Pagkatapat na pagkatapat niya sa bahay ay agad akong bumaba ng walang paalam sakanya at pumasok sa loob. I know, I needed to atleast thank him but natatakot ako na baka may susunod pa siyang gawin. Iti-text ko na lang sakanya ang pasasakamat ko. Sumalampak ako sa sofa nang makapasok, pagkatapos buksan ang mga ilaw at naglabas ng sigarilyo. Baka naman makatulong ito para makalimutan ang ginawa niya. Nang itaas ko ang kamay ko para hithitin ang sigarilyo ay nakita ko ang pamumula ng kamay ko! Bumakat pa ang labi niya dun! Pumikit na lang ako para hindi iyon makita hanggang sa maubos ko ang sigarilyo. Walang kain akong pumasok sa banyo para maligo at matulog. Kinaumagahan ay nagising naman ako sa sunod-sunod na pagkatok sa labas, sa gate, kulang na lang ay batuhin ang bubong namin para may lumabas na tao. "Sino naman kayang papansin yun?" Inis na bulong ko sa sarili habang bumaba sa hagdan, partida wala akong suot na panloob kaya ng madaanan ko ang tuwalya ko na nakakalat lang sa sala ay kinuha ko at binalot ang sarili nun bago pinagbuksan ang tao na katok ng katok. Nabigla ako ng tauhan pala iyon sa bangko, may dala na naman siyang sulat. Ngayon lang ako nagsisi kung bakit hindi ko man lang inayos ang sarili ko, buti na lang may takip ang dibdib ko. "G-Good Morning, Sir," pagbati ko at tumingin sa mga paa ko. "Magandang Umaga, Miss Archardi. Mayroon pong padalang sulat ang Bangko at iniurong daw po ang petsa ng iyong deadline ng pagbayad. Bale, binibigyan na lang po kayo ng dalawang araw. Kung hindi niyo po mabayaran sa loob ng palugit na araw na iyon ay wala na po kayong magagawa kundi ibigay ang bahay at lupa niyo at umalis po dito." Mahabang lintanya niya bago ibinigay saakin ang isang brown envelope. Tumango-tango na lamang ako. "Sige po, Sir. Salamat." Ngumiti ako at hinintay ang kanyang pag-alis bago pumasok sa loob. Pasalampak akong naupo at iniisip kung saan ba kukuha ang karagdagang twenty thousand para mabuo ang bayarin. Hindi pa nga ako nakakabuntong-hininga ng maayos ay mayroon na namang kumatok pero agad din iyong nawala pero tinignan ko pa rin kung ano iyon. Natagpuan ako ang papel para sa kuryente bill. Nanghihina ko iyong pinulot at pumasok ulit sa loob na parang wala sa sarili. Nakaupo ulit ako sa upuan, hawak ko pa rin ang dalawang kailangan kung bayaran. Itinaas ko sa hanggang sa magpantay sa mukha ko. "Ano na ang gagawin ko sainyo?" Paunang tanong ko na akala mo naman ay puwedeng sumagot ang mga papel na iyon. "Bakit ba kasi dumadating kayo sa buhay ko?!" I wailed. Tinignan ko ng masama ang notice for procurement. "Ikaw! Hindi naman kita pinapakain pero bakit ang laki-laki mo?!" Muntik ko na sana iyong punitin buti na lang napigil ko ang sarili ko. Isinunod ko naman ang bill ng kuryente. "Ikaw! Bakit ba bumabalik ka saakin buwan-buwan kahit buwan-buwan naman kita binabayaran?!" May lumadas talaga totoong luha sa mga mata ko ng matapos ko iyong gawin. Narealize ko na pangbaliw ang ginawa. Humimlay lang ako sa upuan na yun hanggang sa magutom ako, naisip ko naman na magluto ng totoong pagkain kasi baka hindi na talaga ako magtagal sa mundong ito. Pumunta ako sa kusina at buti ng may maayos pa namang akong puwedeng mailuto. Nagluto lang ako ng mechadong isda at kinain iyon bilang pananghalian. Pagkatapos ko naman ay nilinis ko ang buong kusina hanggang sa mapagdesisyunan ko na mag-ayos na para sa trabaho. Maaga akong nakaalis sa bahay kaya binalak ko na lamang na lakarin ang daan papunta sa bar, hindi naman iyon ganun kalayuan sa bahay ko, mga dalawang barangay lang ang pagitan. Hindi naman ako natatakot na mabastos ulit dahil maaga pa, marami pang nagkalat na tao sa labas at isa pa mukhang kahit may manghawak pa saakin ulit ay iyong bibig na ni Russo ang mararadaman ko. Napakagat labi na lang ako ng maisip yun ulit. Nakakahiya pero parang ginusto naman niya. Buti nga hindi siya nangangain ng laman ng tao. Napatingin ako sa kamay ko na hinalik-halikan niya, wala sa sarili akong napangisi. Ganun na sana ang itsura ko hanggang sa makarating ako sa bar pero nabigla ako ng magsigawan na ang nga tao nadaanan ko, mga ilang metro na din ang layo nila saakin, mukhang nagkakagulo sila ng malingunan ko ay parang may isang babae na nadukutan ng wallet. Hindi naman mahirap makilala ang may saralin dahil mabilis itong tumatakbo at madadaanan ako nito, hinahabol na din siya ng ibang nakakakita pero nasa hulihin pa niya ang mga ito. Mukhang importante na importante sa babae ang wallet na iyon, nahabag naman ako kasi kung ako ang mananakawan ngayon ay baka parehas din sakanya ang mararadaman ko. Naghanap ako ng kahit anong puwedeng pangharang para hindi siya makapagpatuloy ng takbo, mabuti nga ay medyo malayo pa siya saakin kaya nakahanap ako ng pangharang pero kahoy lang din iyon. Nang nakita ko na malapit na siya ay agad kong itinaas ang kahoy at sapul sa dibdib niya mukhang hindi niya iyon inasahan kaya agad siyang natumba, dumama ata ang ulo niya sa sahig. "Ano ba yan, Kuya. Kung magnanakaw ka siguraduhin mo na matalas din ang paningin mo ha, hindi lang yung matulin ka lang kung tumakbo." Pang-iinis ko pa bago pinulot ang wallet. Nagsitakbuhan na rin palapit saamin pati iyong nanakawan. Ibinalik ko sakanya ang wallet at paulit-ulit siyang nagpasalamat. May dumating na din na mga barangay tanod kaya hinayaan ko na silang mag-asikaso dun sa lalaki. Napatingin ako sa orasan na nasa kamay ko at may thirty minutes na lang ako para maglakad, dahil mali-late ako kung hindi. "Priscilla! Bilisan mo may meeting daw tayo bago mag-bukas." Sigaw ni Clara, pagkadating na pagkadating ko. Naguguluhan man kahit biglaan ay tumango ako at sumunod sakanya sa opisina ng Boss namin. Halos lahat ng tauhan ay nandun na, kaunti lang naman kami kahit gaano pa kasikat ang bar na ito. May mga branches din kasi. Tumayo na so Haize, yung Boss namin, parang hinihintay lang niya talaga kaming makapasok bago siya magsalita, pero may humabol pang isa na kakapasok lang. Pawis na pawis pa nga. "So, ang meeting na ito ay para mainform kayo na bumaba ang sales natin. Sa lahat ng branches ay itong bar lang na ito ang may pinakamababa, at ang lahat ng nalugi namin ay kailangan na mabawi. Kaya ngayon ay kailangan namin na nagbawas ng mga tauhan." Paliwanag niya. "Boss..." panimulang anggal ng isa saamin. "Pasensya na at buo na ang naging pasya namin, alam niyo naman na hindi lang saakin nakapangalan ang bar na ito. May nga kasosyo din ako dito, at kung ano man ang naging pasya ng lahat ay kailangang sundin." "Kahit yung mga matatagal na po matatanggal?" Tanong ni Red. Nagkaroon ng kaunting diskusyon dahil sa tanong niya, syempre hindi na ako nakisali, pinanood ko lang sila. Hanggang sa natigil dahil nagsalita ulit si Boss Haize ng mga napiling tatanggalin. Tahimik lang ako pero kinakabahan na ako kaya nagdasal na lamang ako. Sana ay hindi ako isa sakanila. Kasi kung sakali man, mahihirap ako makahanap ng trabaho ulit lalo't na ay hindi naman buwan ng hanapan ng mga trabahador. Marami pa akong mga babayaran kaya hindi ko talaga kakayanin. "Nagkaisa ang mga desisyon namin ng mga business partner ko sa mga pinili naming tanggalin na empleyado. Ito ay sina: Gianan, Lorenz, Fatima, Hail, at Pio. Don't worry kapag nabawi na namin at mas naging maayos ang naging sales ay maaari kayong mag-apply ulit. Or iha-hire namin kayo. We'll just let you know." "Kung ganun po, Boss. Puwede na po kami ngayon?" tanong ni Lorens mukha ready na nga siya umuwi e. Dala-dala na niya ang kanyang bag, ni hindi man lang iniwan sa locker room. Napansin din iyon ng ilan at ni Boss Haize kaya napatawa sila. "Hindi pa. Pagkatapos ng gabi na ito ay maari na kayong umalis. Babayaran pa rin naman ang gabi na ito para sainyo." Tumango siya at tumayo na, may mga ngiti sa labi. Tumalon pa muna siya na parnag inaabot ang kisame bago pumunta sa harapan ni Boss Haize at nakipagkamayan. "Salamat, Boss... Guys, magtrabaho na tayo." Buong galak niyang pag-anyaya saamin kaya napatawa kami ng mahina pati na rin yung kaharap niya. "Sige na. Magbubukas na tayo," pinal na pahintulot ni Boss Haize. Uuna na sana akong lumabas ng harangin niya ako kaya gumilid muna ako para makaalis ang iba ng kami na labga ng maiwan ay tinanong ko siya kung bakit. "Bakit po, Boss Haize? May kailangan po kayo?" Naguguluhang tanong ko. Bumalik din ang kaba ko kasi baka tanggal talaga ako at nakalimutan niya lang na sabihin ang aking pangalan kanina. Ngumiti siya saakin, parang naiengganyo. "Wala naman. But from this night hangga't pumupunta pa dito si Mr. Gaudmond ay ikaw ang magsi-serve o mag-aassist sakanya." Pinaliwanag niya iyon habang nakatingin sa mga mata ko kaya napilitan akong tumingin sa mga paa ko. At ano daw? Bakit ako naman ang parating magsi-serve kay Russo? Nagbawas na nga siya ng tauhan kailangan may specific pang kailangang paglingkuran. "Bakit po? 'Diba parang mas mapapatagal po ang trabaho ko nun?" "Hindi iyan. Tutal, hindi naman sila ganun karami tuwing pumupunta dito, minsan ay pare-parehas lang ang kanilang orders. Basta ang gusto ko ay ikaw ang magsi-serve sakanya o sakanila, Priscilla." Hindi ako sumagot. "Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? O gusto mo na itanggal din kita?" He threatened. Tangina! Takutan na pala ngayon?! Agad naman akong napatango-tango sinasabi sakanya na naiintindihan ko ang kanyang sinasabi. "Yes po, Boss. Ako na po ang magsi-serve kila Mr. Gaumond." He smirked. "Good." As if cue, sa sagot niya na iyon ay ang hudyat na maari na akong umalis kaya iyon ang aking ginawa. Abala na sa pagsasa-ayos ng lamesa ang mga kasamahan ko ng pumasok ako sa locker room para magpalit ng uniform. Itinali ko na din ang buhok ko kasi parang nag-iinit ako sa iniutos saakin. First time ko lang magtali ng buhok sa tali, parati kasi akong nakalugay para medyo matakpan ang mukha ng sa ganun ay wala masyadong makapansin nito o makakilala saakin, ayos lang naman kila Boss ang ganun. That simple things about their employees is not their business kaya hinahayaan nila kami as long as nagagawa namin ang aming trabaho ng maayos. Paglabas ko ay agad kong inasikaso ang mga nagdadatingan na mga tao, hanggang sa namalayan ko na lang ay nakapasok na sila Russo. Ngayon naman ay kasama niya ulit ang mga barkada niya pero may kasama din silang tatlong babae at iyong isa ay nakalingkis sa braso niya. Muntik ko na sana mabasag ang inumin na nasa tray para iserve dahil may dumaan sa likuran ko na hindi ko naiwasan. Parehas naman kaming nag-sorry at bumalik sa kanya-kanyang trabaho. Nang maiserve ko ang inumin na iyon ay agad akong pumunta sa area nila Russo para kuhanin ang mga orders nila. Nang masulyapan ko si Russo ay may naglalarong ngisi sakanyang labi habang nakatingin saakin, hindi ko na lang pinansin at hinintay ang sasabihin nilang order. Yung tatlong babae ang naunang pumili ng orders nila, habang abala ako sa pagli-lista nun ay may isang tawag ng pangalan ko ang nakapag-paanggat ng tingin ko sakanila. "Priscilla?" "Yes po?" Sagot ko naman. Si Adler lang pala iyong tumawag saakin. He grinned at hinawakan ang maliit na hikaw sa kaliwang tenga niya. Mukhang kakarating niya lang din. "Ganda natin ngayon ah? Got laid?" He asked playfully. Hindi ko naman gets kaya pasimple na lang akong ngumiti at patuloy sa paglista ng orders nila, medyo marami talaga iyong sa tatlong babae kulang na lang ubusin ang lahat sa menu. "Just a bottle of Bacardi for me." Malalim na boses ni Russo ang narinig ko pagkatapos nun. Siya lang naman ang huling nagbigay ng order. Tumango ako pagkatapos ilista ng sakanya. "Noted. I'll be right back in few minutes with your orders." Nagpilit ako ng ngiti bago tumalikod pero narinig ko pa ang sinabi ni Russo. "You better." Nang lingunin ko naman ay hinahaplos na niya ang hita ng babaeng lumilingkis sakanya habang nakakagat-labi. Medyo nainis ako sa eksena na iyon kaya pinatuloy ko na lang ang paglalakad para maihanda ang kanilang orders. Siguro yung sinabi niya kanina ay hindi naman para saakin, baka para doon sa kasama niyang babae. Habang hinihintay ko na maihanda ang kanilang orders ay nag-entertain muna ako ng iba para hindi mabigat ang trabaho at konti na lang ang hassles. Bumalik lang ako para iserve na ang order nung mga babae. Tatlo lang sila pero dalawang trays ang hawak ko na may punong-puno ng laman. Nakakabilib din na puro pa iyong mamahalin ang kanilang pinuntirya. I wonder kung sino ang magbabayad ng mga ito, si Russo kaya? Siya naman kasi ang parang nagbabayad base sa kanyang kwento. Nang ihain ko iyon sakanila ay medyo nagkaroon pa ng tunog dahil nabigla ako sa paraan ng paghahalik ng babae kay Russo sa leeg. Hindi pa man ito lasing ay parang nakaubos na ng isang bucket ng mga inumin sa pagkawild. Isinasawalang bahala naman iyon ni Russo dahil ang kanyang mga mata ay nakatingin saakin. Umalis na ako para kunin pa ang natitira nilang order, but I made sure to include note on Russo's Bacardi. Nakalagay lang naman ay; "I accept your offer. I'll wait for your text kung kailan.... Totoo na 'to, hindi na ako magbaback-out."
sarp
01/04
0ang ganda sana pero bitin part 2 please 🥺
06/07/2025
0soid
13/04/2025
0View All