logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter #5:

~YELENA~
Alas diyes na ng gabi at oras na para isara ang cafe sa araw na ito. Madalas pang-umaga at sa weekend ang trabaho ko pero umabsent ang dapat na magka-assigh para sa night shift kaya kinakailangan kong mag-stay hanggang closing. Wala namang problema sana sa akin yun kung may kasama ako pero mag-isa lang ako ngayon, mabuti na lang at hindi busy dahil baka hindi ako matapos.
Ilinagay ko na ang close sign sa pinto upang alam na ng mga taong sarado na ang cafe. Pagkatapos kong gawin yun ay sinimulan ko na ang paglilinis at pag-aayos ng mga gamit ngunit nagambala ang aking ginagawa nang bigla na lang akong makarinig ng isang malakas na paghampas sa labas ng cafe.
Agad akong binalot ng takot. Nanginginig ang aking kamay at bumilis ang tibok ng puso ko na tila ba lalabas na sa aking dibdib. Humigpit ang pagkakahawak ko sa walis, na hindi ko alam kung makakatulong kung sakaling magnanakaw ang taong yun.
Kinakabahan man, patuloy akong naglakad sa pinanggalingan ng tunog upang suriin kung anong nangyari. Dahan-dahan akong lumabas hanggang sa masilayan ko ang pigura ng isang taong nakayukong nakaupo sa harap ng shop. Siya na marahil naging sanhi ng malakas na ingay.
"Excuse me, sir," tawag ko ngunit walang tugon ang lalaki na parang hindi niya narinig ang sinabi ko. Sinubukan ko siyang tapikin sa balikat hanggang sa maagaw ko ang atensyon hanggang sa nagawi ang tingin niya sa akin. "Ace?"
Bakit siya nandito?
"Ah, ikaw pala, Ele,” walang buhay niyang pagkakasabi. Bakas ang pagod sa kanyang mukha at tila wala siya sa sarili. Halos parang hindi siya ang Ace na nakilala ko noong isang araw. "Sorry. Alis na ‘ko."
Sinubukang tumayo ni Ace pero nawalan lang ito ng balanse, mabuti na lang ay naagapan ko ang pagbagsak niya sa sahig. Ano bang nangyari sa kanya?
“Sorry, salamat.” Humiwalay siya sa pagkakahawak ko dahilan upang mas mapansin ko ang pasa sa kanina ay natatakpan ng kanyang hoodie.
“Anong nangyari sa ‘yo?” Akmang hahawakan ko sana ang mukha niya para suriin pero agad itong lumayo kaya hindi ko hindi ko na itinuloy pa.
"Just slipped by the pool a while ago," he lied. I could feel it.
Alam kong hindi lang simpleng pagkadulas ang nangyari. Isa pa hindi basa ang damit niya, bagkus ay marami itong gusot at gasgas, indikasyon na hindi siya galing sa dagat o sa pool.
“Gusto mo bang magpahinga muna? Sarado na ang cafe para sa mga customer pero hindi pa naman ako tapos maglinis kaya pwede ka pang tumambay kung gusto mo.”
Hindi ko alam kung bakit ko siya inimbitahan dahil hindi naman ako malapit sa kanya. Ngunit kung iiwan ko siya at hahayaan na lang baka mamaya may masamang mangyari sa kanya. Kung nagkataon, hindi ko mapapatawad ang aking sarili na ‘di man lang siya natulungan.
“Hindi ba nakaka-istorbo sa ‘yo?”
“Ayos lang,” mahinahon kong pagkakasabi. “Sa totoo lang mas mapapanatag pa ang loob ko kung may kasama akong kakilala kaysa sa mag-isa lang ako.”
Hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi ‘yun dahil kahit na totoo man ay hindi ko na dapat pa pinapaalam sa iba. Nagmumukha lang akong kawawa.
"Kung ayos lang sa ‘yo, then I'll take you up on that offer." Pumasok siya sa cafe at naupo sa may bar area. Ibinigay ko rin sa kanya ang first aid kit upang magamot niya ang anumang sugat sa katawan at isang ice pack para sa pasa nito sa mukha.
"Thanks," he smiled, offering an iced coffee for refreshment after.
Tahimik lang siya habang busy akong tinatapos ang aking ginagawa. Halos isang oras rin siyang nakaupo lang sa may bar area ngunit minsang may tinatanong, minsang nakatutok sa phone at minsan may pinapatugtog na musika.
It’s cute. Kinda nice and warm. But why am I so hyper aware of his presence? It’s odd.
“Sorry, kung nabobored ka o kailangan mo nang umalis, sabihin mo lang. Hindi mo na ako kailangang hintayin matapos sa ginagawa ko.”
“Nah, I like it here. Tahimik, chill and relaxing.”
I nodded. “Ganun ba, pero kung -”
“Ele, ayaw mo ba akong kasama kaya mo ako pinapaalis?”
“No!” Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya dahilan upang mapalakas ang pagkakasabi ko. “Hindi ‘yun ang ibig kung sabihin,” I added almost a whisper.
Napayuko na lang ako dahil sa hiya. I sounded so rude. Hindi ko dapat ginawa iyon lalo pa’t ako mismo ang nag-imbita sa kanya. Hindi na ako magtataka kung magalit pa siya o ‘di kaya ay awayin niya ako.
“Ele?”
God. What have I done? Paano na lang kung sak-
“Yelena.” Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya dahilan upang matuon sa kaya ang atensyon ko. “Shit, you’re shaking. Are you okay?”
I… I don’t know. Am I?
Sinubukan kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa aking bibig na tila may kung anong bagay na nakabara sa aking lalamunan. Nakapako pa rin ang tingin ko sa kanya na hindi alam ang gagawin hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagtutubig ng aking mga mata.
“I…”
“Hey, don’t cry.” His fingers rubbed to my cheeks, wiping away the tears that escaped. I tried to contain the tears and follow his words but the tears only overflowed. “Oh god, Ele, I’m sorry. Kung may masakit sa ‘yo or kailangan mong ilabas ‘yan, ayos lang. You can lean on me.”
Like a trigger, I was pulled by his words that when he wrapped his arms around me, I cried my heart out.
“You can tell me anything, y'know.” He stated, unsure if he's doing the right thing. “I mean, I will listen to you. I always do, at least.”
“Maaari mong sabihin sa akin ang mga hinanain mo, Ele,” sambit niya. “I mean, kung gusto mo lang. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Pero kung sakali man, nandito lang ako handang makinig sa iyo.”
“Salamat.” Iyon lang ang aking nasabi dahil hindi ko alam kung kaya ko bang magsabi sa kanya. Ayos lang na ako lang ang masaktan. Ayos lang na ako lang ang nakakaalam dahil kapag nadamay pa siya ay baka mag-iba rin ang tingin sa kanya ng mga tao.
Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos. Hindi ko na rin alam kung paano ako nakauwi sa amin. Gayunpaman, hindi namin kailan man pinag-usapan pa ang nangyari noong gabing ‘yun at laking pasasalamat ko na hindi niya rin ako tinanong pa tungkol dito.
Ngunit akala ko nga iyon na ang huli naming pagkikita pero sa hindi inaasahang pagkakataon, ang akala kong huling pagkikita ay nasundan pa ng bukas, ng susunod at ng ilan pang mga pagtatagpo na kung minsan ay hindi ko na alam kung sinasadya ba o nagkataon lang.
“Ako lang ba o talagang nakakasalubong natin itong si Ace araw-araw?”
Kahit ako ay hindi alam ang isasagot sa tanong ni Cristine. Hindi naman kami close kaya hindi kami nag-uusap maliban sa simpleng pagbati na tila naging tradisyon na yata niya. Kung minsan tuloy nahihiya na ako sa atensyong ibinibigay niya lalo na kapag nasa public o school kami.
“Hindi ko nga rin alam eh.”
“You know Yena, you better be careful baka pag-initan ka ng mga impakta sa tabi-tabi kaya iwasan mo na lang ‘yang si Ace.”
I know what she meant and honestly I planned to do so. “Iyon na nga ginagawa ko eh. Ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang siyang sumusulpot na parang kabute.”
“Aish basta, whatever happens, iwasan mo as much as possible or run away from him para walang issue.”
“I know, Tine.” I assured her.
Alam kong magkaiba kami ng mundong ginagalawan ni Ace kaya mas mabuting hindi kami masyadong mag-krus ang aming landas para hindi siya maapektuhan sa kung anumang sigalot ng buhay ko.
Pero mapagbiro talaga ang tadhana.
Ilang araw ang nakalipas ay mas lalong tumindi ang mga bulong-bulungan sa paligid kapag dumadaan ako. Minsan nagbibingi-bingihan na lang ako o kaya ay umiiwas pero minsan kapag kasama ko si Cristine ay kinompronta niya ang mga ito at pinagsasabihan. Sa totoo lang natatakot ako sa pwede nilang gawin sa kanya kaya hinihila ko nalang siya palayo.
Ayoko ng gulo kaya hangga’t kaya kong iwasan ay iiwas ako.
“Siya ‘yun ‘di ba?”
“Oo siya.”
“‘Yung malanding taga-FIA na naexpelled?”
“Salot talaga yan. Kahit saan pumunta.”
“Maharot kasi.”
“A whore.”
“Hindi na kuntento sa isa.”
“Slut.”
Pilit ko na lang iniiwasan ang mga makamandag na salita galing sa mga estudyanteng dinadaanan ko. Kahit na masakit na, binabalewala ko na lang ang aking nararamdaman.
Tahimik na lang akong naglakad papunta sa kinaroroonan ni Cristine. Nang makita ko na ang aking kaibigan ay nakahinga na ‘ko ng maluwag, at least kapag kasama ko si Cristine ay nawawala ng konti ang takot ko.
“Ayos ka lang, Yena?” Bakas ang pag-aalala sa boses niya pero ayoko siyang mag-alala kaya pinilit kong ngumiti at tumango bilang pagsagot sa tanong niya habang umaasa na ‘di niya napansin ang panginginig ko.
“Hoy, ikaw. ‘Di ba ikaw yung malanding babaeng binenta ang sarili sa isang professor para lang makapasa?”
Unang mga salita pa lang ay nangatog na ang mga tuhod ko sa kaba. Hindi ko alam kung anong gustong iparating ng babaeng ito pero ngayon lang ako kami kinompronta sa Royale ng ganito. Tila malaki rin ang galit niya sa akin na hindi ko mawari dahil kailanman ay hindi ko siya namumukhaan o nakilala man lang.
“Hoy babae! Magdahan-dahan ka sa pananalita mo kung ayaw mong sapakin kita,” maanghang na sagot ni Cristine na mas lalo kong ikinatakot.
Masama ang kutob ko sa pwedeng mangyari. Pakiramdam ko lalamunin kami ng buhay dito ng hindi ko maintindihan. Hindi ko maipaliwanag pero ang dagundong ng aking puso ay hindi magandang senyales.
“Oh come on. Alam naman nating lahat ang tungkol sa kalandiang ginawa niya kaya nawalan siya ng scholarship at na-expelled pa sa FIA. Baka nga kinakasama nanaman niya ang mga professors niya kaya siya nakapasok dito.”
“H-hindi totoo yan. Wala akong ginawang masama!” Hindi ko mapigilang manginig sa mga sinasabi niya.
Kinikilabutan ako. Para akong binabalot ng dilim ng nakaraan at nalulunod sa karagatan. Anong alam niya? Saan niya nakuha ang mga impormasyong iyon? Bakit ngayon pa?
“Yena?” Si Tine. Nag-aalala nanaman siya sa akin.
“Yena, can you hear me?”
Si Tine...kailangan ko siyang sabihan. Kailangan kong sabihin sa kanyang umalis na kami dito pero…pero bakit hindi ako makagalaw? Bakit tila napako ako sa kinatatayuan. Bakit nawawalan ako ng hangin…
Ang daming tao… Bakit sila lumalapit sa amin? Anong kailangan nila?
“Wake up girl. Sino pa bang naniniwala sa’yo? May sex scandal na lumilibot sa buong campus ng Royale at ikaw mismo ang nasa video. Ganun din ang ilang mga litrato na nagkalat sa social media, you’re even at the page for campus sluts. Kung sino-sino na ang gumamit sa kanya. If I know, ginagamit niya rin si Ace para mas lalo siyang makapasok sa grupo nito.”
Hindi. Hindi ko gawain yan. Wala akong masamang balak. Mabait si Ace tinulungan niya lang ako. Wala siyang kasalanan dito.
Sinubukan kong magsalita pero bakit ganun? Bakit walang boses na lumalabas? Bakit?
“Aba’y sumosobra ka na ah. Wala kang alam kaya wala kang karapatang manghusga sa kanya ng ganyan!”
Si Tine… No...Sasaktan nila si Tine. Hindi pwede. I need to shield her...Hindi siya dapat madamay. Wala siyang kasalanan.
Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari unti-unti na lang nagdidilim ang paligid hanggang sa bigla nalang akong walang marinig. Kung hindi ako nakaramdam ng malutong na sampal sa pisngi kasabay ng isang tadyak at mga suntok sa katawan ay hindi ko malalaman ang nangyayari.
Ngunit hinayaan ko lang na mangyari ang lahat. Hindi ako umilag.
Lahat ng galit at poot na nararamdaman na ibinuwis nila sa bawat sipa, kalmot at sapak na iginagawad sa akin ay aking tinanggap ng walang alinlangan. Hindi ako kumibo o nagreklamo man lang.
Kinagat ko ang aking labi para walang tunog na marinig kasabay ng pagpikit ng aking mga mata upang ikubli ang mga luhang nagbabadyang.
Walang saysay ang paglaban. Walang magagawa ang pagtakas kaya mas mabuting tanggapin na lang ang lahat hanggang siya ay makuntento. Dahil sa paraang iyon lang ako mabubuhay.
Ayos lang ako.
Magiging maayos din ang lahat.
Hindi ito masakit.
Sanay na ako dito.
Ayos lang ako.
Paulit-ulit. Paulit ulit kung binibigkas ang mga salitang iyon na tila ba isang dasal. Dasal para mabuhay? Dasal para humingi ng tulong? Dasal ng kamatayan?
Hindi ko alam.
Ang mga salitang ‘yun ay aking madalas sambitin sa mga ganitong sitwasyon hanggang sa hindi ko na maigalaw ang aking katawan at tuluyan na akong walang maramdaman.
Sanay na ang aking katawan sa ganitong mga pangyayari kaya ayos lang. Ayos lang na masaktan parte ito ng buhay kaya ayos lang ako kahit na bumigay ang aking katawan at bumagsak sa lupa.
xx

Book Comment (87)

  • avatar
    OrtegaKy

    500

    11/08

      0
  • avatar
    Jomar Dequito

    I want diamond in mobile legends

    07/08

      0
  • avatar
    Rico Navales

    thank you

    25/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters