logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter #6:

~ ACE ~
Habang tumatagal ay mas lalong dumarami ang mga gig events na pinupuntahan namin. At dahil sa success ng mga naunang pagtatanghal ay naiimbitahan na rin kami sa mga private resorts at villas para mag-perform.
Speaking of which, minsan ko nga palang nakita si Ele sa isang cafe malapit sa resort na aming tinugtugan. Malas nga lang at galing ako sa pakikipagsuntukan sa lasing ng nagkita kami.
Pero mabuti na rin at nakita ko siya doon kahit na nahiya ako ng konti sa ayos ng pagmumukha ko. Baka kasi akala na basagulero ako. Mabuti na lang mabait siya.
Plano ko nga sana na mas kilalanin pa siya at maging kaibigan pero hindi ko inaasahan na makikita ko siyang umiyak kaysa ngumiti.
Hindi ko alam kung anong dahilan para umiyak siya noong araw na ‘yun, ngunit dahil sa nangyaring pakiramdam ko ay kinakailangan ko siyang bantayan at protektahan. Hindi naman sa gusto kong maging si superman o spiderman pero para kasi siyang mamahaling crystal na dapat iniingatan at hindi sinasaktan.
“Bro, sabihin mo na kasi. Sino ba itong babaeng ito at tila nahuhumaling ka sa kanya?”
Nandito kami ngayon sa second floor ng food court kung saan hinihintay namin si Aileen at Alex. At dahil wala pa sila ay naisipang nitong si Vince na batuhin ako ng mga tanong tungkol kay Ele.
“Kailan ka pa naging chismoso, Vince?” tanong ko sa kanya.
Mula yata nang malaman nilang may hinatid kaming babae ni Raven noong nakaraang umulan na naging dahilan upang kami ay malate sa gig ay panay na ang pagtatanong nito kung sino daw ba ‘yun, at lalo lang tumindi ang kuryusidad niya ng malamang umalis akong mag-isa sa resort gamit ang kotse ni Raven matapos kaming makipagsapakan sa mga lasing.
Sa totoo lang wala namang kaso kung tanungin niya ang personal na buhay ko dahil pinagkakatiwalaan ko naman siya bilang kaibigan pero pagdating sa babae o kung sinumang natipuan ko, wala akong tiwala sa kanya.
Kilala ko ang ugali ng ulupong na ‘to kaya alam kong aaasarin lang niya ako kapag nagkataon. At ‘yun ang iniiwasan ko.
“Hoy Raven, hindi ba nakita mo naman yung babae?” baling nito sa nananahimik na Raven. “Maganda ba? Sabihin mo na.”
Hindi tinapunan ni Raven ng tingin si Vince at naka-focus lang ang loko sa phone. “Ilang ulit ko na bang sasabihin sa’yo na madilim kaya hindi ko siya nakita ng mas malinaw.”
Kung hindi ko kilala itong si Raven, sasabihin ko pang sinusuportahan niya ako sa aking sikreto pero dahil kilala ko itong lolong ‘to, alam kong may masamang budhi rin siya.
Sa unang tingin masasabing iniiwasan niya ang mga tanong ni Vince dahil ayaw niyang makisawsaw o wala siyang pakialam sa buhay ng ibang tao. Pero hindi ‘yun ang totoo dahil sinabihan ko siyang ‘wag magsalita kapalit ng kung anumang tulong ang kailangan niya.
Honestly, kung binalewala ko ang sinabi niya at hindi ako pumayag sa kasunduan, malamang ito na ang unang nagsiwalat ng tungkol kay Ele. Malakas din itong mang-asar eh.
“Bakit ba sobrang interesado ka Vince? Huwag mong sabihing type mo?” balik tanong ni Raven.
“Ulol. Hindi ganun. Ngayon ka lang kasi laman ng gossip page ng school website at front page pa.” Ngising aso ang ulupong.
Madalas si Vince ang pinagpiyestahan ng mga social media dahil siya lang naman itong may oras para mag-entertain ng mga babae kaya kahit bad publicity or not basta daw makatulong upang sumikat at makakuha ng connection, ayos lang.
“Gago. Masaya ka na hindi na ikaw ang center of attention ng Royale?”
At talagang pinagtawanan lang ako ng siraulo. Pero totoo nga naman na mula ng magkita kami ni Ele sa resort ay lagi ko na siyang nakakasalubong kung saan-saan sa school. Hindi naman sa nagrereklamo pero minsan sinasadya ko nang magkita kami para lang mabati ko at malaman kung kumusta siya. Ewan ko ba, gustong-gusto kong mapalapit sa kanya.
Ngunit minsan, hiling ko na sana close na kami para naman hindi na ako pasimpleng naghahanap sa kanya. Ang hirap kasi na gusto ko nga na makilala siya pero siya, parang hindi interesado. Hindi man niya sabihin at aminin ay ramdam ko rin naman na hindi siya sanay sa presensya ko kaya may mga pagkakataong umiiwas siya kahit kapag malapit ako.
Aish, ano ang gagawin ko para mas gumaan ang loob niya sa akin? May ‘How to be Friends for Dummies’ ba na libro sa National Bookstore? Kailangan ko na bang bumili?
“Ah Ace, sorry to break your mind battle but I think you need to go to the SC room.”
“Tch. I’m not having a mind battle, ‘Ries,” paliwanag ko. “Ano ba ‘yun?”
Binalewala lang ni Raven ang sinabi ko at nagmamadali nagligpit ng mga gamit bago may kung anong tinapa sa phone.
Nakapagtataka naman kasi dahil wala naman akong kailangan sa student council o maalalang task na kailangan ng atensyon nila. Mas lalong wala akong offense or violation na ginawa simula nung nagumpisa ang summer school. Good boy kaya ako.
“Bro saan ka ba pupunta? Hinihintay pa natin sina Aileen,” katwiran ni Vince.
Pareho kaming nakatingin lang kay Raven habang ipinagpatuloy ang pagliligpit ng gamit. “Nasa SC sila. Hindi ka raw ma-contact Ace kaya ako yung kinontact,” baling niya sa akin.
“Ano nga kasing meron?”tanong ko ulit.
Ang labo naman kasi nitong si Raven bakit ‘di na lang sabihin? May suspense-suspense pang nalalama-
“Your Ele is in danger.”
It’s all the words I needed to drop everything and go.
Wala na akong inaksaya pang panahon dahil sa sinabi ni Raven. Tumakbo na agad kami sa SC Room kung nasaan si Alex na lang ang naabutan namin doon na nakikipagtalo sa isang babaeng gulong-gulo ang buhok na tila taong grasa na ang itsura. Ngunit hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin at hinayaan na lang sa kung anuman ang ginagawa nila.
Nilibot ko ang aking paningin at hinanap ang kinaroroonan ni Ele. Nang mahagilap ng aking mata ang isang babaeng naka-uniporme na nakayuko at yakap-yakap ang sarili sa isang madilim na sulok ng room ay agad akong lumapit. May mga mumunting hikbing maririnig sa kanya at kapansin-pansin ang magulo niyang buhok at ang lukot-lukot at sira nitong damit.
“E-ele...” Dahan-dahan akong lumapit at sinubukang hawakan ang kamay nito para sana makuha ang atensyon niya pero bigla na lang niyang isiniksik ang sarili sa pader kasabay ng pagtakip sa kanyang ulo.
“P-please...h-huwag mo kong sasaktan.P-parang –awa...mo na.. Please... W-wala akong kasalanan. Maawa ka....”
Hindi ko inaasahang marinig ang basag na basag niyang boses. Ibang-iba ang tono nito noong unang beses kaming nagkita. Hindi rin ito ang tinig na aking narinig noong una ko siyang nakitang umiyak. Bakas ang sakit at pamamaga sa kanyang boses pero mas nangingibabaw ang pagkadesperado sa kanyang tono kung saan ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay tila pag-iyak ng saklolong kailanman hindi dumating.
“E-ele. Wala akong gagawing masama sa’yo. Hindi mo ba ako nakikilala?” Muli akong lumapit ngunit napaatras ako sa gulat ng bigla na lang siyang nagsisigaw.
“NO!Lumayo ka!Lumayo ka! Lumayo ka..parang awa mo na!” Bakas sa kanyang boses ang pagkamuhi pero hindi ito lumalaban o nananakit. Patuloy lang niyang isinisiksik ang kanyang sarili sa isang sulok na tila ba iyon lang ang lugar na ligtas sa kanya.
Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung bakit pati ako ay hindi niya makilala o nabosesan man lang. Bakit parang tila isa akong demonyo sa kanyang mga mata at ko ang nananakit sa kanya?
“Ele...Si Ace ‘to. Huwag kang matakot. Hindi kita sa -”
“ N-no...P-please...Please...maawa ka. NO!”
Fvck. Anong ba ang nangyari sa kanya? Bakit tila wala siya sa sarili? Hindi naman siya ganito nang huli kaming magkita ah. Hindi rin ganito ang inaasahan kong sasapitin niya ngayong kami ay muling nagkita.
“Ace,” pinigilan ako ni Alex sa muling paglapit kay Ele. “Huwag ka nang lumapit mas lalo lang siyang matatakot sa’yo.”
Tangina. Matakot? Kailan pa natakot si Ele sa ‘kin? Sa ilang beses naming pagkikita hindi siya nakaramdam ng takot o pangamba. Alam kong may pagka-gago ako pero kailanman ay wala akong plano o balak manakot o manakit ng mga babae.
“Ikaw.” Napantig ang aking pandinig ng makuha ng babaeng kaaway ni Alex kanina ang aking atensyon. Hindi ko siya kilala pero matalim ang tingin niya sa aking na tila ba nagawan ko siya ng pagkakamali noon kahit ‘di naman siya pamilyar sa akin. “Ikaw iyong tumulong kay Yena ng nagkasunog ‘di ba? Mr. Ace Santillian?”
Tumango ako bilang sagot. “Ah miss, mawalang galang na, sino k-”
“Cristine. Kaibigan ako ni Yena. Kasama niya ako ng mangyari ang insidente.”
Sa sinabi nito ay mas nakuha na agad niya ang atensyon ko upang alamin ang kabuuan ng nangyari. “Anong alam mo?”
“Lahat.”
“Kung ganun gusto kong mala-”
“Salamat sa pagtulong mo sa kaibigan ko noon pero wala akong tiwala sa ’yo.” Matalas pa rin ang pananalita nito at masama ang tingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung naargabyado ko ba siya o talagang ganun lang siya magsalita.
“Okay, mawalang galang na ah,” pagsabat ni Vince, “pero ano ba ang gagawin natin ngayon sa kanya?” Itinuuro ni Vince ang kinaroroonan ni Ele na ngayo’y nakaidlip na yata.
“Yelena ang pangalan nya. Matuto kang kumilala,” sagot ng amazonang babae saka lumapit kay Ele.
“Fine.” Taas kamay ni Vince na suko agad sa talas ng bibig ng amazona. “So ano na ang gagawin natin kay Yelena?” pagdidiin nito sa pangalan ni Ele.
“Iuuwi ko na siya tutal wala naman na kaming dapat gawin pa dito. Nasabi ko na kay Alexander kung anong nangyari kanina. Sana lang gawin niya ang nararapat,” sabi nito saka binalingan si Alex na seryoso rin ang tingin dito.
“At paano mo gagawin ‘yun?” tanong ko.
“Kinakailangan ko ng tulong niyo tutal mukha naman kayong malalakas. Ikuha niyo ko ng stretcher para mailipat natin si Yena doon saka niyo buhatin hanggang sa may parking ng Theater Hall para naman may silbi ang mga so called muscles niyo.”
Napantig ang pandinig ni Vince kaya sinagot niya ang paratang ng dalaga. “So called muscles? Miss for your information itong so-called muscles na sinasabi mo ay legit. Fruit of hard work ‘to. Walang halong - ”
“Aish. Whatever. Wala akong pakialam kung pinya o mansanas yang hard work mo. Ano tutulong ba kayo o hindi?”
Natawa lang si Raven ang naging sagot ng dalaga. Hindi naman kasi kinakausap itong si Vince ay pinatulan pa. “Bro kita mo yun. Wala palang kwenta yang fruit of hardwork mo eh. Baka kasi bulok na.”
Napabuntong hininga ako. Walang mangyayari kung makikisawsaw ako sa pagbibilang ng mga bulok na prutas kasama ang dalawang unggoy kaya mas minabuti ko na lang pagtuunan ng pansin si Ele.
Nakatulog na nga ito pero bakas parin sa mukha niya ang mga marka ng mga nagdaang luha. Hindi rin nakatakas sa akin ang kamay nitong may mga galos at tuyong dugo pero mas nakuha ng pansin ko ang palapulsuhan niyang may mga peklat at guhit.
Natakot tuloy ako bigla sa unang bagay na naisip ko. Sana naman ay hindi ‘yun ang nangyari. Sana naman ay masyado lang akong nag-iisip.
I took a deep breath, shaking off the doubt and negativity in my head.
Gusto kong malaman kung anong nangyari. Kung paano niya natamo ang mga sugat na meron siya at kung anong dahilan ng mga peklat sa balat niya. Pero sa ngayon ay kailangan niya ng tulong at aruga. Kailangan ko siyang alagaan.
“Teka anong ginagawa mo?” Pinigilan ako ng babae nang makita niyang buhatin ko si Ele palabas ng SC room.
“Bakit pa natin kailangan ng stretcher para lang mailabas si Ele dito. Mas mabuting ako na mismo ang magdala sa kanya sa ospital,” sagot ko bago binalingan si Raven. “ Raven, pahiram muna sasakyan mo.”
Hindi na nagdalawang isip pa si Raven at ibinato na lang niya sa akin ang susi ng sasakyan niya. “I need it back by tomorrow so I expect it to be clean and ready to go.”
Hindi ko na pinansin ang ngiting aso nito kahit na gusto ko silang batukan. Ang mahalaga ay mailayo ko si Ele dito kaya tumuloy na ako sa kung saan man naka-park yung sasakyan.
“Wa-wait sasama a-”
Narinig ko pa ang boses ng amazonang kaibigan ni Ele pero hindi ko na pinansin. Hindi ko na rin siya nakitang sumunod o maghabol pa. Si Alex na siguro ang kumausap sa kanya upang pinigilang sumama sa ‘kin.
Mas makabubuti na rin yun para nabigyan ng katahimikan ang biyahe namin. Ang kailangan ngayon ni Ele ay pahinga kaya kailangan niyang lumayo muna sa lugar na ito.
xx

Book Comment (87)

  • avatar
    OrtegaKy

    500

    11/08

      0
  • avatar
    Jomar Dequito

    I want diamond in mobile legends

    07/08

      0
  • avatar
    Rico Navales

    thank you

    25/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters