logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

6: Montreal

Montréal
RALSHÉ
Tatlong araw nang nagkakagulo sa buong Micolah Gates at pati na rin sa bayan dahil sa biglaang pagkawala ni Ate Hera.
"Maglalabas po ulit ng 5000 copies ng article ang Pastrano Publishing po bukas." Nag-aalalang tugon ni Ate Hershey.
"Bakit bukas pa?! Dapat ngayon na!" Sa tono ng pananalita ni mommy, halatang sobrang nagpapanic na siya.
Paano nga ba kasi nawala si ate?
Sa pagkakaalam ko kasi, secured ng lahat ng bodyguards niya ang lahat ng entrance and exits ng building kaya imposible na makalusot ang sinumang kumidnap sa kanya. Maliban na lang kung–-
"Ralshé." tawag sa akin ni mommy.
"Bakit po?" agad akong nagtungo sa kinatatayuan niya.
"May nagbibigay na ba sa iyo ng informations?" Tanong niya.
Agad ko namang kinuha ang phone ko at nagpunta sa inbox.
"Wala pa po. Huling nagsend ng e-mail sa akin ay 'yong isang fan ni ate na si Jeniffer Aguilera. Ang sabi niya huli niyang nakita si ate na papunta sa rest room at bukod doon wala na. Hindi na niya nakita pa ang sumunod na nangyari dahil ang akala lang niya'y magc-cr lang talaga si ate ang hindi niya alam e may masama na po palang mangyayari sa kanya." Tuluy-tuloy na paliwanag ko.
"Ralshé." Sunod namang tumawag sa akin ay si daddy.
"Bakit po?"
"Na-track mo na ba ang location ni Hera?" Tanong niya habang nakadikit ang phone sa kaniyang tainga.
"Hindi po naka on ang location niya. Siguro nakapatay po ang cellphone niya o kaya naman sinira." Sagot ko.
Napahawak naman sa kaniyang noo si daddy dahil sa sobrang pagkastress. Kaya hindi na ako magtataka kung mapupuno ng wrinkles ang kanyang buong mukha. Si ate naman kasi, e. Ano naman kayang pumasok sa isip niya kaya niya naisipang magpakidnap.
"Lady Ralshé." Pangatlong tumawag sa akin ay si Mr. Aguirre na siyang tagapagbantay ni lolo.
"Po?"
"Pinapatawag kayo ni Chairman."Aniya at sinabayan akong maglakad patungo sa office ni lolo.
Gaya ng ginagawa ng marami kumatok muna siga ng tatlong beses sa pintuan ng office at hinintay na magkaroon ng response bago pumasok. Naglakad ako papunta sa garap ng table ni lolo at hinintay na paupuin niya ako.
"May balita na ba?" Tanong niya ngunit umiling lamang ako.
Inilahad naman niya ang kanyang kamay sa isa sa mga kanyang tauhan na parang may hinihingi. Nagmamadali namang ibinigay ng tauhan niya ang isang nakafold na papel na iyon namang ibinigay niya sa akin. Kinuha ko naman ito at binuklat.
Password: Hx68t_65tGyuipo
"Iyan ang password na kailangan mo para makapasok sa IT Studio. Wag ka nang magsayang ng oras dahil kailangan mong tulungan ang Micolah Technology Team para malocate nila ang kinaroroonan ng ate mo."
Wala naman akong ibang magawa kundi ang tumango na lamang. Mahit kailan ay hindi pa ako sumusuway sa utos ni lolo dahil iba siya kapag nagalit.
"Tara na po." anyaya no'ng isa sa mga tauhan niya.
Hindi ko talaga gusto ng pinopo ako lalo na't 16 years old lang naman ako pero kasi iyon ang utos kaya ano na naman bang magagawa ko? Manahimik 'di ba?
Sumakay kami ng elevator at pinindot ang Basement 2. Sampung segundo lang naman ang tinagal namin doon sa loob bago kami nakarating sa dapat naming puntahan.
Dire-diretso lang ang lakad naman hanggang sa tumapat na kami sa malalaking sliding doors ng room. Itinapat ko ang aking kamay at lumabas ang iang pad kung saan ko ilalagay ang password.
Nang makapasok na kami, agad akong binati ng team. Ngumiti lang naman ako sa kanila at nagtungo na sa table ng head nila, si Ms. Azhel.
"Good morning Ms. Micolah." Bati niya at saka muling humarap sa laptop niya.
"Sabi ni lolo na tutulungan ko raw kayong i-locate ang kinaroroonan ni ate." Panimula ko.
"Yes, miss. Informed na rin po kami tungkol diyan. Pero wala naman po kayong ibang dapat gawin kundi ang maghintay dahil once na malocate na po namin siya, ibibigay na lang po namin sa inyo ang location at kayo na po ang magdadala noon sa taas." Paliwanag niya.
Tumango naman ako. Ang trabaho lang kasi ng team ay ang pangalagaan ang Tech Security ng Micolah's at hindi sila maaaring lumabas o kaya naman umakat sa ground floor. Malalagot talaga kay lolo ang sinuman na sumuway sa utos na iyon. At oo. Strikto talaga siya. Kaya nga siya naging Chairman, e.
Naglakad lang ako patungo sa isang bench sa may isang side at doon naupo. Panay check naman ako ng email ko. Tinitingnan kung may updates pero wala pa ring bago. 'yong email pa rin ni Ms. Jennifer ang nakikita ko.
Kung nandito lang sana si ate, hindi magpapanic ang lahay ng nandito. Grabe, oh! Halos mapudpod na 'yong kamay ng lahat ng nandito dahil sa sobrang daming tinatype. Bakot naman kasi nakapatay ang location niya? Para ba hindi malocate ng stalker? Psh. Sabi ko naman sa kanya na dapat naka-on lang palagi ang location niya para kapag dumating 'yong sitwasyon na ganito, hindi kami mahihirapan na hanapin siya. Masyado naman kasi niyang in-underestimate 'yong mga kalaban. Ano 'yon? Porket nakatakas lang siya sa isang nangholdap sa kanya magpapabaya na siya? E no'ng elementary pa nga siya no'n tapos nasa loob pa siya ng school. Hay naku. Hindi kasi' yon nakikinig sa amin. Matalino nga masama naman. Joke.
Kaya naman ako ang napili nila na pumunta rito, ako lang kasi sa lahat ng family members namin ang masyadong high-tech. Saka hindi sila pwedeng makipag-communicate kay lolo dahil... Medyo masama siya at alipin ang tingin niya sa kanila. Saka may nagawa kasi akong kasalanan no'ng nakaraang araw kaya ngayong araw na ito, ito ang araw na pansamantala akong maihahanay sa mga tauhan na alipin sa paningin niya.
Maya-maya pa'y may lumapit sa akin na isang babaeng may nameplate na 'GIYA'.
"Ms. Micolah, wala pa po kaming nakukuhang updates at hindi pa po namin na-t-track ang location no Ms. Hera." Aniya
"Pero hanggang kailan pa raw po?" Tanong ko.
"Kung sa lumang wareouse lang po siya dinala o kaya sa ordinaryong bahah lang, madali po namin siyang ma-lo-locate kahit na hindi naka-on ang data o kaya naman ang location ng cellphone niya. Kaso nga lang po parang secured din ang bahay na pinagdalhan sa kanya kaya masyado po kaming nahihirapan na ma-track ang kinaroroonan niya." Paliwanag niya pa.
Napayuko naman ako sa mga narinig ko. Hanggang kailan pa ba? Ate. Magpakita ka na. Tatlong araw ka nang nawawala. Wala namang nagagawa 'yong mga pulis dahil hindi ka nga nila ma-track. Masisisante na si Ate Hershey kapag hindi ka pa nakita sa loob ng dalawang araw dahil sa kapabayaan niya. Sinisante na nga 'yong walong guard na nagbantay sa entrance and exits ng building dahil hindi ka nila nakita nang mailabas ka sa mall.
Pero nakakapagtaka nga lang din dahil bantay naman nila ang lahat ng pasukan at labasan kaya napaka-imposoble na makalabas si ate ng wala man lang nakakita sa kanya. Kaya naman pawari ko'y baka isa sa mga bodyguards na nagbantay ay kasabwat ng kidnapper, hindi kaya?
HERA
Hindi ko naman kasi nadala 'yong powerbank ko para ma-icharge ko 'tong cellphone ko. Nakakainis naman.
Nakatanaw lang ako sa bintana at hinihintay ang mga kotse nina mommy, daddy, at lolo na paparating. Napanaginipan ko kasi sila kagabi na tumatakbo kasama ako so baka etong araw na nga ako makakatakas mula sa hinayupak na nerd na 'yon.
Makalipas lamang ang ilang minuto, narinig kong bumukas ang pintuan at laking gulat ko nang makita kung sino ang pumasok sa loob ng kwarto.
Isang robot?
Sa pananamit at hugis niya' y halatang-halata na babae siya. Pero ang pinagtataka ko lang, paano nagkaroon ng robot dito?
"Hi. I'm Argo 16 and I'm your bodyguard. Nobody knows where you are except me and my master." Walang emosyon niyang pagpapakilala.
Pero master? Si nerd ba ang tinutukoy niya? Baka hindi naman. Baka may iba siyang master.
"Hello?" Nag-aalangan kong bati pabalik.
Natakot kasi ako sa huli niyang sinabi na 'except me and my master'
"Come. Follow me." Anyaya niya at biglang gumalaw ang mga gulong niya sa paa.
Tumayo naman ako at sinundan siya sa paglabas dito hanggang sa makarating kami sa isang napakalawak na kwarto. Kwarto na walang ibang gamit kundi ilaw at carpet. Ano 'to? Meditation Room? Yoga Room? Ipis room? What?
"Welcome to Martial Arts Training Room. The room for the bravest."
Napanganga naman ako sa mga sinambit niya. At ano naman ang gagawin ko–-
"Hwwoooo!" Napasigaw ako dahil sa biglaang pagsulpot ng isang napakalaking bola sa may itaas at mabuti na lamang at nakailag ako.
"Ano 'yon!?" Galit kong tanong sa robot na kaharap ko.
"Congratulations! You passed the first test." Aniya.
"What!? Test!?" Gulat kong tanong.
Ano ba namang klaseng test' yon! Paano kung hindi ako nakailag!? Edi baka basag-basag na 'yong mukha ko!? Huh! Si nerd na naman bang may pakana nito!? Bakit ba gusto niya akong mamatay!? Talaga bang–-
"WAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!"
Muli na naman akong napasigaw nang biglang umangat ang surface na kinatatayuan ko ngayon. Hindi naman ito lumulutang dahil may medium na nang-aangay dito papunta sa second floor ata ng room na ito kung saan makikita ang napakaraming martial arts training equipments. Kung Fu pads, Boxing stands, bags, human shaped punching dummies at marami pang iba. Hindi ko nga alam kung para saan ang mga ito pero isa lang ang sigurado ko, mag-t-training ako.
AYOKO NITO!! Pang-camera lang ang mukha't katawan ko at hindi pangbakbakan. Oo nakikipagdebate ako pero salitaan lang 'yon at hindi patayan.
"This is your first day in your martial arts training." Ani Argo 16.
Humarap naman ako sa kanya at sinubukan siyang kausapin.
"Argo 16, pwede ko bang makausap 'yong walanghiyang master mo?" Paalam ko at sana naman ay lumabas 'yong nakakainis niyang 'master'.
Lumapit naman ito sa akin tumango.
"Yes, your master."
WHAT!? Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya akong master!?
"Why, master?" Ulit pa niya.
"Teka teka teka! Tinawag mo akong master 'di ba?" Paninigurado ko.
"Yes, master." Sagot niya.
"So, ako nga 'yong master mo?"
"Yes, master."
"Uh- Ahh, gano'n."
So,ako pala 'yong master niya. Edi ibig-sabihin siya lang ang nakakaalam kung nasaan ako ngayon dahil ang sabi niya kanina siya lang daw at ang master niya, which is ako ang makakaalam kung nasaan ako.
Huh! So, hindi pala alam ni nerd na nandito ako. Aha! So, ibig sabihin pwede akong tumakas dito nang hindi niya nalalaman. YEE––
"Everything is under my control."
Biglang magflashback sa aking isipan ang sinabi niya noong unang gabi na sinubukan kong tumakas.
What the–-
Ibig-sabihin ba nito na ang lahat ng galaw ng robot na nasa harapan ko ay soya mismo ang may kontrol? Ibig-sabihin ba noon na parang siya na rin ang nakakausap ko? Abay 'wag naman sana dahil hindi ko na kakayanin pa kung tama nga ang aking hinala. Sana naman na nagbibiro lang siya noong sinabi niya' yon. Sana naman sinabi niya lang ang bagay na iyon para takutin ako at hindi na ako tumakas pa. Sana naman hindi totoo lahat ng hinala ko. At sana makatakas na ako.
"Pero paano ka makakatakas kung nandito ka sa puder ko?"
Napalingon ako sa aking likuran at doon ko nakita ang isang nakakairitang mukha.
"Ikaw na naman?"
"Bahay ko 'to, e. Edi makakapunta ako sa kung saan ko man gustuhing pumunta. Kasalanan ko ba kung nandito ka rin pala?"
Psh. Kunwari pa siya, e. Sinet-up niya lang ang lahat ng ito. Tsaka bahay niya raw? Maniwala ako.
"Ano?"
Bigla namang huminto si Argo 16 na para bang nawalan ng battery. At lahay ng iyon ay dahil sa hawak niyang remote.
"Hoy! Kailan mo ba ako papakawalan?!" Bulyaw ko sa kanya.
"Depende sa akin" Aniya at nagkibit-balikat.
"Kapag ako talaga nakatakas dito, talagang isusumbong kita sa mga pulis! Kay mommy! Kay daddy! At lati na rin kay lolo! Tsaka kay–-Relzé!" Pagbabanta ko.
"Go. Do it." Utos naman niya na parang kayang-kaya kong gawin ang mga bagay na iyon ngayon.
"Kapag hindi mo ako pinakawalan ngayon tatalon ako!" Banta ko pa habang nag-iipon ng luha.
"Go. Do it." Pag-uulit niya sa nauna niyang sinabi.
Hinanap ko naman ang edge ng floor na ito pero closed area talaga siya, e. Ang tanging nakikita ko lang ay 'yong liwanag na nanggaling sa labas.
"Tsk. Hay naku. Masanay ka na kasi sa'kin. Talagang hindi ka makakatakas sa bahay na 'to kung wala sa' yo 'yong bagay na magpapatakas sa' yo."
Ano? Hindi ako makakatakas sa bahay na 'to kung hindi ko mahahanap 'yong bagay na magpapatakas sa' kin? What the–-
"Tara na. Simulan na natin 'yong training." Naglakad na siya patungo sa isa sa mga punching dummies at saka ako tiningnan na para bang inaanyayahan ako na daluhan siya.
Wala naman akong magawa kundi ang samahan na lang siya dahil everything is under his control daw edi sige. Pagbibigyan ko siya.... Sa ngayon.
"Sige simu–"
PGSH!!
"WOY!!"
Muntik naman akong matawa sa reaksyon niya dahil sa biglaang pagsuntok ko.
Buti na lang talaga at nakapagtraining ako kahit papaano ng ganito noong taping namin sa Celeste.
Umiling-iling naman siya nang muntikan na siyang matamaan ng punching bag.
Nginisihan ko naman siya at saka ako sumuntok ng tatlo pang sunud-sunod na beses at congrats sa kanya dahil nakakailag siya.
Medyo magaling...
"May alam ka na rin pala dito." Walang emosyon niyang sabi habang panay ang suntok ko.
Maya-maya pa'y muli siyang nagsalita.
"Now, stop."
Ano siya? Si Quiboloy na basta-basta na lang akong papatigilin? Huh! Pwes diyan siya nagkakamali.
Sa huli kong suntok, hindi na gumalaw ang punching bag dahil hinawakan na niya ito.
"I said stop."
Nagulat naman ako doon. Talaga bang ganyan na siya kalakas para pigilan na lang ng gano'n-gano'n ang punching bag? Wow! Medyo nakakabilib, ah.
Oh baka naman mahina lang talaga ako?
Naglabas naman siya ng isang panyo at saka iyon inihagis sa akin.
"Punasa'n mo pawis mo." Utos niya at saka tumalikod.
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya basta ang nababasa ko lang base sa mukha niya ay naiirita siya.
HAHAHA!! One point for me!
Pinunasan ko naman na ang pawis ko at lumapit sa kanya.
" Oh ano!? Suko ka na!? Huh! Hindi mo 'ko kaya. HAHAHA!" Pang-aasar ko pa. Pero siyempre pampalakas loob lang' yon.
Dahan-dahan naman siyang humarap sa akin at nginisihan ako.
"Oh,anong ibig-sabihin ng ngising 'yan?" Tanong ko pero gaya ng palagi niyang ginagawa, hindi siya sumagot bagkus ay nagkibit-balikat lamang.
Gusto ko sana siyang iharap sa akin tapos suntukin at saka siya tano'ngin kung may saltik basiya o kaya naman may sumpong dahil kahit matatalino at mga albularyo hindi kayang basahin kung anuman ang nasa isip niya. Paiba-iba soya ng kilos. Hindi siya consistent. May araw na ganito siya at may mga araw naman na ganoon siya. Ano ba talaga siya? Anong side niya ba talaga ang totoong siya?
Ano? Sky Del Valle?
–-
Ang hirap naman kapag ang kausap mo e pipe. Hindi ba naman magsalita ng tatlong araw! Ang hirap basahin kahit hindi libro.
Sa tatlong araw kasi naming pag-t-training ng sunud-sunod halos wala siyang sinasabi. Walang kahit na anong salita ang lumalabas mula sa kaniyang bibig. Para bang jangin lang ako para sa kanya. May nasabi ba ako noong nakaraang araw na hindi maganda? May hinanap ba ako na wala siya? May hiningi ba ako na importante sa kanya? Wala naman 'di ba? Kaya anong problema niya?
Naisipan kong puntahan siya sa opisina niyapara tano'ngin kung anong problema pero bigla kong naisip na...
Dapat magalit ako sa kanya kasi kinidnap niya ako,' di ba?
Wednesday na ngayon at apat na araw na lang at pasukan na naman. Halos wala pa akong nagagawa dahil naituon ko na lang ang lahat ng aking pansin sa walang-kapararakang training. Para saan na ba kasi' to? Kinidnap niya ba ako para pahirapan ng ganito? Para saan ba kasi ang training na 'to? Pang self-defense ba, e may bodyguard naman ako. O baka naman pangself defense sa kaniya kapag may ginawa siyang masama at hindi kaaya-aya?
Pero ang hindi pa rin talaga mawala sa isip ko e 'yong crumpled paper na nakita ko no'ng isang araw sa may mesa noong pangalawang beses kong nagtangkang tumakas. Hindi naman siguro niya iyon ilalayo at kukunin ng basta-basta kung hindi iyon importante sa kanya. Pero bakit niya iyon nilukut-lukot kung mahalaga pa iyon? Ano na ba talagang mayroon doon sa papel na 'yon at parang may kakaiba talaga doon?
Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng sarili kong mga paa sa kwarto niyang ito. Kumatok muna ako ng tatlong beses gaya ng ginagawa ko sa tuwing pumupunta ako sa opisina ni lolo.
Bakit walang sumasagot?
Nagkibit-balikat na lang ako. Bahala na nga.
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. Sumilip muna ako at nang makitang walang tao, pumasok na ako.
Kahit ang sabi sa amin na huwag papasok sa isang pribadong lugar nang walang pahintulot, sinubukan ko pa ring gawin iyon. My curiosity is killing me softly kaya hindi ko na papalampasin ang araw na ito. Hahanapin ko na ang mga sagot sa katanungan ko.
Una kong pinuntahan ang basurahan na nasa ilalim ng study table niya. Hindi naman masangsang ang amoy nito dahil puro kinurumos na papel lang amg nandito. Halos sumuko na nga ako dahil hindi ko talaga makita ang kulay ng papel na hinahanap ko pero isang bagay ang nakapukaw ng atensyon ko. Ang isang lumang folder. Nasa tabi ito ng basurahan at para bang wala na itong halaga sa kanya. Kinuha ko ito at binuksan ngunit puro punit na pyesa ng papel lang ang nakita ko.
"Ano ba 'to?" Inis na tanong sa sarili nang makitang wala namang kwenta ang laman ng folder.
Pero naisip ko rin na bakit niya ilalagay sa folder ang punit na papel na' to kung wala namang kwenta 'to?
Kinuha ko ang isang bahagi ng papel at binasa ang nasa likod nito.
"M-O-H... Ano' to?" Inilapat ko ang papel sa folder at hinimas ito para naman tumuwid ng kaunti. "Montre–" Ay hindi ko talaga mabasa. Halos mabura na kasi ang ibang letrang nakalagau dito sa sobrang pagkakurumos. Hindi na ba soya naawa sa papel? Hay naku! Kung tao lang ang papel matagal na 'tong nagflat line.
Sinukuan ko na nga ang unang papel at 'yong sumunod naman ang aking kinuha.
"St. Luke' s... Uhh–- Med–-Medical–-UGH!!" binitiwan ko na ang papel at kinuha na ang panibagong parte. Kahit hindi ko masyadong nabasa ang nakasulat e sigurado na ako na pangalan iyon ng ospital. May Medical edi ospital.
"Sh-Sheila D–Vera ?" Pinadausdos ko ang aking daliri patungo sa kabilang dulo ng papel. "Zer–o-on Mon–al?"
Ayyyysus! Para akong naglalaro ng PuzzleTangled nito, ah.
Sunod ko namang kinuha ay 'yong huling piraso ng papel na nakatalikod sa akin. Pero nang ihaharap ko na ito'y nagulat na lamang ako nang may biglang humablot ng aking braso at halos ibalibag na ako sa ere.
"Anong ginagawa mo rito!?" Galit niyang tanong sa akin at itinapon ang tatlong piraso ng papel sa basurahan.
"Ah–-S-sorry." Iyan lamamg ang tanging lumabas sa aking bibig.
"Get out!" Utos niya
Halos hindi naman ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa labis na pangamba.
"What the hell! I said get out!" ulit niya pa dahilan para matauhan na ako.
HINDI ko alam pero mas naging mabilis ang pagtakbo ko ngayong oras na ito kumpara sa ibang mga araw na tunatakbo ako. Dahil ba 'to sa adrenaline rush?
Natigil ako sa aking pagtakbo nang may mamataan akong isang bagay. Ang charger. Tama. Agad ko itong kinuha at dali-daling nagtungo sa aking kwarto at mabilis ko iyong isinaksak sa aking cellphone para magkaroon iyon ng kaunting baterya.
Binuksan ko na ang aking cellphone maya-maya lang at mabilis na tinurn-on ang location. Eto na siguro ang magpapalaya sa akin. Nakasisiguro ako na malolocate na ako ng pamilya ko dahil nasa akin na ang susi sa paglaya ko.
Nang matapos ko iyong buksan, dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto para abangan kung sino man ang makakakita ng location ko. Kaya lang–-
"Ahhhh!" Sigaw ko nang maramdaman kong tumama ang aking likuran sa pader ng kwarto ko. Narinig ko rin ang pagsara ng pintuan dito at kasabay noon ay ang pagkakakulong ko sa mga bisig niya.
"Alam ko ang ginawa mo." Bulong niya sa akin.
Sobra naman ngayon ang pagkabog ng dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan. May problema na ba ako? Bakit ako nagkakaganito?
"P-paanong nalaman mo?" utal kong tanong.
"Hindi ba obvious? Masyado kang natakot sa akin kanina kaya isa lang nasa isip mo. Ang tumakas 'di ba? Kaya mo nga binuksan ang location ng cellphone mo."
"P-paano mo nalaman' yon?"
"Tsk. Anim na araw ka nang nandito hindi mo pa rin napapansin ang CCTV na nasa right side ng kwarto?"
Kahit gustuhin ko mang tingnan ang CCTV na sinasabi niya, hindi ko pa rin maialis ang tingin sa maganda niyang mga mata. Is there something wrong with his eyes? Bakit parang na-hy-hypnotize ako sa tuwing tumitingin ako sa mga iyon?
"After 20 minutes darating na sila." Aniya.
"B-bakit hindi mo patayin 'yong–" Hindi ko na nagawang tapusin pa ang aking sasabihin dahil sa biglaang paglapit ng mukha niya sa akin.
"Sa loob ng anim na araw wala ka bang napansin?" Hindi ko maintindihan ang mga mata niya. Alam kong may husto siyang ipahiwatig pero hindi ko talaga maintindihan. Naguguluhan ako.
"Sa loob ng anim na araw wala ka bang kakaibang nakita? Hindi ka naman siguro masyadong gumagala hindi ba?" I saw dis​ap​point​ment on his face na para bang may misyon siyang hindi niya nagawa.
"Ano bang ibig mong sabihin? Hindi kita naiintindihan?" Nanghihina kong sambit.
Ngumisi siya. "Mas mabuti nang wala kang nalalaman." Maangas no'yang ani.
"Ano bang sinasabi mo?"
Hindi naman na siya sumagot at lumayo na sa akin saka kinuha ang remote na palagi niyang dala-dala. Ilang pindot niya lang doon at sunud-sunod na pagkaluskos na ang aking narinig.
"The doors in this mansion are now open. You may now go." Sambit niya at saka lumabas ng kwarto.
Makalipas ang ilang minuto'y dumating na nga sila. Panay tuli ng luha sa aking paglabas. Hindi ko alam kung bakit. Siguro sa tuwa dahil makakalaya na ako? Ewan.
" Hera!" Sinalubong ako ni mommy at agad akong niyakap. Ganoon din si Ralshé na hindi napigilan ang luha dahil sa tuwa.
"Ate!" Anito at muli na namam akong niyakap.
Hindi ko naman na napigilan pa ang aking sarili at napahagulgol na rin dahil sa daming emosyon na naghalu-halo sa aking puso.
"M-mommy... R-Ralshé... D-daddy.." Sambit ko.
Nilagyan naman nila ako ng scarf sa magkabila kong balikat upang hindi ako lamigin.
Si daddy, gaya ng palagi, wala pa rin siyang emosyon. Blangko pa rin ang kanyang mukha. Naka-poker face pa rin siya.
Maya-maya pa'y dumating na ang mga pulis.
"M-mommy bakit po may pulis?" Tanong ko
Lumabas na ang mga pulis sa sasakyan at papasukin na sana ang bahay nang bigla ko silang pigilan.
"Why, Hera?!" Saad ni daddy pero umiling lang ako.
"Sorry po sa abala pero hindi na po kailangan." Ibinaling ko ang atensyon ko sa aking mga magulang at umiling. "Huwag. Wala pong nangyaring hindi maganda sa akin kaya..." Muli kong tiningnan ang mga pulis. "Uuwi na po kami."
Sinabayan na ako ni Ralshé sa sasakyan. Papasok na sana kami nang may biglang yumakap sa akin.
"H-Hera...." tugon nito.
Sa boses pa lang niya'y alam ko na kung sino siya. Dahan-dahan akong humarap sa kanya at niyakap siya pabalik.
"I miss you..." Tugon ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"I love you..." Sambit nito.
"I love you so much.." Mangiyak-ngiyak kong tugon.
Kahit ba anim na araw lang kaming hindi nagkikita'y miss na miss ko pa rin siya. Hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanya. Mahal na mahal ko siya.
Pagkauwi ko'y agad nila akong kinwestyon.
"Ano namang kahibangan 'yan, Hera? Bakit hindi mo na lang hinayaan ang mga pulis na mahuli ang mga kidnappers?!" Bungad sa akon ni daddy.
"H-hindi na po kailangan." Sambit ko at naglakad na paakyat sa taas.
Pagkapasok ko sa aking kwarto' y kaagad akong humilata sa aking kama at tumitig sa kisame. Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap ng utak ko ang mga nangyari. Ang gulu-gulo talaga. Kakaiba. Sa sobrang daming nangyari, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Sa kalagitnaan ng pagtulog ko'y bigla kong napanaginipan ang mga nakita ko sa kwarto ni Sky dahilan para mapabalikwas ako sa pagkakahiga.
St. Luke's Medical... Sheila D-Vera... At Zer-on Mon-al.
Parang may something in common sa kanila. 'yong St. Luke's, ospital iyon. 'yong Sheila D-Vera kung bubuuin naman ang apelyido, maaari mong mabuo ang Sheila De Vera na maiden name ng president ng Transford Corporation at 'yong Zer-on Mon-al, isa lang ang pumapasok sa aking isipan na maaaring maging katunog ng pangalan na iyon, Zerlon Montréal. Ang CEO ng kakumpitensya naming kumpanya. At ang tatlong iyon, maaaring makita sa isang birth certificate. Pero kung birth certificate nga iyon ni Sky, possible kaya na parents niya rin ang mga magulang nina Caizer at Raizel Montréal? At kung sa iba man iyon, masyado pa ring nakakapagtaka kung mapunta sa kanya iyon. Posible kayang may koneksyon siya sa mga Montréal?

Book Comment (19)

  • avatar
    DanaoJhon Ross

    good morning ako po si Jake at may kwento ako sainyo shdjejwjwnwwnsdffdhahabababababsbsbsbshebebsjsbsbrdid in a while so I can get it to you you can you can get you a while ago but I'm not sure if I can get it to you tomorrow morning ako po si Jake at the pak you can get it to you tomorrow morning ako na na na song is on my desk at may have been the same since we got in person or not interested anu manHAHA I mean I'm coming to get you can I come get it tomorrow and send me a pic please anversus

    21/07

      0
  • avatar
    PatricioJoan

    thank you so much

    07/06

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters