed yourself because I don't like seeing you like that." natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi nito. Hindi ko alam kung saan niya natutunan ang salitang huwag nga ako. Siguro isa sa mga favorite phrase niya yan. I'll note that.
"How can I fixed myself if I don't know where I am? I don't even have a clothes here." sagot ko sakanya. Kaya ko ring mag-english with british accent pa. kidding aside.
"What if there's clothes here ha?" he crossed his arms and raised a brow. Aba! Teka lang. Ang gwapo niya lalo tignan sa ganoong aspeto. Huhuh.
"Attorney naman nahuhulog na yung panty ko, sumasama na din yung aking bra."
"W-What are you talking about? Are you that insane? Nakainom ka na ng gamot?"
Natauhan ako ng magsalita siya. Hindi ko dapat nasabi yun, dapat sa isip lang. Pero hindi ko naman akalain na alam niya ang tungkol sa gamot-gamot na yan.
"Masusunod, Attorney." nag-asta pa ako na isa siyang kamahalan kaya yumuko ako at papalakad na sana ng bigla na naman akong mahilo kaya kumapit ako ng mahigpit sakanya.
"A-Are you okay?" he asked, nervously. By then I immediately composed myself because I don't want him to worry.
"I'm okay. Thank you." I assured him.
"Okay. I won't argue with you. But can you please tell me honestly why your feeling like that?... B-Buntis ka ba?" mahinahon na tanong niya. "Kasi kanina nagsuka ka at ngayon naman nahilo ka. So, tell me,.. Are you pregnant?" he added.
Hindi ako nagdalawang isip na sagutin siga dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako buntis. Mayroon bang virgin na nabubuntis? Hindi ako si Santa Maria para mangyari saakin ang ganoon.
"If your scared or worried because of the thinking that I maybe pregnant then don't because I am not."
Bumuntong-hininga na lang siya at tska ako binuhat ulit na parang sako at tinapon sa kama na parang wala lang. Jusko ko naman! Nabalian ata ng mga buto sa likuran.
"Wala talaga sa bokabularyo mo ang salitang C.A.R.E!!! Bwesit ka!" sigaw ko sakanya.
"Lol." mura niya. "Pasalamat ka nga't binuhat kita, nagmamalasakit lang ako kasi baka kung ano pa ang mangyari sayo at sa bata kung gagalaw ka pa... Wala naman nang problema saakin kung ganyan ang itsura mo. I don't like you anyway." mahabang lintanya niya at nasaktan talaga ako sa huling mga salitang sinabi niya pero mas tinuunan ko ng pansin ang pagsali niya ng salitang bata.
"Hindi nga sabi ako buntis!... Pero kung gusto mo ng baby pwede mo naman ako anakan. Willing naman ako." Jusko! Hindi ko na alam kong saan-saan ko nakukuha ang mga salitang pinagsasabi ko.
He pulled his hair in frustration. He's already pissed.
"Goddamnit! I don't know why I asked you to talked to me! You are talking nonsense! Ang sakit mo sa ulong babae ka!" yun lang ang sinabi niya at umupo sa maliit na sa sofa na gawa sa kawayan at bumunot ng airpod sa kanyang bulsa, nilagay sa tenga. Umupo siya ng panlalaki bago pinikit ang mga mata.
Tinignan ko lang siya at pilit na sinasaulo ang kanyang mukha. Napabuntong-hininga ako ng malalim bago dahan-dahang lumapit sakanya, tulog naman siguro siya dahil ilang minuto na siyang nakapikit. Hindi naman na siguro niya ako mararamdaman.
"I hope I meet you earlier, Attorney... Because I'm afraid of what I am feeling right now. I really hope that you can like me now but yeah, you don't like me. And I can't do anything to change the feeling of yours…. Kailangan ka namin kung alam mo lang."
"I like you Attorney, since the first day."
I give him a peck on his cheeks before I grab my phone because someone's calling.

Book Comment (77)

  • avatar
    Esor Pay Nolagnob

    how so lovely & romantic this story, looking forward for more 👍👌👌

    20/01/2022

      0
  • avatar
    maybille_

    Keep it up Author, maganda yung plot 😊. This is the first story na nabasa ko dito 💓.

    19/01/2022

      0
  • avatar
    Neth Casipong Palis

    ang ganda ng story ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    19d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters