logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

TWIN REVEAL 4.1

KABANATA 4
HINATA'S POINT OF VIEW
Maaga akong nagising kaya gano'n nalang uli katagal ang pagkatulala 'ko sa kisame. Araw-araw ay nasanay na 'kong 'yon ang ginagawa, pakiramdam 'ko sa paraan lang iyon naidadaan ang pagpapasensiya 'ko sa buong araw. 
Tuwing umaga ay sari-saring kaganapan ang biglang papasok sa isip 'ko, lalo na ang mga taong bagong nakakasalumuha 'ko, pero lahat ng 'yon ay napupuno lang sa kakaiisip 'ko sa mga ikinikilos ng mga tao, at kung ano ang mga rason kung bakit bigla nilang nagagawa iyon.
Kaya sa mga sandaling iyon ay ang mga pangyayari no'ng nakaraan linggo ang laman ng isip 'ko, lalo na ang uniform 'kong namantsahan.
Napabuntong-hininga akong naupo sa kama at nanlulumong inalala ang uniform ko.
Hindi nawala ang mantsa ng dugo kaya kinakailangan 'kong labhan agad ang nag-iisang blouse araw-araw para magamit ko sa school.
Bigla akong napahawak sa tiyan nang biglang kumalam iyon.
Mabigat ang dibdib 'kong bumangon na 'tsaka dumiretso sa banyo. Hindi parin mawala sa isip ko ang tungkol sa manstahan 'kong damit.
Sa tingin ko ay kailangan 'ko nang bumili ng bago. Pero ayoko naman magsabi pa kay Miss Gazon para ro'n... siguro kailangan mas maging tipid nalang ako para makabili ng panibago.
Napatingin ako sa pinto ng kuwarto 'ko nang mayro'ng kumatok. Agad akong lumapit at napagbuksan si Miles.
"Good morning Hina!"nakangiti siyang bumati.
"Good morning din Miles,"nginitian 'ko rin siya.
"Tara, kain na tayo,"yaya niya.
Pilit ang ngiti 'kong umiling."Sige, kayo nalang."
Nangunot ang noo niya."Hala, bakit?hindi ka na naman kakain?kagabi hindi ka rin nakakain, ah?"
Napipilitan akong ngumiti.
"Nakatulugan 'ko siguro dahil sa sobrang pagod, 'tsaka kailangan 'ko nang magtipid simula ngayon...hindi natanggal ang mantsa sa damit 'ko kaya kailangan 'kong bumili ng panibago," nanlulumong sabi 'ko.
"Gano'n ba?mahirap nga talagang matanggal 'yon ghorl!" Ngumiwi siya kagaya 'ko. 
"Pero kumain ka nalang ano ka ba, hindi ka kumain kagabi kaya paniguradong gutom ka, sige ka baka magka-ulcer ka niya'n, 'wag kang mag-alala sagot 'ko 'yong kanin, mayro'n ka pa namang ulam kagabi kasi nga hindi ka kumain." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Talaga?sige maliligo lang ako," nakangiti 'kong sabi, tumango naman siya. 
Isinara 'ko na ang pinto 'tsaka kinuha ang tuwalya at pumasok uli sa banyo at naligo.
"Good morning Hina!"nakangiting bati nilang lahat sa 'kin.
Alanganin akong ngumiti at kumuway sa kanila dahil ito palang naman ang unang beses na nakangiti silang lahat sa 'kin at binabati ako ng umaga.
"Good morning din sa inyo." Nag-aalinlangan akong naglakad papalapit sa kanila.
"Ang saya niyo naman, ano bang mayro'n?"nagkatitigan silang lahat matapos ang tanong 'ko 'tsaka nagtawanan.
Nauna akong hinila ni Shenna na siyang malapit sa 'kin."Eto naman!wala ghorl, umupo kana." Iginiya niya 'ko sa katabing upuan kaya naupo na'ko.
"Mayro'n kasing magandang nangyari..."inilapit ni Mariel ang mukha niya sa 'kin na ikinangunot-noo 'ko.
"Nanalo si Aling Pacita kagabi sa Mahjong!" Magkakasabay nilang usal 'tsaka nagtawanan uli.
Matagal bago sila huminto, nagkan'ya-kan'ya sila ng appir, ang iba ay nanghahampas pa ng mesa at upuan habang tumatawa. Naiilang nalang akong nakisabay dahil hindi 'ko magets kung papanong ikinasaya nila iyon, hindi naman sila ang nanalo.
"At dahil 'yon sa'yo!"dugtong ni Miles na itinuro ako. 
Napataas ang kilay 'ko."Huh?ako?"
"Uh-huh." Nakaawang ang bibig niyang pagtango.
Nagtataka akong nilingon silang lahat. "Bakit?anong ginawa 'ko?"
"Kasi naniniwala si Aling Pacita na suwerte raw ang perang ipinang bayad mo sa kan'ya, at dahil nga mahilig sila sa sugal at pustahan, napagpustahan nila ni Aling Suzeth at Aling Helda 'yong mga negosyo nila!e, si Aling Pacita syempre 'yong Boarding house niya 'yong isinugal niya 'saka 'yong parmesan naman at ang sari-sari store 'yong kina Aling Helda at Aling Suzeth!e, nanalo si Aling Pacita!" Huminto siya para tumawa ng malakas.
"Ayon!" Bigla niyang hinampas ang mesa saka tumitig sa 'kin. 
"Tuwang-tuwa ang matanda!mabuti nalang talaga nanalo siya dahil kung hindi, wala na tayong boarding house ngayon!" Patuloy niya. 
"'Yong pinakamaganda pa ro'n!Wala raw tayong renta sa isang buwan ngayon!o, 'di ba?sinong hindi matutuwa?!" Tumawa siya ulit na sinabayan na ng iba. 
Unti-unting akong napangiti dahil sa sinabi niya...unti-unti ring nawala ang pangamba 'ko na hindi makakabili ng panibagong uniform at kailangan 'kong matipid dahil nasagot na ang problema 'ko.
"Magandang balita nga 'yan," Nakangiting pakikisabay 'ko. "Pero nakakalungkot naman na mawawala ang negosyo nila Aling Helda at Aling Suzeth," sabi 'ko. Natigilan silang lumingon sa 'kin.
"Ay naku!hindi 'ko rin maintindihan ang mga matatandang 'yon, parang hindi manlang nanghinayang, e' kasalanan din nila dahil hindi nila naisip na matatalo sila." Papahinang sabi ni Shenna.
"E, panong hindi?" Nilingon siya ni Jovelyn. "E, milagro nga kasing nanalo si Aling Pacita dahil nga lagi naman siyang natatalo, kaya ayon, kumpiyansa ang dalawang matanda na maiisahan nila si Aling Pacita, alam niyo namang kampihan ang dalawang 'yon, kaya nananiniwala talaga si Aling Pacita na suwerte ka Hina at ang pera mo." Muling bumaling sa 'kin si Jovelyn na tinapik ang balikat 'ko.
Alanganin akong ngumiti. Ipinagdasal ko lang naman kagabi na sana manalo si Aling Pacita para hindi ako pagsirahan ng bahay...Hays...
Pero siguro mabuti narin 'yon. At least maibibili 'ko na ng panibagong uniform ang sarili 'ko at hindi 'ko na proproblemahin ang ipangrerenta 'ko sa katapusan ng buwan. Ede 'yong ipapadalang pera ni Miss Gazon ay itatabi 'ko nalang para sa allowance 'ko.
"Kaya ikaw Hina, 'wag kanang mamroblema at kumain ka na lang, dahil malaki ang pasasalamat namin sa 'yo dahil kung hindi rin, e baka wala akong naipadala sa mga magulang ko," biglang sabi ni Miles.
"Tama si Miles dai!" Nilingon 'ko si Jovelyn. "Buti nalang 'yong ipangbabayad 'ko sana sa renta ay naipadala 'ko sa kapatid 'ko kung hindi, hindi rin 'yon nakapag-exam!"nakangiting aniya.
Pinuno ng tuwa ang puso 'ko dahil sa sinabi nila, kung tutuusin wala naman akong ginawa pero lubos ang paniniwala nilang nakatulong ako sa kanila, at masaya ako dahil may nagawa ako...kahit ang totoo wala naman.
Lahat kasi sila ay nasa Kolehiyo na, ang iba naman sa kanila ay working student katulad ni Miles, Jovelyn at Mariel, si Shenna naman ay independent lang daw dahil naglayas lang siya sa bahay matapos makipagtanan, e' dahil naghiwalay din sila ng ex-boyfriend niya kaya ayon...walang sumusuporta sa kan'ya kung hindi ang pagpapart-time job niya, kaya gusto niya nalang mag-aral uli para makabawi sa mga magulang niya.
Nginitian ko lang silang lahat at tumango. Matapos no'n ay sabay-sabay na kaming kumain.
Kagaya ng nakasanayan 'ko, dumaan muna ako sa lomihan bago pumasok. Mamayang dismissal nalang ako dadaan kung saan ako magpapagawa ng bago kong blouse sa school. Sila lang kasi ang may gano'ong design kaya doon din nagpapagawa ang mga transferee o freshman katulad 'ko. Sa parte 'ko naman, si Miss Gazon ang nag-asikaso ng lahat. 
Pinaluwas lang niya ako at pinadiresto sa boarding house matapos asikasuhin ang lahat. Maging ang enrollment exam ay ipinadala lang sa 'kin at sa boarding house lang ako nagsagot. May mga nagtungo lang roon para i-supervise ako, hindi 'ko rin magets kung bakit kailangan pang gawin 'yon ni Miss Gazon kung puwede namang ako nalang ang magtungo roon sa school.
"Heto po kuya." Bente ang ibinigay 'ko kay Manong driver dahil malayo-layo ang school 'ko sa 'min.
Tumalikod na'ko saka nagsimula maglakad papasok.
Hanggang sa mga sandaling ito, namamangha pa'rin ako sa ganda ng HIS. Kahit sa parking lot pa lang mapapaamang ka na dahil di-sasakyan ang lahat ng estudyante at talagang mayayaman, ako lang ata ang nagtatrycicle.
Pero buti nalang wala pa namang nambubully sa 'kin. 'Yong nakakatakot lang na pangyayari no'ng nakaraan ang bumabagabag sa 'kin pa hanggang ngayon.
Oo nga pala... kumusta na kaya ang lalaking 'yon?
"Hina!" 
Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ang babaeng tumawag sa 'kin. Napangiti ako nang makita si Kara na tumatakbo papalapit sa 'kin.
"Papasok ka palang?"hinihingal niyang tanong.
Nakangiti akong tumango."E, ikaw?"
"E, hehehe.."bumungis-ngis siya bago umakbay sa 'kin. "Ihahatid na kita,"aniya.
"Gusto mong makita si Calvin, noh?"agad niyang tinakpan ang bibig 'ko.
"'Wag mo 'kong ibubuking dito, baka kuyugin ako,"bulong niya na tumingin-tingin sa paligid.
Dahan-dahan 'kong tinanggal ang kamay niya sa bibig 'ko 'tsaka unti-unting ngumiti.
"Kahit na ihatid mo 'ko, hindi mo rin naman siya makikita kasi nasa ibang building," sabi 'ko.
Nakangiti siyang tumango sa 'kin."Alam 'ko... hehehe."
"E, bakit ihahatid mo parin ako?"kunot ang noo 'kong tanong.
"Ano ka ba naman, hindi naman kita hinahatid dahil gusto 'ko lang makita si Calvin. Well yes, kahapon, siguro, pero alam ko namang nasa fourth building siya... gusto lang kitang samahan dahil maraming tarantado rito baka kung anong gawin sa'yo, ang laki pa naman niyang ano mo..."binitin niya ang sasabihin saka nagbaba ng tingin sa dibdib 'ko.
"Totoo ba 'yan?"dugtong niya na tinuro pa ang dibdib 'ko. Nahihiya 'kong iniharang ang dalawang braso sa sarili na sinabayan niya ng pagtawa.
Pilit ang ngiti 'kong sumabay habang patuloy kaming naglalakad.
"Anong year ka na pala Kara?" tanong ko mayamaya.
Nilingon niya'ko para sumagot."First year college."
Namamangha akong nag-angat ng tingin."Talaga?pareho pala ang uniform ng nga juniors dito sa mga college na."
"Ah hindi," umiiling na aniya. "Disguise lang 'to para papasukin ako ng guard hehehe."
Doon ako napa-angat ng tingin sa kaniya, kulay brown naman ang kulay ng buhok niya hindi tulad no'ng nakaraan na kulay pula.
"Ibig-sabihin ginagawa mo pa 'to para lamg kay Calvin?"Nahihiya siyang tumango, napangiti naman ako.
"Mahal na mahal mo talaga siya...pero puwede mo namang hilinging magkita nalang kayo dahil nobyo mo naman siya, 'di ba?"unti-unting nawala ang ngiti niya.
"Alam mo Hina..."bahagya siyang tumigil para humarap sa 'kin. 
"Hindi niya naman talaga ako totoong girlfriend e..."malungkot na aniya. 
"Sinabi ko lang 'yon sa'yo dahil mukhang freshman ka palang...at least may isang tao na alam na naging boyfriend 'ko si Calvin 'di ba?kahit imagination lang..."unti-unti siyang ngumuso 'tsaka kami nagpatuloy. 
"Tsaka ang totoo, hindi niya naman talaga alam na ang isang Kara Leigh Boston ay may gusto sa kan'ya, noh!baka masampal pa'ko ng kakambal 'ko kapag malaman niyang pinapantasya 'ko tropa niya." Mapait niyang pagpapatuloy.
"May kakambal ka pala?"gulat 'kong tanong, tumango siya.
"Pero kagaya mo ay senior parin siya, tropa ni Calvin,"bigla siyang bumusangot. 
"Tarantado kasi, ayon hindi makagraduate." Natawa ako sa expression ng mukha niya.
"Hmm..." Kagat 'ko ang labing nagpatuloy. 
"Pero alam mo... sa tingin 'ko kailangan mo lang ng lakas ng loob para magconfess at sabihin kung ano talaga ang nararamdaman mo para sa kan'ya, kailangan mo lang magpakatotoo sa harap niya...sa tingin 'ko mabait namang tao si Calvin e," ani 'ko.
"Yes, at hindi lang siya mabait, super smart at guwapo pa..."nakapikit niyang sabi na parang ini-imagine niya na silang dalawa ni Calvin.
Napangiti ako 'tsaka saka muling tumingin sa daan.
Bibihira lang ako makatagpo ng mga taong lubos na nagmamahal para sa isang tao...'yong gagawin nila ang lahat para makita at makasama lang nila ang taong 'yon. Nakakatuwa at natutuwa ako kapag nakakakita ng mga taong nagmamahalan...'yong hindi pinapabayaan ang isa't isa at kayang gawin ang lahat para sa taong 'yon. Kaya minsan, napapaisip din ako.
Ano kaya ang pakiramdam na mayro'ng taong nagmamahal at mamahalin 'ko?
Hindi 'ko pa kasi nararanasan 'yon, well, siguro masyado pa 'kong bata para do'n...
Napahinto ako nang mapagtanto nasa labas na kami ng room 'ko. Agad akong humarap kay Kara na hindi 'ko inaasahang yayakapin ako.
"Mag-iingat ka lagi, ha?balita 'ko puro boys ang mga kaklase mo e."
"Oo nga e', pero ayos lang naman ako,"ngumiti lang siya.
"Dadaan ako ulit dito, sabay tayong maglunch break." Natuwa naman ako sa sinabi niya dahil kahapon wala akong na kasama magtanghalian.
"Sige." Nakangiti akong tumango.
"Okay sige, mauna na'ko, ah?"
"Mag-iingat ka Kara." Kumuway ako at gano'n din siya. Nang hindi 'ko na siya matanaw ay 'tsaka 'ko napagdesisyunang pumasok.
Hindi katulad ng nakaraan ay hindi tennis ball ang sumalubong sa 'kin kung hindi ang papalapit na bat sa gawi 'ko. Dahil naabot no'n ang pakiramdam 'ko mabilis akong umilag at sinalo iyon. Napatingin agad ako sa mga lalaki 'kong kaklase na tila hindi natuwa dahil naging palpak ang plano nila.
"Ano ka ba talaga Ms. Montero, ha?" Papalapit sa 'kin ang umiigting na bagang ni Efron.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noo 'kong tanong.
"Aneng ebeg meng sebehen?"panggagaya niya sa sinabi 'ko na sadyang pinaliit ang boses para magtunog babae.
"I still don't forget what you did to me last time, at 'yang mga kilos mo? 'yong sobrang pakalmado at pa-inosente mo? nagmumukha kang tanga at ignorante para sa 'kin. Pa'no mo naiilagan ang mga ginagawa ko? at ngayon!paano mo 'yon maipapaliwanag?ha? Ms. Montero?baka naman may super powers ka d'yan, i-share mo naman sa 'min." Hindi 'ko maintindihan kung bakit nagtawanan ang iba 'kong kaklase samantalang wala namang nakakatawa roon.
"Hindi ko naiinitindihan..."sinalubong 'ko ang tingin niya.
"At ngayon umaarte ka namang bobo?ha?"
"Hindi 'yon ang ibig 'kong sabihin Efron," seryosong sagot ko, muli akong nagpatuloy.
"Hindi 'ko kasi maintindihan kung bakit mo ginagawa 'to...hindi 'ko maintindihan kung bakit ka nagagalit sa 'kin samantalang ikaw naman ang may ginawang mali. Sa unang pagpasok 'ko sa room ay binato mo agad ako ng tennis ball. Sa pangalawang pagkakataon ay binastos mo rin ako, sinakal mo rin ako kung saan hindi 'ko rin nakuha kung bakit mo ginawa 'yon. At ngayon naman sinubukan mo rin akong batuhin ng baseball bat, kaya hindi 'ko maintindihan kung bakit ikaw pa ang sumisigaw at nagagalit sa 'kin samantalang wala naman akong ginagawang masama sa 'yo..."nakarinig ako ng mahinang pagtawa at kahit ang boses ni Lerwick ay naririnig ko rin...mas lalong nagalit si Efron na muling dinukmat ang kuwelyo 'ko.
"Hindi mo maintindihan?ito bobita ipapintindi ko sa'yo!" Napaatras ako at napasandal sa likod ng pinto dahil sa paninigaw niya.
"'Yang ugali mo!'yang pagiging kalmado mo!bakit ba hindi ka lumaban?bakit hindi ka mainis?magalit?o gumanti?!show me what you've got Bobita!"
Hinawakan 'ko ang kamay niya at tiningnan siya sa mga mata.
"Tama na Efron...'wag mong itulak ang bawat-tao na magalit at gumanti at kamuhian ka. Kung nacucurious ka kung paano mo 'ko makikitang magalit...puwes ako rin. Dahil hanggang ngayon hindi 'ko mahanap ang sariling 'kong galit tulad ng sinasabi mo...at kahit pa anong gawin mong pananakit at pambabastos sa 'kin hindi mo parin 'yon makikita, dahil hindi kita kamumuhian. Hanggang sa may natitira pa 'kong pag-intindi sa loob-loob 'ko...patuloy 'ko 'yong gagamitin para intindihin ang mga taong nakakaranas ng paghihirap at may galit sa mundo." Natahimik ang lahat ng naroon matapos ang huling sinabi 'ko. Siya narin mismo ang tumanggal ng pagkakahawak sa 'kin.
"That makes you more stupid, pag-intindi?hindi nagagalit?kalokohan 'yan!"singhal niya sa mismong mukha 'ko. 
"Sino namang tao ang hindi marunong magalit?I'm sure mayro'n d'yan sa loob-loob mo na nagpapasensya lang at nagtitimpi!" Dinuro niya ang itaas ng dibdib 'ko. 
"'Yang pag-intinding sinasabi mo?mauubos din 'yan!at kagaya ng lahat ng tao rito! mapupuno din 'yan ng galit!at katulad din namin...kakamuhian mo ang mga taong nasa paligid mo...at dadating 'yong araw...na pagsisisihan mong nabuhay ka pa at ipinanganak dito sa mundo." Tiim ang bagang niyang sabi na matalim ang tingin sa 'kin.
Hindi na'ko sumagot dahil tumalikod na siya. Lahat ng naroon ay masama rin ang tingin sa 'kin. 
Napabuntong-hininga akong naupo nalang sa tabi ni Lerwick dahil sakto namang dumating ang Lecturer namin. Hindi 'ko maiwasang lingunin uli si Efron, na saktong masama ang tinging nakatitig din sa 'kin.
Napa-isip ako sa sinabi niya, napapaisip din ako kung ano ang mga pinagdaanan niya para maging ganito siya ngayon. Kung ako lang, hanggang may pag-intindi ako... gagawin at gagamitin 'ko iyon...dahil ang mga taong may pinakamatinding galit sa mundo, 'yon pa ang mas may pangangailangan ng matinding pag-intindi at pagmamahal. Naniniwala ako, maalis din ni Efron ang galit niya...kasi tama ako...hindi niya 'yon ginawa dahil masama siyang tao... ginawa niya 'yon dahil sa kursyidad sa pagkatao 'ko.
"Hey, are you okay?" Napatingin ako kay Lerwick at nakangiting tumango.
Humarap nalang uli kami sa harapan nang naroon na si Sir Jayson, ang lecturer at siyang adviser din namin.
Nang magsimula siyang tumingin sa kabuuan ng klase, lahat ay naging tahimik. Hindi 'ko alam pero nararamdaman 'kong may kakaiba tuwing dumadating si Sir Jayson. 
'Yong tipong parang mayamaya lang ay mayro'ng mag-aaway at magrarambulan sa paligid 'ko dahil sa mga kaklase 'ko pero tuwing dadating si sir Jayson, lahat sila ay parang mga tupang naging maamo at masunurin.
"Good morning, class."
"Good morning, sir,"sagot naming lahat.
"I have an announcement to make." Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko, itunuon ko na lamang ang pakikinig sa harap.
"I know, everyone already heard about the incident happened inside the library last week, between five and six o'clock." Natahimik ang lahat matapos ang sinabi niya.
"That includes the Hammton siblings, I think everyone is already familiar with them, right? kung sino mang hindi nakakakilala mabuti pang lumabas na." Patuloy ni sir na sinabayan nang mahinang tawanan ng mga kaklase 'ko.
"This announcement was announced in the plaza earlier, but since kilala 'ko ang mga pag-uugali ninyo, alam 'kong hindi kayo nakinig. So as I have said, Mr. Jackson and Mr. Jacob Hammton was suspended for 2 weeks, for starting the trouble inside the school. Dahil nga kilala sila bilang mga leader ng kilalang gang sa school natin, our supervision are having their investigation with the other consummates of the incident and other members of the gang."
"Now, hindi lingid sa 'kin na maging sa loob ng class room na ito ay kasali sa masabing gulo. Kaya kung sino pa ang ibang miyembro na pinagtatakpan at pagtatakpan ang isasagawang investigation. Mabuti pang galingan niyo na ang pagtago dahil kasali ako sa maghahanap sa inyo..."naging nakakatakot ang tingin ni sir matapos niyang magsalita.
Nanatili rin akong tahimik dahil sa mga narinig...
Mga gang...
Kung gano'n kabilang ang lalaking 'yon sa mga gang at sila pa ang leader?At tama nga...sila rin ang may-ari ng school na ito...
"Sir." Natinag ako ng mayro'ng nagtaas ng kamay, nagulat pa'ko nang si Efron iyon.
"Yes Mr. Salazar?"
"I heard a girl saved Jack's life. Is it true?" Napatingin ang lahat sa kan'ya at aligaga naman akong tumingin uli kay sir.
"Indeed it's true."
"Sino 'yon sir?"
"Knight shining princess ata niya." At nagsimula na namang magtawanan ang mga kaklase ko, nangunguna ang grupo ni Efron.
"Quiet everyone, as of now, Jackson is recovering. At sa babaeng tumulong sa kan'ya. Malaki ang pasasalamat ko sa kan'ya dahil kung hindi, baka ro'n na nalagutan ng hininga ang kapatid ko." Napakurap ako matapos ang sinabi ni sir. 
Mas lalo 'ko siyang tinutukan sa mata 'tsaka 'ko napagtantong malaki nga ang pagkakahawig nilang dalawa.
Kung gano'n, isa rin pala si sir sa may-ari ng HIS?
"But who helped jack?" Si Lerwick ang nagtanong.
Tumingin ako kay sir dahil hindi siya agad nakapagsalita, naririnig 'ko ring nagbubulungan na ang mga kaklase 'ko at nagsisimula narin silang macurious kung sino iyon...hindi 'ko alam pero nararamdaman 'ko na rin ang mas lalong pagbilis ng tibok ng puso 'ko.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay sir at saktong nagtama ang paningin namin. 
To be continued...

Book Comment (98)

  • avatar
    Arvin Santos Sordoncillo

    5.0

    07/08

      0
  • avatar
    Nhora Gonzales

    maganda ang kwento mayroon matutunan ang nag babasa

    07/08

      0
  • avatar
    fiberhomejhully

    awesome

    07/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters