logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 26

Hayden, ang nag-iisang kapatid ni Hades. Isa parin siya malaking misteryo para sa akin, sa tuwing nakikita ko ito ay wala akong mababakas na kalungkutan sa kanya. Pero kanina habang tinitignan ko ito ay parang napakalaki ng dinadala dala niyang problema.
Kaarawan ng kapatid niya pero wala pa siya. Hindi naman sa kinukwestiyon ko siya. Pero diba? Kahit naman sana saglit ay magpakita o batiin manlang niya ang kuya niya. Pero hindi ko rin siya masisisi dahil baka may pinagdadaanan lang siya.
Umalis na ako mula sa pagkakalusong sa bath tub at nagbanlaw narin. Isinuot ko ang damit na bigay sa akin ni Hades pati narin ang panloob na dala nito kanina. Lumabas na ako ng kuwarto at doon nakita si Hades na naka-upo sa kama habang mariin na nakatitig sa akin.
Sinensayasan naman ako nito lumapit sa kanya, kaya lumapit ako dito. Nang makalapit ako ay hinila ako nito at pina-upo sa kandungan nito. Nagpupumiglas pa ako noong una, pero wala rin akong nagawa ng mahigpit nitong pinulupot sa akin ang mga bisig nito sa akin.
Isinubsob nito ang mukha niya sa pagitan ng mga leeg ko at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap nito sa akin, na marahan ko namang sinuklay suklay ang buhok nito.
" Hades? " Tanong ko rito
" Hmm? " at mas lalo pang sumiksik sa leeg ko
" Nasaan nga pala si Hayden? Bakit hindi ko siya nakita kanina? "
Nag-angat naman ito sa akin ng tingin at binigyan ako ng nakakalungkot na tingin. Tingin na kaparehong kapareho nang sa kapatid niya. Tingin na parang pasan pasan nito ang buong mundo at ang tingin na puno ng pighati, galit, at pagsisisi. Hindi ko kaya ang tingin na ipinupukol niya sa akin kaya hinawakan ko ang magkabilang mukha nito.
" Bakit? May problema ba? " Marahang tanong ko dito
" My brother, for the past 5 years his been grieving and blaming his self. He is suffering from silent and always been wanting to forget the past that have been hunting him, every time that my birthday will come I can't stop blaming myself for not protecting him from the pain he had been suffering. " Malungkot na sabi nito
" Hades, wala man akong ideya Kung ano ba talaga ang nangyari noon, pero nasisiguro ko na wala kang kasalanan sa kung ano man ang nangyari non, Oo maaaring responsibilidad mo bilang kapatid na bantayan siya pero hindi mo naman masisisi ang sarili mo dahil hindi lahat ng oras nasa kanya ang buong atensyon at oras mo. Maaaring may pagkukulang ka, pero huwag mo namang sisihin ang sarili mo sa pangyayaring hindi mo naman ginawa " mahabang pahayag ko dito
Diretso itong tumingin sa mata ko at nagsalita
" H-how? How can I even stop blaming myself? Every time that I see the pain, longingness, and guilt in my brother's eye, I can't help asking myself 'where am I in the time that he needed me the most? ' Every time that I need him, he is always there to support me, while me, I can't even give him some a little bit of time because I am too busy. I didn't even now that he is suffering from pain, not until mom told me about what happened to him. I made a promise to my family that I will do my best to protect him whatever may happen. But look, Mi Reina, he is devastated right know, because of me and for the first time I break the first promise that I make. Now tell me Mi Reina, how can I even stop blaming myself if I am also the reason why his hurting right now? " Natahimik naman ako dahil sa sinabi nito habang naaawang nakatingin dito. Niyakap ko nalang ito at himas himas ang likod nito.
Hades, sa lahat ng magkakapatid ikaw palang ang nakita ko na merong higit na pagmamahal sa kapatid nila. Kung ang iba ay nag-aaway away at hindi nagkakasundo sila naman ay pilit na pinoprotektahan ang isa't-isa. Hindi ko man makita kay Hades ang pagmamahal nito para sa kapatid niya ay alam ko namang ipinapadama niya ito sa kanya.
Hanga ako sa kanilang magkapatid dahil talagang pinalaki sila ng pamilya nila na dapat ay mahalin nila ang isa't isa. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari noon, pero sana naman ay kalimutan at tanggapin nalang nila kung ano man ang meron noon. Mas mabuti na mag-focus nalang sila kung ano ang meron ngayon at kalimutan nalang ang masalimuot na noon.
Madaling sabihin pero mahirap gawin. Pero sana naman kahit paano ay kalimutan nalang nila yon. Dahil ako ang nasasaktan kapag nakikita ko siyang nahihirapan. Masakit sa puso tingnan na ang lalaking minamahal ko ay sinisisi ang sarili niya sa dahil sa sakit na dinadanas ng kapatid niya.
Bumitaw naman si Hades mula sa pagkakayakap sa akin at dahan dahan akong iniangat gamit ng mga braso nito at inihiga ako sa kama.
" Sorry for the drama Mi Reina, I know your tired---" hinalikan nito ng mabilis ang labi ko at marahang hinalikan ang noo ko pagkatapos "---Sleep tight, dream of me " ngumiti ito at hindi na hinintay pa sasabihin ko at umalis na ito.
Nalulungkot ko naman itong tinignan dahil sa sakit na nakikita ko sa mga mata. Bumuntong hininga nalang ako binalot ang sarili ko sa malambot na comforter at hinayaan ang sarili na tangayin ng antok.
" Good night Hades " bulong ko sa hangin bago tuluyang pumikit ang mga mata ko.
NAGISING ako ng makaramdam ng uhaw. Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko dahil sa antok na nadarama dahil sa biglaang pagkagising ko. Napatingin naman ako sa orasan na nasa bed side table ko at nakitang mag-a-alas-tres palang ng madaling araw.
Nahihilong napaupo naman ako dahil sa biglaang pagkakatayo ko. Nang wala na akong maramdamanng hilo ay isinuot ko ang mabalahibong tsinelas na bigay sa akin kanina ni Hades. Binuksan ko ang pintuan ng kuwartong ginagamit ko at palinga lingang tumingin sa pasilyo ng buong bahay.
Tahimik at walang ka tao-tao. Naka-dim rin ang ilaw dito. Tinignan ko naman ang pintuang nasa harapan ko lang---Ang pintuan ng kuwarto ni Hades. Gusto kong makita kung maayos na siyang natutulog kaya dahan dahan kung pinihit ng sidura ng pintuan nito at dahan dahang sumilip dito.
Nakapatay ang lahat ng ilaw dito maging ang lampara na nasa gilid ng kama nito. Pero hindi nakatakas sa akin ang bulto ng isang tao na walang panitaas at padapang nakahiga sa malawak nitong kama. Kahit nakatalikod siya sa akin ay makikita mo ang magandang hulma ng pangangatawan nito dahil sa kaunting liwanag na pumapasok galing sa buwan.
Nakahinga naman ako ng maluwag marinig ang malalim nitong paghinga, indikasyon na mapayapa itong natutulog. Marahan ko namang isinara ang pintuan ng kuwarto nito at tumitingkayad na naglakad. Natatakot ako na baka may maistorbo akong ako dahil nasa kaligitnaan na sila ng kanilang pagtulong.
Kanina pa ako pa-ikot ikot pero hindi ko parin makita ang kusina nila. Ngayon ko lang din naalala na hindi ko pa pala alam ang mga pasikot sikot dito sa bahay nila. Mapapagod narin ako at mas lalo pang nadagdagan ang pagkauhaw ko.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong pintuan. Dala ng kuryosidad ay nilapitan at binuksan ko ito. Merong mahabang pasilyo na magdadala sa akin sa kung saan kaya sinundan ko ito.
Nang makarating sa dulo non namangha ako dahil sa ganda ng buong paligid. Punong puno ito ng mga bulaklak at meron ring estatwa ng isang babae na nakatayo sa gitna nito. Nipitan ko ito at tinitigan ng mapalitan. Parang pamilyar kasi sa ang estatwang yon. Hindi lang parang, dahil pamilyar talaga! S-s-siya, s-siya si Lianna!
" Beautiful isn't she? " tanong sa akin ng isang boses sa likod ko

Book Comment (224)

  • avatar
    castroErica

    This story is very nice and very thrilling it's just sad because, it's not complete author please I hope you complete this very nice story you are a very good writer I hope you can write more like this. Thank you very much I will wait for this story to be completed. Again thank you very much author.

    11/02/2022

      0
  • avatar
    Fea Tot

    Ganda ng kwento

    8d

      0
  • avatar
    Christine Mae C.Boñon,

    super loved

    10d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters