logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter Four

She faced the entire city, and the world was quite. The stars were scattered everywhere and the moon was bright. It was a perfect night, exactly the same picture she invisioned. 
"Heartbreakingly beautiful," she said.
The wind swayed her hair. She took a deep breath. Lumingon sya sa likuran nya at sumilay ang mga luha sa mata nya, saka binalik sa malawak na siyudad. She didn't think twice and everything went fast.
She flew and felt an indescribable pain when she hit the ground. She couldn't move an inch, she was trembling and about to close her eyes. 
But she smiled while tears were streaming down her face.
"I'm free," she said.
Ginising ako ng isang pamilyar na panaginip. Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko at napapahagulhol ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi ako makagawa ng kahit anong ingay. Alas kwatro palang ng madaling araw nang tumingin ako sa orasan.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit natatakot akong ipikit ang mata ko at matulog. Hindi ako sa panaginip na 'yon natatakot, kun'di sa sakit na binibigay no'n pagkagising ko. Para 'yong sakit na naipon at nagsama-sama ng matagal at biglaang lalabas kapag napapaginipan ko ang pamilyar na panaginip na 'yon.
Pero kahit ano pang pilit ang gawin kong h'wag ipikit ang mga mata ko, kusa nalang ako nagigising kinabukasan na ganito lagi ang nangyayari. Mapapahagulhol ako sa sakit.
Hindi ko alam kung may nagawa ba akong napakalaking kasalanan kaya pinahirapan ako ng langit ng ganito. Kung meron man, hindi ko 'yon natatandaan.
But there are certain memories playing on mind. Bigla-bigla nalang 'to lilitaw minsan. Walang eksaktong oras o eksaktong araw. Minsan malinaw, minsan malabo. Minsan konektado, minsan hindi. Hindi ko rin alam kung kailan 'yon nangyari. 
Pakiramdam ko pinanganak ako para magdusa, at maghanap ng mga sagot sa mga katanungan kong wala namang kasagutan, habambuhay. I'm lost and I don't know what to do anymore. Ang pinakamasakit pa sa lahat, hindi ko 'to masabi sa mga taong malapit sa'kin dahil ayaw ko silang mag-alala. Ayaw kong magbago ang tingin nila sa'kin.
Kaya nang makausap ko ang taong 'yon sa site na nahanap ko, nakaramdam ako ng kaunting tuwa dahil sa wakas, may mapagsasabihan na rin ako. Napangiti ako ng maliit. Pinunasan ko ang mga luha kong nagkalat na sa pisnge ko.
Magkikita kami ngayong araw. It might sound crazy but I have something to look forward to.
Laking pasasalamat ko nang hindi mapansin nila mommy na namamaga ang mga mata ko. Hindi rin 'yon napansin ni Marian no'ng pagpasok ko sa school. Nang pumasok naman si Mr. Eleavar sa classroom, inayos ko agad ang pagkakaupo ko at pinilit h'wag ipahalata na inaantok ako. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng kaliwang kilay nya.
Sa bawat oras na dumadaan, hinihiling ko na bumilis ang takbo nito. Pero napagtanto kong  bumabagal lalo ang oras kapag binabantayan ko. Kaya sinubukan kong gawing ukupado ang isip ko at nakipagkwentuhan ako kay Marian tuwing wala pang teacher o kaya ay guguhit ako sa notebook ko. Papalubog na ang araw nang matapos ang last subject. Dali-dali akong napalabas ng classroom na hindi manlang nakapagpaalam kay Marian.
"Hey! Madaling madali ka naman yata umuwi," tawag ni Marian nang hindi pa ako nakakalayo. Halata sa mukha nya ang pagtataka.
"May pupuntahan lang ako. Ingat sa pag-uwi!" Kumaway ako sa kanya at mabilis na naglakad sa  mataong hallway.
May ilang tao akong nababangga pero humingi lang ako ng pasensya at maliit na ngumiti. Nang nasa labas na ako ng gate ng school, nagtext ako kay mommy na gagabihin ako at kay Manong Ben na hindi muna ako magpapasundo.
Nilakad ko ang daan papunta sa malapit na park. Papalubog na ang araw at dumarami na ang mga tao doon. Umupo ako sa isang maliit na bench at dinamdam ang hangin na tumatama sa mukha ko. Naghintay ako na dumating sya.
Mabagal ang oras kapag naghihintay. Nang unti-unti nang  dumilim ang paligid, kasabay ng unti-unting pagbukas ng mga ilaw sa park, napagtanto ko kung gaano ako katagal na naghihintay. Nang tumingin ako sa relo ko, halos isa't kalahating  oras na pala ang nakakalipas.
Inayos ko ang pagkakaupo ko at nilibot libot lang ang paningin sa park. Ilang tao ang dumaan sa harap ko at mas lalong dumami ang tao.
Naghintay ako ng naghintay hanggang inabot na ako ng ilang oras. Nagsimula na rin akong lamukin. Hindi sya dumating o nagpakita manlang kahit saglit. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Anong nangyari? Napagdesisyunan kong tumayo na at umalis pero may natanaw ang mata ko sa di kalayuan. Napatigil ako.
Ang babaeng gusgusin at nakayapak na naglalakad. Nangigitim ang mga balat nito sa dumi at may ilang punit sa damit. Ito ang babaeng binigyan ko ng pagkain dati. Hindi ko alam kung bakit kusa akong napatayo at mabilis na lumapit sa kanya.
She looked hopeless. Nakita ko sya ng malapitan at nakita ko ang maraming hibla ng puting buhok sa ulo nya. Halata na rin ang kulubot sa mukha nya at panghihina. May mga namumuong luha sa mata nya nang magtama ang mga mata namin at nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.
Hinawakan ko sya sa kamay at naramdaman ko ang kaunting panginginig doon.
"Kumain na po ba kayo?"
Parang wala syang narinig dahil wala manlang akong narinig na sagot sa kanya at wala akong nakitang pagbabago sa ekspresyon ng mukha nya. Nakatingin lang sya at hindi inaalis ang mata sa'kin. Hindi ko alam kung bakit parang sinasaksak ang puso ko ng maraming beses.
Dali-dali kong binuksan ang bag ko at naghanap ng biskwit o tubig doon habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Pero nagulat ako nang napapikit ito at unti-unting nawalan ng malay. Mabuti nalang at nasalo ko sya. Hindi ko alam ang gagawin at hindi magkandamayaw sa pagkabog ang dibdib ko. Sumigaw ako at humingi ng tulong. Nilakasan ko lalo ang sigaw ko at siniguradong may makakarinig sa'kin. Huli na ng naramdaman ko ang pangignilid ng luha ko.
May mga taong palapit sa'kin. Hindi ko sila gaanong makita dahil sa pangingilid ng luha ko. Hindi ako tumigil sa pagsigaw hanggang hindi nakakasigurado na lalapit sila sa'kin. Napatigil nalang ako sa pagsigaw nang makaamoy ng napakapamilyar na pabango. Pinunasan ko ang luha ko at nakita kong unti-unti syang tumatakbo papalapit sa'kin. Mabilis nyang kinuha ang babae sa mga braso ko habang nanatili namang nakaawang ang mga labi ko. Si Mr. Eleavar? Anong ginagawa dito ni Mr. Eleavar?
Para akong bumalik sa realidad nang titigan nya ako ng matagal. Mabilis akong tumawag ng ambulansya. Nang walang sumagot sa tawag, nag-dial ako ulit at tumawag. Nanatili lang  nakatitig sa'kin si Mr. Eleavar at nakita ko ang sobrang pag-alala sa mga mata nya na ngayon ko lang nakita.
Inayos nya ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ng babae. Nakita ko rin ang mga luhang namumuo sa mata nya.
"Mom, wake up."
 His voice was breaking. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kirot sa dibdib ko. Ito ang unang beses na nakita ko syang ganito. Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko.
Maya-maya pa may sumagot na sa tawag. Sinabi ko agad kung nasaang lugar kami, at kung anong nangyari. Ilang beses akong napapabuntong hininga at nagpaikot-ikot sa dahil sa taranta.
Hindi ko magawang umupo dahil sa kaba. Habang si Mr. Eleavar, nakatitig lang sa nanay nya. Walang lumalabas na luha sa mga mata nya pero ramdam ko 'yong sakit na dala nya. Hinawakan ko sya sa balikat at sandali syang napatingin sa' kin.
Pagkatapos ng ilang minuto, narinig na namin ang ambulansya. Mabilis na pinasok ang matanda sa sasakyan. Nauna pa akong sumunod sa loob pagkatapos kesa kay Mr. Eleavar at kahit ako, nagtataka sa kung anong ginawa ko. Sumunod si Mr. Eleavar sa loob at hindi nya inaalis ang tingin sa nanay nya.
Buong byahe, hawak-hawak nya lang kamay ng nanay nya. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata nya. Sandali akong nanalangin na sana ayos lang ang babae, na sana magising rin 'to.
Nang magtama ang mata namin ni Mr. Eleavar, pilit akong ngumiti sa kanya at sinabing magiging okay din ang lahat pero hindi naalis ang pag-aalala sa mata nya at parang wala syang narinig. Wala akong ibang nagawa kun'di hawakan sya sa balikat.
Nang makarating kami sa ospital, mabilis na pinasok sa loob ang nanay nya. Mabilis naman kaming sumunod ni Mr. Eleavar.
Pumasok sya sa room at naiwan ako sa hallway. Umupo ako sa upuan at doon naghintay. Walang minuto na hindi ako napapabuntong hininga. Maraming tao ang dumaan sa harap ko at nagsimulang lumalim ang gabi. Nang tumingin ako ng oras sa cellphone ko, halos kalahating oras na din pala akong naghihintay.
Napatayo nalang ako nang lumabas si Mr. Eleavar na kausap ang doktor. Hindi na naman magkandamayaw sa pagkabog ang dibdib ko, at iniisip kung ano na ang nangyari. Humarap sya sa'kin nang matapos kausapin ang doktor. Naglakad na rin palayo ang doktor sa'min.
"K-kamusta sya, sir?" Tanong ko sa kanya pero parang wala 'tong narinig. Naglakad lang sya at wala akong ibang nagawa kun'di ang sumunod.
"You need to go home," His voice was calm yet it shouted so much authority. Mukhang kailangan kong sumunod.
Pagkalabas namin ng ospital, may kotse na naghihintay doon. Pinasakay nya ako at wala akong ibang nagawa kun'di ang sundin ang sinabi nya.
May binigay syang pera sa driver at tumingin sya sa'kin. 
"Thank you for this day. Mag-ingat ka pauwi."
Umandar ang sasakyan at dahan-dahang lumalayo sya sa paningin ko. His eyes looked so sad. He's breaking. Ngayon ko lang sya nakita ng ganito. Mahina akong kumaway sa kanya pero tumalikod na sya at bumalik sa loob ng ospital na parang walang nakita. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng labis na kirot sa dibdib ko.
Huminga ako ng malalim.  Unti-unti akong nakaramdam ng pagod nang idikit ko ang likod ko sa upuan. Nagbabadyang pumikit ang mga mata ko, pero bago ko pa man 'to nagawa, may ala-alang nagrehistro sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit hindi tumigil sa  pagbagsak ang mga luha ko.
***
6/25/19

Book Comment (56)

  • avatar
    Hamdan Kahar

    waw

    22d

      0
  • avatar
    Khatirene Rose Calilung

    khatirene_Rose7

    18/07

      0
  • avatar
    LeonaLea

    Subra ganda po nito 😊😊 nabasa q

    04/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters