logo
logo-text

Download this book within the app

GIRLFRIEND?

KABANATA 3
"Miss anong nangyari?" Nagmamadaling lumapit sa 'kin ang doktor nang tuluyan ng maihiga ang lalaki sa hospital bed. Hindi 'ko nagawang sagutin ang tanong niya dahil nagmamadali niyang inasikaso ang pasyente.
"Nurse check the pulse rate, is the patient unconscious?"
"Yes Doc."
"Miss, labas po muna kayo." Baling sa 'kin ng babaeng nurse. Nakatulala ako habang inaasikaso nila ang duguang lalaki.
Naiilang akong tumango at umatras nang mas marami pa ang lumapit para asikasuhin siya.
Isinira nila ang kurtina kaya tuluyan nang nawala sa paningin 'ko ang lalaki. Napababa ang tingin 'ko sa duguan 'kong kamay, lalo na ang damit 'ko sa may bandang dibdib. May tama siya sa ulo kaya doon mas nagkalat ang mantsa sa damit 'ko.
"Miss, ayos kalang ba?"nilingon 'ko ang babaeng nurse na lumapit sa 'kin, sinuyod niya ng tingin ang duguan 'kong damit.
Tumango ako."Ayos lang po," sagot 'ko.
Tila nakahinga siya ng maluwag, sumenyas siyang aalis na para asikasuhin ang iba pang pasyente.
Napabuntong-hininga akong pinagmamasdan ang likuran niya 'tsaka nagbaba ng tingin sa mga kamay 'ko.
Hindi 'ko maintindihan, pero ngayon ay kitang-kita 'ko na ang panginginig ng mga kamay 'ko, nararamdaman 'ko rin ang kaba para sa lalaking iyon, siguro dahil ito ang unang beses na nakakita ako ng ganoong pangyayari sa buong buhay 'ko.
Napa-angat ako ng tingin nang may panibagong nurse na naman ang lumapit sa 'kin.
"Miss, ikaw ba ang nagdala sa kan'ya rito?"mahinahon niyang tanong, tumango ako.
"Kaano-ano niyo po ba 'yong pasyente?"
Hindi agad ako nakasagot.
Hindi ko alam ang sasabihin 'ko, bukod paro'n ay hindi ko magawang ikalma ang sarili 'ko.
Nararamdaman 'ko na ayos lang naman ang mga kilos 'ko, pero ang puso at isip 'ko ay ang nagsasabing bakas ang kaba at pag-aalala 'ko para sa lalaki kanina.
"Ahh...ano po..." paano ko ba sasabihin? 
Hindi 'ko kilala ang lalaking iyon, kahit pangalan niya ay hindi ko alam.
"Ah, ang totoo po niya'n, hi..."hindi 'ko nagawang ituloy ang sasabihin'ko dahil pinangunahan niya  na'ko.
"Kayo po ba ang bagong girlfriend ni sir Hammton?"
Nanlalaki ang mata 'ko. "Ho?"
"Teka po, hi—"
"Nurse, faster! I need the bio data now! We have to call his relative." Pareho kaming napalingon sa babaeng nurse na nasa ibang table. May hawak na telephone at abala sa pakikipag-usap rito.
Tumingin ulit sa 'kin ang nurse na kaharap 'ko.
"Miss, pakifill-up nalang po agad ito, pakilagay po ang pangalan ninyo." May iniabot siya sa 'king papel at ballpen. 
Napatango ako."S-sige po..." Hindi ko na'rin nagawang ituloy ang sasabihin'ko dahil bigla niya na'kong tinalikuran.
Napabuntong-hininga akong tiningnan ang papel na hawak 'ko. 
Matapos kong sagutan iyon ay sakto namang bumalik siya.
"Heto na'po." Inabot ko sa kan'ya ang papel.
Nakangiti siyang tumango.
"Thank you Miss," sabi niya. Tatalikod na sana siya nang pigilan ko ang isang braso niya.
"Miss, may sasabihin po ako,"sabi 'ko.
"Ahm, I'm sorry ma'am. I can't entertain you right now, marami pong pasyente e, kung gusto niyo pong magbanyo you can ask the janitors to lead you the way," tuloy-tuloy niyang sabi at tumalikod na.
Naiwan akong nakaawang ang bibig.
"Hindi niya 'ko girlfriend..."gusto 'kong isantinig iyon pero malayo na siya.
Napabuntong-hininga akong naupo sa malapit na stool. Mahigpit ang kapit ko sa ilalim ng upuan, hindi ko maintindihan kung bakit gano'n nalang ang pag-aalala 'ko.
Mabubuhay pa kaya siya?
"Grabe ang laki," biglang pumasok sa tainga 'ko ang boses ng isang babae. Nalingunan 'ko ang dalawang nurse na nag-uusap, na nasa kabilang department, naabutan 'ko silang nakatingin sa dibdib 'ko.
"Teenager pa 'yan, ah! samantalang ikaw..."
"Tumigil ka nga! hindi man kasinlaki ng sa kan'ya atleast may laman 'to noh!" Itinuro nito ang sariling dibdib, nagmamalaki. Naiilang akong pinakinggan sila.
"Psh, if I know, pinagtiyatiyagaan lang 'yan ni Andrew!"
Sumimangot ang mukha ng kausap niya."Siraulo ka talaga!" sabay silang nagtawanan.
Inalis ko nalang ang paningin sa kanila at pumikit, may isa akong paraan para maiwasan ang marinig ang usapan ng ibang tao, 'yon ay ang ibaling at lunurin ang sarili 'ko sa pag-iisip sa ibang bagay.
"He's excessively bleeding!"
"Dr. Lee is here Doc.!" biglang anunsiyo ng kasamahan nilang nurse. Kararating lang ng isang lalaking doktor. 
"I'll take over for the patient Doc. Cruz, he's Mr. Hammton," anito sa babaeng doktor. "Okay, Doc." 'Tsaka niya binalingan ang kasamang nurse. 
"Bakit hindi niyo agad sinabi sa kaniya na si Mr. Hammton ang pasyente? We could've called his brother right away!" Bagama't Ibinulong niya lang iyon sa nurse ay umabot parin iyon sa pandinig ko. 
Katulad ng nurse ay nakababa rin ang ulo nitong yumuko. 
"I'm sorry Doc."
"Proceed to the blood transfusion procedure, the blood pack for Mr. Hammton is quiet prepared by his brother for this kind of incident." Sa halip ay sagot ng Doktor. 
Biglang lumabas ang isang nurse mula sa isang corner kung saan nila ginagawa ang operation.
"Is the ICU room ready?" rinig 'kong pahabol ng doktor.
"Yes Doc, we're ready for the operation." Sunod na lumabas ang dalawa pang nurse,  dala na ulit nila ang lalaki patungo sa isa pang room.
Napatayo akong sinalubong ang lalaking nurse na kalalabas lang din.
"Excuse me po," pagtawag 'ko, awtomatiko siyang lumingon lumapit sa 'kin.
"Yes?"
"Ah, puwede po bang malaman kung ayos lang po 'yong pasyente?" nagbabaka-sakaling tanong 'ko.
"As of the moment, we can't tell you that Mr. Hammton is in a good condition, dahil sasailalim pa siya ng operasyon, but hopefully after the operation 'tsaka po natin tatanungin ang doctor kung ano na po ang kalagayan niya, but what the good news right now is hindi major head injury ang tinamo niya, so there's a chance that he can make it, sa ngayon po maghintay nalang po tayo sa kalalabasan mamaya."
"Gano'n po ba..." pansamantala akong nakahinga ng maluwag.
"Atsaka, 'wag na po kayo'ng mag-alala ma'am kay sir, ilang ulit na po 'yan naisugod dito, minsan panga po nasaksak e', pero lagi naman po siyang nabubuhay," patuloy niya.
Natigilan ako.
Nasaksak?
"Sige po ma'am, kailangan ko na pong umalis." Alanganin akong ngumiti at tumango sa kan'ya.
Muli 'kong nilingon ang gawi kung saan ginagamot ang lalaki. Biglang sumagi sa isip 'ko ang aninong nakita ko sa likod ng pinto kanina. Kung dalawa lang silang naroon sa pinakadulo ng library, sino at kaninong anino ang nakita 'ko?
Pakiramdam ko may mali...
Napabuntong-hininga ako, hindi 'ko alam kung bakit masyado akong naapektuhan, siguro dahil ito palang talaga ang unang beses na naranasan kong magdala ng isang duguang lalaki sa hospital. Ang totoo, kinabahan talaga ako kanina dahil akala ko patay na siya.
Sana maging okay siya...
Kanina, gusto ko lang talaga malaman kung ano na ang kalagayan niya, kung buhay pa ba siya, pero no'ng nalaman 'ko na malaki naman pala ang tiyansang mabubuhay siya, medyo nabawasan ang kaba 'ko, tuloy, hindi ko na alam kung maghihintay pa ba 'ko o aalis nalang.
Hindi ako makapagdesisyon...
Naupo nalang ulit ako sa stool, 'yong mas malapit na sa ICU room, nang biglang magring ang cellphone 'ko.
"Hello Miss Gazon?"sagot 'ko 
"Mommy..." Bumuntong-hininga ako .
"Bakit ho?" Sa halip na tanong 'ko.
"Anong bakit?"
Nagsalubong ang kilay ko." E' 'di po ba kayo ang tumawag?"
"Oo nga, e' 'di ba ikaw itong naka-anim na missed calls kanina?ano bang nangyari? kumusta ang school?nakauwi ka na ba?"
Napatango ako sa sinabi niya saka napapikit."Hindi pa po..."
"Bakit?asan ka pa?gabi na ah?"alam ko nang magtataka siya.
"Oy, ikaw hinata! alam kong 18 ka na pero jusko! unang pasok mo palang nagpachupa ka na agad sa mga lalaki mong kaklase!porke mga gwapo aba'y!hoy, hindi kita pinalaki ng gan'yan ah!wala akong anak na gan'yan!" Naroon na naman ang pagiging exaggerated niya sa mga bagay-bagay. Napapailing akong pumikit.
Ramdam 'ko na gusto ko ng matulog.
"Miss Gazon, nandito po ako sa Hospital,"awat 'ko sa sinasabi niya.
"Nabuntis ka agad?!grabe ka naman oy!" Sa lakas ng boses niya ay napatingin ang ilang tao na dumaraan sa harap 'ko. Mabilis 'kong tinakpan ang speaker ng cellphone.
"H-hindi po..." Napapikit na lamang ako 'tsaka bumuntong-hininga.
"Mayro'n po kasi akong dinala na lalaking duguan, napaaway po siya at may tama ang ulo..."
Saglit siyang natigilan."Bakit anong nangyari?!"
Sasagot na sana ako nang biglang may nagsalita.
"Where is he?"
"Sir si Mr. Hammton po ba?"
"Yes!where is he?"
"Nasa ICU room po sir, under operation."
Napa-angat ako ng tingin sa ingay na 'yon, nakita ko ang ilang mga lalaking nagsidatingan, hindi 'ko makita ang mukha nila dahil may mga nurse ang nagkukumpulan at humaharang.
"Andyan na 'yong kapatid ni sir Hammton," rinig 'kong sabi ng isa sa mga nurse.
"Grabe, magkamukha talaga sila!parehong guwapo!"
"Woy, 'wag ka ngang maingay, 'di ba naka-assign ka sa pagbabantay ng bata?ba't ka nandito?"
"Wala, narinig ko kasing dinala na naman dito si sir Hammton."
"Psh, malandi ka talaga."
"Desperada lang, like duh?21st century na, 90's ako pinaganak, deserve ko naman sigurong magkalove-life."
"Duty muna bago landi!tara!"
Nakikinig lang ako sa mga bulungan ng mga nasa paligid 'ko habang nagsasalita si Miss Gazon sa kabilang linya.
Ibig-sabihin hindi nga ito ang unang beses na nangyari 'yon sa kan'ya?
"Hoy Hina!bruha! and'yan ka pa ba?"
Biglang sigaw ang sunod na narinig'ko.
Aligaga 'kong naibalik ang atensiyon kay Miss Gazon. "Opo, pasensya na po..."
"Naku, mukha'ng pati ikaw natira na sa utak!ano?naalog din ba utak mo?"pilit akong ngumiti at tumayo nalang.
Sumilip ako sa gawi kung nasaan ang lalaking ginagamot at sakto namang lumabas ang doktor.
May apat akong lalaki na nakitang lumapit agad, hindi 'ko nakilala dahil nakatalikod silang lahat.
Tiningnan ko ang orasan at mag-aalas otso na.
Nanlalaki ang mata 'kong nasapo ang noo. Nagmamadali 'kong kinuha ang bag at iilang libro at pumihit patalikod.
"Uuuwi na po ako, narito nadin naman po ang kuya niya, mag-aalas-otso na po!"nagmamadali akong tumakbo at dumaan sa kabilang side at pumihit ng elevator.
"Ay, hala!oo nga!magmadali ka dahil baka siraduhan ka na naman ni Aling Pacita!sige ka, sa pet house ka naman matutulog." Alam ni Miss Gazon ang bagay na inaalala 'ko.
Hindi ko na lamang iyon pinansin at kagat ang labi ko habang hinihintay ang elevator na magbukas.
Nang tumunog at magbukas ang elevator ay dali-dali akong humakbang palabas pero bigla ding may pumasok kaya mabilis akong umilag para hindi siya makasalubong, sa kasamaang palad ay ang hawak kong mga libro ang nalaglag at nagkalat.
"Pasensya na po!nagmamadali kasi ako." Kinuha ko agad ang mga librong nalaglag.
"Watch where you going."
Hindi ko na natingnan ang mukha niya at kinuha na lamang ang isa kong libro na nasa paanan niyang kulay itim ang sapatos at may pulang strip na medyas.
"Pasensya na po talaga,"nakayuko akong nagpaumahin matapos kunin ang mga libro 'tsaka dali-daling lumabas.
Sa isip ko ay pinagdadasal 'kong nanalo sana si Aling Pacita sa Mahjong para hindi niya muna ako pagsirahan ng bahay.
Sa bahay niya kasi may rules roon, may curfew din kami at bawal ang mga lalaki, lalo pa't puro kababaihan lamang ang naroon. Before 8:30 ay dapat nakauwi na dahil inilolock niya ang malaking pinto, unang beses akong nalate ay 'yong nadukutan ako ng pera kaya naglakad na lamang ako, 'yon 'yong panahon na kailangan kong mamili ng gamit para sa school, at dahil nasirahan ako ng pinto, wala akong choice kung hindi ang matulog sa labas at dahil nilamok ako, sa pet house nalang ako nakitulog.
Nanakit ang buong katawan 'ko dahil hindi ako nagkasiya, tiniis ko din ang amoy ng bagong popo ni Bam na siyang alagang aso ni Aling Pacita kaya hindi rin ako halos nakatulog.
Nang makalabas ako ng hospital ay agad akong naghanap ng masasakyan. Mabuti nalang at nakahanap din ako ng taxi kaya nakarating agad ako sa boarding house. Naipagpasalamat ko rin na 8:28 palang ng makarating ako, ibig-sabihin, hindi ako sa pet house matutulog.
"Oh hala!Hina, anong nangyari sa'yo?ayos kalang ba?tara punta tayo sa Hospital!"bumungad sa 'kin si Miles nang maglakad ako paakyat sa hagdan, halos hilahin niya'ko pababa habang nakatingin sa duguan 'kong damit.
Pinigilan ko siya. "Wala 'to Miles, ayos lang ako,"nakangiti 'kong sabi, nahinto naman siya sa paghila sa 'kin 'tsaka huminga ng maluwag.
"Akala 'ko kung ano na ang nangyari sa'yo!" Napahawak siya sa dibdib 'tsaka ulit ako sinuyod ng tingin.
Nagsimula naman kaming maglakad papasok hanggang sa marating namin ang sala.
"Teka nga!anong nangyari sa'yo?'tsaka ba't ngayon ka lang?unang klase mo pa naman tapos gan'yan pa hitsura mo, late ka pa umuwi." Napangiwi ako nang maalala ulit ang nangyari.
Napabuntong-hininga akong naupo sa sofa bago siya sinagot.
"May sinugod kasi akong lalaki sa hospital, tinamaan siya sa ulo,"nakapikit 'kong sagot.
Pakiramdam ko inaantok na'ko.
"Hala seryoso?" hindi makapaniwalang aniya, tumango ako. 
"First day na first day mo sa school tapos gano'n ang ganap?"malakas niyang sigaw na tiyak narinig na naman ng iba.
"Oy, anong ingay 'yan?" Inaasahan 'ko nang lalabas si Shenna na sinundan ni Mariel.
"Ay, eto raw si Hina may sinugod sa hospital na lalaki!Gosh scary!" sagot ni Miles.
"Hala, talaga?!" biglang lumitaw si Jovelyn, nanatili akong nakapikit.
"Ano raw ba?guwapo ba?"tanong ni Shenna.
"Ikaw bruha ka! 'di mo manlang tinanong kung okay o buhay pa! 'yong hitsura agad!"mariing pagkontra ni Mariel.
"E ba't ba? sa reaksyon nitong si Hina, mukha bang na deads 'yon?"
"Sus."
"Oy, Hina, ano raw ba?guwapo ba?" talagang hindi matigil sa kursuyidad si Shenna.
Nakapikit 'kong inalala ang mukha ng lalaki kanina, 'tsaka ako tumango nang nakangiti, nanatiling pa'ring nakapikit.
"Shaks!ang balita ko raw kasi ang daming guwapo ro'n sa bagong school ni Hina!ano nga ulit 'yong name?" si Shenna pa'rin.
"HAMMTON INTERNATIONAL SCHOOL,"sagot ko.
"Oo nga, 'yon nga!"
Napaisip ako ng may maalala. 
"Ang sabi ng nurse, Hammton daw ang pangalan no'n...hindi lang ako sigurado kung pangalan niya 'yon o apelyido,"dagdag 'ko. 
"Shaks!" Natapik ni Shenna ang balikat 'ko dahilan para mapilitan akong magmulat ng mata.
"Pakshet ka ghorl!" kinikilig na aniya, nangunot ang noo 'ko. 
"Hammton?!"paniniguro niya, muli akong tumango. 
Sunod niyang nilingon sila Mariel. "Ede isa lang ibig-sabihin no'n..." Binitin niya ang sasabihin.
"Si Madman!"
"Awhhhhhhh!!!!"nagtiliian silang lahat maliban sa 'min ni Jovelyn. At dahil nga malakas ang pandinig 'ko pakiramdam ko nasira ang eardrum ko sa ingay nila.
"Hoy mga bruha!baka marinig kayo ni Aling Pacita! gusto niyong matulog sa labas?!"suway ni Jovelyn.
"E' kaloka namang ito si Hina, hindi sinabi agad e!!!"ingit pa ni Shenna. Nakapikit akong umiling at ngumiti.
Gusto ko nang matulog...
"Alam niyo bang sikat 'yang si Madman sa school namin? araw-araw pinag-uusapan siya ng lahat ng girls kahit senior palang siya!balita 'ko nga kahit mga College ay nagkakagusto parin sa kan'ya! Ang kaso...hindi mo malalapitan!baka ipatapon ka na lang kasi sa ilog-pasig kapag magkikilig ka sa harap niya. Masyado siyang snob at masungit kaya natatakot ang ibang girls sa kan'ya, kaya ang ending...si Calvin at Lerwick nalang din ang pinapantasya ng iba!"patuloy ni Shenna, hindi maitago ang pagtitili niya.
"At kasali karin 'di ba?"sabad ni Jovelyn. Napanguso naman si Shenna na nilingon siya, habang pinipigilan ang sariling tumili na naman.
Tumayo na ako 'tsaka sila tiningnan.
"Mauna nako sa inyo, ah?lalabhan 'ko pa itong damit 'ko at kailangan 'ko ng magpahinga,"ani ko.
"Okay sige, Hina Boobie!pero ghorl dugo 'yan, baka hindi na 'yan matanggal!"alanganin akong ngumiti kay Miles.
'Yon din ang problema 'ko...baka hindi na matanggal'
Mayro'n pa naman akong isang uniform, blouse na ngalang 'yon para bukas...kaso kailangan talaga dalawa blouse ko e.
Ngumiwi ako. "Bahala na,"alanganin 'kong ngiti saka tinalikuran na sila.
Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan habang ako pumasok na sa kuwarto at dumiresto sa Cr at nag half bath.
Ibinabad ko muna ang uniform 'ko 'tsaka nahiga ulit sa kama.
Nakapikit parin ako habang inaalala ang pangyayari kanina.
At 'yong anino talaga...
Hindi ko maiwasang mag-isip...
Eh sino ba 'yon? ibig-sabihin hindi lang silang dalawa ang nando'n?
Hindi ko maiwasang isipin na may kakaiba nga ro'n. Grabe ang kaba ko kanina habang binubuhat siya, nakapagtataka rin na sobrang tahimik ng school nang bumababa ako, no'ng umakyat ako sa itaas may mga tao pa naman 'yon sa ibaba. Pero no'ng makabalik na ako parang nawala na silang lahat, kaya 'yong ending...binuhat ko siya hanggang sa pinakamalapit na hospital sabi no'ng driver ng taxi. 
Hindi maalis sa isip 'ko ang hitsura at kalagayan niya, sana ay okay lang siya...
MADMAN'S POINT OF VIEW
"What's going on your mind?akala 'ko ba ihihinto niyo na' to?you promised last year that this is not going to happen again!"
"I'm sorry, kuya."
"And where is Jacob?don't tell me he did this to him, again?"
I slowly opened my eyes. If it wasn't for that noise, I might have woken up later.
"Finally, you're awake." Bumungad sa 'kin ang seryosong mukha ng kapatid 'ko.
I forced myself to sit but I failed, what I can only do is to scan the people inside that room.
"Tss,"napabuntong-hininga 'kong ibinalik ang sarili sa pagkakahiga habang inilibot ang mata sa pagkadismaya.
"They're not coming," Jason said confirming the idea in my mind.
"What are you doing here?"nakapikit 'kong tanong.
"What am I doing in my hospital?"
"Tss, in my room." Seryoso 'kong sinalubong ang tingin niya.
"Puwede bang kahit isang beses 'wag mong ilayo ang sarili mo sa mga taong nag-aalala sa'yo? Ako na ngalang ang nandito, gan'yan ka pa." Naroon na naman ang panenermon niya na daig pa ang isang babae.
Napapailing ako. "So you mean, I  should be thankful for wasting your time with me? na kahit hindi sila dumating, at least you came, right?" I said, clearing the sarcasm in my tone as he looked at me.
"Who did this to you?" he asked instead.
Kahit kailan, hindi niya kayang sagutin ang mga tanong 'ko pagdating ro'n.
I looked at my cronies before looking at him again.
"Another hater," bagot 'kong sabi, narinig 'ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Mukhang wala na naman akong makukuhang matinong sagot sa'yo,"nagtitimpi niyang sabi bago bumaling sa mga kaibigan 'ko.
"If you don't confess anything to me right now, I promise you'll going to stay in my school for the rest of your lives. That's if ...you want to witness how your beautiful hairs turn into shining glossy white," he paused, leaning to me. 
"Is that what you want Mr. Hammton? sa ganoong paraan masosolo mo na ang buong school, 'yon naman talaga ang gusto mo hindi ba?"
"Get out of the line Jayson, I can handle this,"naiinip 'kong sabi.
Tumaas ang kilay niya."You can handle this?with that? a bandage wrapped in your head?oh, did I missed to inform you that you're going to stay here for a week."
"A what?"salubong ang kilay 'kong tanong.
"A week, that was my request." Nakangisi siyang humarap sa 'kin. "Starting with another trouble, you're suspended for another 2 weeks, you should clean your ear next time."
"Tss." Napabuntong-hininga ako."You're messing around kuya." Pinahina 'ko ang dating ng boses.
"I'm so flattered you called me kuya again for have been what? 3 years?kilala mo pa pala ako sa buhay mo."
Napaiwas ako ng tingin."Is that what?another dramatic line?"
"Yes," nakapameywang siyang  lumapit sa 'kin.
"I'm actually collecting my sympathetic lines, and don't ever think I'm unfair because it was our Dean who decided, pati si Jacob suspended." I raised my eyebrows for his last words.
"That would start another war Jayson," seryoso 'kong sagot.
"I don't care, because the next time you're going to fight to death because of that stupid mana, Mom and Dad are going to disowned you."
"Tss," napapailing akong ngumisi dahil sa sinabi niya. 'Tsaka siya sinalubong ng tingin. 
"Really? 'coz I thought they already did,"balewala 'kong sagot.
"Why can't you listen to me once and for all Jackson Thomas?" Ang boses niya ay senyales na nauubusan na ng pasensiya.
"Don't you dare call me that again." I looked straight to his eyes, dahilan para matigilan siya.
"And what do you expect me to call you then?Madman? Commander?is that what you want?" Mahina niyang tanong.
Nainis ako bigla."Will you stop blabbering? it's not good for my health," sa halip na sagot 'ko.
Umatras siya habang nakaawang ang bibig. "And now you care about your health! unbelievable!"
"You know what? you're so talkative, para kang babae,"naiirita ko ng sabi sa kan'ya saka pumikit.
Wala na 'kong sunod na narinig kung hindi ang matunog na pagsara ng pinto.
"Did he slammed the door?tss." Napabuntong-hininga 'kong ibinagsak ang sarili ulit sa kama.
"I think you crossed the line Jack." I looked at Calvin.
Pinagkunootan ko siya ng noo."Ano nangyari?"seryoso 'kong tanong. 
Bahala ang isang 'yon.
"Obviously they retreat, bigla nalang silang nag-atrasan the next time we knew andito kana sa Hospital, sinong tumira sa'yo?si Dragon ba?"tanong ni Tin.
"No."
"Huh?" Kumunot ang noo niya. "Akala ko ba pinuntahan mo siya sa library?"it was Lerwick.
Napasandal ako."I did," sagot ko.  
"Akala ko rin dalawa lang kami nando'n, pero bigla nalang may tumira sa 'kin sa likod."
"Nakilala mo ba?"tanong ni Calvin, umiling ako.
"How snakey, huh?pero pa'no nangyari 'yon? kung tutuusin kayang-kaya mo silang dalawa." Tin looked at me.
"May isa pang nando'n." Napabuntong-hininga akong inalala ang pangyayari.
"Sino?ano? tatlo sila? that's a coward move, ah!isa laban sa tatlo? akala 'ko ba one on one?" Nailibot 'ko ang paningin sa sinabi ni Tin.
Bumuntong-hininga ako.
"Isang babae." 
"Babae?si Natasha?"'di makapaniwalang tanong ni Tin.
"No that's not possible, we're fighting the whole time,"singit ni Lerwick.
Umiling ako."She's not one of them,"sagot 'ko.
"What is she doing there?" asked Calvin.
Nairita ako bigla sa tanong niya."How would I know?nalaman ko lang na babae dahil sa pabango niya."
"So, hindi mo nakita?"
Bumuntong-hininga ako."I was about, pero ro'n naman ako tinira,"patuloy 'ko.
"So you're being distracted?"nakangising aniya.
"Sinasabi ko na e', makichicks ka rin e,"si Tin, sinimaan 'ko siya ng tingin.
"Gago," asik 'ko. Hindi ko rin alam kung bakit lumingon pa'ko, ede sana hindi ako naisahan.
Teka nga...
"Teka nga, sino namang nagdala sa'yo rito? E' lahat kami nasa baba, nagulat na nga lang kami nasa Hospital kana e." Napa-isip ako sa sinabi ni Lerwick.
"That girl..."anas ko nang may mapagtanto.
"What about her?"
Nilingon 'ko si Lerwick."Call the nurse,"I said.
"Why?"
"Just do it."
"Tsk." Napipilitan siyang sumunod.
Muling pagpasok ni Lerwick ay kasama na niya ang isa sa mga nurse.
"Yes sir?may kailangan po kayo?" Nag-aalinlangan siyang lumapit sa'kin.
"Who brought me here?"diresto 'kong tanong.
"H-ho?"
"Do I have to repeat it?"nakataas ang kilay 'kong tanong na ikinalunok niya.
"Ahh...'yong girlfriendn niyo po."
What?
"Girlfriend?"sabay-sabay na tanong ng mga kaibigan 'ko.
Napapikit ako sa inis."Sino namang nagsabi na may girlfriend ako?" seryoso 'kong tanong.
"Ah..." hindi siya makatingin sa 'kin ng diresto. "I'm sorry sir...akala ko po kasi..."
"Tss, whatever. Just get out." Hindi 'ko na pinatuloy ang sasabihin niya.
"Yes sir." Nagmamadali siyang umalis.
"Pati ba naman 'yon susungitan mo?"
"Tss."
"Hindi mo manlang tinanong kung anong pangalan." Parang nanghihinayang na tugon ni Justin.
"Why would I?" Seryoso ko siyang nilingon. "It's even sound like she just saved me and tell everyone that she's my girlfriend."
"Sabagay, ang dami nga namang assumera sa school natin."Ngumuso si Tin, napailing naman si Calvin.
"Pero hindi mo manlang ba aalamin para pasalamatan siya?" It was Lerwick.
"Why?" I looked at him. "Did I asked her to save me?" Nag-iwas siya ng tingin.
"Alam 'kong nakalimutan mong gumalang pero pati pala ang pagpapasalamat nakalimutan mo na'rin." Si Calvin lang ang may lakas ng loob na magsalita. 
"Kung hindi dahil sa kan'ya baka nagkakape na kami ngayon habang malamig ang bangkay mong nasa loob ng kabaong. Ang sabi ng doctor magpasalamat daw tayo dahil nadala ka agad sa hospital dahil kung hindi ubos na ang dugo mo,"panibago na namang sermon ni Calvin.
"Tss, malay ko bang ginawa niya lang 'yon para e-acknowledge ko siya?alam mo naman ang babae sa buong school natin." Napabuntong-hininga ako.
"How would I know? magkakaiba ang tao Jack. Isa pa, kung gusto niya lang na ma-acknowledge mo siya dahil gusto ka niya, ede sana ro'n palang hinalay kana."
Sumama ang mukha 'ko."Tado," bulong 'ko.
"Tch."
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya.
Hindi 'ko mapigilang alalahanin ang nangyari, I just don't really want to acknowledge her, dahil kung nagkataon baka nadamay siya sa nangyari. How did that girl came there? that place was known to be dangerous for all the student. 
Could it be a new bie?
Napapailing ako nang sumagi sa isip 'ko ang naramdaman 'ko nang mga sandaling 'yon.
I can still remember the smell of her perfume, I don't understand...but I felt that securement when I felt her presence...but the only thing that I can't forget is how big her boob was.
To be continued....

Book Comment (98)

  • avatar
    Arvin Santos Sordoncillo

    5.0

    07/08

      0
  • avatar
    Nhora Gonzales

    maganda ang kwento mayroon matutunan ang nag babasa

    07/08

      0
  • avatar
    fiberhomejhully

    awesome

    07/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters