“KUYA!” Humugot ng malalim na hininga si Ruan nang marinig ang pagtawag sa kaniya ni Luan. Nilingon naman niya ang huli. “Wow! Ano 'yang mga ngiting 'yan, hah?” Marahil napansin nito ang ngiti sa labi niya. Natawa na lang siya nang tumabi ito sa bench na inuupuan niya, isinagi pa nito ang sariling balikat sa balikat niya. Nakatanaw ang dalawa sa palayan, kasulukuyang may mga trabahante ng hacienda ang naroroon . Sumapit na ang tag-ulan kaya't nagtatanim na ang mga ito ng palay. Napalingon uli si Ruan sa kapatid nang marinig ang pagbuntong hininga ng huli. “Kumusta?” anang niya, ibinaling sa mga magsasaka ang tingin. “Hindi ba't ako dapat ang magtanong sa 'yo niyan?” ani rin ng nakababata at nasa kalangitan naman ang mata. Maang siyang napatingin dito. "Huh? Bakit ako? Napa'no ba ako?" Bahagyang natawa si Luan sa sinabi niya. Sumilay ang ngiti nito at nilingon siya kapagkuwan. His eyes is filled with sincerity and sadness. “B-bakit?” Napakunot siya ng noo, nagtataka. Bumunghalit lang ng mahinang tawa ang binata, saka ibinaling sa iba ang direksyon ng paningin. “Ano'ng ginawa ninyo ni Señorita Eva, kuya? Bakit siya nasa bahay kanina? Halos limang oras yata?” paglalayo nito sa usapan. Sa totoo lang, hindi klaro sa isip niya kung anong nangyari sa kanila ng Señorita. Hindi niya rin alam kung ilang oras silang nagkasama. Ang naaalala lang niya bago niya maipikit ang mata ay magkatabi sila nito, at may ligaya sa dibdib niya dahil sa pinagsaluhan nilang halik. Noong nagising siya, mga alas tres na ng hapon; wala na sa tabi niya ang dalaga. Lumabas siya para ito ay hanapin pero wala na talaga si Geneva. Pagbalik niya sa loob ng bahay, nakita niya na nag-iwan pala ito ng sulat sa lamesa, kasama ang mga niluto nito. Gustuhin man niyang kainin iyon, kaso hindi p'wede; allergic siya sa manok. Nakita niya kanina mula sa labas ng tarangkahan ng bahay-hacienda ang Señorita na nakadungaw sa binata ng bahay-hacienda ng mga ito. Hindi siya tumuloy pumasok sa loob mg bakuran ng mga ito, nahihiya siyang ipakita ang mukha kay Geneva. Gustuhin man niya itong lapitan, pero hindi niya malabanan ang umuugong na kaba at hiya sa dibdib. Bumalatay ang ngiti sa labi niya nang muling maalala ang naganap kanina sa silid niya. Hindi niya akalaing mangyayari iyon. Walang mapaglagyan ang galak sa dibdib niya nang mga sandaling iyon. Hindi man kumpleto ang naaalala niya, subalit sapat na iyon para umapaw ang ibayong ligaya sa dibdib niya. Napahawak siya sa sariling labi, lumuwang pa ang pagguhit ng ngiti nang maalala tinugunan ng Señorita ang halik niya, at ito pa ang nagtuloy nang tumigil siya. Bumunghalit siya ng mahinang tawa, kalakip ang kilig. 'Paano ko kaya siya haharapin? Ano'ng mukhang ihaharap ko kay Señorita? Eh? Nakakahiya!' Para siyang babaeng kinikilig sa isiping iyon. Napatakip pa siya sa bibig at ilong niya. Napabalik na lang siya sa reyalidad nang maramdaman ang bigat na mga matang nakatingin sa kaniya mula sa paligid niya. Naglaho sa isip niyang kasama pala ang kapatid sa bench na inuupuan niya. Tinapunan niya ito ng tingin at bumungad sa kaniya ang mga linya sa noo ni Luan. Mababanaag ang sinseridad, pagkalito, at pagtataka sa mukha nito. Napahagalpak siya ng tawa upang maitago ang hiyang nasa loob. Hindi naman nakitaan ng kasiyahan ang kapatid niya at mas lalo lang kumunot ang noo. “K-Kuya?” untag nu Luan. Maang napataas ang isang kilay niya, hindi napalis ang ngiti sa labi. “D-don't tell me, may kababalaghang nagana—” Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil sa tinakpan niya ang bibig nito. Alam na niya ang sasabihin nito kaya't hangga't maaari, ayaw niya iyong marinig. As far as he remember, walang nangyaring seksuwal sa pagitan nila ni Geneva, naglapat lang ang mga labi nila at natulog nang magkatabi. “Nothing! Walang naganap! Stop what you are thinking, Men!” Ginawaran niya ito ng ngisi. Tumayo siya kapagkuwan ay sinimulang maglakad palayo sa huli. Kung hindi siya lalayo rito ay tiyak na hahapyawan na naman siya nito, hindi siya nito titigilan sa kakausisa. Kilala niya ang kapatid niya, hindi ito titigil hangga't 'di nito nalalaman ang katotohanan. Narinig pa niyang tinawag siya ng kapatid, ramdam niya ang pagbuntot nito sa kaniya, kaya't tumakbo siya nang marinig ang malakas na huni ng pagpalakpak ng tsinelas nito. Malapit na sila sa mansiyon ng mga Floresca pero patuloy pa rin silang naghahabulan. Patuloy ito sa pagsigaw ng pangalan niya. “Kuya Ruan, sandali, tinatanong kita! Sagutin mo ako!” sigaw ni Luan. Tumatawa namang tumatakbo at palingon-lingon sa likuran si Ruan. Talagang desidido itong malaman kung ano ang totoo, para silang batang naghahabulan sa daan. Gawain naman nila iyon noong mga bata pa sila, ngayon ay hindi na masyado dahil mga binata na sila at busy na sa pagta-trabaho. Nag-aaral pa rin si Luan; graduating na ito; isang taon na lang. May nakatokang trabaho rin ito sa hacienda. Siya naman ay nagta-trabaho sa kumpanya ng mga Floresca, secretary siya ni don Lando—ang C.E.O. ng kumpanya. Paminsan-minsan ay nagpupunta pa rin siya sa tubuhan, poultry farm, at iba pa; sa north at west side ng hacienda, dahil ipinapa-check sa kaniya ng don ang mga magsasaka kung may mga natatapos din ba ang mga ito. Siya rin ang inaatasan nito na magbigay ng suweldo sa incharge o pinagkakatiwalaan sa bawat trabaho sa hacienda. Nitong araw nga lang ay siya ang magbibigay ng suweldo ng mga nasa tubuhan, dahil may sakit ang nakatoka sa trabahong iyon; si Ali, Ali Fuentes, ang bestfriend niya magmula pagkabata. “Wala nga! Ang kuli—” Hindi niya natuloy ang sasabihin. Nagulantang siya nang may makabangga siya; isang babae. Natumba ito at napapatong siya rito. Muntikan nang mailapat ang labi niya sa mga labi ng huli. Mabuti na lang at naitukod niya kaagad ang kamay sa lupa. Si Inna, si Innamorata ang nabangga niya. Napakurap-kurap siya at napabalik sa reyalidad nang mapagtantong nasa ganoon silang posisiyon. Napatitig sa mga mata ng isa't isa. Ngunit bago pa siya tumayo ay isang huni ng camera ang narinig niya; kinuhanan sila ng letrato ni Luan. “Ayaw mong sabihin, a, p'wes ipapakita ko ito sa kaniya.” Sumilay pa ang pilyong ngiti nito sa labi saka tumakbo palayo. Si Senorita Eva kaagad ang naisip niyang pagpapakitaan nito ng letrato. Tinulungan na muna niyang makatayo si Inna at humingi ng dispensa. Tumango naman ang dalaga, bago hinabol ni Ruan ang kapatid. Nahagip pa ng gilid ng kaniyang mga mata ang bahagyang pagpula ng mga pisngi ni Inna; marahil dahil lang iyon sa pagkabigla sa nangyari. “Hoy, Luan! Sandali! Burahin mo 'yan!” sigaw niya pero pinandilatan lang siya nito at pumasok sa tarangkahan ng mga Floresca. Napailing na lang siya at napahinto sa pagtakbo. Nakita naman niyang tumigil sa gazebo ang kapatid at umupo roon. Lumapit siya rito, makahulugang tumingin at umupo sa tabi, saka pabiglang inagaw ang cellphone nito. “Hoy kuya sa 'kin na 'yan! Ako na ang magde-delete!" Inagaw naman ni Luan ang cell phone nito at ito na rin mismo ang nagbura sa letrato. “Galing ng pagkakakuha, a, para talaga kaming naghahalikan.” Natawa na lang siya at napamangha dahil sa ang astig ng pagkakakuha nito. Iritableng inikutan naman siya ng mata ng huli. "RUAN, MEN!" Napalingon si Ruan nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. It was Ali; his bestfriend. Napangiti siya nang makita ayos na ito, magaling na mula sa sakit. Niyakap pa siya nito saka natatawang kumalas. Nasa tubuhan na siya nang hapong iyon, alas kuwatro ng hapon; nagpapasuweldo. Katapusan na ng buwan kaya't ibinigay na sa kaniya ni don Lando ang suweldo ng mga trabahante. Naibigay na niya ang ibang pera sa mga namamahala sa ibang side ng hacienda. Hindi naman siya napagod, dahil sumakay siya sa kabayo at nakasalubong naman niya sa pilapil ang mga pinagkakatiwalaang trabahanteng namamahala sa ibang side ng hacienda. “Buti ayos ka na?” galak na sambit niya. Ngumiti naman si Ali nang pagkaluwang-luwang. Talagang maayos na ito, tumawa pa ito. Bumalik na ang dating sigla nito, however sorrow still shone in his eyes. Nagkibit-balikat na lang si Ruan, alam naman niya ang dahilan niyon. Isa pa; hindi ganoon kadali iyon para sa bestfriend niya. “Siyanga pala, salamat, Men! Salamat sa pag-handle nito.” anito, tinutukoy ang gawain niya na pansamantalang ginawa ni Ruan. Tumango lang siya. “A-ayos na ba kayo ni Innamorata?” kapagkuwan ay pag-iiba niya sa usapin. Hindi niya mapigilang magtanong sa kaibigan. Magkakaibigan sila nina Inna. Mula pagkabata ay alam na niyang gusto ni Ali si Inna. Kamakailan lang ay umamin ito sa dalaga sa nararamdaman nito, hindi niya alam kung ano ang totoong nangyari, pero sa pakiwari niya ay na-basted ang bestfriend niya. Pumunta ito sa bahay nila kinagabihan na umiiyak at bigla na lang siyang niyakap. Alam niya ang ginawa nitong pagtatapat sa nararamdaman. Hindi naman nagkuwento ang binata at mukhang wala itong balak isalaysay ang nangyari, kaya't hindi na niya ito pinilit. Inaya lang siya nitong uminom ng araw ding iyon. Hindi naman na ito umiyak noon ngunit makikita sa mga mata ang pighati at kasawian. Ikaw ba naman umamin sa taong isang dekada mo nang lihim na minamahal tapos tatanggihan ka? Ayaw man nitong sabihin ang katotohanan sa kaniya ay ramdam niyang ganoon nga ang nangyari; na-basted ang bestfriend niya. Kawawang Ali. Napawi ang ngiti nito sa labi. Mali yata siya ng tanong. Inakbayan na lang siya nito at inumpisahang humakbang pauwi. Tapos naman na niyang ibigay lahat ng suweldo ng mga magsasaka kaya puwede na rin siyang umuwi. “Hindi na kami nag-uusap simula noong i-reject niya ako.” Natawa man si Ali sa sinabi nito, mahihimigan pa rin doon ang pagkadismaya. Napailing-iling si Ruan. He was right; his suspicion was right. “Bakit ka ba niya ni-reject? Mali siguro 'yang diskarte mo?” Seryoso ang pagkakatanong niya subalit tinawanan lang siya ni Ali. “Hindi, Men! Hanggang kaibigan lang daw ang kaya niyang ibigay sa akin.” “Ang sakit naman!” Masakit naman talaga iyon. Imagine, ang tagal mong itinago 'yong pagtingin mo, tapos noong inamin mo na, ni-reject ka lang. Mas mabuti pang inilihim na lang sana nito iyon. “Hmhm... oo Men, masakit pero kailangang tanggapin. Gano'n talaga ang pag-ibig, mapanakit.” Pumalatak ang huli pagkawika nito niyon. Natawa na lang din si Ruan. Alam niyang masakit iyon para sa bestfriend niya, pero tinawanan na lang din niya para sabayan ito. Nahagip na kasi ng gilid ng mga mata niya na napipinto na ang mga luha nito. “Dapat pala hindi mo na inamin kung ganoon lang din naman.” Umiling-iling si Ruan. “Ikaw kasi, ang dami-daming babae sa kaibigan pa natin nagkagusto ka!” Ginulo-gulo niya ang buhok ni Ali. Idinaan na lang nito sa tawa ang mapait na katotohanan. “Wala, e. Mahirap talagang pigilan 'pag puso ang namamayani sa loob natin; ang umiiral sa 'tin. Taliwas man ang isip ko sa ninanais ng puso ko ngunit wala akong magawa kundi ang sundin ito,” makahulugang anito. Sinseridad ang makikita sa mga mata. “Kung puwede ko nga lang ibalik ang nakaraan, ililihis ko ang sarili ko sa panahong mahalin siya'y aking natutuhan. Kung alam ko lang na may mahal siyang iba, hindi ko na sana pinagpatuloy pang mahalin siya.”
Nice
01/10/2024
0ganda
24/09/2024
0🥰🥰
29/08/2024
0View All