logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

Pagkatapos ko mag-umagahan ay nilinis ko ang buong kwarto ko. Inalis ko ang mga nagkalat na bote ng beer at nilabhan na rin ang bedsheet ko na natapunan nun. Pinaarawan ko rin ang foam at nilagyan na lang ng freshner para hindi na kumapit ang amoy ng alak. Hindi na ako kumain ng mangtanghali at nagsiyesta na lang at nagising lang nung kailangan ko na maghanda para magtrabaho.
Kagaya ng nakagawian ay sumakay ako sa jeep papunta dun. Nagsisidatingan na rin ang mga kasamahan ko at nagpapalit ng uniform ganun na din ang ginawa ko. Habang nasa locker room kami ay hindi ko maiwasan na mapakinggan ang kanilang mga baong chismis ngayong araw.
"Kilala mo 'diba si Maurise? Yung anak ng kapitbahay namin na si Aling Marjorie, yung kinukwento ko sayo." Si Joyce iyong pasimuno ng usapan, siya naman ang dakilang tagahatid ng chismis dito saamin.
"Oo, 'diba siya yung nagtatrabaho sa isang club din sa Japan? Ano ngayon ang balita tungkol sakanya?" Tanong ni Red habang inaayos ang collar ng uniform niya ako naman ay inaayos na lang ang pagkaka-tuck-in ng uniform namin na polo sa slucks.
Naghand-gesture si Joyce kaya naman biglang napalapit sakanya ang kausap. "Uuwi na daw 'teh! Nabuntis daw iyon dun. Parang ipinalit ba ang sariling kaluluwa para sa pera." Dahil sa sinabi niya ay parang naalerto ang tenga ng iba naming kasamahan na nandun at palihim na nakikinig. Hindi ko itatanggi na nagiging chismoso't chismosa kami kapag ganito ang usapan.
"Ano naman ang gagawin sa pera?"
Nagkibit-balikat lamang si Joyce. "Ewan, pero naririnig ko na maluho daw iyon kaya ganun. Hindi kasi sumasapat ang kinikita niya para sa kanyang mga luho at pangtustos sa pamilya."
"Hala! Totoo ba? E paano naman yung bata? Yung resposibilidad nung ama?" Nakisawsaw na din si Morie, inaayos na lang niya ang kanyang pony tail.
Nang maayos ko na ang uniform ko ay humarap na ako at sumandal sa locker, naglabas ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon may trenta minutos pa kami para magtagal dito bago simulan ang trabaho sa labas.
Tumabi saakin si Ramon at nakisindi din ng sigarilyo. Nakikinig lang din siya sa usapan na nagaganap dito. Nasanay naman na ang mga kasamahan namin na nagsisigarilyo kaya hindi na nila kinokomento ang amoy nito.
"Hindi ko alam. Rinig ko na ipapalaglag daw kasi hindi naman pananagutan nung nambuntis kasi binigyan naman na siya ng pera na kailangan niya."
"Ayy. Parang one night stand?"
"Oo."
"Ang saklap naman."
"Sa ngalan ng pera talaga ay willing ibigay ang pagkatao." Komento ng katabi ko, umirap lang ako.
Ilang palitan pa ng komento ang nangyari ng mapagdesisyunan nila na tapusin na dahil pinapatawag na din kami sa labas. Inupos ko muna ang hawak kong sigarilyo bago iyon itinapon sa basurahan, ginaya din ako ni Ramon.
Nagsisidatingan na rin ang mga tao kagaya ng araw-araw na tagpo. Hindi ko alam kung bakit parang ganado akong magtrabaho ngayon, siguro dahil iyon sa sigarilyo o sadyang dumudoble lang ang customer bilang ng customer na pumupunta dito sa ganung oras.
"Here's your order, Sir, Mam." Nilapag ko sa lamesa ang kanilang pagkain at inumin bago umalis dun, ganun din ang ginawa ko sa ibang lamesa, nasi-serve lang.
Ng mabigyan ko na ang nakatikas saakin na orders para sa oras na iyon ay tumambay muna ako sa kusina at pinanood ang ginagawa ng taga-luto. Hindi pa nga ako nag-iisang oras doon ay dumating si Ramon kasama si Josh.
"Priscilla, nandyan na yung boyfriend mo."
Nangunot naman ang noo ko. Si Carter? Ano naman ang gagawin dito nun? Huwag niyang sasabihin na manghihingi na naman siya ng pera at manggugulo.
"Pakisabihan ay wala ako. Sabihin mo hindi ako pumasok, baka manggulo iyon e." Tinangguan niya ako. "Sige," sagot niya.
"Salamat. Magtatago muna ako dito habang nandito siya."
Tumanggo ulit siya pero may itinanong din. "Okay. Pero bakit naman?"
"Basta." Nang mahinuha niya na wala na talaga akong balak dagdagan ang sagot ko ay umalis na siya. Wala pa namang bagong orders kaya safe pa akong makakapagtago.
Nabigla ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag. Unregistered number pero sinagot ko pa din.
"Sino 'to?" Pambungad ko.
"Ohh where's the 'hello?'" Agad na bumusangot ang mukha ko. Hanggang dito ba naman? Sana pala hindi ko na lang binigay ang number ko sakanya, o kaya pineke ko na lang iyon siguro ay hindi ako natatawagan nitong Russo na ito.
"Anong kailangan mo?" Tamad na tanong ko. Pumunta pa ako cr para kahit papano ay hindi marinig ang tugtug na pinapatugtug ng DJ buti nga hindi pa iyon wild at maingay.
"One of the waiter told me that you weren't here. I mean, you didn't go to work and he even told me to go. Why is that?" Agad akong naguluhan sa tanong niya.
Waiter? Hindi pumasok? Baliw ba siya, wala naman akong malalim na dahilan para hindi pumasok e. Napatakip na lang ako sa bibig ng may marealize. Si Ramon. Siya naman ang sinabihan ko na paalisin na lang ang sinasabi niyang boyfriend ko. Mukhang magkaibang tao ata ang tinutukoy namin. Ibinaba ko na ang tawag at agad na umalis sa cr para makita si Ramon na pumasok sa kusina.
"Ramon!" Pagtawag ko at siniguro ko na hindi ako makakaabala sa mga Chef na ginagawa ang trabaho nila. Nang makalapit ako sakanya ay pinalo ko na siya sa dibdib at hinila paalis doon. "Sino bang sinasabi mo na boyfriend ko?"
"Si Mr. Russo?" Hindi sigurado na sagot niya kaya napapikit ako.
Bumuntong-hininga muna ako ng malalim bago nagmulat ulit, nakikita ko ang kainosentehan ng mukha niya. "Ramon, ilang taon na tayong makatrabaho tapos hindi mo ap din maaalala na si Carter ang boyfriend ko at hindi ako nagjojowa ng mga customer!"
"Ha? Hindi ba? Sorry akala ko kasi wala na kayo nun ni Carter dahil sa nangyaring gulo kagabi." Napakamot pa siya ng batok pagkatapos niyang sabihin iyon. Hayst! Ang sarap naman kutosan ng isang ito.
"Hindi ganun yun!" Napapadyak pa ako. Naiinis na talaga, pakiramdam ko kasi napahiya ako kay Russo. "Anong sinabi mo sakanya? Kay Mr. Russo?"
"Sinabi ko iyong pinapasabi mo, kaya pala ayaw niyang umalis...Ngayon, naiintindihan ko na." Tumango-tango pa siya bago umalis sa harapan ko para magserve, ganun na din ang ginawa ko. I
Iniwasan ko pa talaga na hindi mapadaan sa parating puwesto nila. Nagtagumpay naman ako sa plano ko na iyon sa mag nagdaang dalawang oras pero nung maging mabigat na ang mga tao sa loob at naging wild na ay hindi ko na maiwasan pero hindi ko siya tinignan. Napansin ko din na mag-isa lang siya ngayon siguro nasawa na ang parati niyang kasama na sumama sakanya at mag-inom.
"'Teh, ikaw daw mag-serve sa table ni Mr. Russo." Tumango lang ako sa kasamahan ko ay mabilisang kinuha ang order. Nagtaka naman ako kung bakit, apple smoothie lang iyon. Siguro may kasama siyang babae na hindi puwede mag-inom kaya ganun ang inorder niya. Isinawalang bahala ko na lamang iyon hanggang sa malapag iyon sa lamesa niya.
"I thought you're not here. Are you bluffing me?" Napapikit ako sa tamong niya. Ayos na sana e. Hindi na sana ako kikibo pagkatapos iyon ilapag pero nagsalita pa siya.
"Ha? Hala hindi 'no. Wala naman akong sinabi sayo na wala ako rito." Save by my memory. Wala naman talaga akong sinabi o pinasabi na wala ako sa lugar na ito. Ang sinabi ko ay paalisin.
Bigla siyang napatikom ng bibig mukhang naalala din niya na hindi naman talaga iyon ganun. Napabuntong-hininga na lang siya.
"I'm sorry for accusing," paumanhin niya na tinanguan ko naman at isinatinig ang napuna.
"Ikaw lang mag-isa? Sino mo kasama sila Adler?" Umiling siya sa tanong ko at sumipsip sa inumin na dinala ko, which is yung apple smoothie. Napaawang ang bibig ko sa pagkabigla akala ko pa naman para iyon sa babae niya iyon, mukhang nagkamali ako. Dun ko rin napansin na walang bote ng alak ang nakalapag sa mesa na iyon.
So, hindi siya mag-iinom ngayong gabi? Eh ano pa pala ang pinunta niya dito?
"No. I'm alone. They have a lot of work stuffs to finish and they've been worrying about their kidneys." He shrugged after he said that and drink the smoothie while his eyes are fixed on me.
"Ahh ganun ba? Okay." Tumalikod na ako para makaalis pero mabilis ang kamay niya na tumama sa balat ko kaya, hindi iyon mainit na nakakapaso pero napaalis ko pa din ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Malamig kasi dahil sa hinawakan niyang smoothie. Naalala ko tuloy ulit bigla-bigla iyong lalaking lasing na pinisil-pisil ako sa braso, malamig din ang kamay nun, nandiri tuloy ako bigla at wari ko ay nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko.
"What?!" Singhal ko at tuluyang humarap muli. Niyakap ko pa ang dalawa kong braso kahit na mayroon akong hawak na tray.
"Did I scare you?" Napansin niya din ata ang pagbabago ng mukha ko kaya agad akong nagpilit ng ngiti. Hindi naman big deal iyong nangyari kagabi kaya wala naman ng dapat makaalam pa.
"H-Hindi. Magta-trabaho na ulit ako." Napapikit ako pagtalikod at nagpatuloy sa trabaho. Nang hindi siya makuntento ay hinarangan niya ang dadaanan ko.
"Are you avoiding me?" He asked. Napataas naman ang kilay ko.
Avoid? Wala sana ako dito sa harapan niya kung iniiwasan ko siya. Partly, baka nga gusto ko siyang iwasan o ayaw ko talaga siyang makita.
"Hindi," sinagot ko na lang ng diretso ang tanong niya. "Bakit ko naman gagawin yun?"
He sighed, looking down. "I don't know. Maybe, you don't like the call earlier."
"Ayos lang 'yon. Babalik na ako sa trabaho... Enjoy your drink, Sir." Pagkatapos ko iyon sabihin ay umalis na ako sa harapan niya at bumalik na nga sa pagta-trabaho.
Nang matapos ang shift ko ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na sinusundan ni Russo hanggang sa makalabas sa bar.
Bakit niya ba kasi ginagawa ito? Buti na lang nakakulong si Carter at hindi ito nakikita baka kung ano pa ang gawin nun, napakabaluktot pa naman ng utak.
"Teka nga! May kailangan ka pa ba saakin?" Tanong ko, may bahid ng pagkairita ang boses.
"Yes. The deal."
"Babayaran nga kita 'diba? Pero hindi pa ngayon."
Sinipa niya ang bato na nasa kanyang paanan tila mas naiinis pa siya dun. "Don't... don't waste your money on paying me. I'll just want you to be with me for five days in return. Don't worry it didn't involve sexual intimacy, I just want you to be around for days. I'll give you the rest of half million after."
Napakurap-kurap ako. Five days, no sexual intimacy. Mas okay yun kaysa sa five nights. Kung papayag ako ay sa loob lamang ng limang araw ay magkakaroon na ako ng pera pambayad sa bahay at lupa namin bago pa man ito kunin.
"Sige. Just let me know when should I start." Tumango-tango pa ako pagkatapos ko iyon ipahayag.
"Tonight."
"Ha?"
"Tonight. Allow me to drive you home," ani niya habang madidilim ang mga mata.
Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. It's convenient, pero safe ba ako sakanya?
"Okay." I just accept his offer. Malalim na din kasi ang gabi at wala talagang dumadaan na kahit anong pampasaherong sasakyan. Mahihirapan ako umuwi, kahit gusto ko naman na maglakad na lang ay pagod na ang katawan ko at baka may makasalubong na naman akong lasing sa daan.
Hinawakan niya ako sa kamay para igaya sa sasakyan niya pero pinalis ko iyon. After that night, I'm afraid to be touch by any stranger. Nang makapasok na kami ay nagtaka ako kung bakit hindi niya pa pinapaandar ang sasakyan kaya nilingon ko siya, only to see that he's staring in my arms. Hawak kasi ng isa kong kamay ang hinawakan niya kanina.
"Is there a problem with your hand?" Nagtataka niyang tanong, mas lalo lang nangunot nag kanyang mga noo ngayon.
Umiling ako para sabihin na 'wala naman' but he gently touched both of my hands and stared at my eyes as if he cares.
"Now, talk." He urged and I did.
"I got harassed by some drunk man on my way home, hinawakan niya ako sa kamay at pinisil-pisil iyon. Simple lang iyon pero nangdidiri ako."
Nakakafrustrate talaga minsan ang bibig ko, hindi maawat na hindi magsalita. I can just make up a story para hindi niya malaman. Una sa lahat, hindi niya naman talaga kailangan malaman. Si Carter nha ay hindi alam ang tungkol dun e----
Naputol ang pag-iisip ko ng makita siyang hawak ang kamay ko, kung saan ko itinuro na doon ako naharassed. Hinahalik-halik niya na ito ngayon.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko at pilit binabawi ang kamay ko pero malakas ang kapit niya kaya hindi ko magawa iyon. Dinama ko na lang ang paghalik niya dun pero naconscious din ako bigla dahil baka madumi pa ang balat ko.
Makalipas ang tatlong minuto ay binitawan niya na iyon at binalik ang tingin niya saakin.
"Just to replace your uneasiness becasue of the touch of someone else by my mouth," sabi niya at ngumisi.
Nang napasinghap naman ako ay bumalik na siya sa driver seats at nagdrive paalis.
Tangina. Makakalimutan ko nga yung hawak saakin ng lalaking lasing na iyon, yung pagkadikit naman ng bibig niya ang hindi ko makakalimutan!

Book Comment (115)

  • avatar
    Benosa CarilloMark James

    sarp

    01/04

      0
  • avatar
    Amben Riza

    ang ganda sana pero bitin part 2 please 🥺

    06/07/2025

      0
  • avatar
    Pizarro Seanjohn

    soid

    13/04/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters