Pinipilit ni Priscilla na makawala sa pagkakahawak ni Russo ngunit hindi niya magawa hanggang natagpuan niya na lamang ang sarili sa labas ng bar at tapat ng sasakyan ng lalaki sa parking lot. "Pakibitawan na po ako, Sir." "We have an agreement. I gave you money, so you must pay me back with your service." 'Baliw na ba 'to? Agad-agad? Uhaw na uhaw? Gusto ko na ngang ibalik ang pera niya pero binigyan niya naman si Carter.' Napairap na lang si Priscilla dahil sa naisip at mas lalo siyang nainis ng mahagip ng paningin niya ang nandidilim na mga mata nito pero may ngisi sa labi. "Bitawin mo na nga kasi ako! Bakit mo kasi binigyan iyon ha?! Hindi ko naman sinabi sayo na bigyan mo siya! Nakita mo naman na ayaw ko na ngang bigyan at ibabalik na lang sayo ang pera mo pero tignan mo ang ginawa mo! Kasalanan ko ba yun ha?" Nilagay niya pa ang isang kamay sa bewang habang ang isa naman ay itinuturo siya. Hindi niya alam kung bakit nagkaroon siya ng lakas ng loob para sigawan ang kaharap na lalaki ng ganun. "Do you really want to watch you harrassed by him?" Sa malumanay na tanong ni Russo ay umawang ang kanyang bibig at biglang nawalan ng mga salitang ibubuga. Lumipas ang isang minuto bago siya nakahanap ng salitang itutugon. "Ano? Pakiulit nga." "Do you really want to watch you harrassed by him?" 'Ayy. Inulit nga.' Sinabi niya sa kanyang sarili. "Do you care about me?" Hindi iyon sinagot ni Russo at sinagot na lamang niya ito ng isa pang tanong. "You really want to back out?" "Oo." He clicks his tongue. "Once you said it, there's no turning back, Honey. Unless you want to pay what I gave to him? Hmm?" "Baliw." She murmured. "Sige. Babayaran ko." "What?!" Hindi makapaniwala si Russo dahil buong akala nito ay mapapayag niya ang babae at hindi na makakatanggi dahil walang pambayad. "Babayaran ko. Kailangan ba talaga na parati kong ulitin?" Naiirita na siya sa pinatutunguhan ng kanilang usapan. "No?" "Okay. Babayaran kita pero monthly. Hanggang sa mabayaran ko iyong ibinigay mo sakanya. Tsk." Umiling-iling si Russo, nadismaya sa sinabi ng kaharap. "I'm not doing monthly business. I you can't pay me tomorrow pay me tomorrow with the digits I gave to your boy---" A sound of a phone call disturb them from talking. It's from Priscilla's jeans pocket. "Teka. Sagutin ko lang 'to" Tumango lang ang kaharap niya, tila walang pakialam pero ang totoo ay nakita nito ang caller, may pangalan iyong 'Carter'. Napailing na lamang siya pero gusto niya oa din magpapansin. "Is that your bastard boyfriend?" He asked. Napataas naman ang isang kilay ni Priscilla bago sumagot ng "Oo." Tumalikod siya para sagutin ang tawag. Kahit na ayaw niya ay kailangan kasi baka emergency iyon o kaya makikipag-ayos, kahit malabo dahil nakahithit ito ay umaasa siya. "Hello? Anong kailangan mo?" Pagsagot niya. "A-Ate? Ate Priscilla?" Nanlaki ang mata niya ng bumungad ang boses ng kapatid ni Carter na umiiyak. Agad siyang kinain ng kaba. "Anong nangyari, Cherie?" "Ka...Kailangan na operahan ni Mama, Ate. Mayroon ng dalang pera si Kuya, pero Ate, walang tigil siyang nagsusumigaw dito sa hospital, Ate. Wala si Papa dito. Kailangan ka po namin ngayon." "Ahh ano. Hindi pa kasi ako out, mamaya pa." Nagdadalawang-isip siya kung pupunta ba o hindi. Totoo naman na hindi niya pa out sa trabaho pero ngayong inihatak na siya palabas ni Russo ay hindi niya alam. Kasi puwede naman na alisin ng mga nurse o iba pang tauhan ng hospital doon si Carter kung nagwawala na siya, it's not as if na napapakalma naman ni Priscilla si Carter. Kasi maging siya ay hindi nito pinapakinggan. "Ate, please." Pagmamakaawa pa ng kanyang kausap at suminok pa ito. Nang marinig niya ang boses ni Carter ay bigla siyang nabahala. Bumuntong hininga siya ng nakabuo na ng pasya. "Sige. Antayin niyo ko diyan. Magpapaalam lang ako." "S-Salamat, Ate." Doon na natapos ang kanilang pagu-usap at pagharap niya ay bumungad pa din ang malaking katawan ni Russo, buong akala niya ay umalis na ito. "You done?" Tanong nito sakanya. Kahit nagtataka kung ano pa ang ginagawa niya dun at bakit siya nito tinanong ay sumagot siya. "Oo." "So, are we going to close the deal?" "Deal?" Naguguluhan na si Priscilla sa nais nitong ipabatid, kung bakit naman kasi ay hindi na lang ito magsalita ng may kaakibat na pagpapaliwanag ng sa ganun ay maintindihan niya ito agad. "Five nights for half million." Napaikot na lamang siya ng mata. Kung tatanggapin niya ang ito ay paniguradong wala namang mawawala pa sakanya dahil hindi naman na siya birhen katulad ng ibang babae. Ang mawawala na lamang ay ang kanyang mga bayarin. Kung siya ay magiging praktikal, ay sulit na ang inooffer ng lalaki sakanya. Limang gabi lang ay makakakuha na siya ng malaking halagang pera. "Hindi ko alam. Pag-iisipan ko muna." Binaba niya ang ulo at tinignan ang paa. "May business card ka ba?" "Yes. Of course." "Pahingi." Nilahad niya ang kamay sa lalaki para sa kanyang hinihingi. Wala namang pagdadalawang-isip na dumukot si Russo ng isang business card sa bulsa ng suit niya at nilahad ito sa babae. "What are you going to do with that card?" "I'll contact you once I made up my mind. Ayoko ng may pagsisihan ako sa padalos-dalos na pagdi-desisyon. Kaya sana makahintay ka. Kung hindi ay gagawa ako ng ibang paraan para mabayaran ang ibinigay mo kay Carter." Russo put his one hand on his chin, tila ba ay nag-iisip din ito. "Sure. I'll wait then but contact me before seven days end." "O-Okay." Itinago niya na sa bulsa ang business card na ibinigay sakanya. Hinubad niya na rin ang apron dahil napagpasiyahan niya na pumunta na lang muna sa hospital para tignan ang kaguluhan na ginawa ng kanyang kasintahan. Bago pa siya makalad papasok ulit ng bar para magpalaam ay napahinto siya dahil sa tawag ni Russo. "Wait. It's unfair if you only have my business card, I want to have your number too." Napaawang sandali ang bibig ni Priscilla dhail sa sinabi nito. Sa pagkakaalam niya ang business card ay naglalaman ng contact number ng opisina nito at hindi ang kanyang personal na numero. "Ha? Baliw ka ba? I asked for your business card, not your personal number." "Not really, I have my personal number underneath my office number." Napaisip siya at ayaw naman na niya pahabain ang kanilang pag-uusap kaya naman naglahad siya ng kamay hinihingi ang cellphone ng lalaking kaharap para doon na lang ilagay ang kanyang numero. Naintindihan maman ni Russo ang gesture niya kaya ibinigay niya at pinanood siya na magtipa dun. Nang matapos din siya ay ibinalik niya din naman kaagad. "Happy?" Sarkastiko tanong ni Priscilla pagkatapos. "No." Pagkasagot nun ni Russo ay biglang tumunog ang cellphone niya sa bulsa. Alam niya na ang ibig sabihin nito. "There. I'm happy." Ngumisi pa si Russo sakanya, nang-aasar lamang. "There. I'm happy." She mocked. "Napakasigurista mong kumag ka!" Umacting siyang susuntukin siya bago pumasok sa loob, dahil sa ginawa niya ay tinawanan lamang siya ni Russo at sumunod din na pumasok. . "Sir, may emergency lang po ako, kung puwede ay makaalis na po ako. Kailangan lang po talaga ako sa hospital." Pagpapaalam niya sa Manager. Ngumiti ito sakanya. "Ano ka ba naman, Priscilla. Ayos lang 'no. Naiintindihan ko. Siya sige umalis ka na." "Salamat po, Sir." Nagmamadali niyang iniayos ang sarili para lumabas na, nagpaalam na din siya sa ibang mga kasamahan niya bago umalis at naghanap ng taxi. Nakita ni Russo ang kanyang pag-alis pero hindi niya na lang ito inintindi. Her business is not his though. . "Ate Priscilla!" Napalingon si Priscilla sa tumawag sakanya ng makarating siya sa floor kung nasaan ang mga ooperahan. Buti na lang au naisipan niyang magtaxi at hindi magjeep kasi panigurado ay matatagalan siya. Baka isipin pa ng kapatid ni Carter na nagsisinungaling lang siya na pupunta ito. Agad siyang lumakad papalapit sa puwesto nito at napansin na wala naman dun si Carter. "Asan na ang Kuya Carter mo ha?" Paunang tanong niya. Hindi niya maiwasan na manlambot ng makita ang mukha nitong mugtong-mugto sa kakaiyak. May pagkagulo na din ang buhok. Napabuntong-hininga na lamang siya ng malalim. "Wala na, Ate." "Paanong wala na? May kumuha ba sakanya? Saan siya dinala? Pupuntahan ko." Bago pa man siya nito masagot ay may sumunod na naman na tanong na lumabas sa bibig niya. "Kamusta pala ang nanay mo? Inooperahan na ba siya? Iyong tatay niyo?" Napatawa so Cherrie sa sunod-sunod na tanong nito. "Bakit?" Tanong ni Priscilla sakanya. Naguguluhan kung bakit ito natatawa. "Anong nakakatawa?" "Wala naman po, Ate. Sunod-sunod po kasi ang tanong niyo." Napahawak siya sa bibig, noon niya lang iyon narealize. "Ahh ganun ba? Sorry." "Si Tatay po Ate ay umalis. Bibili lang daw po ng pagkain. Hindi ko po alam kung saan pero mag-iisang oras na din naman po." "Hintayin mo na lang pero dapat hindi ka nag-iisa dito. Pano na lang kung may emergency o kailangang gamot ang nanay mo, sinong bibili?" "Naku, Ate. Huwag niyo na po iyong isipin. Pupuntahan naman po ako nila Kuya dito. Medyo mahuhuli nga lang sila." "Okay. Pero iyong nanay mo? Inooperahan na ba?" "Opo, Ate. Nagsisimula na po." Niyakap na lamang niya ang bata sa pagkahabag pero tila gumuho ang mundo nito sa sumunod na sinabi. "Pero si Kuya, kinuha po siya ng mga Pulis kanina. Pagkatapos ko lang po kayo tawagan ay kinuha siya. Nagkashabu po kasi at nakuhanan pa po siya ng ilang pakete nun pati ng iba pang illegal na droga." "Nasaan siya?" "Nasa presinto po, Ate." Hindi na niya hinintay pa ang susunod na sasabihin ni Cherrie at tinakbo na niya ang pababa ng hospital para makapunta sa presinto. Malaking pabigat man si Carter sa buhay niya ay siya lamang ang taong nanatili sa kanyang tabi sa buong panahon na mag-isa siya, kaya mahal niya ito. O siguro iyon lamang ang akala niya. Ang akala niyang madaliang byahe para makapunta sa presinto kung nasaan man ang kanyang kasintahan ay inabot ng halos tatlong oras dahil sa isang aksidente na nangyari sa kalsada at wala na siyang pakialam dun. Nang mahinuha niya na tatagal pa ang pagusad ng nga sasakyan ay nagpasya siya na takbuhin na lamang ang distansya ng presinto mula sa kinaroroonan niya hindi naman na iyon ganun kalayo. Pawisan siyang pumasok sa loob dahil sa pagod na naging sanhi para pagtinginan siya ng mga taong naroroon. "Sir, hinahanap ko po si Carter De Guzman." Paglapit niya sa information desk. "Ahh yung lalaking nakashabu na nagwawala sa hospital?" "Opo." "Andun sa pinakadulong kulungan, tignan mo hanggang ngayon ay sumisigaw pa rin." Hindi na niya pinansin iyon at lumakad para puntahan ang dulong selda, hindi pa man siya lubusan na nakakalapit at nakikita ni Carter ay naririnig na niya itong nakikipag-away. "May girlfriend ako, Pare. Maganda yun pero ang problema ay ayaw ako papasukin sa gitnang butas na mayroon siya. Eh pokpok naman yun, at jowa naman niya ako. Bakit hindi niya maibigay saakin ang sarili niya pare?" Napatigil siya sa paghakbang at tila nanigas sa kinatatayuan. "Maraming pera iyon dahil sa pagpo-pokpok niya. Mahal din ako nun kaya sa oras na malaman niya na nandito ako ay tiyak na mamaalam na ako sa seldang ito... Hindi ako magawang iwan nun e, pinagtiya-tiyagaan ko na nga lang. Pwe!" Sa pagpikit ng kanyang mga mata at pagkuyom ng mga palad ay ang siyang pagbagsak ng kanyang mga luha. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kanyang kasintahan. Minamahal niya lang naman ito. Bakit ganun kasakit mahalin ang isang adik? Parang nagbibiro na lang siya sa sarili niya, malamang adik, ano pa ba ang aasahan niya? Alam niya naman na magkaiba ang kahulungan at katangian ng 'playboy' at 'adik' pero bakit ang dalawang iyon ay nasa katangian ng kanyang kasintahan? Nakita siya ni Carter pero hindi man lang nito tinawag si Priscilla, tinignan niya lamang itong umiyak doon hanggang sa umalis na ito.
sarp
01/04
0ang ganda sana pero bitin part 2 please 🥺
06/07/2025
0soid
13/04/2025
0View All