logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Priscilla Riva Achardi POV
Ang kadiliman ng kalangitan ay para bang nakikipagdalamahati sa aking damdamin. Ang sakit naman ng sinabi niya.
Nagpapakahirap ako sa pagigong waitress tapos tatawagin niya lang akong 'pokpok'? Parang napakawalang kwenta ko namang girlfriend kung ganun.
Naglakad lakad ako para makalayo doon, wala akong balak sumakay kasi naubos na ang pera ko, paroon at parito. Ayaw ko naman galawin ang per na galing kay Russo, kung magbago ang isip ko ay ibabalik ko iyon sakanya.
Pagtingin ko sa oras sa cellphone ko ay magmamadaling araw na pala pero heto ako't naglalakad pa rin. Medyo nakalayo na rin ako sa presinto na iyon at pahuhupain konna lang muna siguro ang pagkahigh niya, baka nasa impluwensiya pa siya ng droga kaya ganun an lamang siya kung magsalita but I doubt that.
Carter has a explicit mouth, hindi na din ako magtataka kung hindi niya babawiin iyong sinabi niya kapag nahimasmasan siya.
Nang tumunog ang tiyan ko ay napagdesisyunan ko na huminto muna. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko para huminto pero napaghinuha ko na napahinto ako sa isang malaking building. Since, baka mapagkamalan akong pulubi ay umalis na lamang ako at naglakad ulit, hindi na din ako umiiyak. Baka may makakita pa saakin at isiping broken hearted ako, well, half meant.
Nasa madilim na kalye na ako, mukhang brownout pa, wala kasing ilaw ang mga poste, isang diretso na lang at barangay ay maabot ko na ang saamin. Kinuha ko ang cellphone ko at inopen ang flashlight dun para magbigay ng liwanag sa dadaanan ko. Sa layo ng nilakad ko ay hindi ako nakaramdam ng pagod, gutom lang, mas mukhang pagod pa ang puso ko kaysa sa binti e.
"Ayy! Anubayan!" Napasigaw ako ng may biglang humaglit sa braso ko mula sa gilid. Kung naniniwala lamang ako sa mga multo o aswang ay iisipin ko na isa iyon sa mga ito pero hindi e.
"Bitaw! Bitaw na!" Sigaw ko pa ulit at pinalo-palo ang kamay na humawak saakin. Pinipisil-pisil pa kasi niya ang laman ko, it gave me chills down to my spine, nakakadiri ang paraan ng pagpisil.
Hindi ko maayos ang flashlight na hawak ko para mailawan ang mukha ng kung sino man ito kaya hindi ko siya makita.
Siguro kung ako ay isang mayamang mahihin at maarte na babae ay baka natanggay na ako nito kung saan niya man ako balak dalhin. Sa pagkakasuri ko batay sa kamay nito ay lalaki ito at lasing din dahil sa amoy.
"Miss, alam mo bang matagal na kitang minamata?" Naamoy ko kaagad ang baho ng alak mo sakanyang hininga.
Bwesit naman gusto ko lang naman na umuwi may makakasalubong pa na lalaking manyak.
"Oo. Ngayon ko lang nalaman buti sinabi mo." Sarkastiko kong sagot. Mabuti na lang binitawan niya na ako pero hindi ko mailawan ang kanyang mukha dahil pilit niyang ibinababa ang cellphone ko para hindi iyon matutok sakanya. Mautak din ang isang 'to ah.
"Aba't sumasagot ka pa a!"
"Malamang! Tinanong mo ko e."
Kailangan ko matapang at hangga't maari ay makikipagbatuhan ako ng kabubuhan at kasartiskuhan sa lasing na ito kasi kung hindi ay malamang ay namanyak na ako nito. Ang hinihiling ko na lamang ay magkakuryente na para makita ko ang muka nito at maireport sa barangay.
Paano na lang kung hindi ako ang dumaan dito at mas bata pa saakin? Edi sana may biktima na naman ng rape? Alam ko na ang galawan ng mga lasinggero e, pero ayoko naman marape, ibang usapan na iyon.
"E kung halikan kita?" Nagsimula na siyang hawakan ang braso ko pero pinalis ko iyon tagumpay naman. Sa oras na naramdaman ko na lumalapit na siya sa mukha ko ay yumuko ako at umatras, ang ending nahalikan niya ang kalsada lasing pa naman siya kaya diretso lupa. Tama lang iyon sakanya. Flinashlight-an ko ang mukha niya at sadyang hindi ko siya makilala kaya pinicturan ko na lang para maireport.
Bago pa man ako makaalis ay nagkakuryente na doon ko na siya nakita ng maayos, siya iyong dakilang lasinggero sa barangay na ito at manyak din, matanda na ito sa pagkakaalam ko mga fifty years old na.
May nakakita sa nangyari kaya hinayaan ko na lang silang magrescue sa lasing na iyon. Hindi na kasi ito nakatayo matapos malugmok natulog na ata ng nakahalik sa kalsada. Tinanguan ko iyong nakakita saamin, indicating na nabastos ako ng lalaki na iyon at ipinapaubaya ko na lang sakanya.
Sa takot ko na may makasalubong ulit na ganun ay tinakbo ko na ang distansya ng bahay para makauwi agad. Dumiretso ako sa banyo para maghugas ng kamay kasi dumidikit at nararadaman ko pa din ang balat at pagpisil nito saakin. Buti na lang talaga at hindi ako naisahan nun, mukhang malinaw din ang mata dahil nakita ako kahit madilim. Nakalimutan ko tuloy ang tungkol kay Carter pero parang mabuti naman iyon, bukas ko na lang siya iisipin. Nang hindi ako makuntento sa paghuhugas lang ng kamay ay naligo na lang ako.
Nakapangtulog na ako at isang pikit na lang mata ang hinihintay ng katawan ko ay tiyak bagsak na ako pero nagsindi ako ng sigarilyo para maibsan ng konti ng kung anu-ano man na mga iniisip ko. Hindi pa ako nakuntento at naghahanap ng alak ang aking panlasa. Kumuha ako ng isang bote ng beer sa ref at bumalik sa kwarto. Partida hindi pa ako kumakain nito. Balak ko na talaga atang patayin ang sarili ko sa pamamagitan nito.

Masarap naman pala mamatay ng dahan-dahan, uunahin mo lang patayin ang lahat ng organs mo, hindi na kailangan ng kung ano pa man na matatalim na bagay. Alam ko naman na masama talaga itong ginagawa ko at hindi dapat gayahin ng kung sino man pero masisi niyo ba ako? Hobby ko na ito kapag nasasaktan, minsan nga kahit na normal na araw lang ay ginagawa ko ito. Hindi ko alam kung ilang bote ng beer ang nainom ko basta nakatulog na lang ako sa pamamagitan nun.
.
Maaga pa, alam ko pero naririnig ko na ang cellphone ko na tumutunog ng paulit-ulit. Alam ko na hindi ito normal na tawag ng kung sino man, dahil wala naman talagang tumatawag saakin ng paulit-ulit kahit na emergency pa yan.
Nakapikit pa ang mga mata ko habang inaabot ko ang cellphone na nakapatong sa gilid ng lamesa.
"Sino naman kayang bwesit ito? Umagang-umaga ay nang-iistorbo." Bulong-bulong ko sa sarili, bago sinagot ang tawag nanatili lang akong nakapikit, dahil kung sino man ang tumatawag na ito ay hindi niya deserve ang pagmulat ko dahil sa pang-iistorbo lang.
"H-Hello?" Pagsagot ko. Sa unang dalawang minuto ay wala akong narinig sa kabilang linya pero hindi ko pa din pinatay ang tawag hanggang sa makarinig akong buntong-hininga. Nang maramdaman ko na malapit na itong magsalita ay sumigaw ako. "Istorbo!" At pinatay ko ang tawag.
Itinabi ko ang cellphone ko at natulog ulit pero wala pa mang limang segundo ay tumatawag ulit ito. Kung siya ay gising na gising na sa oras na ito puwes ako hindi pa, nanggulo sa umaga e.
Nang mabwesit ako sa tunog nun ay sinagot ko na. "Kung ikaw ay wala pang balak na magsalita ay----"
"Calm down." Pagsasalita ng sa kabilang linya.
Nanlaki ang mata ko at tuluyang napabangon. Tila ay tinakasan na ako antok. Hindi mali, para akong binuhasan ng napakalamig na tubig na nagpagising saakin dahil sa boses ni Russo.
"Anong kailangan mo?" Pormal na tanong ko. Aba syempre hindi ko ipapahalata na nagulat ako sa pagtawag niya.
"Did I woke you up?" Huh. Wow. Just wow. Hindi pala siya aware na naistorbo niya ang pagtulog ko. Nakakatawa naman pala ang lalaki na ito.
"Sa sunod-sunod mo ba naman na tawag Mister dinaig mo ang taong may kailangang sabihin saakin na emergency ay hindi po, hindi niyo po ako nagising. Sa totoo nga niyan hinihintay ko ang pagtawag niyo." Sarkastiko kong sambit, sana lang ay nakuha niya, dahil kung hindi ay baka iba ang isipin niya.
"Are you?"
"Are you ano?"
"Are you waiting for my call?"
Napatawa ako. Hindi siguro tumatalab sakanya ang pagiging sarkastiko o sadyang assuming lang siya. "Nakakatawa ka naman pala. Hindi ako nagi-expect ng kahit anong tawag mula sa kahit sino lalo na sa 'umaga'." Pinagkadiinan ko talaga ang hiling salita na iyon at dahil nabanggit ko na lang rin naman ay agad kong chineck ang oras.
I scoffed. Alas syete pa lang ng umaga. Napakagaling. Hindi pa nakatulong ang pagkakaroon ko ng hang-over, nakaanim na bote pala ako kagabi, nakakalat pa ang nga ito sa ibaba ng kama ko.
"I'm sorry." Paumahin niya na kahit parang seryoso naman ay natawa ulit ako.
Hindi ko alam kung ano ang meron saakin ngaypng araw dahil parati akong natatawa, buti na lang ay hindi iyong tawa na pambaliw dahil kung magkaganun ako ay matatakot na rin ako sa saaking sarili.
"Ano bang kailangan mo?" Diretsong tanong ko at kumuha ng unan para ipatong sa hita ko bago sumandal sa headboard.
"Nothing. Just meant to wake you up and see the raising sun outside."
"Aba! Gago ka ah! For your information, I'm not a 'morning person' tapos ngayon tumawag ka lang ng paulit-ulit para sabihin na maganda ang araw ngayon?!" Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. "Wala akong pakialam kung maganda man ang araw ngayon, hindi na iyon impoertante saakin basta makatulog ako!"
"It's beautiful." Napaawang ang mga labi ko, hindi makuha kung ano ang tinutukoy niya. Dapat talaga sakanya ay matuto man lang magpaliwanag kung ano ang kanyang mga tinutukoy.
"Maganda na ang alin ba?"
"Your face-.... I mean, the sun, it's shining extraordinary today. You must saw it."
"Tsk."
Bumaba ako sa kama, -sumakit pa ang ulo ko dahil sa pagkabigla-, ng makita ko sa kurtina na tumatagos ang liwanag mula sa labas, at ang ganda ng kulay nun.
I'm not a fan of anything that signifies light, nakuntento na ako sa kadiliman.
"Hey? Are you there?"
Inipit ko sa gitna ng tenga at balikat ko ang cellphone bago sumagot.
"Oo. Teka lang naman. Kakababa ko lang ng higaan. Atat ka?" I scoffed but I heard him chuckles.
Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang sliding window. Ngayon ko lang narealize na sa buwang ito ay ngayon ko na lang ulit nabuksan ang binatana na ito. Kinuha ko ang nakaipit na cellphone at hinawakan na lang ito para makausap siya habang nakatanaw sa araw. Syempre hindi naman literal na nakatingin dun kasi masakit sa mata.
"Kapag nakita mo ang araw ay ngumiti ka lang, Anak. Simbolo iyan ng bagong biyaya para sa buhay mo. There's a hope underneath that sunshine."
Bigla kong naalala ang sinabi saakin ni Papa nung bata pa ako. Kasi noon pa man ay ayaw ko na talaga sa liwanag, I'm not afraid sadyang ayaw ko lang. Unti-unti akong ngumiti at nagtaas ng kamay para kumaway dun. Sigurado naman ako na walang makakakita saakin kasi nasa bandang likod nakaharap ang bintana ko, kung meron man ay sana huwag nilang isipin na nababaliw na ako.
"Are you smiling?" Napatalon ako ng konti dahil sa boses niya. Ilang minuto ko pa lang nakalimutan na may kausap ako.
"Yeah," I said truthfully. Wala naman akong dapat itago sakanya, hindi naman niya ako nakikita kaya ayos lang iyon.
"That's nice. Start your every morning with that habit." Nanatili akong tahimik sa sinabi niya. Dinadama ko lang ang init ng araw sa balat ko. "I just wake you woke you up because everytime I saw you, you look pale and I thought you need sunlight."
Kung alam niya lang, ganito naman talaga ako pero kung nasa paligid siya with his dominating vague attitude ay hindi ko maiwasan kabahan at siguro namumulat ako sa nga pagkakataon na iyon. Hindi ko kasi malaman kung ano ang iniisip niya at para saakin ay parati siyang galit.
"Did you eat your breakfast?"
"Hindi pa. Kakagising ko nga lang dahil sa tawag mo 'diba? Tsk."
"Easy. I won't bother you anymore. I'll end the line but eat breakfast after."
Hindi ko alam kung bakit ako napangiti. Simple lang naman ang sinabi niya but it fluttered my heart. Si Carter kasi ay hindi ako sinasabihan ng ganun, siya pa ang pupunta dito sa bahay para makikain ng umagahan, wala naman iyong kaso saakin mas maganda nga kasi may kasabay ako kumain at hindi naman kami madalas mag-usap sa cellphone nun tapos heto si Russo, iba yung tama ng sinabi niya saakin. He sounded like he cares.
"Okay."
"Okay."
Hindi ko malaman kung kailangan ko na ba i-end ang tawag o siya na lang pero agad akong nagsalita bago niya pa magawa yun.
"Good Morning," pagbati ko at inend na ang tawag.
Even though may hang-over pa ako ay parang nawala iyon. Hindi ko na din tinangga na matulog pa ulit. Naghilamos lang ako at bumaba para magluto ng umagahan, susundin ko ang sinabi niya. I feel like I needed to.
Habang kumakain, it makes me realize that,
He makes my morning today.
Pagakatapos ng mga naramdaman ko kagabi ay parang biglaang nawala ang bigat ng pakiramdam ko, I guess bukod sa pagiging magandang lalaki, he can be that ideal man to be in your life.
Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa naisip. Hindi. Hindi puwede.

Book Comment (115)

  • avatar
    Benosa CarilloMark James

    sarp

    01/04

      0
  • avatar
    Amben Riza

    ang ganda sana pero bitin part 2 please 🥺

    06/07/2025

      0
  • avatar
    Pizarro Seanjohn

    soid

    13/04/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters