logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 29

When Ashra arrived and introduced herself as Alina, I used that opportunity to ask her if I could use her to pretend. Total ang alam naman niya ay may mahal akong iba kaya hindi ko siya magawa gawang mahalin.
Ilang beses kong pinaramdam sa kanya na mahal ko si Ashra kahit hindi naman. Ilang beses ko siyang tinaboy, kahit ayaw ko.
"Ano pa bang gusto mong gawin ko para maniwala kang kami na ni Alina? Gusto mong halikan ko siya ngayon sa harap mo? Kong yun ang gusto mo para lang tumigil ka, I will ki--" Pinutol niya ako at napatigil sa sinabi niya.
"TAMA NA!!!" Napahagulgol na siya. "Titigil na ako! Titigilan na kita. Lalayo na ako! Maniniwala na akong kayo na, masaya ka na, ha? Masaya ka na?" Tinignan niya ako ng puno ng sakit. Nasasaktan ko siya, nasasaktan ko nanaman siya.
Oo at sinabi kong tumigil na siya pero ayokong tumigil siya. Napaka selfish ko kasi nasasaktan ko na siya, pero ayokong tumigil siya, kasi alam kong pagtumigil siya... may posibilidad na magmahal siya ng iba. Ayokong mangyare yon!
"Mag saya ka na!" Narinig ko ang pang hihina sa boses niya. "Mag saya kana kasi wala ng Sunny na mangungulit sayo! Wala ng Sunny na sunod ng sunod sayo! Wala ng Sunny na gagamitin ang kuya niya para makasama ka! Wala ng Sunny na iiyak sa harap mo at tatanungin, kung bakit hindi ako?" Nanigas ako, hindi ako makapagsalita.
Sa ilang beses kong pagtaboy sa kanya ay hindi siya nagpapatinag, ngayon lang. Ngayon lang niya sinabi ang salitang tama na at titigil na siya. Ilang beses ko siyang sinaktan, ilang beses ko siyang pinaiyak, galit na galit na ako sa sarili ko pag nakikita ko siyang umiiyak.
"Su--" pinutol niya si Ashra sa sasabihin niya.
"Sana" humikbi siya at sumulyap ng mabilis kay Ashra at muling binalik sa akin. "Sana maging masaya kayo. Hindi na ako magiging kontrabida sa love story niyo. Titigil na ako, titigil na ako kasi ang sakit sakit na." Yun ang huling sinabi niya bago tumalikod.
pagkalabas na pagkalabas niya ay napaupo ako at napahilamos sa mukha ko. Wala akong kwentang lalake! pinapaiyak ko ang taong mahal ko!
"Hindi ka kaya magsisi?" sambit ni Ashra at umupo sa tabi ko sa sofa.
"Magsisisi ako, alam ko yun. Sigurado ako don."  mahinang sambit ko.
"Eh, bakit tinuloy mo parin na saktan siya!" tumaas na ang boses niya.
Alam niya ang tungkol sa pagkausap sa akin ng lolo ni Sunny. Naiintindihan niya ako pero palagi niyang sinasabi na pagmahal ko naman, bakit hindi ko ipaglaban? ha! paano ko ipaglalaban kong mismong lolo niya ay hindi ako tanggap.
Alam ko din ang tungkol sa relasyon nilang mag lolo at ayokong maging dahilan na mas lalong paglayo ng loob ni Don Leo kay Sunny.
"Saka ko na siya ipaglalaban, kong may ipagmamalaki na ako." mahinang sambit ko.
"Hindi ko alam na tanga ka pala." Sambit ni Ashra.
"Hindi ko alam na ganito pala ako magmahal." sambit ko at isinandal ang ulo sa sofa. "Sinasaktan ko siya, sinasaktan ko nanaman siya."  Sambit ko at napahawak sa mukha ko nang pumatak ang luha ko galing sa mga mata ko.
Ang sabi niya titigil na siya. Ang sabi niya ayaw na niya. Ang sabi niya wala ng Sunny na hahabol sa akin at mangungit, pero bakit hindi niya sinabi na aalis siya? Bakit di man lang niya sinabi na Literal na palang walang Sunny na mangungulit sa akin?
Tuloy tuloy ang pagbaril ko sa target. Dito ko lang mailalabas ang sakit na nararamdaman ko. Pagkatapos kong malaman na wala na dito sa bansa si Sunny, gusto kong patayin yung sarili ko.
I didn't realize that my love for her was too much. Hindi ko namalayan na habang itinutulak ko siya ay mas lalo ko siyang minahal.
Kasalanan ko naman! Sinaktan ko siya at pinagtabuyan, pinamukha ko pa nga na may mahal akong iba at kahit kailan ay hindi ko siya magugustuhan.
Parang nawala lahat ng lakas ko dahil sa pinabalita ni Easton. Nasa US na si Sunny, doon na din siya mag aaral. Matagal pa bago siya makita.
Paano kong may mahanap siyang iba? Paano kong makalimutan na niya ako? Mababaliw ako pag iniisip ang mga tanong na yun. Ang simpleng paghawak nga lang ng iba sa kanya, naiinis na ako, paano pa kaya pag sa pag uwi niya ay may kasama na siyang Iba?
Parang makakapatay ako!
***
"Resignation?" kumunot ang noo ni Grayson habang nakatingin na sa akin.
"Pwede ko bang wag sabihin ang dahilan?" sambit ko.
Bumuntong hininga siya at tinignan ang resignation letter sa harap niya.
"Tatanggapin ko 'to." Sambit niya. "Pero bumalik ka kong wala ng rason para umalis ka." Sambit niya.
Isang buwan na ang nakalipas, naiinis ako sa sarili ko dahil sa bawat sulok na ata ng headquarter ay naalala ko siya. Kahit nga sa Kitchen ay naaalala ko siya. Para akong baliw na nakikita siyang imiirap sa akin sa loob ng kitchen pag kumakain ako. Nababaliw na ako!
Gusto ko ring magtagumapay para pag dating niya ay may maipagmalaki na ako, pero para ko lang niloloko ang sarili ko.
Baka nga hindi na ako iniisip non!
****
"Is this the Girl?" Napatingin ako sa Cellphone ng Kuya ko nang iharap niya sa akin ang picture ni Sunny sa US. Isa na siya ngayong model, sikat na model.
Masama kong tinignan si Kuya.
"Chill! sayo lang siya, I'm just asking bro!" Natatawa nitong sambit.
Sumasakit ang ulo ko pag nakakakita ng letrato niya sa US. Bawat kuha niya ay subrang revealing ng mga suot niya. Minsan nga nagpakalasing ako dahil wala siyang saplot sa itaas, ang mahabang buhok lang niya ang nakaharang sa hinaharap niya.
Dalawang taon na siyang wala dito sa pilipinas at Isang taon na din akong nagtitiis at nagtitimpi sa mga kuha niya!
"Bakit kasi hindi mo pinaglaban?"
"Mayaman siya, Kuya. Ako hindi. Wala akong maipagmamalaki." Sambit ko.
Sa dalawang taon na yun ay maraming nagbago. Meron akong sariling business pero hindi pa gaano kalaki, nagsikap ako sa dalawang taon na yun. Hindi ako makapaniwala na ganon ang magiging apekto ni Sunny sa akin. Ako yung nagtaboy sa kanya pero parang ako yung mas nasaktan.
Hinarang ko ang dalawang kamay ko nang bigla akong batuhin ni Kuya ng unan.
"Wag mong gamitin sa akin yan!" bulyaw sa akin ni Kuya. Binato ko pabalik ang unang binato niya.
"Tumigil ka nga!"
"Malago ang companya mo at ikaw ang tagapagmana ni Lolo gago! Pag pinagsama mo ang companya at ang companya ni lolo, aba! Magiging kapantay mo na ang mga Enriquez! kaya wag mo akong gamitan sa mga salita mong yan!" Bulyaw niya sa akin.
Irita ko siyang tinignan.
"Hindi ko nanaisin ang companya ni lolo, sayo na lang!" sambit ko.
Mayaman ang father side ko. Pinamana nga sa akin ang buong companya pero hindi ko yun matatanggap. Tinakwil nila ang ina ko tapos gusto nilang ipagpatuloy ko ang companya nila?
Noong nabubuhay si Papa, maayos ang buhay namin, pero noong namatay na si Papa, pinaalis ni lolo si mama. Kay mama ako lumaki, si kuya naman ay kila lolo.
"Ayoko nga ng companya niya! ang pangit ng pangalan." Sabay tawa nito. "Pwera biro, alam mo naman na wala akong alam sa pagpapatakbo ng companya, Maayos na sa akin ang invest lang at paupo upo." Sambit nito.
"Alam mo din naman kong bakit ayaw ko sa companya ni lolo."
"Anong gusto mo? Maghintay ng ilang taon para mas lumago ang companya mo o Tanggapin ang mana mo at hindi mo na masasabing, mahirap ka lang at mayaman siya. Mag isip ka ng mabuti. Baka paglumago na ang companya ay may iba ng kasama ang Labidabs mo, ang sexy pa naman niya." Sambit niya at agad ko siyang binato ng unan na nasa gilid ko.
Hindi! ayoko! kahit kailan ay hindi ko hahawakan ang companya!

Book Comment (161)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    09/02/2022

      3
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters